The Prince Who Stole My Glass...

By VentreCanard

20.1M 838K 191K

In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of yo... More

Prologue
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 52

236K 9.6K 1.2K
By VentreCanard

Chapter 52


Bumaba ako ng kotseng lumuluha, hindi ko na nagawang lumingon dito nang marinig kong nagsisimula na itong tumakbo papalayo sa akin. Ilang eksenang ganito pa ang mararanasan ko?

Ilang beses pa ba akong iiwanan ng mga taong mamahalin ko?

Nakatungo akong naglakad pauwi sa bahay at halos kumulo ang dugo ko nang masagi sa aking mata ang apartment nang lalaking mukhang masaya na sa mga oras na ito. Bakit gustong gusto niya akong makitang lumuluha? Hindi pa ba siya nasiyahan nang iwan niya ako? Nasisigurado kong may sinabi siya kay Bello nang nasa banyo ako!

Pabagsak kong isinarado ang pintuan ng bahay at tumakbo na ako sa kama at dito ako walang humpay na humagulhol. Bakit ako iniwan ni Bello? Bakit hindi niya ako paniwalaang mahal ko siya? Masaya naman kami ng buong isang taon, wala naman kaming problema. Bakit nang bigla lang dumating si Rashid nagkaganito na?

Walang ubos ang luha ko sa buong oras na nakasubsob ako sa kama. Hindi ko na namalayan ang oras. Kahit anong pilit kong gustong matulog hindi ko magawang matulog. Halos sabunutan ko na ang sarili ko at iritado akong tumayo sa kama.

Sinubukan kong sumilip sa labas pero nagsisi ako nang makita ko si Rashid na naglalakad nang hindi diretso at ilang beses pa siyang muntik nang matumba. Muli na namang nabuhay ang lahat ng galit ko sa kanya at nagmadali akong lumabas ng aking kwarto.

Saktong papasok na siya ng kanyang apartment nang marahas ko siyang pinaghahampas sa kanyang likuran.

"Fvck! What the—" agad hinagip ang mga kamay ko para pigilan ako sa walang tigil na paghampas sa kanya. Pansin ko na may hawak siyang bote ng alak. Damn, amoy alak ang gago.

"Aurelia?" kusang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

"Happy now?! Masaya ka na Rashid na iniwan ako ni Bello?! Masaya ka nang ginulo mo na naman ang buhay ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"What?" ilang beses niyang minasahe ang kanyang noo. Pansin ko na humawak na siya sa pintuan para kumuha ng balanse.

"Nagmamaang maangan ka pa Rashid?! Alam kong may sinabi ka kay Bello! My god! Can't you just leave me alone Rashid?! Masaya na ako! Bakit ka pa dumating?!" Mas malakas na sigaw ko sa kanya.

"Aurelia, naririnig ka ng mga kapitbahay."

"Now you're worried about our neighbors?! Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa taong nasa paligid mong manloloko ka! Sinungaling ka Rashid! Nangako ka nang nangako sa akin pero wala ka man lang tinupad kahit isa! Tapos ano itong ginagawa mo?! He broke up with me Rashid! Iniwan ako ni Bello dahil sa'yo! Kasalanan mo itong lahat!" halos pagsasampalin ko siya sa sobrang galit ko.

"Shit! Huwag ka ditong magwala sa labas Aurelia. Ginigising mo ang mga kapitbahay natin." Lalong kumulo ang dugo ko nang walang habas akong binuhat ni Rashid papasok ng kanyang apartment at gamit ang paa niya at agad niya itong isinarado.

Pabagsak niya akong ibinaba sa sofa at agad niyang inalagay sa sandalan ang dalawang kamay niya dahilan bakit ako nakakulong sa kanya ngayon.

"Ilang beses kong sinabi sa'yo Aurelia na magpapaliwanag ako."

"For what? Sa tingin mo ba ay kailangan ko ito sa tagal ng dalawang taon Rashid?! Huli na ang lahat! Dahil wala na akong nararamdaman sa'yo! Galit na galit ako sa'yo Rashid! Gusto kitang paulit ulit na saktan katulad ng ginagawa mo sa akin!" ilang beses kong pinaghahampas ang dibdib niya habang walang tigil sa pagluha.

"Masaya na ako kay Bello, Rashid. Hindi ito kumikirot kapag kasama ko siya, walang sakit. Hindi ako nahihirapan pero ikaw, wala ka nang ginawa kundi hiwain ang puso ko nang paulit ulit Rashid. He broke up with me! He broke up with me because of you!" Wala pa rin akong tigil sa paghampas sa kanya.

"What? You were just---" muling lumipad ang palad ko sa pisngi niya.

"Stop playing your game Rashid! Alam kong may sinabi ka kay Bello kaya niya ako piniling hiwalayan! Rashid naman, masaya na ako! Masaya na ako sa kanya. Please, don't ruin my life again. You did it once Rashid, tama na."

"He broke up with you?" umawang ang bibig ko sa tanong niya.

"Are you—are you damn insane Rashid?! Alam kong may alam ka dito!"

"Tang ina, gago siya. Gago siya." Pansin ko na agad lumapad ang ngisi niya sa sinabi ko. Naramdaman kong napaluhod na si Rashid sa akin at napatitig na lang ako sa kanya nang isubsob niya ang sarili niya sa aking mga hita. Gusto ko siyang itulak, gusto ko siyang sipain pero wala man lang akong magawa.

Lumuluha akong nakatitig sa kanya, ito na naman ako, ito na naman ang epekto sa akin ni Rashid. I did fall for him with his simple gestures like this.

Nagtaasan ang balahibo ko nang ihaplos niya ang pisngi niya sa hita ko.

"I'm glad, I'm glad baby. Masaya akong hiniwalayan ka niya." Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ako sa ibang direksyon habang ramdam ko ang painit na paghinga ni Rashid sa nangangatal kong mga hita.

"Tumayo ka Rashid, tumayo ka." Hindi niya ako pinakinggan.

"Rashid"

"Rashid! Ano ba? I said move!" Tumayo siya sa sinabi ko kaya mabilis rin akong tumayo. Agad kong itinulak ang dibdib niya at muli ko siyang sinampal.

"Sa tingin mo babalikan kita dahil wala na kami ni Bello? Never Rashid! Never! Hinding hindi na kita babalikan!" akma ko na sana siyang lalampasan nang makarinig kami ng malakas na kalampag sa pintuan.

"Rashid! Ano bang ingay 'yan?! Nakakagising ka na ng kapitbahay natin! Buksan mo ito hijo!" Naalarma ako nang marinig ko ang boses ni Aling Berta.

Walang buhay na naglakad si Rashid sa pintuan na siyang nagpalaki ng mata ko.

"Are you an idiot?! Nandito pa ako!" iritado pero mahinang boses na sabi ko.

"Why not shouting now? Hide inside my room." Napaatras ako sa sinabi niya. Not in his damn room.

"Ikaw ang bahala, I'll open this."

"Fvck you Rashid! Fvck you!" nagmadali na akong pumunta sa kwarto niya at isinarado ko na ito.

Pinakinggan ko ang usapan nila ni Aling Berta.

"Hijo, hindi ba at sinabi ko na sa'yo na mahigpit kong pinagbabawalan ang ingay? Nakarinig ako ng boses ng babae dito. Wala namang kaso sa akin hijo kung magdala ka ng babae, wala akong pakialam dito. Ang sa akin lang sana iniisip mo ang mga taong maapektuhan kung gagawa ka ng ingay. Tulugan na hijo, siguradong maraming magrereklamo sa akin bukas ng umaga dahil dito."

"Pasensiya na po, hindi na po mauulit."

"Hijo, huwag ka rin masyadong magpakalunod sa alak. Tingnan mo ang apartment mo, punong puno na ng bote. Nakakasama 'yan sa kalusugan." Pansin ko rin ito nang pumasok ako sa apartment ni Rashid.

Kailan pa siya natututong uminom nang ganito karami?

"Sige po, salamat po."

"Alam kong may itinatago kang babae hijo ngayon, nakikiusap ako sa inyong dalawa. Hinaan nyo ang boses nyo kung magtatalo kayo, pausap na hijo."

"Pasensiya na po." Tipid na sagot ni Rashid.

Narinig ko nang nagsarado ang pintuan. Agad kong inabot ang doorknob ng pintuan ng kwarto ni Rashid at agad ko itong ni lock. Nakaupo ako sa likuran nito habang yakap ko ang mga binti ko.

Tinangkang buksan ni Rashid ang kwarto pero nang mapansin niyang lock ito narinig ko na lamang siya magsalita.

"I'm sorry for everything. For leaving you, for making you cry and for breaking my promises. Yes, I deserve all your hatred."

Alam kong katulad ko ay nakasandal din siya sa pintuan.

"Sa tingin mo ba ginusto kitang iwanan? I never wanted to leave you alone. Dahil ikaw na ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay Aurelia, simula nang iwan ako ng magulang ko, I never felt loved and cared not until you came." Nakagat ko na lamang ang labi ko. Ganito rin ang pakiramdam ko sa kanya. Pareho nga pala kaming naulila at naiwan ng mga magulang.

"Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita Aurelia, nakikita ko ang sarili kong ngumingiti habang naaalala ka at ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa tuwing hinahawakan kita. I love you so much Aurelia, I love you baby. At kahit dalawang taon ko nang pilit isinasaksak sa isip na ko na hindi ako nararapat sa'yo, ito pa rin ako at muling nagsusumiksik sa'yo." Kumunot ang noo ko sa mga huli niyang sinabi. Papaanong hindi nararapat?

"Kung sinasabi mo sa akin na ako ang buhay mo. Hindi Aurelia, ikaw ang mas buhay ko. You are my life Aurelia, you are. At mawawala ako sa katinuan kapag may nangyaring masama sa'yo. I did left you to protect you baby." What? Anong sinasabi ni Rashid?

"Everything was all set up, handa na akong iwan ang bagay na matagal ko nang minahal dahil dumating ka. Dumating si Aurelia na mas mahal na mahal na mahal ko. Tutupad ako Aurelia, pakakasalan na kita ng araw na 'yon. But everything was so fast, lahat ng responsibilidad ay naako sa akin. Naiwan sa akin ang buhay libong taong pamamahalaan ko. I can't just leave them hanging for my own happiness." Wala akong naiintindihan sa sinasabi ni Rashid.

"Sa pagkuha ko ng responsibilidad na ito, alam kong madadamay ka. Kaya lumayo ako. Makakapatay ako ng tao kapag may nangyaring masama sa'yo." Bigla kong naalala si Courtney.

"Rashid, tell me. Did—did you kill Courtney?" natahimik si Rashid sa tanong ko.

"Rashid, I am asking you!"

"Yes, I did."


--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

9.2M 452K 63
In fairy tale, the spinning wheel made the princess fall into her deep sleep, a sleep like death from which she will never awaken. But mine was a dif...
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
10.9M 558K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
992K 76K 53
Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never be entangled with them or that's what sh...