Mad Hatter

De hrxshyx

2.6K 408 232

(UNDER MAJOR EDITING.) "Have I gone mad?" I asked her. "Yes, but let me tell you a secret, all the best peopl... Mai multe

M A D H A T T E R
O N E : The Internship
T W O: Head Start
T H R E E: Maze
F O U R: Blue Catterpillar
F I V E: Wake Up
S I X: Strangers
S E V E N: Devil in the Pool
E I G H T: Lurking Ghost
T E N: Finally
E L E V E N: One of Them
T W E L V E: Dinner Date
T H I R T E E N: Chase
F O U R T E E N: Home
F I F T E E N : The Feast
S I X T E E N : Downfall
S E V E N T E E N : Shelter
E I G H T E E N : Long Night
N I N E T E E N : Don't Breathe
T W E N T Y: Arzillan
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y O N E
T W E N T Y T W O
T W E N T Y T H R E E
T W E N T Y F O U R
T W E N T Y F I V E
----
TWENTY SIX
T W E N T Y S E V E N
T W E N T Y E I G H T
T W E N T Y N I N E

N I N E: Past

39 16 4
De hrxshyx

CHAPTER NINE:
Past

"Oy, Charle, sigurado ka ba dito?" Tanong ko kay Charle habang nakatingin sa lagusang bumukas para sa amin.

"Para itong, yung puting liwanag, kapag sinusundo ka na? Gets nyo?" Sabi samin ni Alice na nakatingin rin rito.

"Pero ang exit ay nasa section 7 diba?" Pagpapaalala ko sa kanila.

"Alam ko pero... di ba kayo nacu-curious man lang?" Tanong sa amin ni Charle at naglakad papasok ng lagusan ng isang hakbang. So mali kami, hindi pala ito ang exit.

"Curiosity kills the cat, Charle." sabi ko sa kanya na may halong pagbabanta. Nagaalala lang ako, baka dahil pa sa curiousity namin eh mapahamak pa kami.

"Tara na." sabi ni Charle, naging harsh at malamig ang pagkakasabi nya nito at parang naiba ang kanyang timpla ng marinig nya ang sinabi ko. Hindi ko naman yun sinabi para maoffend siya, I am just concerned for our safety. Mahirap na.

"Pero Charle, kung may nagaabang sa'tin sa  kabilang dulo, ikaw may kasalanan ah" wika ni Alice kay Charle.

Nagdesisyon si Charle na tingnan pa rin kung ano ang meron don, well curious din ako pero natatakot din at the same time. What if exit nga yun diba? Sumunod na kami kay Charle at naglakad papasok ng lagusang aming nakita.

"Tanong lang ah, may regla ba yung hinayupak na multong 'yun?" Tanong ni Charle habang pinupunasan ang dugo sa kanyang katawan.

"Sobrang nakakaani 'to leche" bigkas ko at nagpunas na rin ng dugong nakadikit sa aking katawan, ganoon rin ang ginawa ni Alice.

"Sa tingin nyo ilang araw na tayong pagala-gala dito?" Tanong ni Alice sa amin.

"Three to four days or even a week, iba kasi yung oras dito at oras sa labas, ang galing nga e." pagpapaliwanag ko kay Alice, habang itinatago ang pinangpunas kong panyo.

"Kaya pala sobrang bilis dumilim!" Sabi ni Alice.

"Tara na." yakag sa amin ni Charle, inayos nya ang kanyang bag at nagsimula na muli kaming maglakad.

We started walking again, until we  reached the end, where they saw an empty room, with nothing but a circular table with four black chairs.

Katulad na katulad ng silid kung saan nakita namin sa Calvie, kulay at yung atmosphere lang dito ang iba, mas mabigat, parang depressing ng aura ng buong paligid. Hindi gaanong malinwang dito, tanging ang ilaw lang na nakalusot mula sa binta ang source ng liwanag dito.

"Come, have a sit" a man with black long coat that reached his toes said, he has a shoulder length black hair and black irises, he seated on one of the chairs around the table.

Nagkatinginan kaming tatlo at tumango si Charle kaya't umupo kami sa tatlong bakanteng upuan na nasa harap namin.

"Welcome, my children" He said with his creepy tone.

"Asan kami? at Sino ka?" tanong ko pagkaupong-pagkaupo ko. Nakatingin lang sa amin ang lalaki, ang mukha niya ay walang ekspresyon. Wala ring buhay ang mga mata niya.

"You're in the house of memories and I am Sev, the owner." sagot ng lalaki, nananatiling walang ekspreyon ang mukha niya.

"Isa na naman ba itong phase sa maze na ito? Pagod na ako, ano papatayin mo din kami?" Sigaw ni Alice sa lalaki.

"Kumalma ka ija, hindi ko kayo papatayin." maikling sagot ng lalaki sa amin. Naguluhan naman ako. Kung hindi siya hahadlang sa amin, imposible namang pinagpahinga lang kami dito right?

"What do you mean?" tanong ni Charle, kalmado lang siya ngayon. Which I really liked about him. Kahit anong panic namin ni Alice siya ang nagneu-neutralize sa amin. He surely have a strong mentality.

"Hindi ako ang papatay sa inyo." Pagkasabi niya noon biglang nagbago ang ekspresyon niya, para siyang nagyayabang na ewan.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"You will kill yourselves." sagot niya at ngumiti, ngiting nakakapangilabot, na para bang nagbabanta siya. Walang umimik sa aming tatlo. Bakas ang takot sa mukha ni Alice at si Charle naman ay kalmado pa rin hanggang ngayon. Ako? hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa totoo lang. Ang alam ko lang, ayoko pang mamatay. Hindi pa. Hindi pa pwede.

"I'm going to show you something from the deepest of your memories" Biglang sabi ni Sev. Tumigil siya sa pagsasaita at tiningnan si Charle. "Lalo ka na." pagpapatuloy niya.

"Ipapaalala ko sa inyo kung ano ang pinakakinakatago niyong ala-ala. Ang mga ala-ala na gusto niyo ng ibaon sa limot." tuloy tuloy ang pagsasalita niya at pagkatapos noon,  biglang dumilim ang lahat.

••••••••
Alice

Namulat ang mata ko sa isang silid, lahat ng gamit at maging ang mga pader ay puti. Unti-unti akong tumayo sa pagkakahiga ko sa kama at dahan-dahang lumabas ng silid.

Napakadaming tao, lahat ito ay nakasuot ng puting lab coats. Mukhang busy ang mga ito, ni hindi man lang napansin ng mga ito ang presensya ko. Patuloy akong naglakad sa akala mo walang hanggang na hallway.

Walang pagbabago, napakadaming naglalakad na tao sa kaniya, lahat ay nagmamadali. Hanggang sa makarating ako sa pinakadulo ng hall way at doon may nagiisang pintuan.

Unti-unti kong hinawakan ang door knob at bahagyang pinihit ito.

Bumunbad sa kanya ang napakalaking silid, may mga bata at matandang nakahiga sa bawat isa sa napakaraming kama doon. Nakatali sila sa kama at nagpupumiglas. Tatlo o higit pa ang nakapalibot na mga taong nakala coat bawat  kama.

Familiar ang mga mukha nila sakin. Hindi ko alam kung saan ko sila nakita pero alam kong nakita ko na sila.

"A-Alice.." tawag sa akin ng isang lalaki. Pilit niyang inaabot ang mga kamay ko.

Noong makita ko ang kabuoan ng mukha niya, naalala ko na kung saan ko siya nakita. Sa maze. Sa unang phase.

Si Calvie.

"Alice, tulungan mo ako please." pagmamakaawa niya sakin. Ngunit hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

"Alice please, ayoko pang mamatay." sabi ni Calvie habang pilit pa ring inaabot ang kamay ko.

"Alice tulungan mo ako."

"Ate Alice, please."

"Alice, ilayo mo kami dito."

"Alice, maawa ka samin."

"Parang awa mo na tulungan mo kami."

Sabay-sabay silang nagsalita, unti-unti kong nakilala ang mga mukha nila.

Si Calvie.

Si Sev.

Si Yin.

Si Yang.

Si Prim.

Si Zch at si Charle?

Paano? Bakit sila nandito?

"ALICE, TULUNGAN MO KAMI." Sigaw ni Calvie habang binubuksan ng mga taong nakaputi ang tiyan niya, para akong nastuck sa kinakatayuan ko, napatulala lang ako kay Calvie.

"Ate, Ate please." tawag sa akon ni Yang habang dala-dala silang dalawang magkapatid ng mga taong nakaputi sa isang malaking transparent na tube na puno ng kulay asul na tubig.  Inilublob sila doon, nagpapakaawa sila sa akin pero wala akong nagawa hanggang sa mawalan sila ng malay at tuluyan lumubog sa tubig at sinaraduhan naman ito ng mga taong nakaputi.

"Alice, magkaibigan tayo diba? Kaibigan mo kaming lahat diba? Bakit hinahayaan mo kaming mamatay?" mahinahon na sabi ni Prim, walang tigil ang pagtulo ng luha niya. Inilayo sa akin ng mga taong nakaputi ang kama na kinahihigaan ni Prim.

"Masahol ka pa sa hayop Alice." sabi sakin ni Charle, nagwawala siya sa kama na pinagkakatalian niya, ramdam ko ang galit niya.

Pero bakit?

Bakit ako?

Bakit sa akin sila galit?

"Alice.." napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Zch. Unlike Charle, nakahiga lang siya sa kama at nakatingin sa akin. Hindi siya napiglas, nakahiga lang talaga siya.

Walang ekspresyon ang mukha niya, nakatingin lang siya sa akin na para bang napakawalang kwenta kong bagay.

"Kasalanan mo itong lahat, marami kang pwedeng gawin, pero pinili mong manood lang habang pinapahirapan kami, habang pinapatay nila kami unti-unti. Kasalanan mo Alice, KASALANAN MO ITONG LAHAT." Sigaw niya.

Napaupo ako bigla, walang tigil ang boses nila sa loob ng  utak ko, tinakpan ko ang tenga ko in hopes of mapatigil ang mga sigaw nila. Ipinikit ko na din ang mata ko dahil hindi ko na kayang makita ang pinangagagawa nila.

"Tama na please."

••••••

Zch

Napakadilim ng paligid. Nakaupo lang ako sa isang upuan at mayroong nakapatong na gasera sa lamesa sa harap ko.
Agad ko itong kinuha at tumayo. Inilawan ko ang paligid ko, para akong nasa isang mahabang pasilyo.

Tinahak ko ang nagiisang daan, ang gasera lamang na dala ko ang liwanag. Lahat ng madaanan ko at paulit-ulit lang.

Hindi ko alam, may isang oras na ata akong palakad-lakad dito pero wala pa din akong nararating.

Magkikita pa tayo, anak. Kapag magaling ka na.

Nagulat ako sa narinig ko.  Boses ng isang babaeng pamilyar sa akin pero hindi ko malaman kung sino. Paulit-ulit lang ang sinasabi nito kaya't sinubukan kong hanapin ang pinaggagalingan ng boses ngunit wala.

Kadiliman lang. Walang ibang tao dito kundi ako.

••••••

Charle

Nagising ako sa isang kwarto. Kwarto na sobrang pamilyar sa akin. Ang kwarto ko noong bata ako. Wala itong pinagbago. Ang mga gamit ko ay nasa tamang pwesto pa din.

Pero bakit?

Paano ako napunta dito?

Nagulat ako noong may kumatok sa may pintuan at kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto.

"Anak, Charle gumising ka na. Ready na ang breakfast." sabi niya at nakatingin sa kama. Doon ko nakita ang batang ako, na kagigising lang.

Agad itong sumunod sa nanay ko at pumunta sila sa kusina kung saan nakaupo na ang tatay ko na kamukhang-kamukha ko mayroon lang itong straight na itim na buhok. Ang kulot na buhok ko ay nakuha ko sa aking nanay na ngayong ipinaghahanda ang batang ako ng pagkain.

"Tanghali ka na naman nagising." Inis na sinuntok ng batang ako ang batang babae sa tabi niya.

Gem.

Ang ate ko. Babaeng version ko lang siya, tulad kaming may kulot na buhok at kulay berdeng mata na nakuha namin sa aming tatay.  Pabirong gumanti ng suntok si Gem sa batang ako.

"Tumigil na kayo, nasa harap ng pagkainan oh." May awtoridad na panenermon sa amin ng aking tatay. Ang tatay ko ay may lahing briton, dito na siya nanirahan noong nakilala niya ang nanay ko kaya't napakagaling na niya sa pagsasalita ng tagalog.

Kumain ang pamilya ng masaya. Napangiti na lang ako sa nakikita ko.

Masaya talaga.

Masaya kami dati.

Natigil ang masayang kaininan ng may biglang kumatok. Lumakas ng tibok ng puso ko, hindi pwede.

Hindi pwedeng mangyari ulit yun.

Tumayo ang nanay ko para buksan ang pinto.

"Ma, please huwag mong buksan." sinubukan ko siyang kausapin pero para lang akong hangin. Tuloy-tuloy siyang pumunta sa pinto at binuksan iyon.

Mga taong nakaputi ang bumungad sa kaniya, nakatutok ang baril sa ulo niya.

"Ano pong kailangan niyo?" bakas sa mukha niya ang takot, narinig naman ng tatay ko ang paglakas ng boses ni Mama. Agad siyang tumayo at sinabihan ang batang ako at si Gem na magtago sa kwarto, hindi nila alam ang nangyayari pero sumunod na lamang sila.

"Pa, please wag na kayong makipagusap sa kanila." sinubukan ko ulit magsalita pero hindi nila talaga ako marinig.

Pumunta ang tatay ko kung nasaan ang nanay ko.

"Anong kailangan nyo samin?" tanong ng tatay ko. Ibinaling ng taong nakaputi ang baril sa ulo ng tatay ko.

"Ang mga bata, nasaan?" tanong nito.

"Wala, wala kaming anak." Agad na sagot ng tatay ko.

"Sinungaling." pagkasabi ng tatay ko noon, nakarinig ako ng dalawang putok at ang pagbagsak ng katawan ng nanay at tatay ko.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Naulit na naman, bakit kailangan kong makita ulit ito?

Agad na umakyat at hinalughog ng mga taong nakaputi ang buong bahay. Ako at si Gem, ay nakatago sa may cabinet namin.

Iyak nang iyak ang batang ako na pilit pinapatahan ni Gem na natulo din ang luha.

"Ssh, wag kang maingay Charle please?" pangmamakaawa ni Gem sa batang ako.

"Anong nangyayare ate? Asan sina mama? Sino yung mga taong yun?" agad na tinakpan ni Gem ang bibig ng batang ako ng may narinig silang yabag ng ma taong papalapit sa cabinet na pinagtataguan nila.

"Tumakbo kayo please. Umalis na kayo dito." pagmamakaawa ko sa kanila.

Hindi tiningnan ng nga taong nakaputi ang cabinet at dinaanan lang ito. Nakahanap ng pagkakataon sila na makarakas. Agad-agad silang tumakbo palabas ng kwarto ngunit nakita ng batang ako ang bangkay ng nanay at tatay ko.

"Mama!" sigaw ng batang ako. Napatigil naman sa pagtakbo si Gem at dali-daling pilit na hinihila ang batang ako sa pagkakayakap sa bangkay ng nanay ko.

"Charle, halika na please." pagmamakaawa ni Gem, pero hindi ko siya pinakinggan. Hanggang sa nakita sila ng mga taong nakaputi.

"Tumakbo ka na Gem, iligtas mo ang sarili mo." sigaw ko, pero tulad ng kanina, hindi nila ako narinig.

Buong lakas nahinila ni Gem ang batang ako sa bangkay ng nanay namin.

"Takbo Charle, Tumakbo ka." sigaw ni Gem at sinunod naman siya ng batang ako habang natakbo ako may narinig akong putok ng baril.

Wala na.

Wala na si Gem.

Dahil sakin, namatay si Gem.

Pinilit kong ipikit ang mata ko, pero hindi ko magawa. Nakatulala lang ako sa maliit at nagaagaw buhay na katawan ng kapatid ko.

Nagulat ako noong inabot ni Gem ang kamay ko. Paano niya ako nakita.

"Bakit mo ginawa yun Charle?"

"Bakit kailangan mo akong ipahamak?"

"Kasalanan mo itong lahat."

Hinawakan ko ang madugong kamay ni Gem at yinakap ito. Walang tigil ang pagiyak ko.

"Sorry, Sorry Gem, kasalanan ko, patawarin mo ako please." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Kailangan mong mamatay, mamatay ka kasama ko." sabi niya, humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatingin ako sa kaniya at mayroon na siyang itim na mata.  Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya pero hindi ko ito matanggal.

"Hindi ikaw si Gem! Hindi kita kapatid!" sigaw ko.

Kahit kailan, hindi hihilingin ni Gem na mapahamak ako, kahit buhay niya ang kapalit, ililigtas at ililigtas niya ako.

Nakita ko ang baril sa hindi kalayuan at ibinaril ito sa kung sino mang nasa harap ko.

"Huwag na huwag n'yong babastusin ang ala-ala ng kapatid ko." bulong ko.

Ang dating si Gem ay naging si Sev, may butas ito sa ulo mula sa baril na ipinutok ko. Wala akong maramdaman ngayon. Nakapatay ako ng tao pero wala akong maramdaman.

Zch

Nakita ko ang lahat, binaril ni Charle si Sev. Hindi ko alam kung bakit at ano ang sinasabi ni Charle tungkol sa ala-ala ng kapatid niya pagkatapos niyang barilin si Sev.

Oo, nakakatakot.

Natatakot akong lumapit kay Charle. Nakaupo lang siya sa tabi ng bangkay ni Sev kagaya ni Alice na kanina pa nakaupo lang sa isang sulok.

Dahan-dahan akong lumapit kay Charle at sa bangkay ni Sev. Tiningnan ko ang batok niya at doon nakita ang mark nito.

Property of WKAS

The Nightmare Bringer
Subject B26

"Pinatay ko siya Zch." Biglang sabi ni Charle. Napatingin ako sa kaniya. Nagulat ako noong nakita siyang hawak ang baril at nakatutok sa sarili niya.

"I killed her, I dont have any right to live" he mumbled.

"Pinatay ko siya, ako ang pumatay sa kapatid ko" dagdag pa ni Charle.


"Charle, ibaba mo yang baril please." pagpapakalma ko sa kaniya. Hindi ako makalapit, baka kung anong gawin niya.

"Pinatay ko ang kapatid ko Zch." paguulit niya sa sinabi niya. Wala akong alam sa sinasabi ni Charle.

"No, Charle. Hindi mo siya pinatay okay?" pero hindi niya ako pinansin. Walang tigil ang pagtulo ng luha niya. Ngayon ko lang nakita si Charle na ganito.

"Charle, please." pagmamakaawa ko ulit sa kaniya. Hindi pa rin nito binababa ang baril na nakatutok sa ulo niya.

"Kailangan kong pagbayaran ang pagkamatay niya." sagot ni Charle.  Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Alice. Ibang-iba sa Alice na kilala ko na maingay at palangiti.

"Tara na, hayaan mo na siya diyan." Nagulat ako sa sinabi ni Alice. Hindi kahit kailan masasabi yan ni Alice.

"Ano? Anong sinasabi mo diyan Alice? Iwan si Charle?" galit na sabi ko kay Alice.

"We can't save someone who doesn't want to be saved." said Alice, she stood there, staring at Sev's lifeless frame. Emotions were drained in her whole face. Her eyes shot back to Charle, who still have the gun pointed at his own head.

I couldn't believe how Alice said these things. Ibang-iba sa Alice na kilala ko.

"Paano mo nasasabi yan Alice? Ilang beses na tayong tinulungan ni Charle! Tapos ngayon na kailangang niya nh tulong, iiwan mo na lang siya? Nagiisip ka ba?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin. Ang alam ko lang ngayon ay galit ako at hindi ko iiwan si Charle dito.

"Tangina naman Zch! Hindi lahat kaya kong tulungan! Hindi ko kaya!" sigaw ni Alice, hindi na Alice na walang emosyon ang nakikita ko ngayon, bumalik ang dating Alice na kilala ko. Napaupo siya at naiyak na. Hindi ko siya magawang lapitan dahil nakatutok ang atensyon ko kay Charle.

Dahan-dahang ibinaba ni Charle ang baril at agad ko itong kinuha at inihagis sa kabilang sulok ng silid.

"Sorry." bulong ni Charle.

N

ilapitan ko si Charle at niyakap siya, niyakap naman niya ako pabalik at biglang humagulhol. Lumapit din sa amin si Alice at nakiyakap.

"Sorry Charle, Sorry Zch." paghingi ng tawad sa amin ni Alice.

Ako ang pinakamahina sa grupo namin at ngayon na mahina sila, tama lang na ako ang maging malakas for them. Hinayaan ko lang sila na umiyak.

"Magkakasama tayong lalabas dito okay?" sabi ko sa kanila at tumango naman si Alice.

"Charle, You in?" tanong ko kay Charle at ngumiti lamang ito.  "Syempre naman."

Tumayo na kami at inayos ang aming mga sarili. Nagsimula na kami ulit maglakas in hopes na mahanap na ang exit sa lugar na ito.

"Ah pagod na ako." pagrereklamo ni Alice.

"Wala pa tayong limang minuto naglalakad oh, gurang ka na talaga." sagot ni Charle. Napikon naman si Alice at sinuntok-suntok si Charle.

Napangiti naman ako, at least nabalik na sila sa dati. Mas okay na ganito lang awayan nila kesa sa kanina.

"Parang ang saya mo pa na nandito tayo ha." sabi sa akin ni Charle.

"Hmm? More like masaya ako kasi buo pa din tayo." pagco-correct ko sa kaniya.

"Thanks to you" Sabi ni Alice at kinindatan ako.

"Kadiri kayo, kokorni nyo." sabi ni Charle sabay tawa.

Ilang minuto ang nakalipas, nakarating kami sa isang lugar kung saan may pinto at meron sa taas na nakalagay na 'EXIT'

"Seryoso ba ito?" tanong ni Alice.

Natawa na lang kami at binuksan ang pinto.

"Congratulations, you successfuly finished the maze trials" the same robotic voice echoed.

Continuă lectura

O să-ți placă și

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...