Bestfriends (COMPLETED)

By Kettlekooorn

18.1K 872 164

Talaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Author's Note
EPILOGUE

Chapter 33

195 12 0
By Kettlekooorn

I was busy looking for something when I heard my phone ring.

It's Abby.

I hesitated to answer it, but in the end I just tapped the answer button.

"Tine, how are you?" She started.

"I'm doing great. Sorry for cutting the communication with you guys." I miss them really.

"I hope you are really doing great. By the way, it's my debut on Saturday. I'll kill you if you didn't show up." Is this an invitation or a threat?

I laughed.

"I miss hearing you laugh. Please do attend, it's my special day and you will be a part of my 18th gifts. We miss you." She seriously said.

"I also miss you guys superb." Trying to sound jolly.

"I'll see you then, isama mo nadin yung pogi mong boyfriend." She sounds excited. Hahaha!

"Okay. See you!" Then I ended the call.

Am I ready to see him?

Can I endure the pain while seeing him with somebody?

Naaaaaaah!!


Did I completely move on?








Daniel's POV

Nasa gym ako ngayon at inaantay kong matapos yung training nila Tine, since wala kaming training kaya binantayan ko. HAHAHA! Di nyo ako masisisi kung bakit ganito ako kapossessive sakanya. Madalas kasi kahit na magkaholding hands na kami meron paring mga lalakeng matitibay ang mukha at lalapit sakanya tapos poporma.


"Bob?" Tawag sakin ni Tine kaya nabalik ako sa katinuan. Haha!


"May kailangan ka ba mahal ko? May masakit ba sayo?" Nagaalala kong tanong.


"Bob ikaw ata yung may sakit e. Kanina pa kita napapansing tulala. Ni hindi mo nga napansing natapos na yung training namin at nakapagpalit nako oh." Pagpapakita pa nya sa suot nya.


Tangina kanina ko pa ba kinakausap yung sarili ko sa isip ko?


-_____________________-


Hinawakan ko yung kamay nya.


"I love you Bob." Sabi ko sakanya.


"Uhm Bob may sasabihin sana ako sayo e." Naiilang nyang sabi.


"Ano yon?" Tanong ko tapos nakatungo lang sya. Hinawakan ko sya sa baba para makita yung mukha nya.


"Ahh kasi Bob tumawag sakin si Abby nung isang araw. Nagaaya sya sa debut nya. Sa Saturday na yon." Iniinform ba nya ako o nagpapaalam sya?


"Pinapasama ka din nya." Sunod nyang sabi.


Hay! Wrong timing!


"Kasi Bob Saturday general practice namin yon para sa tournament. Gustong gusto kong sumama kaya lang hindi ako pwedeng umabsent." Paliwanag ko sakanya.


Kung pwede lang talagang umabsent sa training aabsent talaga ako.


First time ko din kasi sanang mamemeet yung parents nya sa personal. Lagi lang kasing skype pero close ko naman na sila.


"Ah ganon ba? Pero pwede ba akong magattend?" Nagdadalawang isip nyang tanong.


"Magaattend din ba yung bestfriend mo?" Agad kong tanong.


Tinignan nya ako direkta sa mata.


"Hindi ko alam kung pupunta sya, pero kung sakali man na magattend sya wag kang magalala magtitino po ako don." Paninigurado nya sa akin.


"Honestly Bob, hindi ako mapakali sa sinabi mo sakin ngayon. Not because that I don't trust you, but I don't trust your boy bestfriend. I know the history between the two of you. I'm just scared." Malungkot ko syang tinignan.


Hinaplos nya yung mukha ko.


"Bob, kung ayaw mo akong mag attend don okay lang naman sakin e. Kesa hindi panatag yung loob mo." Nginitian nya ako.


Pero ayoko namang magalit sakanya yung mga kaibigan nya na sa simula palang e mas kakilala na sya kesa sa akin.


"No Bob. It's okay. Tutal madami ka nading utang sakanila. May tiwala po ako sayo, pero please lang wag na wag kang lalapit sakanya." Niyakap ko sya ng mahigpit.


"I love you Bob." Bulong nya. Hay! Mahal na mahal talaga ako neto e. Joke. :D


"Ako din Bob. Mahal na mahal kita, mas sobra pa sa sobra." Then I kissed the top of her head.




















Tine's POV


SATURDAY


Ang bilis ng araw.


Pauwi na ako ngayon sa probinsya namin para makaattend sa debut ni Abby.


Hindi na ako nahatid ni Daniel kasi ang aga nagstart ng training nila, pero text sya ng text everytime na magwawater break sila. Hahahaha! Praning talaga.


Habang nangingiti ako magisa nagbeep yung phone ko. Agad ko iyong tinignan dahil akala ko sya na yung nagtext pero pagtingin ko si Mae pala.


I missed her.


So much.


Sigurado nagtatampo to sakin ngayon.


From Mae:

"Balita ko uuwi ka daw para makaattend sa debut ni Abby, then see you there. Nagtatampo kami sayo ni Khate don't forget that. Pero nagaalala parin kami sayo. I just want you to know na pupunta din si Carlo kasama yung girlfriend nya."


Pagkabasa ko non bigla akong kinabahan.


Parang tumakbo ako ng isang daang kilometro sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


Nireplyan ko sya.


To Mae:

"I know. I know. And I'm sorry. I missed you. Babawi ako sainyo paguwi ko. Thank you for informing. See you!"

Nabasa ko lang yung pangalan nya pero may pamilyar na sugat nanaman yung kumirot sa parte ng puso ko.






Pagdating ko sa bahay namin parang galing akong abroad kasi sobrang dami nilang inihandang pagkain. Hahaha! Yung ibang pinsan ko din nagsiuwian.

Gosh!

Isang taon pala akong nawala.

Ang dami kong namiss.

Pagpatak ng 6pm nagsimula na akong magayos dahil 8pm yung start ng program ni Abby.

Paglabas ko ng banyo nakita kong may malaking box na nakapatong sa kama ko kaya chineck ko kaagad. Tinignan ko yung card. Natawa ako ng mabasa iyon. Eto kasi yung nakalagay.

"Hi Tine,

Since namiss ka nga namin iseset aside na muna namin yung tampo namin sayo. Pinagawan kana namin ng dress para pareho pareho tayo. See you! We love you!

From: Mae and Khate"

Hindi padin sila nagbabago.

Kahit kailan talaga maaasahan tong dalawa na to e. At hinding hindi ako kinakalimutan.

Tinignan ko yung dress.

Ang ganda!!

Black and white na cocktail dress.


Isinuot ko na yung dress tapos nagflat shoes nalang ako.


"Wow! Ang ganda naman ng ate ko!" Hay! May kapatid pala akong bolero nakalimutan ko. Si Zild.


"Alam mo ikaw, isang taon lang tayong di nagkita pero di ako nainform na sobrang lakas mo na palang mambola." Biro ko.


"Namiss lang kita." Niyakap nya ako.


"Ako din naman. Ang hirap kaya ng hindi ko kayo kasama don no." Paglalambing ko.


"Hayaan mo ate, isang taon na pagtitiis nalang naman e. Mabilis nalang yon." He tapped my head.


Nginitian ko nalang sya.


Nagpaalam nalang ako kina mama at papa tapos umalis na ako.


Sa venue nalang daw kasi kami magkikita nila Mae at Khate.











Pagdating ko sa venue, may mga pamilyar na tao akong nakita.


"Tine!!" Tawag nila sa akin kaya lumapit ako.


Nakita ko sila Mark, Lawrence, Jelo, Mae, at Khate.


Grabe namiss ko sila.


"Grabe ibang iba kana ah! Kamusta?" Bati sakin ni Lawrence.


"Ayos lang. Guys gusto ko lang magsorry sainyong lahat nung bigla nalang akong nawala. Alam ko yung isang taon na yon marami na ako namiss na event at special na araw. Namiss ko kayo ng sobra!" Tapos niyakap ko sila.


"Namiss ka din namin. Lalo na kami ni Mae. Ang tagal mo kayang hindi nagpakita at nagparamdam." Pagtatampo ni Khate.


"Kaya nga ako babawi sainyo e. 1 week ako dito." Paliwanag ko.


1 week ako dito kasi sakto yung mga prof namin may team building daw yung iba naman may immersion kaya ayun. Bakasyon grande ang lola nyo. Hahahahaha!


"So paano? Pasok na tayo?" Aya ni Jelo.


"Oo nga. Kanina pa tayo inaantay nila Abby at Charlie sa loob. Magstart nadin yung program nyan." Sabi naman ni Mark.


"Shall we?" Tapos inescort nya ako papasok.


Tinanguan ko lang sya.





Nakaupo na kami sa designated seat namin nang mapansin kong may dalawang seat pa na nakaprepare.


"Hey pare! Late nanaman kayo?" Bati ni Jelo dun sa bagong dating. Kaya nawala ang tingin ko dun sa mga upuan at nabaling ito dun sa taong kausap nya.


Pagtingin ko....





Biglang natigil yung sistema ko.





Parang tumigil lahat.


Pagikot ng mundo.


Pagandar ng oras.


Paggalaw ng mga tao.


Lahaaaaaaat!!


Ang sakit lang isipin na ganito parin pala yung epekto ng presence nya sakin.


Napatingin ako sa kasama nya.


Ang ganda nya.


Bagay sila.


Mukha silang masaya.


"T-tine." Tawag nya sakin.


Namiss ko yung boses nya.


Tangina.


"Hey are you okay?" Paghawak ni Mark sa kamay ko, nabalik ako sa katinuan.


"I-Im fine." Nginitian ko sya.


Napatingin ako kay Carlo at dun sa girlfriend nya.


"Long time no see Tine. By the way, this is Mika my girlfriend. Babe this is Tine..." Natigilan sya.


Nakatingin lang ako sakanya at inaantay ang mga sunod na sasabihin nya.


"M-my girl bestfriend." Pagtatapos nya. Tinignan nya ako pero agad din syang nagiwas ng tingin.


Nakipagshake hands naman ako kay Mika at nginitian sya ng mapait.


"Nice meeting you Tine. Ang dami kong nabalitaan sayo. You and Carlo daw are really good friends." Napansin kong hinigpitan ni Mika yung hawak nya sa kamay ni Carlo.


"So guys!! Maupo na tayong lahat at magsisimula na yung program." Pagiiba ni Lawrence ng topic. At naupo na nga kami.


Then nagsimula na nga yung program at lumabas na si Abby kasama si Charlie na escort nya.


Sana lang maging okay tong buong gabi na to.





-Kettlekorn❣️

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
160K 9.2K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
551K 20.4K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...
544K 29.4K 43
2017 WATTY AWARDS WINNER (THE STORYSMITHS) (Stay Awake #1) What would you do if the whole world falls asleep? After a night spent drinking with frien...