Mad Hatter

By hrxshyx

2.6K 408 232

(UNDER MAJOR EDITING.) "Have I gone mad?" I asked her. "Yes, but let me tell you a secret, all the best peopl... More

M A D H A T T E R
O N E : The Internship
T W O: Head Start
T H R E E: Maze
F I V E: Wake Up
S I X: Strangers
S E V E N: Devil in the Pool
E I G H T: Lurking Ghost
N I N E: Past
T E N: Finally
E L E V E N: One of Them
T W E L V E: Dinner Date
T H I R T E E N: Chase
F O U R T E E N: Home
F I F T E E N : The Feast
S I X T E E N : Downfall
S E V E N T E E N : Shelter
E I G H T E E N : Long Night
N I N E T E E N : Don't Breathe
T W E N T Y: Arzillan
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y O N E
T W E N T Y T W O
T W E N T Y T H R E E
T W E N T Y F O U R
T W E N T Y F I V E
----
TWENTY SIX
T W E N T Y S E V E N
T W E N T Y E I G H T
T W E N T Y N I N E

F O U R: Blue Catterpillar

76 22 13
By hrxshyx

CHAPTER FOUR:
Blue Catterpillar

"Hidden message? That's sick" Alice commented as she stared at the paper full of letters blankly.

"Di natin masasabi" sagot ni Charle habang patuloy sa paga-analyze sa papel.

Nakatingin lang kami sa papel na iyon for a really long time. Halata na kay Alice na exhausted at frustrated na sya.

"Walang kwenta naman oh! Di ko akalaing mas-stuck ako sa papel na yan! I rather be fighting with a giant cyclops!" Sabi ni Alice, sinubukan nyang magsalita ng mahinahon at hindi sumigaw.

"We can't solve this by fighting a cyclops" bulong ko, syempre pagod at exhausted na rin ako ngayon. Kanina pa kami dito sa butas na 'to with nothing but this paper. I felt hopeless, sobrang sikip na nga dito, mainit tas mainit pa ulo naming tatlo.

Ewan, sa pagod na din siguro?

"Yep, Zchy here is right, sometimes you do need brain." pangaasar ni Charle.

"May utak ako, gago." Alice hissed.

"
Yeah, yeah, you do, meron nga, kaso bite size" patuloy na pangaasar ni Charle kay Alice.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. I mean una pa lang, mahilig ng mangbara si Charle tapos pikon pa itong si Alice. Di tama yung panahon para magaway pa sila.

"Alam mo, ang gago mo." Napipikon na si Alice kay Charle pero mukang walang balak si Charle tumigil.

"Okay, anything that helps Ms. mayroon akong utak sleep at night." Charle said in a sing-song voice. Not gonna lie, medyo or nasobrahan ata galing ni Charle mang-asar.

"YOU KNOW WHAT!? I'M DONE!" Alice shouted. Agad namang tinakpan ni Charle ang bibig ni Alice. Tumahimik bigla ang paligid, lahat kami ay alerto, pero hindi ata nabasa ni Alice and atmosphere at nagpumiglas sa kapit ni Charle sa kaniya.

"ANO BA? BITIWAN MO NGA AKO!" Sigaw muli ni Alice. Napako ang tingin ko sa radar na hawak ko, yung mga pulang dots, papalapit na sa location namin ngayon.

"Guys, they are coming." sabi ko. Naramdaman namin ang paglapit ng kung ano man iyon, dumaan ito sa tapat ng butas kung nasaan kami. Base sa nakita ko, para itong robotic na insekto, mukha siyang isang napakalaking centipede, metal ang katawan nito pero may nakakadiring kulay berdeng malaslime na nalabas sa katawan nito.

"Salamat Alice, may utak ka nga. Congratulations!" bulong ni Charle habang nakatuon ang pansin sa kung ano mang creature ang nasa harap namin.

"Kasalanan mong lahat to e" sagot ni Alice at dahan-dahang kinuha ang mga gamit niya. Ganoon din ang ginawa namin, dahan-dahan naming inihanda ang aming sarili. Hindi na kami pwedeng magtagal dito. Masyadong delikado.

Noong maayos na ang aming gamit, nagintay kami ng pagkakataon na lumayo kahit na kaunti ang halimaw. Naglakad naman ito palayo, hindi naman sigurado kung sapat na ang layo nito para makatakas kami pero gri-nab na namin ang oprtunindad na iyon.

Agad kaming tumakbo papalayo, mabilis pero dahan-dahan. Takot kaming gumawa ng kahit na anong tunog dahil alam naming isang maliit na tunog lang, maari kaming mapahamak.

"May plano ba kayo?" Tanong sa amin ni Alice habang patuloy kami sa pagtakbo.

"Oh? May utak ka diba? Edi ikaw dapat ang merong plano" sabi ni Charle, halata ang pagkakainis sa boses nya.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh! now get our pretty little ass out of this!" Sigaw ni Alice kay Charle. Sa pagsigaw ni Alice, nakita kami ng halimaw na iyonat agad na hinabol kami.

"Tangina naman." sabi ni Charle at tumingin sa likuran kung saan mabilis kaming nahahabol ng halimaw. Binilisan namin ang pagtakbo na para bang hinahabol kami ng kamatayan.

"Chill!? Paano ako magchi-chill? Hinahabol na tayo ng kamatayan oh! Tas sasabihin mo magchill? Tanga ka ba?!" Sigaw ni Alice.

"Hindi ito ang tamang oras para magaway ko! Utang na loob ayoko pa mamatay!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Mukhang natauhan naman sila sa sinabi ko. Tumahimik sila at patuloy kami sa pagtakbo.

"Sundan nyo ako!" Sigaw ni Charle. Sumunod kami sa kanya, lumingon ako sa mga nahabol sa amin habang patuloy sa pagtakbo, nandun pa rin ang halimaw.

Patuloy kami sa pagtakbo ng biglang tumigil si Charle. May bangin, tiningnan ko kung gaano kalalim ito, halos hindi na matanaw ang kailaliman, kadiliman lang ang matatanaw mo dito.

"Dead end." bulong ko habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo. Medyo nakalayo na kami sa mga nahabol samin pero rinig pa rin ang malalakas na galabog ng yabag nila.

"What the actual fuck are you thinking?" Tanong ni Alice kay Charle.

"We....Jump" sinubukan ni Charle magsalita sa kabila ng pagkakahinggal.

"Tatawag na ba ako ng doctor? Are you nuts?" Tanong ko sa kanya habang tintingnan kung gaano kalalim ang bangin.

"Basta trust me, tumalon kayo at humawak sa mga vines na 'yon" sabi ni Charle at itinuro ang mga vines na nakadikit sa kabilang dingding.

"Charle, nakalimutan mo ba? Hindi namanatay ang centipede sa pagbagsak." sabi ko kay Charle. Mukha namang walang alam si Alice sa pinagsasasabi namin.

"Nakalimutan mo rin ba na hindi tunay na centipede 'yan? gawa sa bakal anh katawan nila, mabigat. For sure they will take damage in a fall." pagpapaliwanag ni Charle habang sinusukat kung kakayanin ba naming tumalon mula dito hanggang sa kabila.

"Hoy, kung magpapakamatay ka, wag mo kami idamay, mamatay ka magisa mo." sabi ni Alice kay Charle.

Nagpakawala ng malakas at nakakatakot na tunog ang halimaw kaya't napatingin ako sa likuran namin at nakitang parating na ang mga nilalang na kanina pa humahabol sa amin.

"Talon!" Sigaw ni Charle, wala kaming choice kaya tumalon na rin kami ni Alice at kumapit sa mga halaman na nakadikit sa pader na parang doon nakasalalay ang buong buhay namin.

Sinubukan kaming habulin ng halimaw ngunit hindi nito napansin ang bangin at tuluyang nahulog ito.

"That was... Awesome!" Sigaw ko.

Pilit naming itinaas ang aming sarili at doon bumungad samin ang ibang parte ng Maze.

"Sabi sayo e" sabi sa akin ni Charle habang nagpapagpag ng kanyang damit.

"Muntik na akong mamatay dun." bulong ni Alice, loud enough to be heard by me and Charle.

"Pero hindi diba? Wag ka kasing magmagaling." sagot ni Charle at umupo, kinuha nya ang papel sa bag nya at muling tiningnan ito.

"Parang may nakita akong word dito" sabi ni Charle. Agad naman akong umupo sa tabi nya. "Ano?" Tanong ko at tumingin sa papel na kanyang hawak.

"Get" sagot sa akin ni Charle at itinuro kung nasaan ang salitang ito.

Tiningnan ko iyon ng matagal tagal at finally i decoded it. Tama si Charle may hidden message nga.

"Got it" sabi ko. Lumapit sa amin si Alice at nagtanong "What the hell is it?" Tanong nya sabay upo sa tabi ko.

"Get drunk with the blue catterpillar" sabi ko habang tinuturo ang lokasyon ng mga salita sa papel.

QwertyuiopasdgghhjklzxcvbbnmqweftgetuhhgdfyhhhjjiolppgfffhaawsfgygdddrunkkgjitghjkkkklpadfgbhkwithnjhbbntheijjgtgbhjnnrnkgjjnbluegfyhjoohgvkjrbevkvBdjsnsndcatterpillarbdjdndkbgj
Ndjdndndjdndlwpqyrjrilanrmxijrrjrornrkrkenrnr

"What!? 'Yun na yon?" Tanong ni Alice sa amin, parang hindi makapaniwala.

"Keep your voice down woman." pagpapatahimik sa kanya ni Charle, mahirap na baka may ibang halimaw pa na makarinig sa amin.

"Where the hell can we find a blue catterpillar here?" Tanong sa amin ni Charle.

"Are you seriously being serious?" Ibinalik ni Alice ang tanong kay Charle.

"Oo, seryoso ako." sabi ni Charle at tumayo.

"This is an instruction, maybe blue catterpillar means something, not too literal" pageexplain ko kay Alice. Mukha namang naliwanagan si Alice sa paliwanag ko kaya tumango na lamang siya.

"Exactly! That's why I like you zchy! You have THE BRAIN" Charle said while looking at Alice who's pissed off at the time.

"Let's get going" yakag sa amin ni Charle. Tumayo na ako at si Alice rin at naglakad paikot ng parte ng maze kung nasaan kami. Hoping na sana may mahanap na kaming lead para matapos na namin itong trial na ito.

Naglakad-lakad kami sa maze, himala na hindi nagsasagutan ang dalawa. Busy kasi si Alice sa kahoy na hawak niya. Inabot kami ng halos isang oras sa paglalakad ngunit wala kaming nakitang kahit ano, puro matataas na pader ang nakita namin.

"Maupo muna siguro tayo." Sabi ni Charle, naupo kami sa isang sulok upang magpahinga kahit saglit.

"Sobrang bored ka na ba at pati kahoy pinagiinteresan mo na?" tanong ni Charle kay Alice. Hindi naman siya pinansin ni Alice at patuloy sa pagtatalas ng kahoy na napulot niya kanina gamit ang maliit na kutsilyo na mula sa bag na ibinigay ni Jensen.


Nagulat kaming lahat ng biglang umalingaw-ngaw ang katulad na sigaw ng malaking centipede kanina.

Huwag mong sabihin na marami sila?

"Charle." tawag ko sa kanya. Agad-agad naman siyang tumayo at kinuha ang mga dapat naming dalhin at tumakbo kami muli ng habulin kami ulit ng halimaw.

"Charle, 'yung bag." Sigaw ni Alice kay Charle na siyang may dala ng bag niya. Agad na inihagis ni Charle kay Alice ang bag, doon ay kinuha nya ang mga makiliit na matutulis na kahoy. So, ayun pala ang ginagawa niya kanina.


Tumakbo si Alice patalikod upang makita ang kabuoan ng halimaw. "Anong balak mo?" sigaw ni Charle sa kaniya.

"Hindi natin kayang takbuhan lang sila Charle, hindi tayo laging suswertehin." Mariin na sabi ni Alice. Naintindihan naman iyon ni Charle. Ginaya namin ang pagtakbo ni Alice upang makita ng husto kung ano ba dapat ang gawin.

May nahagip na makinang ang mata ko. Sa may ilalim ng centipede, mayroong nailaw an kulay pula.

"May kulay pula." Sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Ha?" Tanong ni Alice sa akin habang natakbo na ng ayos, nilingon niya muli ang halimaw at nakita niya ang tinutukoy ko.

"Sa tingin mo, 'yun ang weak point niya Charle?" tanong ko kay Charle. Tumango lamang si Charle.

"Alice try to stab his weak point, I'll distract him." Tumango lamang si Alice. Nagiba ng direksyon ang pagtakbo ni Charle at kinalaunan ay tumigil ng nagkaroon sila ng kaunting distansya ng halimaw.

"Habulin mo ko panget!" sigaw ni Charle. Nakuha naman niya ang atensyon ng halimaw na nagbihay ng pagkakataon kay Alice para makaikot sa likod nito.

N

akakaguilty na wala akong maitulong sa kanila. Kita ko ang hirap ni Alice para makalapit sa halimaw. Palapit na nang palapit kay Charle ang halimaw.

"Alice ano? Magiging hapunan na ako dito oh!" sigaw ni Charle. Hindi sumagot si Alice at dahan-dahang nakalapit sa halimaw at agad na sinaksak ang matulis na kahoy sa pulang parte ng halimaw. Sumigaw ito ng sobrang lakas hanggang sa bumagsak na lamang ito.

Nakahinga naman ako ng maluwag noong nawala na ang kulay pulang ilaw nito at ang ilaw sa mga mata nito, meaning sira na siya.

Nakaupo lang kami sa palibot ng bangkay ng halimaw. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagod, kaya't agad ko silang binigyan ng tubig.

"Salamat." sabi ni Alice at tinanggap ang tubig na inalok ko sa kanya.

Ilang sandali pa, inispeksyon na ni Charle ang halimaw. May nakita siyang makinang sa loob noong kulay pulang parte. Hiniram nya ang kahoy na hawak ni Alice at sinimulang buksan at lakihan ang butas nito. May lumabas na kulay berde at itim na liquid mula dito.

May inilas si Charle mula sa halimaw. Isang susi?

"Anong katangahan 'to?" Tanong ni Alice ng makita niya ang susi na hawak ni Charle.

"So tama lang na pinatay natin 'to dahil nasa kaniya ang susi, I have to give this one to you Alice." nakangising sabi ni Charle.

Makatapos kaming magpahinga, nagsimula kaming maglakad. Paulit-ulit pero ngayon mayroon na kaming hinahanap. Di naman nagtagal ay nakakita kami ng isang maliit na kulay asul na pintuan. Hindi kami magkakasya sa pintong ito kung hindi kami luluhod para makapasok.

"Ayos ha." sabi ni Alice habang pinagmamasdan ang maliit na pinto. Sinubukang buksan ni Charle ang pinto ngunit nakandado ito kaya sinubukan niyang gamitin ang susi na nakuha namin. Tama, nagbukas ang pinto. Tumambad samin ang napakalawak na kwarto, napakataas din ng kisame at mga ding ding nito. Walang kahit na anong gamit dito kundi ang isang bilog na lamesa at apat an upuan.

"Hello." said a guy in blue tuxedo. Na nakaupo sa isang pabilog na mesa sa gitna ng napakalaking kwarto.

"At sino ka namang gago ka?" Tanong ni Charle. habang palapit sa lalaki.

"Tea?" Tanong nya sa amin, parang hindi nya narinig kung ano ang sinabi ni Charle.

Nagkatinginan kaming tatlo at nagpasyang umupo sa tatlong bakanteng upuan sa tapat ng lalaki.

"So? Ano na?" Tanong ni Charle sa lalake ngunit tumayo ito at pumunta sa kabilang mesa at gumawa ng tea.

Bumalik ito na may dalang takure at tatlong baso, ilinagay nya ito sa tapat namin at linagyan ng tea.

Umupo muli sya sa kanyang upuan at tumingin lang sa aming tatlo.

Pinagmasdan at inobserbahan ko ang bawat galaw ng lalake. Hindi natural ang mga kinikilos nya, parang pilit at kontrolado ng kung sino. May napansin akong kulanv itim sa may batok nya ng tumalikod sya sa amin upang kunuha ng asukal.

Property of WKAS

The Blue Catterpillar
Subject A120

"Sa palagay ko, sya na ang hinahanap nating blue catterpillar" bulong ko kina Alice at Charle.

"Hindi sya mukang catterpillar para sa akin pero siguro, may posibilidad kasi nakablue sya" sagot sa akin ni Alice.

"Paano naman kayo nakasigurado?" Tanong ni Charle sa akin.

"Yung tattoo nya, sa may batok, ayun o" sabi ko sabay turo sa batok ng lalake.

Tiningnan naman nila iyon.

"WKAS property huh?" Pagkokomento ni Charle.

Napansin ko naman ang pagiging hindi komportable ni Alice, iniwas nya ang tingin sa tattoo ng lalake at tumingin sa kanyang paligid.


Alice..

Anong itinatago mo?

"Alice, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya, tumango lamang sya bilang sagot.

After a couple of minutes, bumalik ang lalaki na may dalang isang garapon ng puting powder, muka syang asukal, naglagay sya sa aming tea ng tig iisang kutsara at hinalo ito ng maigi.

"Drink" sabi sa amin ng lalake.

Nagkatinginan kaming tatlo at tumango si Charle "wala naman sigurong mawawala? Tsaka uhaw na rin ako?" Tanong nya sa amin.

"Paano kung lason to?" Tanong ni Alice.

"Ikaw mauna, inumin mo tas pag bumula bibig mo, di na namin iinumin" sagot ni Charle at ininom ang tsaa nya.

"Wag mo sabihing iinumin mo rin to Zch?" Tanong sa akin ni Alice, ininom ko naman ito. Lasa syang normal na tsaa.

Ininom na rin si Alice ang tsaa nya at inilapag ang baso sa mesa.

"See? Wala namang nangyare" sabi ni Charle. Hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo.

Naikot ang paningin ko.

Nakita ko ang pagbagsak ni Charle sa kanyang upuan.

"C-charle" tawag ko, halos wala ng boses ang lumabas sa aking bibig dahil sa sobrang pagkahilo.

Bumagsak na rin ako mula sa upuan ko at nagdilim na ang aking paligid, wala akong narinig kundi ang galabog ng pagbagsak rin ni Alice mula sa kanyang upuan.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang nasa ibang lugar na kami. Ngunit ang kakaiba sa lugar na ito, kaming tatlo lang anh nandun at napapaligiran kami ng ibat-ibang kulay.

"Nasaan tayo?" Tanong ni Alice habang sapo sapo ang kanyang ulo.

"Ang tanong, anong nangyayare?" Tanong ni Charle at tumayo mula sa oagkakahiga nya sa sahig.

"Ibang dimention siguro?" Tanong ko.

Sasagot na sana ako ni Charle ngunit may narinig kaming ingay na nagmula sa aming likuran.

"Hello" sabi ng lalake, napalingon kami kung nasaan sya. Nakatayo lamang sya sa aming likuran at nakangiti ng nakakaloko.

"Nasaan kami?" Tanong ni Alice sa lalaki.

Ngunit ngumiti lamang ang lalaki. Na ikinainis ni Alice.

"Welcome to the Killer Dream" sabi ng lalake.

___________________________________________________

QOTC: Charle or Myxzch?

Continue Reading

You'll Also Like

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...