Love At First Shot (Accidenta...

By fascinatingbeast

4.5K 199 12

Another love story that can certainly give you hope and inspiration. Love can be very hurtful and can break y... More

Chapter 1: Stephen's Betrayal and the Stranger named 'Sly'
Chapter 2: Wrong Order
Chapter 3: Mr. Pervert
Chapter 4: Unexpected Meeting
Chapter 5 : Wrong Assumption
Chapter 6: The Bogus Agreement
Chapter 7: Call Me By My First Name
Chapter 8: Camarines Sur
Chapter 9: Plantation Visit
Chapter 10: Hesitation
Chapter 11: His Treat
Chapter 12: Party I
Chapter 14: Insistent Boyfriend?
Chapter 15: A Beautiful Night
Chapter 16: Don't Be In Love With Someone Else
Chapter 17: A Night At His Condo
Chapter 18: Making It Official
Chapter 19: Waiting
Chapter 20: The Break-Up
Chapter 21: 9 Years Ago
Chapter 22: Don't Do It Again
Chapter 23: Sudden Arrival
Chapter 24: The Failed Proposal
Chapter 25: Sweet Ending

Chapter 13: Party II

109 6 1
By fascinatingbeast

Continuation....

                Kanina pa gustong makawala ni Wesly sa tatlong babaeng kasayaw niya. Noong naroon pa sila ni Monica sa disco floor ay tinitigan niya ito sa mga mata. Sa pamamagitan ng pagtitig niya rito, nagbaka-sakali siyang mabasa nito sa kanyang mga mata na gusto niyang tulungan siya nitong maiwasan ang tatlong babae. Ngunit umalis lang ito bigla. Akala niya'y pupunta lang sa rest room ngunit hindi na ito bumalik pa.

                Nakita niya itong muling nakaupo na sa mesa na kanilang inaakupa. Ang sunod niyang nakita ay nayuko ito at sapo nito ang ulo na parang nahihilo kaya nilapitan niya agad. Pagtingala nito sa kanya ay bigla itong nahilo kaya niyakap niya bigla.

                Ang sarap ng pakiramdam ni Wesly habang yakap niya sa mga bisig si Monica. Ang lambot ng katawan nitong nakadikit sa kanya. Hindi ito nagsasalita hanggang sa umupo sila. Gusto lang niyang mahawakan ang dalaga lagi.

                "I think I'm fine now." Kumawala si Monica sa pagkakayakap niya.

                "Are you sure? I really don't mind you leaning on me."

                "Why don't you go back there. Mukhang hinihintay ka na nilang bumalik dun." anito.

                "I got bored so I'll just stay here... with you."

                She dropped a bored look at him. "Why don't we order a drink then."

                "I saw you taking these kanina," sabay turo sa walang lamang maliliit na baso. "..kaya mo pa ba? Baka mas lalo kang mahilo?"

                "Don't worry, epekto lang iyon ng agad kong pagtayo. Can you order another set of tequila for me?"

                Kinuha niya ang pansin ng waiter and ordered ten sets of tequila. Five for each of them.

                "I used to be with my friends and our boyfriends in this kind of place when I was in college. Nakakamiss din pala noh? Well I'm here again but this time hindi na kasama ang dati kong mga kaibigan." Kumuha ito ng isang shot. "Come on. Cheers!"

                He's just looking at her lovely face. The face he'd like to stare at everyday without getting tired. Sa isip niya'y bakit kaya ito uminom bigla. May naaalala ba itong bagay na siyang dahilan ng pag-inom nito.

                Kumuha ulit ito ng dalawang shot at sunod-sunod na ininom. "Do you know that we met here first?" She sighed. "Shit! Bakit ko ba siya naiisip?" Bumaling ang paningin nito sa kanya. "Do you like Henny?"

                He met her eyes and looked at them with so much admiration. "What do you think?" He answered a question back and slowly moved his face close to hers. He wanted to kiss her lips right there and then.

                All of a sudden she laughed sarcastically. "I can't read your mind. Hello?" She said while avoiding his stare.

                "You don't need to read my mind. Just look at me and tell me what you think." He challenged her.

                She looked back at him without blinking. She bit her lower lip and he heard her took a deep breath. "This is ridiculous." Umiwas ulit ito ng tingin at kinuha ang natirang dalawang baso ng tequilla. Pagkatapos ubusin ay pumikit ito at napangiwi sabay sipsip sa katas ng lemon. "Mag-order pa tayo."

                "No. You're already drunk."

                "I'm not. Come on. I still want to drink."

                "Ininom mo na nga ang dapat sa akin eh at pagkatapos gusto mo pa?"

                "Why do you even care? Mabuti pang bumalik ka na lang 'dun sa mga babae mo. I'm sure you enjoyed their DIRTY DANCING."

                "Were you jealous about me dancing with them? You should've told me baby."

                "Hey mister. I wasn't jealous you know. You're not my boyfriend. . . and please. . . stop calling me 'baby'." Tumingin ulit ito sa kanya. "And if you don't wanna order, let me."

                He held her hands before she stood up. "You're not drinking again."

                "You can't stop me."

                "Are you sure?"

                "What would you do then?"

                He looked at her lips, which were pouting at the moment, and automatically kissed them.

* * * * *

                She closed her eyes while savoring his lips and his intimate kisses. Once again, she never got the chance to decline.

                "Please stop me before we became the center of attraction." He whispered and kissed her again.

                She pushed his shoulders and let go of his lips. "Okay stop." Tinitigan niya ang mga mata nito at nababasa niya ang pagnanasa nitong halikan siya ulit. Pareho nilang naririnig ang kanilang paghinga.

                "There you are."

                Napalingon sila sa palapit na si Henny. Umusog bigla si Wesly palapit sa kanya.

                "Come on Wes, sumayaw ulit tayo." Nakatayong hinila ni Henny ang kamay ni Wesly. "Sige na."

                "I'll just stay here with her. Nahihilo na kasi at baka..."

                "I'm fine. Go. Enjoy," She interrupted.

                "Okay lang naman pala sa kanya kaya tara na." Henny still insisted.

                "You heard me Hen. I'll stay here." Tumigas ang boses nito.

                "Wes naman eh. Aren't we here to enjoy? It's your party after all." Umupo ito at yinayakap si Wesly.

                "Oo nga but we also brought Monica here. She's my responsibilty."

                "Dito lang naman siya, right Mon?" anito at tiningnan siya. Tinanguan lang niya ito. "See that? So come on."

                Hinarap siya ni Wesly. "I'm sorry I just can't brush her off. But I wanna ask you, would you really like me to go?

                No. I want you stay here with me. Gusto niyang sabihin rito ngunit hindi niya maisatinig. "She's waiting so just go." Sa halip ay iyon ang sinabi niya.

                Parang gustong umiyak ng puso niya habang lumakad ang mga nito patungo sa disco floor. Hindi na niya tiningnan ang mga ito. Kinuha na lamang niya ang phone sa loob ng bag at nagkunwaring may binabasang text. Huminga siya ng malalim saka tumayo upang pumuntang ladies room. Nahihilo pa siya ng konti ngunit nakakalakad pa naman siya ng maayos. Nanatili siya sa ladies room ng may katagalan. At bago siya lumabas ay nag-ayos muna siya ng mukha at hitsura.

                Naglalakad pa lamang siya patungong mesa ay natanaw na niyang naroon na muli si Wesly at Henny. Hindi napansin ng mga ito na papalapit na siya sa mesa. Nakita pa niyang kinagat ni Henny ang tenga ni Wesly na nagdulot ng kiliti sa lalake. Ang tagpo ring iyon ay nagdulot ng kirot sa kanyang puso.

                What the hell I'm feeling right now?  Why should I be affected?

                Tumikhim siya ng makalapit na sa mga ito. "Mom texted me. I think I should go now. Okay lang bang iwanan kayo?" Hindi na siya umupo kaya linakasan na lang niya ang boses.

                Bigla'y tumayo si Wesly. Mukhang narinig nito ang sinabi niya. "I'll drive you home."

                "I'm fine. Madami namang taxi sa labas. I'll just board one."

                "No it's not fine. I insist to drive you home."

                She pretended she didn't hear him said it. She looked at Henny. "I'll go ahead. Bye." She waved her hand. "And you," she faced him. "..stay here." Saka siya lumakad palabas ng bar. Pinakiramdaman niya kung susunod ito sa kanya ngunit maski anino nito sa likod niya ay wala.

                Madaming tao ang sumalubong sa kanyang paglabas. Ang iba ay nag-uusap habang nagyo-yosi. Ang iba nama'y nakatambay at may dalang beer na iniinom. Mabigat ang loob niyang humakbang patungo sa mga nakaparadang taxing naghihintay ng pasahero sa kabilang bahagi ng kalsada. Bago siya tumawid ay may narinig siyang tumawag sa kanya. Paglingon niya ay mukha ni Pete ang nakita. Nakangiti pa ito.

                "What are you doing here? If I were you boyfriend I won't let you go outside alone."

                "Mauna na akong umuwi."

                "Without your boyfriend?"

                "Kaya ako narito because his friends threw him a party. Ayoko rin namang iwanan niya ang mga kaibigan para samahan ako."

                "Did he even offer to drive you home? Anyway, the night is still young. Do you have a minute for a cup of coffee with me?"

                Hindi siya agad nakasagot. "Sure. Saan tayo?"

                "Doon na lamang tayo sa malapit.

                Dumaan sila pabalik sa nilalakaran niya kanina. Bumukas ang pintuan ng bar na pinasukan nila kanina at iniluwa nito si Wesly. Tumingin ito sa kaliwang banda saka tumingin sa kanan kung saan naroon sila. Kahit sa malayo ay tanaw niya kung paano nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanila.

                Huminto sila sa paglalakad. Mabilis itong humakbang palapit sa kanila.

                "I'm sorry bro. Kung saan niyo man planong pumunta kasama ang girlfriend ko hindi muna matutuloy." He quickly grabbed her hand, "Come one baby, let's go."

                Just like earlier, Pete didn't say anything and just walked away.

                "What are you doing?" Singhal niya kay Wesly.

                "Why are you still talking to that man? You just knew him a while ago and you're going out with him? Baka anong gawin niya sa'yo."

                "He just asked me to join him for a cup of coffee. What's your problem?"

                "You barely knew him."

                "Kaya nga nakikipagkaibigan ang tao di ba?"

                "Kahit na. Malay mo may dala siyang pampatulog. At wala kang kamalay-malay na inilagay niya ito sa kape mo. Ano na lang kung iyon ang mangyari?"

                "Are you drunk or paranoid?" Kunot-noo niyang tanong. "Why are you here by the way? Baka nababagot na si Henny kahihintay sa'yo sa loob." She seriously said.

                "Aminin mo nga sa akin ang totoo. You're jealous of Henny, aren't you?"

                "I already answered that question. If you wanna hear it again it's..." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil hinila siya nito at masuyong hinalikan ang kanyang mga labi. And yes, he's right, she was jealous. Sa wakas ay inamin niya rin sa sarili.

                "I was jealous when I saw you talking with that man inside and I hated how you smiled at him." anito pagkatapos pakawalan ang mga labi niya. "When you asked me if I like Henny, my answer is 'no' because it was you who I liked."

                Did he just say he liked her? Totoo ba talagang narinig niya ang mga salitang iyon mula rito?

                "I'm sorry if I can't say 'no' to her. I just don't want her to feel that I rejected her." Inakbayan siya nito at nagsimula silang maglakad. "Henny was kind of a "bitch" in college, iyon ang sabi ng karamihan kaya wala itong masyadong kaibigan. Naging classmate ko siya sa huling taon ko sa kolehiyo. We became friends and I found out hindi naman talaga siya ganun. I also found out that she's a consistent Dean's Lister and a University Scholar. Maarte lang siya kung magsalita and the way she dressed was far different from everyone. Sa pagsisimula ng second semester ay may kumalat na sex video sa school namin. Halos lahat ng estudyante ay nagsasabing si Henny iyon at nakumpirma kong siya nga. Ang nobyo nito ang nagkalat pagkatapos niyang hiniwalayan ito. Simula noon ay pinagtatawanan at pinag-uusapan siya ng mga tao sa paaralan. Huli na nang nalaman kong ipinatawag pala siya ng aming Dean at binigyan ng suspensiyon upang maaralan ang kanyang kaso.

                Anak siya sa pagkadalaga ng ina. Anim na taong gulang siya nang mag-asawa ulit ang ina. Mayaman ang napangasawa ng kanyang ina kaya nakapag-aral siya sa pribadong paaralan. Sa unang taon niya sa high school, labing dalawang taong gulang siya noon, tinangkaan siyang gahasain ng ama-amahin. Hindi naniwala ang ina niya sa sinabi kaya pinatira siya sa tiyahin dito sa Maynila at dito na nag-aral muli ng high school. Kahit napaka-strikta ng tiyahin ay tiniis niya ito. Tatlong taon din siyang nakatira sa tiyahin pagkatapos ay pinalayas siya nito dahil inakusahan siyang nilalandi ang asawa nito. Sa edad na kinse ay mag-isa na siyang namumuhay. Patuloy pa rin siyang pinapadalhan ng ina ngunit nahinto ito pagkatapos niyang gumradweyt ng high school. Ni hindi nga raw sinabi sa kanya na umalis ito sa bansa at doon na sa Amerika naninirahan. Dalawang taon bago siya nakapag-aral na kolehiyo. Meron siyang nakilalang Amerikano sa internet at ayon sa kanya, ito ang tumulong sa kanya upang makapag-aral. Ngunit hindi niya sinabing iskolar siya kaya ang ipinapadala nitong pera sa kanya ay inipon niya. Matapang siyang babae. Ni hindi nga siya nagpa-apekto nang kumalat ang sex video niya. Una ko siyang nakitang umiyak ay sa likod ng gym. Ipinatawag siya ng University ng araw na iyon. Sabi niya sa akin baka hindi siya tuluyang gumradweyt dahil sa sex video. Doon niya sinabi sa akin ang kwento ng buhay niya. She has been through a lot of rejections. Everytime she met new people, they just left her without telling her reasons. Since then, she wore an image people would hate to see. She said, atleast, there's a reason for them to hate her and there's a reason for her to think why people are avoiding her. She needed no friends pero sa mga oras na iyon alam kong kailangan niya ng kaibigan.

                Nang malaman ng unibersidad na ang dating nobyo nito ang nagkalat ay pinatalsik ito sa unibersidad at pinabalik siya. Hindi na kumalat pang muli ang video ngunit hindi rin naman nakalimutan ng mga estudyanteng nakakaalam ng pangyayari. Ang sama ng tingin ng mga tao sa kanya. Ang narinig ko nga sa ilan ay bayarang babae siya. I became her closed friend since then until she graduated college. Pumunta ang Amerikanong tumulong sa kanyang mag-aral sa graduation namin and he offered her marriage. Labing walong taon ang tanda nito sa kanya. Almost a year after she graduated, she went to the US and married Scott."

                Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito tungkol kay Henny. Ang dami pala nitong pinagdaanang hindi maganda.

                "And that's the reason why I don't like her like I do to you because she's married."

                Nasa kotse na nito silang dalawa. Wesly opened the door for her and before he closed it, he kissed her for seconds. Hindi siya uli nakapagsalita. Palagi siyang hindi makapagsalita sa tuwing hinahalikan siya nito. Napaisip tuloy siya kung anong hiwaga ang mayroon sa mga labi nito.

                "Alam ba nilang ihahatid mo ako pauwi?"

                "Yup. But we're not going home yet." Wika nito at sinimulang buksan ang makina ng sasakyan.

                "Saan ba tayo pupunta?"

                "Your Mom didn't text you, did she?"

                "S-she did. She did text me."

                "Give me your phone then. I want to see her text. And don't tell me you already deleted it."

                Wala siyang maisip niya excuse. "Fine. You won. She didn't text me."

                "Aaminin mo rin bang nagseselos ka kay Henny?"

                "Weren't we done about that?"

                "Tell me. Why can't I believe you?"

                Hindi na siya nagsalita.

*****************

Some sorta party. Do you like the two chapters? Like or leave a comment.

Thank you for reading.

-Grey


Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
156K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.9M 76.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.