The Star

By AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... More

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 94

8.2K 218 45
By AngelMelay

A/N: 

Salamat sa mga nakakaunawa nang aking feelings. Salamat sa mga nagvovote at nagcocomment. May teaser po ang next chapter sa facebook page na Angelmelay Wattpad. Paki basa na lang po at paki like iyong mismong page na AngelMelay Wattpad. Nasa external link po iyan. 

40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE!

_____________________________________

STARRING 94

WE NEED TO TALK

Tumayo si Franz at nakipagmanly hug kay Von. All these years ay hindi pa rin nagbabago ang closeness ng dalawa.

"Dude, kumusta?" Sabi niya habang umuupo sa tabi niya si Von.

"Mabuti. Kelan ka dumating?" Tanong ni Von sa kanya habang pinapanuod ko lang sila.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay nagdodobol vision na ako. Napadami nga ata ang nainom ko. Gusto kong magpasalamat kay Von dahil naitanong niya ang gusto kong malaman mula kay Franz.

"Kaninang umaga." Tipid na sagot niya.

'Dito na ba sila for good? Kasama niya ba si Fatima? Nagpakasal na ba sila?' Mga tanong sa isip ko na ipinapanalangin kong itanong ni Von sa kanya.

"Anong nangyari sa iyo, Steph?" Baling sa akin ni Von gamit ang mapanuri niyang mata. Hinubad niya ang kanyang coat at ibinalabal sa akin. Basa kasi ang dibdib ko ng shot na pinigilan ni Franz kanina. Alam kong tinitingnan niya akong mabuti kung ano ang reaction ko ngayong kaharap na namin si Franz.

"Nagsuka ako." Nahihiyang amin ko. Nanghihinayang ako dahil hindi nasagot ang mga tanong na doon sa mall ko pa naisip noong isang araw.

"Hindi mo siya dapat hinahayaang mag-isa, Dude." Sabi ni Franz sa kanya.

Bakit ganoon? Siguro ay concern lang sa akin si Franz bilang kababata. What is wrong with that? Pero ang letche kong puso, parang binibigyan ng kahulugan na baka may timbang pa rin ako sa puso niya bilang babae. Stupid right?

Hinaplos ni Von ang buhok ko. "Sabi ko naman sa iyo sasamahan kita eh." Malambing na sabi ni Von.

Hindi ako makasagot. Nasulyapan ko kasi si Franz na parang nagtiim bagang sa ginawa ni Von sa akin. Marahil ay dala lang ito ng sobra kong kalasingan. Walang malisya iyon. Wala!

Nakuha ni Kate ang attention namin. Siya iyong isa sa mga batchmates namin na nakita kami sa restroom kanina. Nasa ibabaw siya kasi ngayon ng stage.

"Let us acknowledge the presence of Von Lee and Franz Roff. Ang dalawang kabatch natin na sikat na sikat na ngayon." Announce niya sa mic kasabay noon ay ang pagtapat ng spotlight sa mesa namin at masigabong palakpakan.

Kumaway lang silang dalawa. Ang mga iba ko tuloy batchmates at classmate dati ay nagtilian. Ang iba ay naghiyawan.

"Salamat sa inyong dalawa sa pagdalo! Salamat at hindi pa rin kayo nagbago." Nakangiting dagdag pa ni Kate sa mic.

Tumango lang si Von habang si Franz ay nag-approve sign sa kanya. Bilib din ako sa dalawang kababata ko. Pwede nga palang hindi na sila umattend ng mga ganito, pero gusto pa rin nila marahil na iparamdam na tao pa rin sila. Normal na tao na may mga reunion na pinupuntahan from time to time.

"Oo! Hindi nagbago! Mga suplado pa rin at si Stephanie pa rin ang tangi nilang sinasamahan!" Sigaw ni Janelle mula sa isang lamesa malapit sa stage.

Napainom ako ng malamig na tubig na nasa mesa namin. Bitter na bitter pa rin si Janelle. Dala na rin siguro ng sobrang kalasingan kaya nagawa niyang lumapit sa amin kahit na ang mata ng lahat ay nakasunod sa kanya. Pati ang mga iba kong kaklase na tinatangkang pigilan siya ay itinutulak niya lang palayo.

Lumapit siya sa amin habang nakatitig sa mga mata ni Von. Si Von naman ay kunot na kunot ang noo. Blangko ang expression ng kanyang mukha. Wala siyang pakialam sa isinigaw ni Janelle kanina. Nakahalukipkip lang siya at parang inaantay na makalapit si Janelle.

"Uminom ka pa ng cold water para mahimasmasan ka." Sabi naman sa akin ni Franz habang sinasalinan na naman ang baso ko ng tubig na may yelo. Wala siyang pakialam sa paligid. Wala siyang pakialam sa issue na hindi siya kasali.

Ininom ko muli ng tubig. Pakiramdam ko rin kasi ay natuyo na ang lalamunan ko sa pagsuka ko kanina. Pero umiwas ako ng tingin sa kanya. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa baso.

"Ikaw na lalaki ka! Alam kong gwapo ka! Pero wala kang karapatan na hindi pansinin ang magandang tulad ko!" Sigaw ni Janelle kay Von kaya napabaling ako muli sa kanila. Ang tugtog ay hininaan na ng dj. May mga kumukuha pa ng litrato sa eksena.

Naku! Kapag kumalat ito sa internet, tiyak na issue! Kawawa naman si Von at ayaw siyang tantanan ng desperadang si Janelle!

Magsasalin pa sana si Franz ng tubig sa baso ko nang biglang may humablot ng pitsel sa kamay niya. Inagaw kasi ni Janelle ang pitsel at ibinuhos sa ulo ni Von ang malamig na tubig na may kasama pang yelo.

Pulang-pula sa galit si Von. Halatang pigil na pigil siya dahil kahit papaano ay babae pa din si Janelle. Pero basang-basa siya. Si Franz ang nagabot ng panyo sa kanya.

"Ikaw! Bakit ba ikaw ang nagustuhan ko?!" Sigaw pa ni Janelle. Hinihila na siya nina Dei palayo sa harap ni Von.

"Tss!" Iyon lang ang sabi ni Von habang naiiling na pinupunasan ang kanyang mukha.

"Wala kang puso! Wala kang kwenta!" Sigaw pa ni Janelle. Hinampas pa niya ng hinampas ang dibdib ni Von. Si Von naman ay hindi man lang umiilag. Pinababayaan niya lang si Janelle.

"WTF!" Inis na sabi na ni Franz. Naiirita na rin siya kay Janelle.

Ako ang hindi makatiis. "Lasing ka na, Janelle. Tigilan mo na si Von." Saway ko sa kanya habang pigil na pigil na patulan na siya.

Nanglilisik ang namumulang mata ni Janelle nang humarap siya sa akin. "Disgrasyada ka! Bakit ba ikaw pa ang nagustuhan niya?!" Sigaw niya sa akin.

Nagdilim na ang paningin ko. Napatayo na ako at lumipad na sa pisngi ni Janelle ang palad ko. "Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan. Hindi mo alam kung anong sinasabi mo!" Galit na galit na sabi ko sa kanya.

Niyakap ako ni Von sa bewang para ilayo kay Janelle. Napabuga si Janelle ng hangin at pilit na kumawala sa hawak nina Dei at Angel sa kanya. Si Franz naman ay pumagitna sa aming dalawa ni Janelle.

"Bakit totoo naman, hindi ba? Sino nga ba ang ama ng anak mo??" Sigaw pa niya sa akin.

Below the belt na ang sinasabi ni Janelle ayoko nang magtimpi! Wala siyang karapatan na ipahiya ako at dungisan ang pagkatao ko. Hindi ako disgrasyada dahil nabuntis ako ng aking asawa. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata sa sobrang gigil sa kanya. Naisara ko na ang aking kamao sa sobrang inis.

"Ano?! Hindi ka makapagsalita, hindi ba? Bakit? Hindi mo ba alam kung sino ang ama ng anak mo?" Sigaw pa niya sa akin. Nagbulungbulungan na tuloy ang mga tao sa paligid namin.

"Janelle! Tigilan mo si Stephanie!" Sigaw sa kanya ni Dei habang hinihila siya palayo sa amin.

"Ako ang.." Hindi ko na pinatapos ang isasagot sana ni Von. HIndi ko na kayang magtimpi. Hindi ako masamang babae para pagsalitaan niya ng ganoon.

Bumilis ang aking paghinga. Mas lalo akong lumapit sa kanya. Hindi na ako napigilan ni Von nang hinawi ko si Franz sa gitna. Pinabayaan lang nila ako. Alam kong pababayaan nila akong makipag-away basta huwag lang akong madedehado. Kapag nadehado ako ay saka sila aawat at makikisali.

"Si Franz ang ama ng anak ko!" Sigaw ko sa kanya.

Nanglaki tuloy ang mata ni Janelle. Napailing na lang si Dei. Hindi ko naman isinikreto kay Dei na si Franz ang tatay ng anak ko dahil malapit ko na rin siyang kaibigan. Hindi na siya nagulat dahil alam na niya ito.

Mabilis na hinila ko na si Von paalis doon. Dapat ay hindi na ako umattend ng letcheng reunion na ito eh. Masama na nga ang kutob ko, mas lumala pa! Hindi naman bingi si Franz at tiyak kong narinig niya ang sinabi ko. Hindi ko na nga lang nakita ang reaction niya dahil sa bilis nang pangyayari.

"Dapat hindi mo na pinatulan. Ok ka lang?" Tanong sa akin ni Von habang binubuksan ang passenger seat ng kotse niya. Basang-basa na siya at napahiya na ako, hindi ko pa rin papatulan?

"STEPH!" Sigaw ng humahangos na si Franz.

OMG! Oo nga pala! Tiyak na narinig niya iyon. Tiyak na kakausapin niya ako pagkatapos ng naibunyag ko. Nagpapanic na papasok na sana ako ng kotse ng pigilan ako ni Von. Tiningnan ko siya ng mapagtanong ng titig. Dapat ay umalis na kami dito!

"You should talk to him." Sabi ni Von na bakas ang lungkot sa mukha.

"Steph, we need to talk." Sabi rin nang kalalapit lang na si Franz.

Umiling ako. "Bukas na. Magkita na lang tayo. Pagod na ako. Basa pa kami ni Von. Uuwi na kami." Sabi ko at umambang sasakay na muli sa kotse.

Nabigla ako ng hatakin ako ni Franz palayo at isara ni Von ang pinto ng kotse. Ano ba ito? Pinagtutulungan ba nila ako?

"Mag-usap kayo." Malungkot na sabi ni Von sa akin. Hinalikan niya ako sa noo habang nakatitig lang ako sa kanya na basang-basa pa rin.

"Ingat ka pauwi." Sabi ni Franz kay Von habang hinihila na ako papunta sa kanyang kotse.

Wala bang saysay ang comments ko sa dalawang ito? Hindi man lamang nila kinuha ang aking opinyon kung payag ba ako sa mga gusto nilang mangyari ah. Hindi rin naman ako makapagsalita kung gusto ko nga bang makausap si Franz. Ang bilis kasi nang mga pangyayari.

Nakatingin lang ako sa unahan habang pinapanuod ang Ferrari ni Von na lumabas na ng parking lot. Bumusina pa siya bilang paalam na aalis na siya.

"Wear your seatbelt." Malamig na sabi sa akin ni Franz na halos magpatalon ng puso ko. Nanginginig tuloy ang aking kamay habang inaabot ang seatbelt ko. Hindi ko pa maisara ng ayos dahil sa pangangatal ng mga daliri ko. Ano ba ito? Nakakahiya!

Napasinghap ako nang lumapit sa akin si Franz. Siya na ang nagkabit ng seatbelt ko. Seryoso pa rin ang kanyang mukha kaya umiwas na lang ako ng tingin. Ang mga paru-paro kasi sa tiyan ko ay parang may reunion. Para silang may party sa bilis ng liparan sa loob ng katawan ko. Damn!

Tahimik lang si Franz na nagmaneho kasabay ang ilang ulit niyang pagbuntong-hininga na naririnig ko. Para bang hirap na hirap siya sa presensiya ko. Bakit ba naman kasi isinabay niya ako dito kung hindi naman pala siya kumportable? Ang akala ko ba ay maguusap daw kami? Bakit wala naman siyang itinatanong o sinasabi sa akin? Nakakakaba tuloy lalo.

"Saan ang inyo, Steph?" Tanong niya sa akin.

"Huh?" Tanging nasabi ko. Hindi ko kasi masyadong naintindihan dahil abala ako sa pagpapakalma ng sarili ko. Naiinis kasi ako sa sarili ko. Ganoon pa rin ang epekto sa akin ni Franz after 3 years.

Sumulyap siya sa akin. "Saan ka uuwi? Sa bahay ba nina Mama?" Tanong niya sa akin.

"H-HIndi. Sa Jade's Apartment." Nabubulol na sagot ko dahil hindi ako makapaniwalang Mama pa rin ang tawag niya sa Mama ko. Magkaibigan na lang kami, hindi ba? Dapat ang tawag niya ay Tita na lamang.

Ano bang nangyayari sa akin? Kahit mga maliliit na detalye ay binibigyan ko ng pansin. Baka nakiki-Mama lang siya kasi nga ay magkaibigan na kami.

Mabilis namang natunton ni Franz ang apartment na inuupahan ko. Mabuti na lamang at mag-isa ako ngayon dahil nasa bahay nina Mama at Papa si ZL. Kung hindi ay hindi ko alam kung anong mangyayari kung magising ang anak ko at magkita na naman sila.

Mabilis na bumaba si Franz nang ituro ko sa kanya na ito na ang bahay ko. Binuksan niya ang pinto sa gilid ko at inalalayan akong bumaba. Hindi ko na inabot ang kamay niya. Kaya ko na namang lumakad ng ayos dahil sa nahulasan na ata ako ng ininom kong tubig na malamig at nang galit ko kay Janelle kanina.

"Salamat sa paghatid." Tanging nasabi ko.

"Can I come inside? We need to talk." Blangko ang expression na sabi niya.

"Sasama ka sa loob?" Parang tange na inulit ko pa ang sinabi niya kahit dinig na dinig ko namang sinabi na niya iyon.

Hindi niya ako pinansin at inagaw sa kamay ko ang susi na ibubukas ko sana ng bahay ko. Siya pa mismo ang nagbukas ng pinto at nauna pa sa aking pumasok. Feel at home lang ang peg.

Kinalabit ko agad ang ilaw sa sala nang makapasok kami. Dumiretso si Franz sa mahabang lagayan ng display sa sala at tiningnan ang mga picture frames namin ni ZL doon.

"A-Anong gusto mo? Kape? Tubig? J-juice?" Nabubulol na tanong ko. Kasi naman mas lalong lumakas ang kaba ko habang tinititigan niya ang mga litrato ng anak ko.

Lumingon siya sa akin sandali. "Ikaw? Pwede ba?" Tanong niya na nakangisi.

Lalong lumukso ang puso ko. Mula kanina ay hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Ngayon pa lang. Kaya nagugulo ang sistema ng katawan ko.

"Coffee will do." Sabi niya nang napansing tulala ako. Ibinalik niya ang paningin sa mga litrato.

Agad akong nagpunta sa kusina para gumawa ng kape niya. I need to keep my distance. Iba kasi ang pakiramdam ko talaga kapag malapit kami sa isa't-isa. Ginawan ko siya ng kape at ako ay juice na malamig. There is no way na iinom ako ng kape. Baka lalong lumala ang palpitations ng puso ko.

Nang bumalik ako nang sala namin ay nakaupo na siya doon. Nakasandal siya habang ang isang kamay ay nasa kanyang labi. Para bang may iniisip siyang napakalalim.

"Hindi ko alam kung iyan pa din ang timpla ng kape na gusto mo." Nasabi ko sa kanya. Baka kasi iba na ang timpla ni Fatima nitong mga nakaraang araw para sa kanya.

Hinigop niya iyon at ibinaba. "Perfect pa rin naman ang kape mo." Sabi niya habang nakatitig sa mesa. Mabuti na lamang at doon siya nakatingin. Malaya kong naigagala ang titig ko sa kabuuan niya. I must admit, mas gumuwapo talaga siya at tumikas.

Katahimikan ang saglit na bumalot sa amin. Hindi ko alam kung anong topic ang dapat ko kasing buksan.

"Totoo ba ang sinabi mo sa auditorium kanina?" Tanong niya sa akin.

Ako naman ang nag-iwas ng tingin. Nagtatalo ang isip ko kung aaminin ko na ba. Pero dahil sa kaduwagan kong makasira ng pamilya, nagdesisyon ako na sana ay hindi ko pagsisihan.

"Hindi. Nasabi ko lang iyon. Hindi ko rin alam kung sino ang ama." Pagsisinungaling ko.

Narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin. "I don't know if you're telling the truth or lying. Pero Steph, nang makita ko si ZL sa mall, may iba akong naramdaman sa kanya. Parang hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi mo ngayon. Lalo na at nakita ko sa pictures ang itsura niya. Para siyang babaeng ako. Iyong dimples niya sa pisngi. Iyong way niya ng pagkiling ng ulo sa litrato, akong ako!" Sabi niya na medyo napapataas na ang boses.

"N-Nagkakamali ka. Hindi talaga ikaw." Nabubulol na sabi ko pa. Medyo natakot kasi ako sa pagtaas ng boses niya.

Napalingon ako sa kanya nang maingay niyang isuklay at guluhin ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Para tuloy gusto ko na agad bawiin ang aking nasabi sa kanya.

"Bakit ka umalis nang umagang iyon, Steph?" Tanong niya sa akin nang medyo mapakalma na niya ang sarili.

Napalunok ako. "Iyon naman talaga ang dapat eh." Sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Naiilang ako kasi na iyon ang topic na pinaguusapan namin.

"Pakiramdam ko tuloy, ibinigay mo lang ang sarili mo sa akin bilang pamamamaalam." Seryosong sabi niya at bakas ang lungkot sa mata.

May tinamaan sa puso ko. Kuhang-kuha niya kasi ang rason ko nang gabing iyon. Paano niya nalaman iyon?

"Hindi ba talaga nagbunga ang gabing iyon?' Paniniguro pa niya.

Sasagot na sana ako nang marinig kong bumukas ang gate. Tinanaw ko kung sino ang papasok at nakita kong si Cedric. Nakasuot na siya ng pajama at mukhang patulog na.

"Kay Franz ba iyong kotse sa....." Natigilan siya nang makita kung sino ang nakaupo sa aking sala. "Franz!" Nagulat na sabi niya.

Kumunot ang noo ni Franz nang makita si Cedric. "Dito ka ba nakatira?' Tanong niya kay Cedric.

Lumapit si Cedric sa upuan ko at umupo sa arm rest ng sofa na ino-ukupa ko. "No! Diyan ako sa condo nakatira. Katabi nang apartment na ito. Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong pa niya kay Franz.

"Inihatid niya ako, Cedric." Paliwanag ko.

Kumunot ang noo ni Cedric. "Nasaan si Von? Hindi ba't siya ang sumundo sa iyo? Sana ako na lang ang tinawagan mo nang nasundo kita." Concern na sabi niya.

"Nabasa si Von kaya pinauwi ko na. Saka sumama si Franz dito para magkausap kami." Sagot ko kay Cedric.

Napansin kong napakagat siya ng labi. "Ipinakilala mo na ang anak ko sa tunay niyang ama?" Seryosong tanong ni Cedric.

Patay! Alam kong narinig ni Franz ang sinabi niya!

"Anak mo?" Nanliliit ang matang sabi ni Franz sa kanya.

"Oo bakit? Ako ang kinilala niyang ama. Hindi porket ikaw ang nagbigay ng buhay sa kanya ay matatawag mo na ang sarili mong ama ni ZL." Sabi ni Cedric na napatiim bagang. Halatang medyo naiinis siya kay Franz.

Napalingon ako kay Franz at nagkatitigan kami. Alam kong buking na ako. Wala na akong lusot nito. Si Cedric naman kasi, ang daldal eh. Para tuloy gusto ko siyang batukan ngayon.

"Well, get ready kasi babawiin ko na ang inihabilin ko nang hindi sinasadya sa iyo." Seryosong sabi ni Franz habang tumatayo na. Mas mabuti pa ngang umalis na siya. Makukurot ko talaga itong si Cedric mamaya eh.

"Akala mo, natatakot ako? Wala ka nang lugar dito. Kami pa nga lang ni Von ay masikip na. Dadagdag ka pa? Wala ka nang pupwestuhan." Makahulugang sabi ni Cedric.

"Just wait and see." Sagot niya pabalik kay Cedric habang nakataas ang dalawang kilay. Lalo tuloy naiinis si Cedric. Ayoko nang gulo. Alam kong parehas nilang hindi matagalan ang isa't-isa.

"Mag-uusap tayo ulit, Steph. Hindi ako mapipigilan nang alinman sa dalawa mong bodyguards." Bilin niya sa akin na ang tinutukoy sa pagkakaintindi ko ay sina Von at Cedric. Hinalikan niya ako sa noo at lumabas na ng bahay namin.

Susundan ko sana siya sa gate pero pinigilan ako ni Cedric sa siko. "Hey! Huwag kang masyadong magpa-obvious. Pahirapan mo naman siya." Malungkot na sabi niya sa akin.

Natanaw kong nakasakay na ng kotse niya si Franz. Saka ako seryosong bumaling kay Cedric at pinagpapalo siya sa braso.

"What the..." Reklamo niyang hindi natapos. Sinasalagsalag lang niya ang paghambalos ko.

"Ang daldal mo! Hindi dapat niya malalaman na siya ang tatay ni ZL kung hindi dahil sa iyo!" Naiinis na sigaw ko sa kanya.

"Hindi niya alam?" Naguguluhang tanong ni Cedric sa akin.

"Ewan! Umuwi ka na at isara ang bahay ko. Ayaw kitang makausap! Ang daldal mo!" Singhal ko pa sa kanya. Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa kwarto.

Paano na ito? Alam na ni Franz? Anong magiging epekto nito sa kanya-kanya naming mga buhay? Abangan.

__________________________________

A/N:

Thank you sa lahat nang patuloy na sumusubaybay dito. Sana naman po ay magparamdam naman ang iba kong readers. Please lang po.

40 VOTES + 35 COMMENTS =  UPDATE!

Continue Reading

You'll Also Like

326K 11.3K 61
They were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and li...
3.3K 271 51
A story of teenage girl that never expected she will be the girlfriend of the hottest and favorite basketball captain. How can she stop herself from...
26K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
89K 4.3K 37
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...