The Untold Story

By thechosen-one

958 22 7

Two people met. Two people became friends. Two people shared their secrets. Two people fell in love. Two peop... More

The Untold Story
Introduction: The Trio
Chapter 1: Welcome Back!
Introduction: The Bratz
Chapter 2 - Meet again
Chapter 3 - The Russian Girl
Chapter 4 - The Party
Chapter 5 - Wow!!
Chapter 6 - First Day
Chapter 7 - Ms. Montes
Chapter 8 - Familar scenes
Chapter 9 - Escape of Romeo and Juliet
Chapter 10 - That kiss
Chapter 11 - This is war
Chapter 13 - "First date"
Chapter 14 - He likes me..
Chapter 15 - The Plan
Chapter 16 - First move
Chapter 17 - Supposed to be shopping
Chapter 18 - Batangas day! (Part 1)
Chapter 19 - Batangas Day! (Part 2)

Chapter 12 - Is he?

25 1 2
By thechosen-one

Gian's POV

Andito kami ngayon sa school. Hinihintay si Cormac. Ngayon na kasi kami pupuntang Isabela para dun sa project. Si Aria kanina pa mainit ang ulo. Pano ba naman ang usapan 9, eh 10:30 na. 1 hour and 30 minutes na kaming naghihintay dito.

"Asan na ba yang magaling nyong kaibigan!!" sabi ni Aria. Gagalit na eh.

"Di naman sinasagot yung tawag namin." Daniell.

"Wala talagang pinagbago to si Cormac..." bulong ni Juliana.

"Ano?" tanong ko. Pano nya naman masasabi yun? Magkakilala na ba sila dati?

"A-ahh.. wala. Tawagan nyo ulit sya."

Tinawag ko na si Cormac. After ng dalawang ring, sa wakas dumating narin.

"I'm here!!" Cormac.

"Ano ka ba naman!! Usapan naten 9. Dumating ka 10:36!!!" Sino pa? edi si Aria.

"Aray ko naman! Ang sakit sa tenga!"

"Eh dapat lang yan sa mga taong di marunong tumupad sa usapan!"

"Pwede mag sorry? Na-late ako ng gising! Tara na nga! Umagang umaga, nambu-bwiset ka."

"Oo nga eh. Umagang umaga nambu-bwiset ka!" sabi ni Aria at sumakay na kami sa van.

Madami kaming dalang pagkain para sa mga magsasaka doon. Kapalit sa pagtulong samin sa project.

Si Daniell, Aria at Cormac ang magkakatabi. Kami naman ni Juliana ang nasa likod nila. Si Daniel nagbabasa ng libro. Si Aria naka-earphones so malamang nakikinig siguro ng music. Si Cormac naman may katext tas mamaya may katawagan din. Mga babae nya. Ako, nagsosountrip lang din. Si Juliana naman nakadungaw lang sa bintana. Halatang malalim ang iniisip.

"Malulunod na ata ako ah." sabi ko sa kanya kaya napalingon sya sakin.

"Huh? bakit?"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo." pagkasabi ko nun, si Daniell halatang nagpipigil ng tawa. Yung dalawa naman dedma lang.

Narinig ko lang naman yun nung nanonood ng tv yung katulong namin. Corny ba? tss.

"Pfft-hahaha. Wala to." sabi nya at dumungaw ulit sa bintana.

"Something wrong?"

"Nothing wrong."

"Di wag."

Ako na nga tong may concern sa kanya eh. Psh. Akala ko pa naman magkaibigan na kami. Bat di nya ko pagkatiwalaan? Nakakaasar. Bala sya dyan.

Sinalpak ko na lang ulet yung earphones ko

"You never changed.."

Huh? Ano daw? May sinabi sya di ko narinig.

"May sinasabi ka?" masungit kong tanong.

"Wala." sabi nya at natulog.

Ano bang problema nya? Ang hirap talaga intindihin ng nga babae. Tch.

Sya nga ba ko ako? hayy.

Daniell's POV

Lahat sila tulog na. Except kay Cormac. Putek. Ang ingay nga eh, kanina pa sya may tinatawagan tas puro kalandian sinasabi. Kanina pa nga takla ng takla si Aria eh, naiingayan din siguro. Kaya imbis na sawayin ko si Cormac, hihintayin ko na lang si Aria ang magsaway sa kanya hahaha. Mas exciting.

"Hey Sandra! Huh? Oo nga, Alexa sabi ko. Anong Sandra? I said Alexa. Anyway, Sandra este Alexa, I'll pick you up tomorrow. Let's have dinner. I miss you. Bye!" Alam nyo na siguro kung sino yan. "Muntik na ko dun ah." Sabi pa ni Cormac  habang nakangiti.

Maya-maya, may tinawagan nanaman sya.

"Kylie? Hi. What's up? Hm btw, I enjoyed last night. Let's bond again soon. Okay, see ya!" Grabe. Andami nyang babae.

Yung dalawa sa likod tulog pa rin, si Aria kanina pa to nag tatakla pero dedma lang talaga si Cormac.

"Goodmorning babe. May group project kami ngayon. I cant come with you later. Sorry. Babawi na lang ako. Huh? ano ka ba? wala ka bang tiwa---"

"PWEDE BA MAGPATULOG KA! ANG INGAY INGAY MO!" woohoo hahaha.

"AKIN NA NGA YAN! DI NAMAN KITA INAANO DYAN EH!" kinuha kasi ni Aria yung cellphone nya.

"EH DI NGA AKO MAKATULOG DAHIL ANG INGAY INGAY MO!"

"MASAMA NA BANG TUMAWAG SA PHONE HA?!"

Yung dalawa sa likod nagising na din. Hahahaha! Tinignan ako ni Gian at tinanong kung ano nangyari, sabi ko lang 'malay ko'.

"SINABI KO BA?! ANG AKIN LANG ANG INGAY MO! KANINA KA PA MAY KAUSAP NA IBA'T IBANG BABAE DYAN!"

"BAT KA BA NANGINGI---"

"HOY! WAG NGA KAYO MAINGAY! PATI KAMI NAGISING NYO EH!" Sigaw ni Gian kaya natahimik silang dalawa.

Sakto namang nag stop over kami dito. Sa may gas station. Sa tabi nun maraming fast food. May yellowcab din starbucks etc.

Bumaba muna kami para magbreakfast. Napagdesisyunan naming sa Mcdo na lang kumain dahil yun yung trip kainin nung dalawang babae ngayon. Parang ewan.

After namin magbreakfast. Pumunta kami sa Starbucks. Bumili lang kaming lahat ng frappe. Libre

ni Gian eh.

Yung dalawang babae may binili muna sa grocery.

Palabas na sana kami ng biglang may nakabunggo si Gian.

"Tumingin ka nga sa dinada-- Oh, Gian."

Hm? Bakit naman sila andito?

"Ano ginagawa nyo dito?" Gian.

"Ahh. May pupuntahan kami eh. Kayo?" Marcus.

"Wala. Aalis na kami." Gian.

"Ah sandali! Ngayon ba kayo gagawa ng project? Kasama nyo si Juliana?" Marcus.

Iba nafe-feel ko dito sa tatlong to. Feeling ko may di magandang mangyayari pag andito tong tatlong to eh.

"Ano naman kung kasama namin? Ge ingat." sabi ni Gian. Then umalis na kami.

Malapit na kami sa Van ng makita namin sila Juliana kaya pumunta kami sa kanila. Kinuha namin yung nga pinamili nila.

"Juliana!" sabay sabay kaming napatalikod at ang epal nandito nanaman.

"Marcus? Ano ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang kami. Pwede bang kumain muna---"

"Tapos na kaming kumain. Tara na." sabi ni Gian. Hinawakan nya pa yung kamay ni Juliana na agad naman nyang iki-namula. Nag blush, ganun.

Halata pa sa kanyang meron pa din.

Sumakay kami sa Van at agad na umalis. Sila Marcus wala na don, nakita ko silang sumakay din sa kotse.

Mukhang alam ko na gagawin nila.

At tama ako. Nakita ko yung kotse nung isa.

"May buntot." sabi ko kay Gian. Alam na ibig sabihin nun kaya pinatigil nya yung sasakyan. Sya ang nagdrive.

"Bakit? Ano ba meron?" tanong ni Juliana.

"Yang Marcus mo sinusundan tayo." Sabi ni Gian habang nagda-drive. Magaling to, kaya nyang iligaw yan.

"Ganun? Edi isabay na lang naten sila."

"Anong isabay? Hindi pwede!"

"Bakit naman?"

"A-ahh.. di naman naten sya ka-group."

Is he.... hahaha

Di na nakaimik si Juliana. Si Cormac ang umimik.

"Seloso ka pala, Gian. HAHAHA"

Huminto si Gian kaya nauntog si Cormac sa unahan.

"Aray!"

"Sino may sabing nagseselos ako? Ayoko lang dun sa taong yun. Masyadong papansin."

"Sakit nun ah." Cormac.

"Pake ko sayo." sabi ni Gian at tumabi na kay Juliana sa likod namin. Kakausapin pa sana ni Juliana pero nagsalpak na sya ng earphones sa tenga. Kaya napasimangot na lang si Juliana at dumungaw sa bintana.

Back to normal. Back to what we're doing habang umiinom ng frappe na binili namin sa starbucks.

Ilang oras lang eh andito na kami sa Isabela na sinasabi nung boy nila Gian.

"Magandang hapon po. Kayo po ba si Sir Gian?" sabi nung isang babae. Nasa 30-40 siguro yung edad. Haha.

"Yeah."

Badmood parin to si Gian.

"Ako po yung kapatid ni Berting. Tara ho, ipapakita ko sa inyo yung magiging kwarto nyo, sir."

Sinundan namin sya papunta sa isang bahay.

"Dito po yung bahay ng pinsan namin. Kayo pong mga lalaki dito daw po muna tumuloy. Yung pinsan ko po samin matutulog. Kayo po dalawa ma'am dun po kayo sa bahay ng kapatid ko. Kayong dalawa lang po doon. Kapag may kailangan ho kayo tawagin nyo lang ho kami. Dito lang ho kami nakatira." at tinuro nya yung bahay na nasa likod ng tutuluyan namin. May konting layo doon at tsaka sa tutuluyan din nila Juliana. Bandang kaliwa sila.

"Salamat ho." sabi ko. Pumunta na kami sa kubong tutuluyan namin pati narin yung 2 girls.

"Dito tayo matutulog sa sahig?!" Cormac.

"May dala ka bang comforter?"

"Wala."

"Oh edi dyan ka matulog." sabi  ko. Kami kasi ni Gian may dala. Kaya di kami mahihirapan sa pagtulog. Sya... bala sya dyan. Di sya nagdala eh kasalanan nya.

Nagreklamo pa si Cormac. Sabi nya tabi daw kami. Pero sabi ko "Ano ka chix? Dyan ka matulog. Karma mo yan, pinaghintay mo kami."

Ayun. Di na naka-imik.

Pero di pa naman kami matutulog o magpapahinga. After namin mag ayos ng gamit. Nagpalit na kami ng pang magsasaka at pumunta na sa palayan.

"Ang init. F*ck." Cormac.

"Ano pong gagawin namin?" tanong ni Gian sa magsasaka.

Tinuro nya samin kung pano.

Grabe pala to. Napakainit tas magtatanim sila ng ganto. Sobrang sakit lang sa likod. Kahit 40 minutes lang yon. Hehe.

Nakapagpa-picture narin kami habang nagtatanim. Si Cormac parang tanga, stolen kasi dapat ang mangyayari. Sa lahat ng picture na puro stolen, sya lang nakatingin sa camera at naka-ngiti. Ang gago diba? Sabi lang namin dun sa nagpipicture, picturan lang kami ng picturan. Kami, nagtatanim lang. Pero si Cormac lang talaga. Bawat picture iba't ibang pose pa kaya ayun, nabatukan ni Aria. Nag kunyaring stolen na lang.

After namin gawin yun, nagpahinga na kami. Nakaupo lang kami lahat.

"Excuse me, may pupuntahan lang ako." Juliana.

"Saan? Alam mo ba to?" sabi ni Gian

"Dyan lang ako." sabi ni Juliana at umalis na. Napasimangot naman si Gian don at napailing na parang di nya inasahang sasabihin nya yun.

"If I were you, I'll follow her." bulong ko kay Gian.

"Bat ko naman yun susundan? Yaan mo sya." sabi lang nya. Tch. Pakunwari pa, gusto naman.

Maya maya lang, eh tinawag na kami para kumain. Sa labas daw kakain. Boodle fight nga eh. Haha.

Paglingon ko sa kanila, si Cormac lang ang nakita ko. Si Aria at Gian biglang nawala.

San naman nagpunta yung mga yon?

"Hoy, asan sila Gian?" tanong ko kay Cormac.

"Huh? Wala ba dyan? Kanina andyan lang sila eh. Yaan mo na, baka nag threeso---Aray!!" Napakabastos netong lalaki to. Alam nyo ba kung ano yon? hula ko, karamihan alam yun. Pero yung mga di alam, wag nyo ng alamin. Para din sa ikau-unlad din ng bansa naten to. Lol.

"Wag ka ng maingay! Ang bastos mo. Kumain ka na lang!" sabi ko at kumain na lang din.

Gian's POV

Kanina pa ko naiinis sa sarili ko. Di ko maintindihan sarili ko eh. Bigla bigla na lang akong magrereact ng ganun at hindi ko alam kung bakit.

Sinundan ko Juliana.

Baka kasi kung ano mangyari sa kanya no. Malagot pa kami. Kami lalaki, dapat kami po-protekta sa dalawang babaeng kasama namin.

Nakita ko sya sa.....

falls.

Wow. Ang ganda.

Tingnan ko si Juliana. Tumitingin tingin sya sa paligid. Teka, baka maliligo to. Eh nakakaakit din kasi yung.. O______O

Bahagya akong napatalikod sa nakita ko.

Naghubad kasi sya ng pang taas nya. Why did she do that?!Did she think that someone could see her wearing only her........ aish.

Tumingin din ako sa paligid baka kasi may nanonood sa kanya. Nung nakita kong wala naman, tsaka ko lumabas at gulat na gulat sya nung nakita nya ko. Tinakpan nya rin yung ano nya gamit ang dalawa nyang kamay.

"What?" tanong ko.

"You! What are you doing here?!"

"Fetching you!"

"Kaya ko bumalik mag-isa!"

"Delikado! Magga-gabi na oh! Baka mapano ka." Pagkasabi ko nun tumahimik din sya.

Gulat nya lang nung naghubad ako ng tshirt ko.

"Baket? Ikaw lang ba pwede maligo dito?" sabi ko sa kanya.

"Hoy! Wag kang lalapit! Dyan ka lang!" sabi nya nung papalapit ako sa kanya.

"Relax. Wala kong gagawin. In fact, I wanna say sorry. I'm  sorry kasi h-hinalikan kita. Di ko rin alam kung bakit ko nagawa yon eh... ugh. I'm really sorry."

"O-okay na yun."

"Pero, pwede magtanong?" Sorry, Curious na curious kasi ako kung bat nya ko hinalikan din eh.

"Nagtatanong ka na nga eh."

"Tss. Why did you kissed me back?" gulat din sya sa tanong ko.

"A-ahh.. e-ewan." sabi nya.

"Anyway, friends?" sabi ko.

"Friends." sabi nya pero parang may halong lungkot.

Ano ba yan, mas napupursigi tuloy akong makilala pa sya ng lubos. Parang may mga saloobin syang gusto nyang ilabas eh.

And I want her to say what she wants to say, through...... me.

Aria's POV

Nung umalis si Gian di ko alam pumasok sa utak ko at yung mga paa ko bigla na lang syang sinundan. May mga sariling mundo tong body parts ko.

Nagtago ako sa likod ng puno.

Tinitignan silang dalawa.

Narinig ko lahat ng pinagusapan nila. Wala ko sa wisyo. Bigla na lang sila pinakinggang ng aking mga tenga. May sariling mundo nga talaga to.

In fairness kay Gian, nung nakita ko yung paghubad nya sa harap ni Juliana....

Shit lang. 6 pack abs!! *drools* hahaha joke lang no. Ew. Di ko gusto si Gian.

Narinig ko din yung.. hinalikan ni Gian si Juliana. Ano ba meron sa dalawang to?

Gusto ko tuloy silang kilalanin. Nacucurious ako sa pagkatao netong mga to eh haha.

Kanina din, si Gian bigla na lang nag-iba yung mood nung dumating sila Marcus. Bakit kaya?

Is he.....

Jealous? 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Im sorry kung lame :( Sorry din late update huhu :( babawi naman ako haha.

Enjoy!! 

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...