The Destroyer

By littlemissselle

6.6M 81K 23.1K

Black Series II: I'm Casimir Ramirez. Three words, I DON'T CARE. Shut the hell up or I'll destroy you. More

The Destroyer
TD - 1
TD - 2
TD - 3
TD - 4
TD - 5
TD - 6
TD - 7
TD - 8
TD - 9
TD - 10
TD - 11
TD - 12
TD - 13
TD - 14
TD - 15
TD - 16
TD - 17
TD - 18
TD - 19
TD - 20
TD - 21
TD - 22
TD - 23
TD - 24
TD - 25
TD - 26
TD - 27
TD - 28
TD - 29
TD - 30
TD - 31
TD - 32
TD - 33
TD - 35
TD - 36
TD - 37
TD - 38
TD - 39
TD - 40
TD - 41
TD - 42
TD - 43
TD - 44
TD - 45
TD - 46
TD - 47
TD - 48
TD - 49
TD - 50
TD - 51
TD - 52
TD - 53
Epilogue
Black Note
Special Chapter 1: Geoff & Belle
Special Chapter 2: Henry & Desiree
Special Chapter 3: Jeremy
Special Chapter 4: Jericho
Special Chapter 5: Jhaztine
Last Special Chapter: Casimir & Alex

TD - 34

105K 1.3K 355
By littlemissselle

CHAPTER 34

GEOFF'S POV

Magka-chat kami ngayon ni Desiree dahil ang sarap niyang bwisitin.

Desiree

If you're only going to talk about your 'handsome'-ness na ikaw lang nakakaalam, better shut your mouth.

Geoff

Bakit hindi ba? Gwapo ko kaya.

Desiree

Ano bang meron sa kahambugan at sinalo mo lahat?

Geoff

Iba naman ang hambog sa honest.

Desiree

t-.-

Geoff

:-*

Desiree

EW

Geoff

Choosy pa? Oy hindi ka ba nabo-bore sa buhay mo?

Desiree

Actually, I am. Hmm... gala tayo nila Alex!

Geoff

Summertime means beach time! C'mon!

And so we decided to tell them na mag-bakasyon naman kami.

Pumunta ako sa bahay nila Henry dahil alam ko namang tambay sa bahay 'yon at baka kapag tinawagan ko siya eh hindi lang din ako sasagutin no'n ng maayos.

Nang makarating ako ay nag-doorbell ako at pinapasok naman ako ng maid nila, sabi nito ay nasa itaas daw si Henry. Kaya tumakbo na ako paakyat at marahas na kumatok sa kwarto niya.

Bigla namang bumukas ito at isang galit na mukha ang bumungad sa akin.

"ANO BANG PROBLEMA MO?"

I take a step back, "Chill, dude. Hindi ako bibili ng yelo."

Sinamaan niya ako ng tingin pero bigla niyang tinulak ang noo ko at pinapasok ako sa kwarto niya.

"Punyemas, anong klaseng buhay 'to pare, boring!"

Nakita ko kasing busy siya sa pag-e-edit ng pictures.

"Tanga, kumikitang kabuhayan tawag diyan." Humarap siyang muli sa desktop at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Pabagsak akong nahiga sa kama niya. "Tara bakasyon tayo."

"Saan?" tanong niya na hindi man lang ako tinitignan.

"Sa'n ba maganda?" Nag-isip pa ako muna ng kaunti, "Sa Batangas kaya?"

"Kailan?" tanong niya na focus pa rin sa ginagawa niya. Ganda kausap nitong isang 'to ah.

"Sino-sino tayo?"

"Ikaw, ako... ah si Casimir malamang sasama 'yon kasi aayain ni Des si Alex eh." Medyo wala na rin naman 'yung pagkainis ko kay Casimir eh. Wala naman akong magagawa kung likas na siyang gago. Bahala na si Belle. Basta ako, balik sa normal na buhay. Walang babae na pino-problema.

"Kasama si Des?" bigla siyang humarap sa akin. Ay buti naman alam niyang andito 'yung kausap niya.

"Oo, bakit, ayaw mo?"

"Ah... hindi. Kailan ba 'yan para maayos ko schedule ko."

Napaupo naman ako bigla, "Angas, schedule, artista?"

"Gago!" binato niya ako ng lapis na nasa computer table niya.

At tinawagan namin si Casimir at himala pumayag siya na hindi man lang nagdadalawang-isip. Eh kasi sabi namin sasama si Alex kahit hindi pa namin nako-confirm kung sasama nga talaga girlfriend niya.

Tinawagan ko na rin si Des kung nagawa ba niya at sabi niya pag-iisipan pa raw ni Alex tapos ang nakakainis lang pati si Belle inaya niya!! Alam naman niyang iniiwasan ko 'yung babaeng 'yon eh!

"What the hell, Desiree?! Bakit mo ginawa 'yon!!" sigaw ko sa kabilang linya.

Binato naman ako ng unan ni Henry. Ilang beses ba ako babatuhin ng mga kung ano-ano nitong hayup na 'to. "'Wag mong sinisigawan si Desiree!"

"Nyeta kayo. Hoy Des, bawiin mo sa kaniya."

"Ayoko nga!" she chuckled then ended the call.

"Bakit mo sinisigawan si Des ha?! Hindi ko nga sinisigawan 'yon tapos ikaw!"

"Kasi naman eh, inaya niya si Belle!"

"Ah basta 'wag mo sinisigawan! Upakan kita eh!"

Matapos niya ako takutin na 'wag sisigawan o sasaktan si Des kundi mananagot ako sa kaniya eh umuwi na rin ako.

Nakita ko pang nag-status si Belle na, "Yaay for summer vacay!"

Does this girl even know na kasama ako? Kung alam man niya, papayag pa rin kaya siya? Sasama pa rin kaya siya?

Nag-status din ako, "Yey or Nay?"

Hmm, I should start listing the things I need to bring. Akala ko pa naman mare-relax ako dahil bakasyon but it turns the other way around dahil wala pa kami sa paroroonan namin ay nase-stress na ako.

ALEX'S POV

Nagla-lunch break kami ngayon at ito nanaman si Weng.

"Uy Alex ha, salamat talaga kay Casimir. Ito oh, ginawan ko kayo ng spaghetti, masarap 'yan." Nakangiti niyang inaabot ang tupperware na may dalang pagkain.

Para sa amin o kay Casimir lang talaga? Wala naman akong ginawa para sa kaniya eh.

I smiled. "Bakit pati sa'kin?"

"Hindi naman siya pupunta dito kung hindi dahil sa'yo. Tsaka siyempre girlfriend ka niya eh."

Ngumiti na lang ako kahit 'di ko feel ngumiti tapos nakaramdam na lang ako ng malakas na batok. Tumingin ako sa likod ko habang hinihimas ang batok ko. "Bwisit kang bakla ka."

"Bwisit ka rin, at ikaw din," turo niya sa'kin pagkatapos ay kay Weng naman. "Puro kayo kadramahan! Ikaw aminin mong nagselos ka, at ikaw 'wag kang tanga!"

"Sinong nagselos at tanga?" may pamilyar na boses ang nanggaling sa pintuan, papasok ng kitchen.

Luminya kaming tatlo at binati ang dumating, "Good morning Sir."

"Good ba ang morning eh mukhang nagtatalo kayo?" nag pamaywang siya.

"Eh kasi 'tong mga bruhildang ito Sir, wit ko ma-take ang kadramahan nila. Nakaka-Rita Avila ang eksena nila kanina!" nakaka-bwisit na sagot ni Dyosa. Eh kung sana sa matinong way siya nagsasalita 'di ba?

Kumunot ang noo ni Sir, "Pwede ba Dyosa 'wag mo 'ko kakausapin aa lingwahe mo na 'yan!"

Itinaas ni Dyosa ang magkabilang kamay. "Okay sorry bading lang," sagot niya gamit ang panlalaki niyang boses. Sht. Kinilabutan ako!

Inirapan siya ni Sir. "You two in my office, now." At diretso nang naglakad si Sir patungo sa maliit na opisina niya.

"O ayan! Napapala niyo sa kaartehan niyo!"

Punyaterang bakla ito! Ang sarap niyang dagukan, promise.

Sumunod na kami ni Weng sa opisina ni Sir. Naabutan naman namin siyang nakaupo sa likod ng desk niya at kung tignan niya kami ay para niya kaming ine-examine.

"So ano bang problema niyo?" panimulang tanong niya.

"Wala po Sir," nakayukong sagot ni Weng.

"Eh bakit ang ingay niyo sa loob ng kusina ha? Rinig hanggang labas at ano naman 'yung sinasabi ni Dyosa na nagseselos at tanga, aber?" Na-cross arms siya.

"OA lang po talaga si Dyosa, Sir. 'Wag niyo pong iniintindi 'yon." Pinagdikit ni Weng ang upper at lower lip niya para magpigil ng tawa.

"Oo nga. Okay lang naman talaga kami ni Weng bago siya pumasok ng kusina eh. Bigla na nga lang sumulpot 'yon eh!" dagdag ko.

He sighs, "Okay. Pero sa susunod kung mag-aaway kayo hihinaan niyo lang or kung gusto niyo sa labas na lang para hindi maaabala ang customers. Observe proper decorum, understand?"

"Yes Sir, sorry din po," we apologized.

Lalabas na sana kami nang opisinan nang tawagin ako ni Jericho, "Alex, maiwan ka muna."

Tumango ako kay Weng at nauna na siyang lumabas. Bakit ba ako pinapaiwan nito? Ano nanaman bang problema sa akin? Ang tino-tino ko namang tao ah.

"Bakit po Sir?"

Tinaasan niya ako ng kilay, "I'm sorry?"

Ay taeng 'yan. "Ibig kong sabihin, Bakit, Jericho?" I faked a laugh.

"Saan kayo pupunta ni Casimir?"

Ha? May lakad ba kami? 'Di ako informed?

"Ah susunduin niya ako mamaya tapos ihahatid sa bahay?" 'di suguradong sagot ko.

Umiling siya. "No, he asked, he told me perhaps, that you will be going out of town."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

Ito ba 'yung inaya ako ni Desiree? Anak ng, pumayag siya? Bakit pati ako idadamay niya? Walangya naman talaga 'tong si Casimir, oo.

"How sweet of him na ipagpaalam ka sa boss mo," he mocks. "As if naman papayag ako 'di ba?"

I was a bit disappointed. Sht lang, ang labo kong tao! Hindi na ako matino.

"Kayo hong bahala," nasabi ko na lang. Wala akong maisip na sabihin eh.

"But wait; are you aware of that out of town? It seems you aren't."

I slightly nod. "Inaya ako ng kaibigan ko pero sabi ko pag-iisipan ko pa."

"So he's deciding things for you. Don't you feel being controlled?" he stands up, "Kasi Alex, if you were mine I'll let you keep things your way. I won't argue with you." Before I could speak, nasa harap ko na siya. "Ikaw ang masusunod."

Napa-atras naman ako. "Jericho, 'wag ganiyan ka-close, umusog ka onti."

He laughs, "You're funny."

Inirapan ko siya. Siraulo ata talaga ang isang 'to. Kanina lang parang kinu-kwestiyon niya ang pagiging boyfriend sa akin ni Casimir tapos ngayon biglang tatawa. Ganiyan na ba ngayon ang mga rich kid?

"Jericho. Kahit naman madalas kaming magtalo ni Casimir kahit sa maliliit na bagay eh mabait siyang boyfriend sa akin," hindi nga lang gentleman, "Ipinapasok niya ako sa mundo niya kahit hindi ako bagay do'n at isa pa malaki ang utang na loob ko sa kaniya." Kung hindi dahil sa kaniya baka sa kalye na kami naninirahan ni Axel.

His laugh filled the room. See? Sabi sa inyo, may saltik siya. Mas hindi siya matino kaysa sa akin.

"Is that so Alex? Kaya ba hindi mo siya magawang iwanan dahil sa may utang na loob ka sa kaniya? Kasi nabibigay niya ang kailangan mo?" he said the most pathetic thing I've ever heard.

Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya. Ano bang gusto niya?

"Alam mo Je-..."

He cuts me off, "You don't have to explain. Don't worry hindi kita isusumbong para hindi kawawa ang munting prinsipe."

Nag-pantig ang tainga ko doon. "'Wag mo ngang niloloko si Casimir. Kahit saang banda mo pa tignan boyfriend ko pa rin siya. At hindi mo alam ang mga sinasabi mo," he just looks at me, still wearing that amusement in his face. "Siya nga pala, a-absent ako ng ilang araw dahil may out of town kami. Thank you, Sir," I say before I leave the damn office of his.

Tinext ko agad si Casimir kung pwede sunduin na niya ako, nag-reply naman siya agad at sinabing pupunta na siya.

Kahit naman ganito kami ni Casimir, mabait pa rin siya sa'kin. Ginagawa niya lahat para maging perfect boyfriend.

Inantay ko na sa labas si Casimir. 'Di ko na feel mag-stay sa loob ng restaurant. Naba-badtrip ako eh.

Nilabas ko na lang ang earphones ko at nag-soundtrip.

Hindi ko naman maiwasan isipin ang mga sinabi ni Jericho.

Hindi ko siya maiwan kasi may utang na loob ako sa kaniya? Am I using him?

I shook my head, trying to erase that thought. Hindi naman ako ganoong klase ng tao. Pero bakit nga ba hindi ako makipag break sa kaniya, eh hindi ko nga naman siya mahal? Dahil sa lihim ko? Ano nga ba naman kung malaman nila... edi parang bumalik lang sa dati ang buhay ko... pero kaya ko ba ulit harapin ang mga lait nila?

Natigil ako sa pag-iisip nang may tumulak sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ko si Casimir. Inalis ko ang earphones sa tainga ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko dito sa may waiting shed.

"Napaka-gentleman mo talaga," puno ng sarcasm kong sabi.

"What do you expect me to do? Cover your eyes with my hands? That's too cheesy for me." He rolled his eyes.

"Ang sabihin mo wala ka lang talaga ka-sweetbones-sweetbones diyan sa katawan mo." Sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Tss."

Napahinto ako sa paglalakad. Aba't tignan mo 'tong isang 'to! Tini-tss-tss na lang ako! Bwiset.

Pero habang pinagmamasdan ko siya na naglalakad palayo... I felt guilty. Whatever the reason was, I don't know.

Hinabol ko siya at inakap mula sa likod.

"I'm sorry..." I whispered but enough for him to hear.

"For what?" I felt his hands touch my arms that was wrapped around him.

"Basta sorry lang."

"I should not be sweet all the time para nakakatanggap ako ng yakap." I can sense the grin on his face. Niluwagan ko ang yakap at humarap siya sa akin. "I'm not into PDA but I don't want to ruin this moment," inakap niya ako pabalik. "Whatever it is, you're forgiven."

Napailing na lang ako na nakangiti habang inaakap siya ng mahigpit. I don't mind kung gaano na kami katagal na magkayakap as long as gumagaan ang pakiramdam ko.

"Uhm... Alex, alam kong tuwang-tuwa ka na niyayakap ako pero... I don't like to be stared at."

Napakalas ako sa yakap at napansin ko ngang may ilang mga nakatingin sa amin. 'Yung iba ay mga customer na papasok pala ng restaurant at ang iba naman ay kalalabas lang.

"Ugh, this is so embarassing," bulong niya at dumiretso ng lakad palapit sa kotse.

"Hoy! Bakit ka nahihiya!" sigaw ko pero siya mabilis lang na sumakay sa sasakyan. Bastos 'to. Pagkasakay ko ay tinanong ko siya ulit. "Bakit ka nahihiya? Kinakahiya mo ba 'ko ha?"

Tinignan niya ako ng masama. "I am not ashamed of you! Where in the hell did you get that? Hindi ba pwedeng ayoko lang talaga ng attention ng ibang tao? 'Yung attention mo lang naman gusto ko eh!"

Matapos niyang sabihin 'yon ay hindi na ako nakasagot. I felt my blood rush to my cheeks. Hoping na hindi niya mapansin.

Naka dungaw lang ako sa bintana nang magtanong siya,

"Ready ka na ba sa out of town?"

I clapped my hands, "Oo nga pala. Bakit pinapaalam mo na 'ko sa boss ko nang hindi muna ako sinasabihan?"

He giggled. "Para hindi ka na aayaw. Tsaka ano bang pake nung Jericho na 'yon?"

"Anong pake niya? Siya lang naman ang boss ko. Siya lang naman ang nagpapa-sweldo sa akin. Duh," I said as a matter of fact.

Gusto ko siyang hampasin ng bag kasi nag-tss nanaman siya pero pinapaalalahanan ko sarili ko na nagmamaneho siya. "Gusto mo ako na lang magpa-sweldo sa'yo? Ang trabaho mo lang ay mahalin ako. Ano, game ka?" amuse na amuse siya sa sarili niyang idea. Parang timang lang eh! Nakangiti pa siya habang naka-focus sa daan ang tingin niya.

"Bwiset," tangi kong nasagot.

Nang makarating kami sa apartment ay tuwang-tuwa siya nang makita si Axel.

"Brother-in-law!" nakaspread pa ang arms niya na naghihintay na yakapin siya ni Axel pero hindi iyon ginawa ng kapatid ko. Tinignan lang siya at nag-diretso ng lakad sa dining table. Natawa na lang kami pareho ni Andrea. "Loko 'tong batang 'to, 'wag ko kaya dalhan ng pagkain 'to?" sinundan naman niya ang kapatid ko.

Kumain na kami ng dinner nang may maalala akong kunin sa bag ko. Nilabas ko iyon at binuksan sa lamesa.

"O spaghetti, para sa'yo raw."

"Galing kanino?" tanong niya.

This time ako naman ang sumagot ng, "Tss."

Naglagay siya sa pinggan niya at sarap na sarap naman siya. Wala naman sa listahan ni Tita Kathryn ang spaghetti ah? Ganoon ba kasarap 'yung luto ni Weng? Dapat maging masarap na rin ako magluto. Ugh.

Tinikman ko ang gawa niya at masarap nga. Nakakairita.

"Masarap ah, in fairness." sabi pa ni Andrea.

Naka-thumbs up naman itong kapatid ko na kumakain din ng spaghetti.

"Sino nagluto? 'Yung chef don?" tanong ni Casimir.

"Si Weng."

"Ahh."

After dinner naghugas na ako ng pinggan at umuwi na rin si Andrea. Nilinis ko muna ang katawan ni Axel bago ko siya pinapunta sa kwarto niya.

Itong si Casimir naman ay nakatitig lang sa akin habang nilalabas ko ang damit pantulog ko sa drawer.

"'Wag ka ngang tumingin ng ganiyan." Nakaka-conscious kasi.

"There is something wrong with you." Kumunot ang noo ko. "Ayan ka nanaman sa mood mo na 'yan. Ano ba talagang problema?"

"Wala. Ikaw may problema ka?"

"Girls are so complicated."

Nagpameywang naman ako. "So sinasabi mo bang complicated ako."

Lumapit siya sa akin at tinulak ng mahina ang noo ko, "And I love complicated measures."

I felt something in my stomach. Nakakain naman na kami ah pero bakit gano'n? Busog naman ako.

"Weird mo."

"I know. Nga pala, alam mo ba kung anong frat ang sinalihan ni Jeremy?"

Oh... Jeremy. Wala na akong balita tungkol sa kaniya.

"Ah hindi, bakit?" Bakit bigla siyang naging interesado sa kaniya?

"Just wanna know what the name of the bunch of cowards is." What does he mean by that? "Sige na, maglinis ka na ng katawan. Uuwi na ako." I nod ihahatid ko na siya palabas nang may sinabi siya na hindi kinatuwa ng pandinig ko. "By the way, pakisabi kay Weng thank you sa spaghetti."

Lecheng spaghetti 'yan.

CASIMIR'S POV

Hinahanda ko na ang mga gamit ko para sa out of town namin. Didiretso dito sa bahay sila Geoff eh. Si Alex naman papunta na rin at nagrereklamo siya na bakit daw ang mahal ng bayad sa tricycle sa subdivision namin. Sinabi ko naman kasi sa kaniyang susunduin ko na lang siya pero ayaw niya tapos ngayon magre-reklamo. Tss.

Nang marinig ko ang doorbell ay bumaba ako agad at nakita ko namang pinapapasok ng maid si Alex.

"Hey." Kinuha ko ang bitbit niyang gamit at hinalikan siya sa pisngi. Rinig ko naman ang bungisngis ng ilang katulong na nakakita ng ginawa ko. Tss. "Wala pa sila Geoff."

"Okay. Matagal pa ba sila?"

"Malapit na mga 'yon."

Pinakain ko na muna siya. Kahit ayaw niya eh pinilit ko siya. Gusto ko lagi siyang busog.

"Si Axel nga pala?" I asked.

"Napakiusapan ko si Andrea na siya na munang bahala kay Axel. Payag naman siya." In-explain pa niya na feeling niya kailangan niya ng sideline kasi binalita sa kaniya ni Andrea na tataas daw ang tuition nila Axel. Naaawa na ako sa prinsesa ko, ayaw naman kasi niyang binibigay ko lang sa kaniya ang lahat ng bagay.

'Di nagtagal ay dumating na rin sina Geoff.

Habang inaayos namin ang mga gamit sa van nila Geoff eh umiral nanaman ang pagiging usisero niya.

"Uy pansin ko lang, 'di mo na ginagamit motor mo?" nakatingin siya sa garahe namin, andoon ang motor kong hindi ko na ginagamit sa school dahil may mga gagong magaling manira.

"Baka mapahamak nanaman eh. Mas mahal ko pa nga 'yang motor ko kesa sa'yo."

Tinulak niya naman ako. "Wow ha! Thank you ha?"

Tinawanan ko na lang siya at tinawag na kami ni Henry na inip na inip na.

"Pucha naman oh, hindi pa ba kayo tapos diyan? Hindi pa tayo nakakaalis malolowbat na 'tong camera ko sa mga babae na 'to!"

Habang nasa biyahe kami ay ang ingay-ingay ni Geoff at Des. Hmm, weird. Bakit silang dalawa ang maingay?

"Ang ingay naman nitong mga 'to, gusto kong matulog eh," reklamo ni Alex. Ang likot-likot niya, tila naghahanap ng tamang pwesto para makatulog.

Sinigawan ko naman itong dalawang nasa harap ko. "Hoy 'wag nga kayong maingay! Matutulog si Alex!"

Tumingin silang dalawa sa amin.

"Puyat na puyat Alex ah," sabi ni Desiree.

"Ikaw naman kasi Casimir, pinagod mo ba 'yan kagabi?" dagdag ni Geoff.

Napatingin ako kay Alex na namumula. Sinipa niya ang upuan sa harap pero tumawa lang ang dalawa.

"Tarantado!" sigaw ko kay Geoff at balik nanaman sila sa pag-iingay.

Buti na lang tahimik lang si Belle at Henry na magkatabi sa likod ng driver.

Si Geoff at Des kasi itong nasa gitna kaya nakakairita ang ingay nila.

Kinuha ko ang itouch ko sa katabi kong backpack at nilagay ang earphones sa tainga ni Alex. Magrereklamo pa sana siya pero nginitian ko na siya. Nilagay ko ang kamay ko sa baywang niya at inihilig ang ulo niya sa dibdib ko. Inayos ko ang buhok niyang nahaharangan ang mukha niya.

Tumingala siya at ngumiti. She mouthed, "Thank you."

I mouthed, "Sleep tight" then kissed her hair.

Nag-stop over kami saglit para kumain ng lunch. Pansin ko pa rin na si Des at Geoff ang pinaka-tuwang-tuwa sa amin. Though, masaya rin naman ako dahil kasama ko si Alex, mukhang masaya rin naman siya.

Pinauna ko na sila kasi magsi-CR na muna ako. Nang matapos ako mag-CR ay nakita kong pabalik din si Belle ng van at mukhang bumili ng makakain habang nasa biyahe.

"Hey Belle," I called her. Sinabayan ko na siya sa paglalakad.

"Uy," she gave me a sly smile.

Ginulo ko ang buhok niya. "What's up with being sad?"

"Nothing," tipid niyang sagot. Nginitian ko siya. "'Di bale, mag-e-enjoy ka pagkarating natin."

"Sana nga..."

***

Nang makarating kami ay siyempre nag-check in na muna kami, sagot ko na siyempre ang kay Alex, sila KKB at imbes na dumiretso sa mga kwarto ay dumiretso kami sa beach.

"Okay guys picture!" sabi ni Henry kaya agad silang nagtabi-tabi para kuhaan niya ng picture.

"Hoy Casimir halika na!" aya ni Geoff.

"Ge kayo na lang."

Pero hinila ako ni Alex kaya wala na akong nagawa. Ngumiti na lang ako para kunwari natutuwa akong kuhaan kami ng litrato. Tss. Hindi naman kasi ako mahilig mag-picture. Kung 'di lang dahil kay Alex. Tsk.

Pumunta na kami sa mga kwarto namin. Siyempre hiwalay ang kwarto ng lalaki sa babae, ano.

Nang ayusin ko ang gamit ko ay nakita ko ang binili ko para kay Alex.

"Una na 'ko, may ibibigay lang ako kay Alex," paalam ko sa kanila.

Nang kumatok naman ako sa kwarto ng girls eh ang sabi nila ay lumabas daw si Alex. Saan naman nagpupupunta 'yon?

Pumunta ako sa beach at hinanap siya. Siguro dito siya pupunta kasi ito pa lang ang alam niyang daan.

Maraming tao dahil peak season, mga babaeng nagpapa-tan, tss. Mas sexy at maganda pa si Alex sa mga 'yan eh, teka asan na ba kasi ‘yon. Naglakad pa ako onti hanggang sa may bumatok sa akin.

"Hoy! Kita mo na, hindi mo lang ako nakita saglit pupunta ka na sa mga babaeng naka-bikini at kita na kaluluwa!"

Lumingon ako at nakita ko rin ang hinahanap ko. "Edi mag-bikini ka rin!"

"Talaga at maghahanap rin ako ng gwapo!"

I raised an eyebrow, "Really? Bakit ano bang style ng dala mo? Floral? That wouldn't suit up my taste."

Her mouth drops. "Grabe ka ha! Ano ngayon kung floral! Eh sa 'yon lang kinaya ng budget ko eh! Pa-..."

Inabot ko sa kaniya ang paperbag na dala ko. "You're lucky I'm smart. Binilhan na kita. Pero isusuot mo lang 'yan 'pag kasama ako, naiintindihan mo?"

Naglakad na ako pabalik at sinabayan naman niya ako. "Hala, thank you Casimir!"

"May bayad 'yan."

She pouts, "Tae naman oh."

"Kiss," at tinuturo-turo ko pa ang pisngi ko. Nabigla naman ako nang totohanin niya ang biro ko. She gave me a peck on my cheek at nagmadali na siyang bumalik sa kwarto.

Makapag-biro nga ng madalas para madalas ding may kiss. Hehehe?

***

NOTE: Sorry po sa matagal na update. :( Medyo may mga pinagkaka-abalahan lang. And 'wag po kayo mag-expect na dahil summer na eh bibilis ang update dahil may summer classes po ako. Hihi. May binago po kasi sa curriculum namin. Err. Ayon lamang.

LikeaGoddess nagpalit ka ba username? Sa'yo kasi dedicated yung previous chapter, message mo na lang ako. Thanks!!

Enjoy! ♥ Thank you! God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 76 31
Lions Series No. 7 : JDEX LAWRENCE [ Book 1 ]
708K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
118K 1.6K 14
" I don't hate them. " Yan ang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko. They always asked if I'm mad with the Montefalco's well apparently I am not...