Bestfriends (COMPLETED)

By Kettlekooorn

18.1K 872 164

Talaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Author's Note
EPILOGUE

Chapter 22

251 15 2
By Kettlekooorn

Carlo's POV

Hindi ako nagkamali ng taong minahal at hindi din ako nagsisisi na minamahal ko sya kahit pa wala akong mapala.

Pag nagmahal ka naman hindi ka magaantay ng kapalit e. Kahit pa hindi nya ako mahalin pabalik ayos lang, basta nasa tabi ko lang sya. Basta hindi sya mawawala. Hindi sya lalayo.

Natapos na nga yung 2 weeks na pagdadate namin ni Tine, pero walang nagbago. Naging mas close at komportable pa kami sa isa't isa. Lagi kaming magkasama sa kahit saan mang gala ng barkada.

Palagi nga kaming napagkakamalan na mag girlfriend-boyfriend ang sarap lang totohanin. Hahahaha!

Yung okay kami pero walang kami.

Kumbaga relasyong walang label. Ganon. Pero alam kong bestfriend padin ang tingin nya sakin. Sad.


Tine's POV

YAAAAAAAY!!! GRADUATION DAAAAAAY!!

Masaya na malungkot. Mamimiss ko kasi yung high school, mga classmates, bestfriends, teammates, teachers, at syempre pati si Carlo. Ang dami ko kasing memories na ittreasure. 😭

Kahapon nga dinadramahan nako ni Carlo kasi daw mamimiss nya ko. Pero speaking of him, di ko pa sya nakikita ngayon. Malapit ng magstart yung program. Sabi kasi nya sakin manunuod daw sya.



"CONGRATULATIONS GRADUATES!!" Bati samin nung principal namin tapos sabay sabay naming inihagis yung mga cap namin!

Goodbye high school life! Hello college life!

Nagyakapan at iyakan lang kami ng mga kaibigan ko.

"Grabe mamimiss ko kayo talaga! Please sama sama parin tayo sa college." Iyak ni Khate samin.

Niyakap ko sila ng mahigpit.

Grabe ang bilis ng panahon. Dati first day of school first year, halos di kami magpansinan netong mga to except kay Khate na since birth kaibigan ko na. Hahaha! Ngayon ayaw na naming maghiwa-hiwalay. Mamimiss ko silang talaga!!

"Ako rin mamimiss ko kayo! Nakakalungkot." Umiiyak nadin tong si Mae.

"Wag na kayong umiyak dyan, sayang make up no. Congratulations satin! We made it!" Sigaw ko sakanila. Lalo naman silang umiyak. Hahaha. Cute cute talaga ng mga bestfriend ko.

Picture taking lang tapos nilapitan na namin yung mga parents namin.

"Congratulations anak!" Mangiyak-ngiyak na bati sakin ni papa habang si papa ay nakangiti lang.

"Congrats po sainyo ma, pa! Kase graduate na tayo sa high school. College naman nyan. Pero para po ito sainyo." Niyakap ko sila.

Nagbatian lang yung mga parents namin at picture then lumabas nadin kami.

"Tine asan pala si Carlo?" Tanong ni mama.

Oo nga pala!! Asan na ba yon? Tapos na lahat lahat ahh.

"HI TITA, TITO!!" May sumigaw.

Boses palang alam ko na kung sino.

Nilingon ko sya.

"Oh Carlo, bat ngayon ka lang? Tapos na yung program." Biro ni papa.

"Pasensya na po, pero pwede ko po bang hiramin muna si Tine saglit?" Tapos kinindatan nya ako.

Hmp! Di ko sya bati!

"Ganon ba? Osige. Pero umuwi din kayo kaagad ha? May konting salo salo sa bahay. Chaka gabi nadin, magingat kayo." Bilin ni mama.

"Thankyou po tita!" Tapos nilingon nya si papa at nagmano na.






Naglalakad na kami ngayon at napansin kong papunta kami sa school. Pero hindi nya ako iniimik.

Hinawakan nya yung kamay ko nung nasa gate na kami.

"Goodevening po manong." Bati nya dun sa guard tapos nginitian sya ng nakakaloko.

"Kumapit ka lang sakin ha?" Pagbasag nya sa katahimikan.

"Bat tayo papasok dyan? Madilim na chaka nakakatakot." Sabi ko.

"Akong bahala sayo. Wala ka bang tiwala sakin?" Tapos seryoso syang nakatingin sakin.

"Sige na ngaaaaa." Tapos naglakad na ulit kami.

Malalagot talaga sakin to!!

Tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa gym.

"Sa gym?! Best ang dilim dyan." Protesta ko.

Numero unong duwag pa naman ako!

Di nya ko inimik.

Paghakbang ko dun sa unang hagdan bumukas yung mga ilaw kasabay non yung pagplay ng music.


"Ang dami nating memories dito na talagang hinding hindi ko makakalimutan Masaya man o malungkot." Pagsisimula nya at inilibot ko ang paningin.

I was surprised sa nakita ko.

Ang dami kong stolen pictures na nakasabit sa gitna ng gym.

Nilapitan ko iyon at tinignan isa isa.

I can't even imagine na kinukuhanan na pala nya ako ng photos noon pa.

"Siguro nagtataka ka ngayon bakit may mga stolen shots ako sayo no? Sorry ah. Stalker kasi ako at oo sige. Aamin nako. Sobrang crush na kasi kita noon pa." Pagamin nya. Natawa tuloy ako.

Punong puno din ng red balloons at rose petals.

Sobrang saya ng puso ko ngayon kasi alam ko na pinageffortan nya itong gawin.

Nagiinit yung mga mata ko.

Sobrang overwhelmed ako sa mga nakikita ko ngayon na sya mismo ang gumawa.

"Nagsungitan, nagkakilala, naging close, nagkaiyakan, takutan, at kung ano pa man. Saksi ang apat na sulok ng gym na to sa lahat ng nangyari sa atin." Tapos niyakap nya ako at isinayaw.

"Matamis man o mapait na alaala I want to keep them both, because you are a part of those mem'ries that I want to treasure forever." Sunod nyang sabi.

Hindi ko na napigilan at bumagsak na yung mga luha kong kanina pa nagbabadya.

"Mamimiss kita prinsesa ko." Garalgal ang boses nyang sabi.

"Sobrang proud ako sayo. Congratulations and goodluck!" May luhang pumatak galing sa mga mata nya.

"Mahal kita." Hinalikan nya ako sa noo.

"Sobrang thankyou! Sobrang saya ko ngayon alam mo ba yon?" Umiiyak ko syang hinarap at pinunasan ang mga luha nya.

"Masaya ako na napasaya kita prinsesa ko. Gusto ko lang na iwan mo tong lugar na to ng may unforgettable memory dahil sakin." Tapos ngumiti na sya.

"Pero nagtatampo padin ako sayo no." Pagtatampo ko sakanya pero niloloko ko lang naman sya. Haha!

"Alam ko." Tapos may inilabas syang picture.

Pagtingin ko stolen picture ko nanaman kaninang umakyat ako sa stage at tinanggap yung diploma ko.

Naiyak nanaman ako.

"Nandon ako kanina. Pero hindi muna ako nagpakita dahil nga nireready pa namin to. Papalagpasin ko ba naman yung importanteng araw para sa mahal ko?" Ngumiti sya ng nakakaloko.

"Nakakainis ka talagaaaaaaa!" Niyakap ko sya.

"Prinsesa ko wag kana pong umiyak. Ang ganda mo pa naman ngayon." Pinunasan nya yung mga luha ko.

"Ikaw kasi e!" Nakatungo lang ako.

Tumawa lang sya.

Para syang timang talaga!!

Kung di ko lang to mahal e!

"Pero thankyou! Sobrang thankyou! Damn. Words can't even express how happy and thankful I'am right now. And it's all because of you Mr. Carlo Perez." Nakatingin ako sa mga mata nya.

Whenever I looked into his eyes I feel so warm and safe, and loved.

"Because you deserve it." Sagot nya.

"May pupuntahan pa pala tayo mamaya ha? After sainyo. Di pa kasi to tapos." Ha? Meron pa?! Grabe naman!

"For real?!" Nakatanga nako ngayon.

"Ganon ka kaespesyal sakin. Gagawin ko ang lahat makita ka lang nakangiti at masaya." Hay. Ano kayang inulam neto ngayon? Sobrang sweet kasi nya e!




Ilang sandali lang at umuwi nadin kami.

"CONGRATULATIONS!!!" Bati nilang lahat sakin. Natuwa ako dahil may mga taong andito ngayon na hindi ko inaasahan.

"Thankyou po!" Niyakap ko lang sila isa isa.

"Congrats Tine!" May bumati sakin at pagharap ko si Ken pala.

Si Ken na pinsan ni LJ at closest friend ko since 2nd year high school.

Mas nauna ko syang nakilala kesa kay Carlo.

"Uuuuuuuy!!! Long time no see!!" Bati ko at sa sobrang excited ko nayakap ko sya.

"Imissyou!" Nagulat ako sa sinabi nya.

"Kelan kapa dumating? Asan sila LJ?" Tanong ko sakanya.

"Kanina lang. Graduation mo e kaya lumuwas ako kagad, sila LJ papunta na." Pambobola nya kaya natawa ako.

"Ehem." Napatingin ako. Si Carlo pala.

"Ayyy! Oo nga pala Ken, si Carlo Bestfriend ko." Pakilala ko.

Hmm. Parang may nesesense akong hindi maganda dito.


Carlo's POV

"Imissyou!" Parang may mali akong narinig e. Sino ba tong gago na to?!

Nung napapansin kong nagkakatuwaan na sila ni Tine nagpapansin nako.

"Ehem!" Napatingin sakin si Tine.

"Ayyyy! Oo nga pala Ken, si Carlo bestfriend ko." ASAWA MO!! Ganon dapat yunv pakilala nya! Psh!

Ramdam ko mag something sa Ken na to e. Iba yung mga tingin sa mahal ko.

"Best si Ken, pinsan ni LJ. Close friend ko. Taga Manila sya." Pakilala naman ni Tine sa mokong na to. Pake ko!! Tssssss! Nakalibre pa ng yakap. Sinuswerte ata sya?!

Shakehands na plastikan. Tangina uso pala saming mga lalake to.

"Nice meeting you pare." Pabida! English english pa!!

"Nice meeting you din." Bati ko at niyakap ko si Tine sa waist. Success! Napatingin si mokong! Sumama pa nga yung tingin e.

Pasensya na, binabakuran ko lang kasi yung gusto kong maging akin. Baka malusutan ako e.

"Baby! Boyfriend mo?" Harap harapan nyang tinanong si Tine. Atsaka ano daw?! BABY???! Aba tinatarantado ata talaga ako neto e.

"Ahh. Anoooo." Di mapakaling sagot ni Tine. Tinignan nya ko.

"Bestfriend nya ako. Diba pinakilala na nya ako kanina?" Pamimilosopo ko. Ako nalang nagsabi. Masakit kase pag mismong kay Tine pa nanggaling.

Bestfriend lang ako pero ganito ako umasta sakanya. Haaay! Tangina ang sarap lang nyang ipagdamot pero wala akong karapatan!! Wala akong magawa para hindi sya mawala sakin.



A/N


Natagalan ang update kakaisip ng song na babagay sa chapter na 'to. Kastress mga besh. Hahahahaha! :D

Pero eto na nga. :)


Enjoy! :))


-Kettlekorn❣️

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
24.2M 984K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...