The Star

By AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... More

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 90

7.8K 175 46
By AngelMelay

A/N:

Guys, inulit ko po ito kasi hindi mabasa ng mobile readers. Ewan ko ba kay Watty?! Kainis. Anyways, COMMENT AT VOTE pa din po kayo para matapos na ito. Sana po samahan ninyo ako sa bago kong story. Coming soon this APRIL iyong MY ALIEN BOYFRIEND (http://www.wattpad.com/story/14100491-my-alien-boyfriend) nasa external link po --->>. Paki like ang facebook page na AngelMelay Wattpad. Doon ko po ipopost ang ending nito. Ngayon pa lang po ay paki like na. 

40 VOTES + 35 COMMENTS + UPDATE!

_______________________________________

STARRING 90

WATER BAG

Matuling lumipas ang mga araw. Panay ang dalaw sa akin ni Von kapag wala siyang show at hindi busy sa school. Binigyan niya ako ng mga cd nang mga kanta nila para kapag namimiss ko daw siya ay patugtugin ko lang iyon. Ibibili niya pa nga sana ako nang television pero hindi ako pumayag. Ayoko muna kasing makabalita sa mundong nasa labas nitong mundo kong bagong ginagalawan. Gusto ko nang katahimikan. Kahit nga diyaryo ay bawal dito sa bahay ni Tiya. Tanging si Von nalang ang koneksyon ko sa Maynila.

Si Cedric naman ay palaging naandito kapag walang pasok at kapag tapos na ang duty sa hospital. Hindi siya nagpa-assign sa Manila kahit na mas maganda sanang training grounds iyon para sa kanya. Ang importante kasi sa kanya ay ang madalas akong makamusta at madalaw. Loko talaga! Pero kahit ganoon, ikinatataba naman iyon ng aking puso.

Si Franz? Wala akong balita. Hindi naman namin siya napapagusapan na ni Von. Ang huli ay noong ikinuwento sa akin ni Von na pigil na pigil siyang sapakin dahil binuntis pa ako kahit na buntis na ang palaging kasamang si Fatima. Gustong-gusto na daw niya noong sabihin ang kalagayan ko. Mabuti na lamang at naalala niya ang pangako niya sa akin. Ang huwag ipagsabi sa iba na magkakaanak na kami, kahit pa kay Franz mismo.

**

For almost less than 7 months ay napilitan akong lumuwas ng Manila. Birthday kasi ni Von ngayon. Birthday niya at bilang sopresa ay hindi ko sinabing pupunta ako. Ang balak lang naman namin ni Cedric ay babati lang ako sa may birthday. Tatawagin lang siya ni Cedric sa may parking lot at doon ako babati. Ayoko namang magpakita sa iba. Lalo na at hindi naman alam ng mga tao dito sa Manila na buntis ako.

“Steph!” Tuwang-tuwang tawag sa akin ni Von ng maaninag niya ako sa passenger seat ng kotse ni Cedric. Mabuti na lamang at dito kami sa may pinakalikod ng bar nagpark kaya walang masyadong nakakakita.

“Von!” Balik tawag ko naman sa kanya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at niyakap siya ng mahigpit. Sa likod niya ay nakatingin lang si Cedric na siyang tumawag sa kanya. “Happy 19th Birthday!” Bati ko pa.

“Salamat sa pagpunta!” Masayang sabi ni Von nang idistansya niya ako ng konti at ilayo sa katawan niya.

Ngumiti ako at sinenyasan si Cedric na lumapit sa akin. Nakalayo kasi siya ng konti sa amin ni Von para bigyan kami ng privacy habang nakatanaw lang siya sa amin.

“Mabuti nga at sinamahan ako nitong si Cedric.” Sabi ko pa habang hawak ang braso ni Cedric. Medyo kumportable na ako sa kanya. Palagi ko ba naman siyang kasama eh. Pero hindi pa naman kami iyong stage na nagyayakapan.

“Happy birthday, Pare!” Nakangiting bati ni Cedric. Alam ko ang nginingiti-ngiti nang isang ito. Feel na feel niya ang paghawak ko sa kanyang braso.

Nagiba ang timpla nang mukha ni Von. Nawala ang kanyang ngiti habang nakatingin sa kamay kong nakahawak ng malumanay kay Cedric. Ayokong masira ang mood ng birthday celebrator kaya binitawan ko na si Cedric. Saka lang tumingin si Von sa kanya.

“Salamat sa pagsama kay Steph para makapunta.” Malamig na sabi ni Von.

Nagbaling ng tingin sa akin si Von at naiba na naman ang kanyang mukha. Masaya na naman siyang nagtanong sa akin. “Hindi ba kayo papasok sa loob?” Tanong niya pa.

Napatingin ako kay Cedric. He mouthed, ‘bahala ka’. Kaya naisip kong panindigan na lamang ang plano ko kanina. “Hindi na. Baka may makakita pa sa akin.” Tanggi ko.

Biglang naging malungkot ang mukha ni Von. Halata sa kanya na gusto niya sana akong makasama pa ng matagal ngayong kaarawan niya.

“Hindi ba man lamang kayo kakain?” Tanong niya pa sa akin.

Napatingin na naman ako kay Cedric. Humihingi ako ng saklolo kung paano ko tatanggihan si Von. Napailing na lamang siya at napagpasyahang sabihin na, “paano kung may makakita kay Stephanie na buntis siya?” Tanong niya kay Von.

Sasagot sana si Von nang mula sa malayo ay maaninag ko si Dei na papunta sa amin. Miss na miss ko na din ang kaibigan ko. Gusto ko siyang yakapin pero mas maganda na konti lang ang nakakaalam ng kalagayan ko.

“Sht! Si Dei!” Sabi ko at agad na binuksan ang kotse at pumasok ako sa loob. Nagpakayuko-yuko ako.

Hinarap naman si Dei nang dalawa at hinarangan ako para hindi niya ako makita. “Bakit Dei?” Tanong ni Von sa kanya. Nakalimutan kong isara nang ayos ang bintana kaya naririnig ko ang usapan nila.

“Hinahanap ka sa loob dahil wala na atang masyadong alak.” Sabi ni Dei. Pati boses nang kaibigan ko ay namimiss ko. Pigil na pigil akong lumabas ng kotse.

Dinig ko ng tumikhim si Cedric. “Sige na, Pare. Aalis na ka…ako. Aalis na ako. Happy birthday ulit!” Paalam ni Cedric kay Von.

“Sino siya?” Dinig kong tanong ni Dei. Sana naman ay umalis na sina Dei at pumasok na sa loob. Naiipit na ang tiyan ko dito sa pagtatago.

“Si Cedric Garcia. Ah.. ano.. kaibigan ko. Cedric si Dei, schoolmate ko.” Pakilala ni Von. Halata sa boses niya ang kaba. Marahil ay parehas kaming natatakot na magusisa pa si Dei.

“Huwag ka munang aalis. Lalabas din ako agad. Aasikasuhin ko lang sila. Halika na Dei.” Dinig kong sabi ni Von.

Nakahinga ako ng maluwag nang pumasok na si Cedric sa kotse. Dahan-dahan akong sumilip at nakita kong papasok na ulit sa bar sina Dei at Von.

“Bakit hindi ka pa kasi magpakita sa kanila, Stephanie?” Seryosong tanong niya sa akin.

“Huwag na. Mas gusto ko ang tahimik na buhay. Ayoko nang mausisa pa ako.” Mabilis na sagot ko.

Napabuga ng hangin si Cedric. Kapag ganyan siya ay alam kong napu-frustrate na iyan sa akin. “Kung iyan ang gusto mo.” Sa huli ay sinabi niya sa akin.

Walang sampung minuto ay kinatok ni Von ang pintuan ko. Nakabalik na siya at may dalang hoody jacket na tanda ko ay kanya. Binuksan ko ang pintuan at lumabas ako ng kotse. Automatic naman na bumaba na rin muna si Cedric.

“Pumasok kayo sa loob. Wear this.” Sabi ni Von sabay abot sa akin ng bitbit niya para hindi ako masyadong makilala.

Tinitigan ko muna iyon. “Baka makilala pa rin ako, Von.” Nagaatubiling sabi ko sa ideya niya.

Inagaw iyon sa akin ni Von at isinuot sa akin. Tinulungan pa siya ni Cedric sa kabilang side ko naman. “Hindi. Medyo madilim naman sa loob ng bar.” Sabi niya habang sinasara ang zipper ng jacket.

Kahit nagaatubili ay pumayag na rin ako. Para din makakain kami ni Cedric. Ang layo ng binyahe namin at mas magandang magkaroon ng laman ang aming mga tiyan. Pwede naman kaming kumain sa labas, pero ang pakay ko talaga ay makita ang mga kakilala ko kahit mula sa malayo. Namimiss ko na silang lahat kasi.

Totoo nga ang sabi ni Von. Medyo madilim sa loob. Kung hindi mo titigang mabuti ang mukha ng mga tao ay hindi mo sila makikilala. Pero nagsiguro ako na hindi nila ako mapapansin. Kinabig ko ang hood ng jacket na suot ko at hinila pa lalo para halos dulo ng ilong ko na lamang ang nakalabas.

Sa pinakasulok na mesa kami pinaupo ni Von. Maya-maya ay napangiti ako nang makita ko ang kapatid ko at si Vanity na palapit sa amin. Mukhang tinawag sila ni Von habang kumukuha ngayon ng pagkain para sa amin ni Cedric.

Ngayon ko lang napagtanto na nasa mundo ko na ako. Ang mundong iniwan ko dati. Lalo na ng makita ko ang mga dati kong kakilala. Pati nga si Sir Lance ay nakita ko. Medyo kinakabahan ako pero nakahinga din ng maayos nang masuri kong wala ang taong pinakaiiwas-iwasan ko dito. Wala si Franz!

“Ate!” Niyakap agad ako ni Dale nang makalapit sila sa amin ni Cedric. Gumanti na rin ako ng yakap. “Si Kuya Cedric lang ba ang kasama mo?” Tanong pa niya sa akin habang umuupo sa tapat ko.

“Oo. Huwag kayong maingay na naandito ako ah.” Bilin ko agad sa kanila.

“Salamat sa pagpunta mo sa birthday ni Kuya, Ate Steph.” Sabi ni Vanity at yumapos din sa akin bago umupo sa tabi ni Dale. “Salamat din, Kuya Cedric.” Dagdag pa ni Vanity ng humarap siya kay Cedric.

Tumango lang si Cedric at tumayo na para salubungin si Von na may bitbit na dalawang plato ng pagkain. Kinuha niya ang isa at iniabot sa akin. Iniabot naman sa kanya ni Von ang bitbit niya at sinimulan na niyang kainin.

“May gusto ka pa bang kainin, Steph?” Tanong sa akin ni Von habang nakatayo sa likod ng upuan ko. Ramdam ko pa ang init ng hininga niya sa tenga ko nang lumapit ang bibig niya sa akin.

Umiling na lang ako. Hindi ko na kayang magsalita dahil gutom na gutom na pala ako. Naubos ko ang laman ng plato na kinuha para sa amin ni Von. Tinawid ko pa nga ang plato ni Cedric at kinuha ko pa ang ilang ulam niya. Hindi naman siya nagreklamo. Pero ang nakatayo pa ring si Von sa likod ko ang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

“Hey! Ikukuha kita ng bago. Huwag mong kainin iyan.” Saway niya sa akin.

“Bakit may rabies ba ako?” Mabilis na asik sa kanya ni Cedric.

Agad naman akong umawat na at baka magkainisan na naman. Ok na eh. Magkakagulo pa! “Oi! Tama na iyan. Busog na rin ako Von.” Sabi ko pa.

Nagkuwentuhan kaming lima. Kinamusta ko ang pag-aaral nila dito sa Maynila. Natutuwa akong maayos pa rin daw ang grades ni Von. Masaya din ako para sa kapatid ko kasi nasa honor roll pa rin daw sabi ni Vanity.

Ang sarap ng kwentuhan namin ng mapansin ko ang paghikab ni Cedric. Inaantok na siya. Medyo gabi na rin kaya nagpaalam na ako sa kanila na babalik na kami ng Batangas. Nakakaawa naman ang driver ko dahil halatang pagod na.

“Bathroom lang ako.” Paalam ko sa kanila.

“Samahan na kita, Stephanie.” Volunteer ni Cedric. Aangal sana si Von pero tinawag siya ni Syd na nasa kabilang lamesa. Kumaway sa akin si Syd kaya kinabahan akong nakikilala pa rin pala ako kahit halos nakatakip na ang hood ng jacket sa mukha ko.

Tumayo na ako dahil baka mamaya ay may iba pang makakilala sa akin. Sumunod naman sa akin si Cedric. Ang kapatid ko sana ang sasama sa akin, pero baka lalong mahalata kami. Baka mausisa lang si Dale kung sino ang sasamahan niya sa restroom kung hindi rin lang si Vanity ang nakikita nilang kasama niya.

Malalaki ang hakbang na tinunton ko na ang papuntang restroom para magbawas ng tubig sa katawan. Malapit na ako nang humarang si Pooch. Nakilala din ako?

“Sabi ko na ikaw iyan eh.” Sabi niya habang dinudungaw ang mukha ko.

“Nakikilala pa rin pala ako. Mukhang hindi effective ito.” Sabi ko sa kanya na ang tinutukoy ay ang jacket na suot ko.

Umiling si Pooch. “Hindi. Kinutuban lang ako dahil imposibleng pumunta ditong magisa si Cedric. Kaya natitiyak kong ikaw ang babaeng kasama niya.” Paliwanag niya sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa paliwanag ni Pooch. Mabuti pala kung ganoon. Ang buong akala ko ay naaaninag pa din ang mukha ko dito eh.

“Punta lang akong restroom, Pooch. Excuse."

“Okay.”

Hahakbang na sana ako nang magbigay daan si Pooch nang may marinig akong boses..

“Where’s Von?” Malamig na tanong niya kay Pooch.

Oh noes! Kilala ko iyon. Tumalikod ako at gusto nang lumayo doon. Pero ang peste kong mga paa, ayaw humakbang palayo. Para itong inugatan na sa kinatatayuan ko. Nakakainis! Nagsimula nang mabuhay ang mga paru-paro sa tiyan ko. Parang gusto nilang maki-party at nagsayawan na ata sa loob ng tiyan ko. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

“Hindi ko alam kung nasaan.” Pagkakaila ni Pooch ang tanging narinig ko.

“Cedric?” Dinig na dinig kong sabi ni Franz.

Hindi ko mapigilang hindi mapalingon. Kinabig ko pa lalo ang hood paunahan para maitago ang mukha ko. Gusto ko kasing makita kung anong mga reaksyon nila ngayong nagkaharap silang dalawa.

“Yeah.” Walang buhay na sabi ni Cedric sa kanya.

Tama nga ang hula ko. Magkasing tangkad at magkasing gwapo ang magpinsang ito. Medyo mas matangkad lang ng konti si Franz. Si Cedric kasi ay halos ka-height lang ni Von.

“Why are you here?” Tanong ni Franz sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig kay Cedric. Mabuti na lamang at naandoon lahat ng attention niya, kaya hindi niya napansin ng medyo tabunan ako ng konti ni Pooch na parang nakakaunawa na itago ako kay Franz.

Si Von ang sumagot na hindi namin napansin na nakalapit na pala. Titig na tiitig kasi ako kay Franz. Miss na miss ko na kasi siya. Naisara ko nga ang mga kamao ko para mapigilan na yumakap sa kanya. Ang paghinga ko ay patuloy sa hindi pagiging normal tulad ng bilis ng tibok ng puso ko. Iba pa rin talaga ang epekto niya sa akin.

"He's my friend. You know him?" Kunyari ay walang alam na tanong ni Von.

Titig na titig pa din si Franz kay Cedric. "He's my... cousin." Sagot niya na parang hirap na hirap pang sabihin ang relasyon nila ni Cedric sa isa't-isa.

"Really?" Nagulat na tanong ni Von. Napaisip tuloy ako. Umaarte pa ba si Von o sadyang nalimutan naming banggitin sa kanya na magpinsan silang dalawa?

"Unfortunately, yes!" Poker faced paring sagot ni Cedric. Panay ang sulyap niya sa gawi ko na nakatago sa likod ni Pooch. Alam kong nagaalala din siya na baka makita ako ni Franz. Ang dapat kong gawin sa mga oras na ito ay lumayo dito. Ewan ko ba, pero parang hindi ko na magawa dahil abala ako sa pagtitig sa gwapong mukha ni Franz.

"Small world, huh?" Sabi ni Franz na ngayon ay nakabawi na ata sa pagkabigla. Wala na rin siyang ipinapakitang expression ng mukha.

Sinenyasan ko si Cedric na mag-rerestroom na ako nang muli siyang sumulyap sa akin. Marahan siyang tumango at muling hinarap si Franz. Dali-dali akong pumunta papuntang comfort room. Pumasok na ako sa cubicle para magbawas. Nang matapos ako ay maingat na lumabas ako ng backdoor. Tinext ko si Dale na sabihan sina Cedric at Von na mag-aantay na lang ako sa parking lot.

Dumiretso ako sa parking lot na mabilis pa rin ang pintig ng puso. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako na hindi ako nakita ni Franz o nanghihinayang na sana ay nakita niya ako.

Nakailang hinga na ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi pa rin kasi mawala ang kakaibang nararamdaman ko ngayong nakita ko ng malapitan si Franz after how many months. Gad! I miss him so much! 

Palabas na si Cedric ng bar. Bigla akong nagtago sa kabilang side ng kotse nang makita kong kasunod niya palabas si Franz. Ibinuking na niya ata ako. Para tuloy akong magnanakaw na pasilip-silip dito. Hindi naman kasi ako makapasok dahil na kay Cedric ang susi ng kotse niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong huminto na si Franz sa paglakad at nagpaiwan na sa may labas ng pintuan nang bar.

HIndi pa nga ako nagiging masyadong panatag nang may kakaibang damdamin na naman akong nararamdaman.

Nagseselos ako!

Nakita ko kasi ng huminto ang kotse ni Fatima at bumaba ito mula sa kotse ni William. Lumapit agad ito kay Franz at parang may pinagusapan sila sandali at pumasok na sa bar.

Napatunayan ko na nasa mundo ko na nga ako. Naalala ko na rin kung bakit ko ito iniwan. Dahil sa mga taong sinaktan ako ng walang pakialam. Ang makita silang magkasama ay patunay na wala na talaga kaming pag-asa. Kahit sabihin ko pang may anak kami ay mukhang wala namang mababago sa kanilang dalawa. Hindi maitatago ang katunayan na si Fatima ang may hawak ng panganay na Roff at akin lamang ang ikalawang anak.

"Steph, ok ka lang?" Nagaalalang tanong ni Cedric. Hindi pa rin kami naalis dito sa parking dahil pinapakiramdaman niya muna ako. Ganyan kasi si Cedric. Hindi siya umaaksyon hanggat hindi ko sinasabi sa kanya.

"Oo. Halika na." Sagot ko habang nakatanaw pa din sa pintuan ng bar na kanina pa pinasukan nina Franz at Fatima. Kasama pa nila si William sa likod. Pinunasan ko ang luha ko dahil hindi ko namalayan na napaiyak na naman pala ako.

"Isuot mo ang seatbelt mo." Malumanay na utos ni Cedric habang binubuhay na niya ang makina ng kotse.

Tamad na sinunod ko ang sinabi ni Cedric. Ang utak ko kasi ay naroon pa rin sa eksenang nakita ko. Ang mga eksenang ayaw ko dito sa dati kong mundo. Nakatingin lang ako sa bintana habang tahimik na dinadamdam ang sakit. Iginalang naman iyon ni Cedric kaya hindi niya ako ginulo habang nagmamaneho.

Sa kakaisip ko ata at extreme emotions na naramdaman ko nang nakita ko si Franz kanina, kaya hindi pa kami nakakalayo ay parang napaihi ako ng marami nang wala sa oras. 

Napaawang ang mga labi ko sa pagtataka. "Sorry.." Windang na hingi ko nang tawad kay Cedric. Hiyang-hiya ako dahil hindi ko napigilang umihi?

Pero hindi na ako pinatapos ni Cedric dahil bigla siyang napasigaw habang sumusulyap nang sunod-sunod sa akin. Ipinarada niya agad sa gilid ang kotse at tiningnan akong mabuti.

"Oh my gad! Manganganak ka na, Stephanie!" Ang sabi niyang halos bumingi sa akin.

___________________________________

A/N:

Next chapter? Abangan! Hahahaha!

40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE!

Continue Reading

You'll Also Like

315K 5.3K 53
This is her plan and that's her declaration "He's Going To LOVE Me,.....SOON!!!"
6.9K 109 59
[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savanna...
108K 5.1K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
16.2K 1.1K 51
(COMPLETED) The story will tell you about JUNBERT LIAM ALOB- an annoying man, has no filtered mouth but love one woman only. And that woman is MARIA...