The Star

By AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... More

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 91

7.7K 186 43
By AngelMelay

A/N:

Please naman po, paki VOTE at COMMENT. 40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE! 9 Chapters to go matatapos na ito. Parang hindi ko kayang pagkasyahin.

_____________________________________

STARRING 91

WALANG PAPA 

Matuling lumipas ang dalawang taon. Tapos na ako sa aking pag-aaral. Bumalik na kami ng anak kong si ZL dito sa Manila. Kumuha ako ng sarili kong apartment na malapit sa aking pinapasukang hospital. Hindi na ako bumalik sa bahay ng aking mga magulang dahil patuloy akong hinahabol nang aking nakaraan doon.

Si Von ay malapit ng grumaduate ng Dentistry. Maganda ang takbo ng kanyang career. Sikat na sikat na sila sa abroad. Sila na lang ata ang banda na namamayagpag. Ang uso na kasi ay mga boy bands. Sinisiguro naman niyang dalawin ako kapag may libre siyang oras.

Si Cedric ay nakatira sa isang bahay na malapit din sa akin. Bumili siya ng bahay dito sa Manila. Dito na rin kasi siya nagtatrabaho. Hindi hamak kasing maraming opportunities dito kumapara sa Balayan, Batangas. Ilang taon na ang lumilipas, pero hindi pa rin siya nagsasawang mangligaw sa akin. 

Si Franz ay sikat na sikat na sa kanyang career. Pinasok na rin niya ang pag-aartista. International model/actor na siya ngayon. Ang balita ko ay itinuloy niya ang kurso namin sa pagdodoktor. Hindi na muli pang nagkrus ang aming landas. Ayon sa mga news ay sa London na siya naka-based. 

Si Fatima ay nagpatuloy sa pagiging modelo pagkatapos manganak. Sa London siya sikat na sikat kaya doon na muna ata siya tumira kasama ang anak nila. Ang sabi sa internet, lalaki daw ang anak niya. Nakakatawang nagkabaligtad ang hula kong gender ng mga anak namin. Iyong akin kasi noon ay parang lalaki sa ultrasound. Iyon naman palang nakita nila na parang lawit ay pusod lang pala.

Lahat kami ay may kanya-kanya ng buhay at masaya. Lahat ay successful na sa aming mga napiling field. Mabuti naman at ganoon. Pero minsan, tinatanong ko ang aking sarili kung masaya nga ba talaga ako? Naka-move on na ako kay Franz, pero hindi pa naman ako humahanap ng iba. Hindi ko kasi malimutan ang sakit ng naranasan ko sa kanya. Kung pwede nga lang sana na nasakop na lang din ng amnesia ko ang bahaging paghihiwalay namin ni Franz para wala na ang sakit na ito. 

"Mama, I want to go to the mall." Sabi sa akin ng anak kong si ZL habang karga siya ni Cedric. Dumalaw kasi si Cedric sa amin.

"Ok. Ask Papa Cedric to accompany you." Sagot ko sa aking anak habang hinahalikan siya sa pisngi.

Sinunod naman ng anak ko ang sinabi ko. "Papa Cedric, let's go to the mall." Sabi niya habang hinahawakan ng maliit niyang kamay ang pisngi ni Cedric.

Napangiti si Cedric. Natutuwa siya kapag nilalambing siyang ganyan ni ZL. Siya rin ang nagturo kay ZL na tawagin siyang Papa. Hindi naman ako kumontra kasi minsan ay umiyak ng maghapon si ZL at naghahanap ng ama. Nakita niya kasi sa birthday party ng anak ni Dei na may tatay si Ashley, ang panganay ni Dei at Jacob. Kaya para tumahan lang siya noon, sinabi ni Cedric na siya ang tawaging Papa.

Bata pa naman ang anak ko. Hindi niya pa alam ang ibig sabihin ng Papa. Hindi niya pa alam ang tunay na responsibilidad ng isang ama. Ang alam niya lang, dapat may tinatawag ang isang bata na Mama at Papa. Iyon lang ay kuntento na siya.

"Ask your Mama to come with us." Sabi sa kanya ni Cedric habang hinahalikan siya sa buhok. Hindi ko maikakaila na swerte ang magiging tunay na anak ni Cedric. Mahaba kasi ang pasensya niya sa bata at malambing pa siya.

Umiling agad ako at umupo sa harap ng computer ko. "No! No! Hindi ako makakasama sa inyo. Busy ako." Sagot ko sa kanya habang nakatingin kay ZL. "Ang dami kong progress notes na gagawin, Cedric!" Reklamo ko pa kay Cedric. Linggo ngayon at lunes na bukas. Dapat ay magawa ko na kasi itong mga ito.

"Ayaw ni Mama, Baby." Gatong niya kay ZL habang nakalabi.

"Please, Mama?" Sabi ng anak ko sa tonong nakikiusap.

Sasagot sana ako nang pagtanggi. Pero nang makita ko ang mga mata niyang nagtutubig ay parang umatras na ang boses ko. Ganyan kasi si ZL. Kapag may gusto siyang bagay at hindi nakuha, iiyak na iyan. SIsimulan niya iyan sa pagtutubig ng mata at pamumula ng ilong, hanggang sa unti-unti ng papatak ang luha niya. Kasunod noon ay nakakabingi ng atungal.

"Pero, Anak... Ang daming gawain ni Mama." Pilit kong pinauunawa sa kanya. Tumayo na ako at kinuha siya sa kamay ni Cedric para ako ang magkarga.

"Work. Work. Work. No time for ZL!" Maktol ng anak kong spoiled. Kasalanan ko ito eh. Sa sobrang dami kong frustrations noon, kay ZL ko naibuhos lahat ng pagmamahal ko. Hindi rin pala maganda dahil naispoiled ko siya. Pero kung nais-spoiled ko siya, mas grabe si Cedric. Minsan hindi siya napasok sa hospital na pinapasukan namin para lang makipaglaro kapag gusto ni ZL.

"Pero.."

Hinawakan ni Cedric ang likod ko at hinaplos. Alam niyang naghihirap ang kalooban ko na hindi ko maibigay ang gusto ng anak ko.

"Pagbigyan mo na. Tutulungan na lang kitang gumawa mamaya ng mga progress notes ng pasyente mo. Nasa draft na naman, di ba? Sumama ka na." Kumbinsi niya sa akin habang nakangiti.

Ang anak ko, namumula na ang ilong habang inaantay ang sagot ko. Ayan na ang stages na sinasabi ko. Alam ko na ang mga kasunod niyan. Kaya napabuga na lang ako ng hangin at malumanay na iniabot si ZL pabalik kay Cedric.

"Sige na nga." Sabi ko sa aking anak. 

Para namang manika na de-switch na biglang nagbago ang kanyang mukha. Bigla itong umaliwalas at sumilay ang kanyang napakagandang ngiti na labas ang dimples. Tuwing makikita ko siyang ganyan ay hindi ko maipagkakaila na anak nga siya ni Franz. Para siyang minion ni Franz na mahaba lang ang buhok. Cute na cute ang anak ko.

"Yehey!!" Tuwang-tuwang tili niya na ikinatawa na lamang namin ni Cedric.

Wala na akong nagawa kundi ang magbihis at sumama sa mall tulad ng gusto ng anak ko. Anything for my daughter. She's all I got. She's my most precious jewel. Kahit ano ay handa kong gawin para sa kanya. Huwag lang siguro ang pilitin si Franz na iwan si Fatima at anak nila para sa amin.

SA MALL:

Takbo ng takbo si ZL sa mall. Dalawang taon lang ang anak ko, pero magilas na itong kumilos. Matatas na rin siyang magsalita. Higit sa lahat, magaling na rin siyang mag-inarte, na tinatawanan ko na lang. Kaya itong si Cedric ay palaging nasa amin kapag restday niya eh. Iba kasi talaga ang anak ko. Kahit may mabigat kang problema, kapag nginitian ka niya, nawawala ang lahat ng bumabagabag sa iyo.

"Mama!" Sigaw niya kasabay ang malaking kaway sa akin. Nahuhuli na kasi ako sa kanila ni Cedric. Para kasi siyang turumpo at sumuko na ang paa ko sa pagsunod sa kanya. Kaya pinabayaan ko na si Cedric ang humabol ng humabol sa kanya. Minsan tuloy, naiisip ko na nakakatipid ako sa yaya dahil kay Cedric. 

Kapag may pasok kami sa hospital ay pinaaalagaan niya si ZL sa kasambahay niya. Tutal ay wala naman halos iyon ginagawa kapag nasa trabaho si Cedric. Solo lang naman siya sa bahay kaya wala namang pagkakaabalahan ang maid niya pagkatapos maglinis ng bahay. Kapag magkaiba kami ng oras ay halinhinan naman kami sa pagbabantay kay ZL. Swerte talaga ako at nakilala ko siya. At least, uncle pa rin naman siya ni ZL biologically, di ba?

"Yes, Baby?" Tanong ko kay ZL. Umupo ako para magkapantay kami ng anak ko. Hindi ko pinansin kahit may mga taong dumadaan. 

"Look at that boy." Sabi niya sabay turo sa isang poster dito sa labas ng Guess Jeans.

Nakakunot ang noo kong nilingon ang sinasabi niya. Nagkatinginan kami ni Cedric ng malaman ko kung ano ang tinuturo ng anak ko.

"What about him?" Tanong ko. Ang tinutukoy kasing boy ng anak ko ay si Franz. Modelo na ata siya ng Guess Jeans kasi may poster na siya doon.

Ngumiti ng ubod ng luwang ang anak ko bago nagsalita. Medyo kinabahan ako. Ang bata pa ng anak ko. Hindi kaya crush niya ang ama niya? Huwag naman sana.

Kinagat niya nang kanyang daliri at nagsway-sway sa harap ko. "I like him for you. He's handsome, Mama." Namumulang sabi pa ng anak ko.

OMG! Laglag ang aking panga! Nang mapatitig ako kay Cedric, na nakatayo sa likod ni ZL ay nanglaki ang mata nito! Ano bang pumasok sa utak ng anak ko? Diosmiyo!

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Hindi ako dapat magpanic sa inosenteng remark ng anak ko. "Sikat iyan, Baby. Hindi niya ako magugustuhan." Sabi ko sa kanya at pilit ngumiti.

Ngumuso si ZL. "He's handsome and you're beautiful, Mama. I want him for you!" Sabi pa niya na parang naiinis pa sa akin. Ano bang nangyayari sa anak ko? Napakabata ay kung anu-ano nang pagmamatch make ang naiisip?

Sumingit si Cedric sa awkward situation. Binuhat niya si ZL sa kanyang mga bisig kaya napatayo na ako. 

"Bakit? Handsome din naman si Papa Cedric ah?" Nakangiting sabi niya kay ZL.

Hinalikan siya ni ZL at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Pero mas bagay siya kay Mama." Humahagikhik na sabi niya.

Wala namang mali sa sinabi ng anak ko, hindi ba? Inosente pa siya kaya ganoon ang nasabi niya. Hindi ko dapat bigyan ng malisya. Pero hindi ko maiwasang magpanic sa sinabi niya. Para bang siguradong-sigurado siya na bagay kami ni Franz. Paano pa kaya kung magkaisip na siya at malaman niyang siya ang kanyang ama?

Lumabi si Cedric at naglakad. Humawak naman ako sa siko ni Cedric para makasabay ako sa kanila habang buhat pa din niya ang anak ko. "Ayaw mo na ba kay Papa Cedric?" Lambing pa niya kay ZL.

Niyakap siya ng mahigpit sa leeg ni ZL. "Of course not. I love you po, Papa Cedric." Lambing niya rin kay Cedric. "Love ka naman namin ni Mama kahit maging boyfriend niya iyong boy." Dagdag niya habang nakangisi.

Parang inaasar niya lang si Cedric, pero ako hindi ako makarecover sa narinig kong, maging boyfriend niya ang boy. Saan natutunan ni ZL ang boyfriend-boyfriend na iyon?

"Boyfriend?" Hindi ko na mapigilang itanong sa anak ko. Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.

Namilog ang mata ng nakangiting si ZL. Hinawakan niya ang kanyang bibig na para bang may nasabi siyang masama. "Sorry po. Yaya Luna thought me that. I heard it from the drama that she's watching." Paliwanag niya at itinakip na rin ang isa pang kamay sa kanyang bibig.

Nagpapanic ako. Napakabata pa ng anak ko at kung anu-ano na ang natutunan niya kay Yaya Luna, na kasambahay ni Cedric.

Para namang nabasa ni Cedric ang bumabagabag sa akin. "Don't worry, pagsasabihan ko siya mamaya." Bulong sa akin ni Cedric.

Tumango na lang ako para hindi na ako makapagsalita pa ng masama. Alam kong wala akong karapatang pagalitan si Yaya Luna dahil hindi ko naman siya katulong. Isa pa, nakikisuyo nga lang ako sa kanya.

Kumain kami sa Rai Rai Ken na siyang paborito si ZL. Hindi ko alam pero paborito niya ang restaurant na iyon. Ang dami niyang nakain at natuwa kami ni Cedric. Pagkatapos noon ay naglaro siya sa Tom's World at kumain ng ice cream. Nang magsawa ay nagyaya ng umuwi.

"Mama, let's visit Ninong Von." Sabi niya sa akin habang naglalakad siya ng nakahawak sa kamay ko papuntang kotse ni Cedric.

NInong ang tawag niya kay Von kahit hindi pa naman siya nabibinyagan. Hindi ko pa siya napapabinyagan dahil hindi pa ako masyadong decided kung ZL Cruz o ZL Roff ang ipapaplagay ko sa baptismal certificate. Pero sa birth certificate niya ay Zue Lorraine Cruz ang pinaregister ni Cedric.

Umiling ako habang sumasakay sa front seat matapos ko siyang ipasok sa backseat at lagyan ng seatbelt doon. "Anak, busy si Ninong Von mo sa practice." Paliwanag ko sa kanya. Kanina kasing umaga ay nagtext si Von at sinabi sa akin na may practice sila ng banda.

"Papa Cedric, take us to Ninong Von's Studio." Sabi niya kay Cedric.

Sinilip siya ni Cedric sa reariew mirror habang palabas kami ng parking lot. "Baka makagulo tayo doon, Baby. Later na lang natin siya puntahan." Pakiusap din sa kanya ni Cedric.

"Please?" Kulit pa ng anak ko sa nababasag na boses.

Nilingon ko siya at tulad ng inaasahan ko, nagtutubig na naman ang kanyang mata. Bakit ba ganito kaarte ang anak ko? Cute nga sana tulad ng ama niya, pero sobra ang arte.

"Ok." Mabilis na sagot ni Cedric.

Kunot ang noo ko tuloy ng lumingon ako sa kanya. "Bakit ka pumayag?" Medyo may diin na sabi ko. Alam ko kasing busy si Von at hindi tamang pumunta kami doon.

"May magagawa ba tayo?" Nakangiting baling niya sa akin.

I must agree. Wala rin naman talaga akong laban sa anak ko. Hindi ko siya kayang makitang umiiyak. Konting luha lang ang pumatak sa mata niya ay parang kinukurot na agad ang puso ko.

(Later..)

"Ninong Von!" Tili ni Zl sabay takbo para kumalong kay Von. Mukhang kauupo lang ni Von at nagbreak lang sila sandali.

Nagulat si Von pero napalitan agad ng ngiti at hinalikan ang anak ko sa pisngi. "Hello, Princess. Saan ka galing?" Tanong niya sa anak ko.

Si Von lang ang tumatawag sa anak ko ng princess. Mahal na mahal niya ang anak ko. Minsan nga ay hinihiram pa niya iyan ng overnight at dinadala sa kanyang bagong condo.

"Sa mall. I'm with Mama and Papa Cedric." Sagot ng anak ko sabay nguso sa amin para ituro kami kay Von.

Ngumti ako at kumaway kay Von. Kinawayan niya naman ako ng lumapit ako at kasama ko si Cedric palapit sa kanila. Binigyan niya lang si Cedric ng isang malamig na sulyap.

"Hi, Baby!" Bati ni Pooch sa anak ko.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang matawa. Katulad na katulad kasi siya ng kanyang ama sa pagkasuplada. Sinimangutan lang niya si Pooch at sumiksik na ulit sa dibdib ni Von.

"Baby, you want this?" Alok naman ni Syd ng chocolate. Siguro ay galing iyon sa mga fans nila sa labas. Umiling lang si ZL at inirapan siya. Loko talaga itong anak ko. Manang-mana!

"Hey, ZL! Be nice to your Uncles." Saway ko sa kanya.

"Ayaw sa inyo, Pare." Sabi ni Jay sa kanila. "Come to Tito Jay, Baby." Baling naman ni Jay sa anak ko habang tinatangkang kargahin mula sa kandungan ni Von si ZL.

"I don't like you." Supladitang sabi ng anak ko. Tinabig pa niya ang kamay ni Jay at iniyakap sa katawan ni Von ang mga palad niya.

"ZL!" Medyo may diing saway ko. Nakakahiya ang anak ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan namin? HIndi ko tinuturuan ng kagandahang asal ang anak ko?

"Pabayaan na ninyo. Bata pa si Princess. Ayaw talaga sa inyo eh." Natatawang sabi ni Von na inilingan ko na lang. Isa pa itong taga-ispoiled ng anak ko eh.

"Manang-mana kay Franz ah." Walang ingat na nasabi ni Pooch. "Opps.. sorry!" Hingi niya ng paumanhin sa akin ng mapansing natigilan ako.

Alam ko namang walang malisya iyon para kay Pooch pero naapektuhan ako ng sinabi niya. Ayokong magmana ang anak ko kay Franz. Ako ang nagpalaki sa kanya kaya gusto kong ugali ko ang makuha niya.

"Dugong Roff si ZL kaya sa akin siya nagmana." Sabi naman ni Cedric habang hinahaplos ang buhok ng anak ko.

Sinamaan siya ng tingin ni Von. "Sa akin siya nagmana. Kahit tanungin mo siya." Sabi ni Von habang hinahayaan ang anak ko na paglaruan ang kwintas niya sa leeg na may pendant na gitara. Regalo ko iyan kay Von noong debut niya.

Tumaas ang dalawang kilay ni Cedric. "Baby." Tawag niya sa pansin ng anak ko.

"Yes, Papa Cedric?" Sagot ng anak ko na ngayon naman ay tinetrace ang design nag t-shirt ni Von.

"Kanino ka ba nagmana? Ang ganda mo kasi eh." Pambobola ni Cedric sa kanya.

Nilingon siya ng anak ko at ibinalik ang tingin kay Von. Ibinalik ulit sa kanya at saka sumagot. "Kay Ninong Von po." Nakangising sagot ng anak ko.

"See?" Nakangisi ng malapad na gatong pa ni Von kay Cedric.

Sumimangot lang si Cedric. Ako naman ay nagpipigil lang ng tawa. Nagulat kasi ako. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito. Kahit nga ako, ang akala ko, ang sasabihin ng anak ko ay ako.

"Idol naman pala ang suplado nating master eh." Natatawang sabi ni Syd na napawi din agad ng balingan siya ni Von ng nakataas ang dalawang kilay.

"Baby, we better go. Ninong Von is busy." Yaya ko sa anak ko.

"Oo nga, Baby. Uwi na tayo at gagawin ko pa iyong mga kailangan ni Mama mo bukas." Yaya rin ni Cedric sa kanya.

Ang akala namin ay aalis na kami dahil umalis na siya sa pagkakandong kay Von. Lumapit siya kay Cedric kaya umupo si Cedric para magkapantay silang dalawa.

"You go ahead, Papa Cedric. Mama and I will listen to Ninong and Uncle Syd's voice." Nakangiting sabi niya kay Cedric. "Ingat." Sabi pa niya kahit hindi pa naman napayag si Cedric. Yumakap na siya agad at humalik sa pisngi ni Cedric.

Humagalpak ng tawa si Von habang niyayapos ang anak ko na bumalik na sa bisig niya. Nahihiya ako kay Cedric dahil siya ang kadugo ni ZL, pero priority ng anak ko si Von. Parang ako lang din.

"Sorry ah." Sabi ko kay Cedric habang hinahatid siya sa may parking lot. Nagdesisyon na akong magpaiwan dahil gusto ko rin marinig ang mga bagong kanta ng Colours.

Ngumiti si Cedric. "Ok lang. Magingat kayo pag-uwi. Tawagan mo ako kapag nakauwi na kayo para matulungan kita sa mga gawain mo. Kung wala kayong sasakyan pauwi mamaya, tawagan mo lang ako para sunduin kayo." Bilin pa niya habang hinahalikan ako sa noo.

"Yes, Boss!"

Mabuti na lamang at understanding si Cedric. Napakaswete naming mag-ina dahil kahit wala kaming Papa sa buhay namin, mayroon namang dalawang lalaki na handang magprotekta sa aming dalawa.

_____________________________________

A/N:

Tatalon ulit tayo sa panahon sa next chapter. Kailangan ko kasi itong mapagkasya ng 100 chapters lang. Coming soon... ang pagkikita ni Seph at Franz. Ano kayang mangyayari? May pag-asa pa ba?

40 votes + 35 comments = update!

Continue Reading

You'll Also Like

43.4K 1.5K 27
Storya ng isang babaeng takot magmahal...
15.2K 1.8K 52
At first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Ranki...
627K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
3.3K 271 51
A story of teenage girl that never expected she will be the girlfriend of the hottest and favorite basketball captain. How can she stop herself from...