My Tag Boyfriend (Season 1)

Oleh OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... Lebih Banyak

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 31

671K 12.4K 3.1K
Oleh OppaAnja

A/N: Okay, sabi ko na kwento naman ng ibang characters ang Chapter na ito. But the heck! Saka na muna iyon, ito muna. BORING TO! PRAMIS! SABAW CHAPTER 'TO. Happy reading!

Chapter 31

Sitti's P.O.V

          Ilang araw matapos ang dance party ay hindi ko malaman kung bakit sobrang busy na naman ng mga estdyante sa school namin at nung school na din mismo.

          I mean, lagi na lang maagang na didismiss ang klase. Minsan nga, isang teacher lang yung pumasok sa amin. May iba naman na pumasok nga, nagpaoa-attendance lang naman.

          Maaaring iniisip na ang saya nga ng sitwasyon ko di ba? Pero hindi. Hindi din kasi kami pinapauwi ng maaga. Nasa loob pa din kami ng school at nakatambay lang.

          Sige nga. Sabihin nyo nga sa akin kung anong masaya doon?!

          "Lilipat na talaga ako ng school!" inis na sabi ko sabay kagat sa melon bread na binili ko sa cafeteria kanina.

          "Lilipat ka?"

          Muntik na akong mabilaukan nang may bigla na lang nagsalita sa may likuran ko.

          At sino pa ba ang madalas gumawa nito? Sino ba yung tao na ginagawa ng hobby ang pangugulat sa akin?

          Tama. Si MM nga. Wala ng iba.

          "Tubig?" sabi nya sabay abot nung tubig nya sa akin.

          Mabilis ko namang kinuha iyon saka uminom. "Grabe ka talaga MM! Wag ka ngang nanggugulat!"

          Kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor sa puso. Dahil baka mamatay ako ng maaga ng dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot mula sa kung saab ni MM.

          At isa pa, papatingnan ko na din yung abnormal na tibok ng puso ko tuwing nakikita ko yung ngiti ni Kaizer.

          Sya nga pala, speaking of Kaizer, matapos din ng party, hindi na sya  nagpapakita sa akin.

          Hindi naman sa hinahanap ko sya ah? Nagtataka lang ako kasi bigla na lang syang hindi nagpapakita sa school.

          Pero ang kinaganda din ng pagkawala ni Kaizer, nawala din yung mga nakakairita, maingay at mga tsimosang fan girls nya.

          Malapit na talaga ako mabilib sa mga fan girls ni yabang. Kung mawawala sya, mawawala din sila. At kapag nandyan naman sya, nandyan din sila.

          Dedicated fans.  Kapag namatay kaya si Kaizer mamatay din sila?

          "Bakit ka lilipat?" hindi pinansin ni MM yung reklamo ko saka sya naupo sa tabi ko dito sa may damuhan, sa may open field ng school. "Saan ka lilipat? Kailan ka lilipat?"

          Napakunot-noo ako sa mga tanong nya.

          "Akala ko ba hindi ka na aalis? Na hindi mo na ako iiwan?"

          Nagsimula na namang magdrama si Marshmallow Monster.

          At kung inaakala nya na mahuhulog ulit ako sa drama nya na may pinaasan ka sa tamang hinalang segway sa dulo, pwes, hindi na.

          "Malapit na talaga akong lumipat kapag ganito pa din ang nangyayari sa school na 'to!" sabi ko. "Wala na akong natutunan!"

          "Para namang nag-aaral ka."

          Napasinghap ako sa sinabi ni MM sabay humarap sa kanya saka ko sya nakita na kumakain na naman ng marshmallows nya.

          "Hoy! Grabe ka MM! Nag-aaral ako no!"

          Humarap sya sa akin sabay subo na naman ng marshmallows sa bunganga nya na may laman pang marshmallows.

          "Palagi ka kayang tulog."

          Mas lalong lumakas yung pagsinghap ko sa sinabi nya.

          Parang ang sarap nyang sabihan ng: "How dare you?!" sabay sasampalin ko sya ng malakas kaya lang hindi ko ginawa kasi hindi naman drama yung eksena namin ngayon.

          Idagdag mo pang best friend ko sya. Tsk! Hirap maging best friend!

          "Totoo naman eh." sabi nya matapos nyang lunukin yung marshmallows nya sa bibig. "Lagi mong tinutulugan yung mga subject natin. Akala mo hindi ko alam?"

          Binigyan ko sya ng hindi makapaniwalang tingin.

          'Paano nya nalaman iyon?!'

          "Best friends tayo. Katabi pa kita kaya alam ko."

          Hindi na ako sumagot doon kasi tama sya. Saka paano nya nabasa yung iniisip ko?!

          Well, tama din sya doon sa part na natutulog ako sa klase.

          Paano ba naman kasi, sobrang boring nung mga klase namin! Saka ngayon lang naman ako natulog kasi nga nganga days kami sa school.

          "Bakit ba ganito ang school na 'to?! Lagi na lang event-event! Kakainis ah? Buti sana kung walang bayad yung mga event nila eh!"

          Ito pa nakakainis sa mga school. Yung magpapa-event sila sa school o kaya may program tapos sasabihin nila na "mandatory" yung pagsali. Pero kapag hindi ka naman sumali, may additional "sobrang hirap" na activity na ipapagawa sa'yo yung mga Professors. Kaya sa huli, no choice ka pa din kundi ang sumali at magbayad para sa event!

          'Mga kurakot na school!'

          "Second semester kasi kaya madaming event sa school." sagot ni Mobi habang ngumunguya na naman ng marshmallows nya.

          "Mobi, may iba ka pa bang kinakain maliban sa marshmallows?" biglang tanong ko.

          Alam ko na madami sa inyo ang nagtataka din gaya ko kung bakit puro marshmallows na lang ang kinakain ni MM.

          Sabagay, hindi naman sya magiging si Marhsmallow Monster kung hindi sya puro marshmallows. Pero sobra naman yung pagkain nya ano! Sa laki ba naman ng marshmallows bag nya. Saka, nakakailang bag ba sya sa isang araw?

          "Meron."

          Napasinghap ulit ako doon sa sinabi nya.

          OMYGAD! Si Mobi, may kinakain ding ibang pagkain maliban sa marshmallows?!

          "Ano kinakain mo?"curious na tanong ko.

          "Boring na pagkain." sabi nya sabay subo ulit ng mallows sa bibig nya. "Pero alam mo hindi dapat mga marshmallows ko pinoproblema mo kundi si Prince."

          "Huh? Si Kaizer? Bakit?" kunot-noong tanong ko.

          Ilang sandali syang tumingin sa akin at wala akong nakikitang kahit anong ekspresyon doon sa mukha nya.

          Pero sa totoo lang huh? May itsura talaga si MM. Kaya nga nagtataka ako bakit hindi 'to nasama sa mga Prince ng school na ito.

          Sabagay, weird nga pala sya saka mas maganda na ding hindi sya kasali sa linya nila mayabang na Kaizer at Kris.

          "Hindi mo alam no?" tanong nya maya-maya sabay subo na naman ng marshmallows.

          "Alam ang alin?"

          "Na bukas na yung laban nila Prince sa regional championship sa basketball."

          "Ah ganoon ba?" plain na sabi ko.

          Bakit? Ano ba dapat reaksyon ko doon? Ni wala nga akong alam sa basketball eh! Saka nakita ko naman yung naging laban ni Kris at Kaizer dati at masasabi ko na magaling si Kaizer sa basketball. Captain pa nga sya di ba? So bakit ako mamomoblema kung regionals na bukas?

          "Girlfriend ka nya. Kaya dapat may concern ka sa kanya." putol ni MM sa pagmomonologue ko sa utak ko.

          "Correction!" sabi ko sabay taas sa ere nung index finger ko. "Tag girlfriend. Saka alam mo namang hindi totoo yung relasyon namin di ba?"

          Alam ko na may sinabi na mga weird na bagay si Kaizer sa akin nung dance party. At alam ko din na seryoso sya doon sa mga pinagsasabi nya kaya lang ayoko ko muna isipin iyon kasi una, wala akong alam sa mga relationship dahil hindi pa ako nagkakaboyfriend noon. Second, ayoko kong mag-isip kasi nakakatamad.

          Pero, dahil sa TB at TG na kakornihan ni Kaizer, matapos din ng dance party, wala ng gumagalaw sa akin. Kahit yung mga alipores ni Margaret at si Margaret mismo hindi na ako binubully.

          Oo, inis pa din sila sa akin pero iniirapan na lang nila ako at tinataasan ng kilay. Minsan pinaringgan din ako ng mga alagad ni Margaret pero hanggang doon na lang iyon.

          Bakit bigla silang nagbago? Paano ba naman si Kris ang ingay! Ilang beses nyang inulit-ulit yung TB at TG na iyon kaya may isang estudyante mula sa crowd na nag-assume na tawagan namin iyon ni Kaizer—na tawagan nga naman talaga namin, sabi nya.

          Pero hindi nila alam na Tag Boyfriend at Tag Girlfriend ang meaning noon kaya may isang nag-aannounce ng conclusion nyo tungkol sa meaning ng pet name na iyon.

          True Boyfriend and True Girlfriend. O.A. nila di ba?

          Mas maganda kung FB at FG. Fake Boyfriend and Fake Girlfriend. Mas bagay.

          'FB. Pffft!'

          Bakit laging malaswa yung tunog nung initials ng kay Kaizer? FB. Facebook. Hahaha!

          At matapos nga noon, hindi na ako masyadong pinapansin ng mga tao sa school. Hindi na nila ako pinag-iinitan at inaabangan sa tapat ng school sa umaga para magbalak na kalbuhin ako.

          "Girlfriend ka pa din nya kaya dapat may concern ka." sabi ni MM matapos nya ipitik-pitik sa harapan ko yung mga daliri nya para tawagin ako sa korni kong pagjojoke sa utak ko.

          "Eh sa ano naman gagawin ko kung regionals na nila bukas?! Anong gagawin ko doon?!" parang batang maktol ko kay Papa MM.

          "Suportahan mo si Prince." sabi nya sabay tayo. 

          "O, aalis ka na? Sige! Bye MM—"

          Naputol yung sasabihin ko nang bigla na lang hilain ni MM yung kamay ko saka ako hinila patayo mula sa pagkakaupo ko sa damuhan.

          "Sasama ka."

***

          "Captain! Tama na yan!"

          Natigilan kami ni MM sa pagpasok namin sa gym nang makita namin si Kaizer at yung mga ka-teammate nya na naglalaro ng basketball—I mean si Kaizer lang pala. Nandoon din pala si Kris.

          At kitang-kita ko sa itsura ni Kaizer yung pagod sa paglalaro nya base na din sa pawis sa buong mukha at katawan nya pati na din sa gulo ng buhok nya.

          "Hindi. Kaya ko pa 'to..." sabi ni Kaizer sa isang ka-team nya sabay hawi sa kamay nito nang akma nitong tutulungan si Kaizer sa pagtayo mula sa pagkakaupo nito sa sahig.

          "Captain..."

          Umayos ulit ng tayo si Kaizer. Well, hindi ko masasabing maayos iyon kasi mukha na syang matutumba ulit.

          "Isang shoot pa." sabi nya saka inangat sa ere yung kamay nya na may hawak na bola.

          Bigla akong nag-aalala para kay Kaizer sa ginagawa nya.

          Pinipilit nya kasi yung sarili nya kahit na alam na ng mga tao sa paligid nya—at sa tingin ko alam na din nya—na hindi na nya kaya.

          'Ilang oras na ba syang naglalaro?'

          "SITTI!!!"

          Biglang nabulabog ang katahimikan sa gym nang bigla na lang isigaw ni Patty ang pangalan ko saka sya dali-daling tumakbo papalapit sa amin ni MM.

          Sunod kong narinig yung pagbagsak ng bola sa sahig saka ko nakita si Kaizer na napatingin na din sa direksyon ko.

          Hindi ko mabasa yung naging ekspresyon nya ng makita ako kasi tanging pagod na lang ang nakikita ko sa mga mata nya ngayon.

          "Mabuti naman at naisipan mong dumaan dito!"

          Naalis ko ang atensyon ko kay Kaizer saka napatingin kay Patty.        

          "Bakit ka nandito? Binibista mo si Kaizer ano? Ayie!" sabi nya sabay tusok sa tagiliran ko.

          "Hindi ah!" defensive na sagot ko. "Sinama lang ako ni MM dito."        

          Sandaling tumingin si Patty kay Mobi sabay kinindatan nya si MM sa hindi ko malamang dahilan.

          "Favor naman Sitti!" sabi ni Patty sabay abot sa akin ng isang towel at tubig. "Isusulat ko pa kasi yung report ko tungkol sa preparation ng team natin para sa regionals bukas. Alam mo na? Para sa school paper? Kaya ikaw na muna bahala dito." dagdag nya sabay umalis sa harap ko...

          At kasama nyang hinila palabas ng gym si MM!

          Ang bilis ng nangyari. At ang lakas ni Patty para mahila nya si MM ng ganoon kadali at kabilis.

          "Oh mga 'tol break muna tayo! Hayaan na lang natin si Kai Kai dyan!" sabi naman ni Kris sa mga ka-teamate nila.

          Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na naging member na din si Kris ng basketball team namin matapos nyang makipag-one-on-one kay Kaizer noon.

          "Pero paano si Captain?"

          "Hayaan nyo na yan! Libre ko kayo ng foods! Tara sa condo?"

          Mabilis pa sa alas-kwatro na nagsisinuran palabas ng gym yung mga ka-teammates nila Kris at Kaizer.

          At bago tuluyang makalabas—at dahil nasa may pintuan pa ako ng gym—bigla akong tinapik ni Kris sa balikat.

          "Paki sabihan na lang yung Mama sa likod ah? Tigas ng ulo eh! Kahapon pa walang tigil nagpapractice dyan. Magdamag na yang naglalaro dito."

          Tinapik-tapik pa ulit ni Kris yung balikat ko saka sila tuluyang umalis.

          Nanlaki ang mata ko saka binalik ang tingin ko kay Kaizer.

          Kahapon pa sya nagpapractice?! Di nga?!

          'Nagpapakamatay ba sya?!' sa isip ko.

          "Anong ginagawa mo dito?" dinig kong sabi nya saka sya naglakad papunta sa direskyon ko.

          Nung nangangalahati na sya sa paglapit sa akin, bigla akong napatakbo papasok sa gym nang makita ko na malapit na syang bumagsak sa sahig.

          At bago pa sya bumagsak, bigla kong nayakap yung mga braso ko sa bewang sya para alalayan sya at ng hindi sya tuluyang bumagsak.

          "Ano ba?! Magdahan-dahan ka nga!" inis na sermon ko sa kanya.

          Inakbay nya yung isang braso nya sa balikat ko para sumuporta sa akin.

          Kaya lang dahil mas malaki sya sa akin at dahil mas malakas sya, dahan-dahan kaming bumagsak sa may gitna ng court ng gym. I mean, hindi naman talaga bumagsak na bumagsak. Napaupo lang sa sahig. Ganoon.

          Magkatapat kaming naupo ng naka-indian sit dito sa may gitna habang hawak ko sya sa magkabila nyang braso para alalayan sya kasi feel ko matutumba pa din sya kahit na nakaupo na kami.

          "Okay na ako. Bitawan mo na ako."

          Sinunod ko naman sya saka dahan-dahan syang binitawan. Matapos noon ay biglang tumahimik ang paligid.

          Kaming dalawa na lang pala ang nasa loob ng gym ngayon.

          "Pasensya ka na."

          Bigla akong napatingin sa nakayukong si Kaizer saka sya unti-unting nag-angat ng tingin sa akin.

          "Sorry kasi nakita mo akong ganito."

          "Paanong ganito?" takang tanong ko.

          Matipid syang ngumiti sa akin pero kahit ganoon tumibok pa din ang puso ko. Nagwawala na naman sya.

          'Magpapatingin na talaga ako sa doktor bukas!'

          "Mahina."

          Napatingin ako sa mukha nya doon sa huling sinabi nya saka inangat yung kamay ko sa ere sabay sya mahinang binatukan.

          "Baliw ka ba?! Sabi ni Kris na magdamag ka daw naglalaro. Natural na mapapagod ka! Natural na manghihina ka!"

          Ngumiti lang ulit sya sa akin saka di na nagsalita pa.

          Napatingin ako sa paligid saka ako biglang tumayo nang makita ko yung hinahanap ko.

          Ramdam ko na nakasunod ng tingin sa akin si Kaizer pero hindi ko na lang iyon pinansin saka isa-isang kinuha yung mga binilin sa akin ni Patty kanina na nabitawan ko nang bigla akong napatakbo palapit kay Kaizer saka ako bumalik at umupo sa harapan nya ulit.

          "Ito o! Tubig." sabi ko sabay abot ng bote ng tubig na may straw sa kanya.

          "Salamat."

          Napatango na lang ako saka kinuha yung towel sa tabi ko saka iyon pinatong sa ulo ni Kaizer habang umiinom sya ng tubig.

          Nakita ko yung panlalaki ng mata nya at natigilan din sya habang marahan kong pinupunasan yung basang ulo nya.

          "Wag ka na munang magbigay ng banat at pagsusungit mo dyan kasi kailangan mong mapunasan." sagot ko doon sa panlalaki ng mga mata nya. "Magkakasakit ka sa ginagawa mo."

          Napansin ko din na natigil sya sa pag-inom nya ng tubig ng dahil sa ginawa ko.

          Nag-angat ulit sya ng tingin sa akin saka nya ako pinanood habang pinupunasan ko yung ulo nya.

          "Alam mo, hindi mo dapat pinag-aalala ang mga kasamahan mo." sabi ko matapos putulin yung nakakailang na katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Kasi ikaw yung captain nila di ba? At bilang captain, ikaw dapat ang nag-aalaga sa mga kasamahan mo. Hindi iyong ikaw ang nagiging dahilan ng pag-aalala nila at inaalagaan."

          Inalis ko na yung kamay ko sa ibabaw ng ulo nya at hinayaan ko na nakapatong ang towel sa ulo nya saka ako napatingin ng derecho sa mata nya.

          "Yabang, ang yabang mo talaga! Uso pahinga, alam mo ba?"

          Hindi ulit sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa mukha ko at hindi ko malaman kung ano ba ang iniisip nya habang nakatingin sya sa mukha ko.

          'Sana naging si Edward Cullen na lang din ako para nababasa ko yung laman ng utak ng mga tao at ng nababasa ko kung ano yung naiisip nitong si Kaizer.'

          "Hindi pa ako pagod." biglang sabi nya saka tinabi sa gilid yung ubos na tubig nya.

          Napataas ako ng kilay sa kanya. "Pagod ka na. Pati ba naman kahit pagod ka na, nagmamayabang ka pa din?!"

          Napangisi na lang sya sa akin saka lumipat sya ng pwesto at naupo sa tabi ko.

          "Pagod na nga yata ako." sabi nya saka tumingin sa akin. "Gusto ko munang matulog sandali."

          Napatingin ulit ako sa paligid ko saka naghanap ng pwedeng matutulugan ni Kaizer.

          Kaya lang, maliban sa mga nagkalat na bola at basketball ring, wala na akong makitang ibang pwedeng pakinabangan sa gym na ito.

          Napatingin ako sa mga paa ko saka iyon ini-stretch sa sahig ng court sabay tinapik ko yung mga binti ko.

          "Maaaring hindi ito ang magiging pinaka komportableng higaan para sa'yo ngayon, pero at least meron di ba?"

          Napatingin sya sa mga binti ko ng matagal saka nya binalik yung tingin nya sa mukha ko.

          "At kung iniisip mo na masisilipan mo ako dahil nakapalda ako, pwes hindi. May suot akong short sa loob kaya wala kang masisilip sa akin!" madiing sabi ko.

          Manyak na 'to! Tagal nyang tumingin sa mga binti ko ah! Asar 'to! Inisipan pa nga akong bosohan?! Grabe sya!

          Ngumiti ulit sya sa akin saka sya marahang nahiga sa harap ko saka nya ipinahinga yung ulo nya sa legs ko.

          Medyo mabigat yung ulo nya sa mga binti ko—laki kasi ng ulo nya dahil sa pagyayabang nya—pero okay lang. Titiisin ko kasi pakiramdam ko 100 times ng pagrereklamo ng mga binti ko yung reklamo ng buong katawan nya dahil sa pagod kakalaro ng basketball.

          Bakit ba kasi ang dedicated nya masyado sa laro na 'to? To the point na kinakawawa na nya sarili nya ah?!

          Dapat kasuhan si Kaizer ng illegal-and-force-suffering-of-body-that-may-lead-to-serious-sickness dahil sa pinaggagagawa nya!

          "Hindi nga komportable..." sabi nya matapos nyang makahiga ng maayos.

          "Aba't! Ang kapal din naman ng mukha mong magrekla—"       

          "Pero masarap sa pakiramdam." putol nya sa sasabihin ko saka tumingin ulit sa mukha ko. "Salamat, Sitti."

          Hindi na ako umimik sa halip napatango na lang ako.     

          Dahan-dahan ng ipinikit ni Kaizer yung mga mata nya. Habang ako naman, sa hindi malamang dahilan, bigla na lang umangat yung kamay ko papunta doon sa ulo nya saka iyon marahang hinaplos. Yung tipong parang sinusuklayan ng kamay ko yung buhok nya.

          Naramdaman ko na medyo naging tense yung katawan ni Kaizer sa ginawa ko pero hindi nya binuksan yung mga mata nya at hinayaan na lang ang mga kamay ko sa ginagawa nito saka bumalik sa normal yung katawan nya.

          Marahan kong niyuko yung ulo sa palapit sa mukha nya saka bumulong ng mahina sa tenga nya.

          "Goodnight, TB."

          Nang inangat ko na yung ulo ko, nakita ko yung ngiti sa labi ni Kaizer saka sya nagsalita.

          "Goodnight, TG."

A/N: Sino kinilig dito? Say: "AKO! KYAAAAAAAAAAAA!"

Pati si otor napaship na din ng wala sa oras sa KaiSitti. Dama nyo na mga TAGGERS, kaTB at kaTG ang KAISITTI FEVER?! KYAAAAAAAA! Hindi talaga ako fan ng MTB sa totoo lang. Mas trip ko pa din ang mga gangster stories ko. Pero ng dahil sa chapter na ito, nang dahil sa moment ng KaiSitti sa gitna ng court, nagusutahan ko na din sya! *fan girl scream* MTB is Love!

Pakilagyan nga ng mga hashtags ang mga comment nyo para magtrending tayo sa Wattpad :) lagay nyo #MyTagBoyfriendIsLOVE dapat ganyang-ganyan ah? Salamat!

Sa next chapter, mas matutuwa kayo. Though maiksi lang sya. Pero TAGGERS, POV IYON NI KAIZER SA MGA SCENES DITO! KYAAAAAAAA! At, mawiwindang kayo sa sasabihin nya sa last part ng Chapter 32! Kyaaaaaaaaaa!

HAPPY 900k+reads my TAGGERS! Saya-saya! Paabutin nyo sya ng 1 MILLION bago tayo mag 3rd monsary! Waaaaa!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.2M 51.4K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...