Ang Babaeng Impakta ( the bad...

By girllivingtodfullest

83.9K 1.2K 231

Papano kung si BAD boy ay mainlove kay BAD girl ? maiinlove naman kaya si BAD girl ? http://girllivingtodfull... More

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
The Finale

Part 68

545 9 2
By girllivingtodfullest

" Ha? Ah...oo, ibig sabihin.."

" Oo.. kita mo nga naman. Hindi ka pa nakinig sa kapatid mo? Alam mo, sa totoo lang. Magaling sya, matalino. Masmatalino sa'yo. Kung sa bagay, babae sya. Masmalakas ang instinct ng mga babae kaysa sa mga lalaki.” Nagulat naman ako sa sinabi nya.

://

" Naaalala mo ba nung unang punta ko sa inyo? Diba may dare kami ni Shena? " Sabi ni Mhimoi. Napaisip naman ako. Oo naaalala ko nga. Yung gabing tumakbo si Shena at kinaumagahan hindi nya ko pinapansin.

" Sinabi ko sa'yo na mag act sya as weird diba? " tama, sinabi nya nga yon.

" Naniwala ka naman? " dagdag pa nya.

" Oo, ewan. Medyo. Teka nga! Ano ba Mhimoi? Ano bang problema mo? " hinawakan ko yung balikat nya, pero hindi sya kalmado. Nanlilisik ang mga mata nya at halatang galit na galit sya sakin.

" Sinabi ko sa kanya na ikaw ang kapalit sa tatlong hiling nya. Pero natakot sya, nagalit sya sakin. Doon ko lang nalaman na hindi pala dapat ako maghiganti sa'yo. Dahil kapatid ko ang napuruhan. Kapatid mo rin dapat ang managot. " mahinahong sabi nya. Mahinahon pero nakakatakot.

" Hindi ko alam na si Drake--

" Hindi mo alam?! E bakit hindi mo inalam?! " galit na galit na sabi nya

" Sinugod ako ng mga kaaway ko non. Mag-isa lang ako Mhimoi. "

" Iniligtas mo yung sarili mo! Bakit hindi mo iniligtas si Drake?! " nanghina ako bigla.

 

" Hindi ko alam.. hindi ko alam na si Drake yon "

" Alam mo! Alam mong may batang sumigaw! But you take it as an opportunity para makatakbo ka! Yung mga frat na bumugbog sa'yo, alam mo ba kung sinong ginantihan nila ha?! Alam mo ba ha! Si Drake yon Hinston! Kahit anong takbo nya para hindi sya mahabol ng mga sira ulong yon! Nahabol sya dahil bata sya!! Anong magagawa ng isang batang lampang tumakbo ng mabilis para hindi sya mahabol ng limang lalaking may dalang kutsilyo? E kung ikaw ngang matanda hindi mo nagawang labanan sila! Ngayon sabihin mo! Sa tingin mo hindi dapat ako maghiganti sa'yo ha?! " hindi ko alam ang gagawin ko. Pinilit ko syang yakapin, kahit pumipiglas sya. Hindi ko sya binitawan.

" Hinston.. Hmp.. ang tanga tanga mo! hmp.. bwisit ka.. bwihisit k-k-ka.." nagulat ako bigla nang mahimatay si Mhimoi. Sinugod namin sya sa pinakamalapit na hospital. Sabi ng doctor, hindi nya daw kinaya yung galit nya kaya bigla nalang syang nawalan ng malay. Ayos lang naman daw sya, ang kaso. Hindi daw maganda sa isang tao na nagkikimkim ng galit. Marami daw sakit na nadudulot, bukod sa psychological. Nagkakaroon din ng deficiency sa pagtulog at pagkain. Maraming sinabi si Doc pero ang mahalaga, magigising na din daw si Mhimoi maya-maya. Wag daw muna akong magpapakita sa kanya, masmaigi na daw yon para kay Mhimoi. Bago ako umalis, kinausap ko muna si Drake.

" Tol.. " tinapat ko naman yung kamao ko sa kanya. Idinikit naman din nya yung kamao nya. Umupo ako sa tabi nya.

" Pasensya na ha. Hindi ko man lang nalaman na ikaw pala yon. " sabi ko. Mukha namang hindi sya galit sakin.

" Okay lang yon. Atsaka, matagal na panahon na yon. Sa totoo lang, masnag-alala pa nga ako pagkagising ko. Nabalitaan ko kasing naaksidente daw kayo nila Shena. " gumaan naman ang pakiramdam ko nang sinabi nya yon.

" Hayy.. Ang dami palang mga nangyari bago kami maaksidente. " tumawa naman si Drake

" Oo nga e. Nagkataon lang siguro yon. " tumawa din ako.

" Teka, okay lang bang ikwento mo sakin lahat ng nangyari? " nagsimula naman syang magkwento at nakinig naman ako.

 

<< flashback >>

Naglalakad ako sa kalsada non nang makita kitang tumatakbo palayo sa inyo. Pupunta kasi dapat ako sa bahay nyo. Tatawagin sana kita pero biglang may tumakbong limang lalaki. Ang bibilis nila, nataranta ako nang makita kong may hawak silang kutsilyo kaya nakitakbo din ako sa inyo. Nahuli ka nila, hinawakan ka ng dalawang lalaki. Hindi ka naman makapiglas, sobrang takot na takot talaga ko nyan. Pero hindi kita iniwan, nagbakasakali akong tulungan ka. Pero nakita kong kaya mo silang labanan. Sinipa mo yung lalaking nasa harap mo, sya yung lalaking may hawak ng kutsilyo. Tumalsik sya tapos yung dalawang lalaki naman na may hawak sa'yo binanatan ka, sasaksakin ka sana nila pero naagaw mo yung kutsilyo. Sinaksak mo yung lalaki. Tinakot mo sila kaya hindi sila nakapalag. May lalaki sa likod mo kaya naman sumigaw ako pero hindi mo ko narinig. Kaya napuruhan ka, nang makita kong bugbog sarado kana. Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko, sinugod ko sila kahit wala akong dalang kahit ano. Nang marinig nila ako, sinugod naman nila ako. Nakita kitang tumatakbo, kaya naman napaantras ako, tumakbo ako ng tumakbo. Pero hindi, nahabol parin nila ako. Tinakpan nila yung bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Bugbog sarado talaga ako nung mga oras na yan. Sinipa, sinuntok. Inuntog.. sasaksakin sana nila ko non. Buti nalang may police na nakakita samin. Nagpaputok siya ng baril kaya nagtakbuhan silang lima. Hanggang sa pagkagising ko. Nasa hospital na'ko.

<< end of flashback >>

" Sorry.. " Niyakap ko sya sa sobrang awa ko sa kanya. Kasalanan ko tong lahat. Siguro nga dapat lang na maghiganti si Mhimoi. Buti nalang mabait ang Diyos at hindi namatay si Drake.

" Promise, hindi na mauulit yon... " sabi ko.

" Naaalala mo pa ba yung mga lalaking yon? " galit na sabi ko.

" Oo. Pero hindi mo dapat sila alalahanin " nagulat naman ako.

" Patay na sila " bigla naman akong kinilabutan.

" Hindi pwede ang death penalty dito sa Pilipinas, kaya naman pinadala sila ni Daddy sa China. Mga tambay sa kanto yung mga frat na yon. Marami na rin silang napatay. Marami naman kaming naging kakampi sa kaso na'yon kaya nakasuhan silang lahat at napatupad nga ang death penalty " gumaan naman ang pakiramdam ko.

" Pero si Ate. Hindi talaga sya makalimot, gusto ka nyang gantihan. Noong una ayos na, pero dahil binubully mo ko. Masnagalit sya sa'yo. Mastumindi yung kagustuhan nyang makaganti " hindi ako kumibo.

" Pilit kong ipinapaunawa sa kanya. Pero ayaw nya. Sinabi ko na wala kang kasalanan dahil wala naman talaga. Nagkataon lang na hindi mo alam na ako ang batang binugbog nila. " patuloy lang akong nakikinig sa kanya.

 

“ Pagkatapos ng aksidente, hindi na kita nilapitan. Aaminin ko, nagtampo talaga ko sa’yo non. Kasi nga tropa tayo diba? Tapos hindi mo man lang ako tinulungan. Pero naisip ko, wala ka naman talagang kasalanan, parehas natin hindi ginusto ang nangyari.  Noong napagdesisyunan ko na lumapit na’ko sa’yo para kausapin ka. Nagulat naman ako ng bigla mo kong inangasan. Doon ko napagtanto na iba na ang lahat. Hindi na ikaw yung Hinston na dati kong tropa, hanggang sa nalaman ko ngayon na hindi mo pala maalala ang lahat. Na nagkaamnesia karin pala. Noong una, natatakot akong gantihan ka ni Ate “ tumingin naman sya sakin.

" Pero sa ngayon. Parang komportable na akong hindi ka sasaktan ni ate " nagtaka naman ako.

" Sa ilang taon na kasama ko sya, nang makita ko kayong magkasama. Sa oras na ata lang na yon nakita ko syang ngumiti ng sobrang lalim. Alam kong may gusto sa'yo si Ate. Kaya sana, wag mo syang sasaktan " bigla naman akong nakaramdam ng hindi ko maipaliwanag. Siguro eto na nga ang tunay na koryente. Ang malamang mahal pala talaga ako ng babaeng mahal ko.

" Sa ngayon, hayaan mo muna sya. Maniwala ka sakin, hindi ka nya sasaktan. Hayaan mo muna syang kumalma. " dagdag pa ni Drake

" Sige. Maraming salamat. Aalis na ko, baka kasi nag-aalala na din sa akin si Shena " sabi ko attumayo na ko.

" Sige, ikamusta mo nalang ako sa magiging asawa ko " nginitian naman nya ko. Natawa naman ako

" Sige, brother in law " nag-appear kami at umalis na nga ako para umuwi.

:// end of part ://

-  girllivingtodfullest/  gltdf

www.girllivingtodfullest.tumblr.com

Continue Reading

You'll Also Like

76.1K 1.8K 40
when a simple girl will meet a leader of a gangster anong mangyayari? lalo na kung sa unang pagkikita nila eh halos magpatayan na sila they both hat...
1.1K 88 24
Read Book I - Huling Kasaysayan (Gintong Palay) before reading this Book II. Matapos mailigtas ni Enarion Berenor si Andrea del Amita ay akala niya a...
7.6K 489 45
YoongYeon's kapilosopohan Love Story. "Bakit parang ang sakit sa puso?" -Cantrell Montevalle "Okie lang yan, mas masakit pag walang puso. :)" -Eunic...
20K 396 14
A simple and clumsy girl meets A rugged man .