The Star

Od AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... Více

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 86

7.9K 165 42
Od AngelMelay

A/N:

Maraming salamat kay @StringbeanHeart! Ngayon ko lang nabasa ang maganda mong description sa akin na isinama mo pa sa profile mo! Thank you! Dinedicate ko sa iyo iyong Chapter 23 nang THE STAR. At dahil sa nabasa ko, maguupdate ako. Iyong iba diyan, magparamdam naman kayo. Kahit na sa VOTE man lang. Huwag tayong umasa sa mga masisipag magvote at magcomment. Makiparticipate naman po kayo. Thanks!

Hindi ko alam kung paano ko pagkakasyahin sa 100 chapters ang buong story.. Hahahah! Anyways, please 40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE!

Thank you po! <3

_______________________________________

STARRING 86

BUHAY PROBINSYA

First day of school namin dito sa Balayan, Batangas. Tatlong linggo na ang nakakaraan nang mapagpasyahan ng buong pamilya namin na dito na muna ako mag-aral. Nangako din ang pamilya ko na wala munang makakaalam na dito na ako nag-aaral. Imposible naman nila akong makontak kasi nagpalit kami ng celphone ni Dale at bumili ako nang bagong simcard. Sinabi ko sa kanya na ibalik ang iPhone na bigay ni Franz kapag nagkita sila.

4th year na ako sa kurso kong Physical Therapy. At dahil mas advance ang subjects sa Maynila ay na-credit lahat ng subject ko. Iyong iba pa nga ay lampas sa number of units na kailangan nila dito.

Sa nagdaang tatlong linggo ay kapansin-pansin ang pamamayat ko. Hindi kasi ako makatulog ng ayos sa gabi at makakain. Palagi pati akong lihim na umiiyak kapag naiiwan ako ni Tiya para magtinda sa palengke. Kahit ang tiyahin ko ngang matandang dalaga, na tanging kasama ko dito sa probinsya, ay nag-alala sa akin. Sinabi ko na lang na namimiss ko ang mga magulang at kapatid ko para hindi siya mag-alala.

Nakaupo ako dito sa loob ng classroom at pinagpapawisan. Dalawang ceiling fans lang kasi ang meroon dito sa probinsya. Hindi tulad sa St. John Colleges na tig-2 aircon ang bawat classroom. Dito ay simple ang pamumuhay at simple lang ang mga tao.

Tahimik akong nagpapaypay sa aking sarili. Wala pa ang aming guro kaya tahimik lang ako. Nakikinig lang ako sa kwentuhan ng aking mga kaklase. Bigla kong naalala ang mga kaklase ko sa St. John Colleges. Kumusta na kaya sila?

"Hi! Bago ka? Ako si Charmaine." Pakilala noong maganda at morenang katabi ko sa upuan.

Inilahad ko agad ang kamay sa kanya. "Hello! Oo, bago ako. Ako naman si Stephanie." Balik pakilala ko.

Mabait itong si Charmaine. Ipinakilala niya ako sa grupo ng kanyang mga kaibigan. Naging mainit naman ang pagtanggap sa akin nina: Debbie, Kristin, Joel at Kyle. Agad akong isinama sa kanilang grupo. Ganito pala sa probinsya. Walang ere ang mga tao.

"Taga Maynila ka pala, Stephanie? Kaya pala ang ganda mo." Puri sa akin ni Kyle.

Napangiti ako sa kanya. "Oo. Ako? Maganda? Hindi naman. Magaganda din naman sila dito." Sagot ko sabay sulyap kina Deb (Debbie), Cha ( Charmaine) at Tin (Kristin).

Medyo nailang ako nang tingnan ako ni Joel mula ulo hanggang paa. "Hindi, Stephanie. Iba ka. Maganda ka talaga. Alam mo ba, parang kamukha mo iyong model sa magazine ni Ate na dala niya ng umuwi siya galing Japan." Gatong pa ni Joel.

Iyong ngiti ko ay medyo nawala. Kinabahan ako kay Joel. Biglang sumagi sa isip ko na rumampa daw ako sa isang fashion show at kasama ko ay mga foreigners. Syempre kasama ko din 'siya'. Natiyak ko tuloy na ako iyong sinasabi niya. 

"Baka kamukha ko lang." Pagkakaila ko. Kaya nga ako nagpunta dito sa probinsya ay para magbagong buhay at kalimutan 'siya'. Kaya ayokong maiugnay ako sa 'kanya'.

Kumunot ang noo ni Joel. "Para kasing kamukha mo siya. Medyo mas may laman nga lang siya sa iyo." Diskumpyado pa ring dagdag niya.

See? Talagang namayat ako. Kahit itong mga bago kong kaibigan dito sa bukid ay iyon ang napansin. Sadyang malakas talagang makapayat ng tao ang stress.

Bigla namang binatukan ni Debbie si Joel. Kahit matangkad si Joel, at mukhang kasing taas ni Von, ay naabot niya ito ng tumingkayad siya. Ayan na naman ako eh! Naiisip ko na naman 'silang' dalawa.

"Ano ka ba? Kung si Stephanie iyon, bakit naman siya mapapadpad sa probinsyang tulad nitong atin?" Sermon ni Debbie kay Joel. Napakamot na lamang ng ulo si Joel.

"Oo nga, Joel. Maganda nga si Stephanie. Hindi natin iyon maipagkakaila. Pero imposibleng siya iyon." Pagsangayon ni Tin sa sinabi ni Deb.

Pinilit kong ipakita na natatawa ako sa naisip ni Joel. "Oo nga, Joel. Kung ako iyon ay malamang na sa abroad ako magaaral o sa Maynila pa din." Pagsangayon ko habang nakangisi.

"Pero kamukha mo talaga." Pagpupumilit ni Joel. Napailing na lamang ang mga kagrupo niya. Nakahinga naman ako ng maluwag na walang naniwala sa katotohanang sinasabi niya.

Naputol ang aming usapan ng dumating na ang aming guro. Bumalik na sa unahan sina Deb at Tin. Sina Joel at Kyle naman ay umupo na sa tabi ni Cha. Iisang row kaming apat nina Kyle, Joel, Cha at ako. Sa gilid ko ay may bakanteng upuan.

Nagroll call na ang guro namin. Lahat naman halos ay isa-isa niyang tinawag. At nang ako na ang tawagin ay inutusan niya akong magpakilala sa unahan na agad ko rin namang sinunod.

"I'm Stephanie Cruz, 18 years old, from Manila. Kina Tiya Selya ako nakatira sa ngayon sa may bukid." Pakilala ko sa mga bago kong kaklase.

Nagsi-sipulan ang mga kaklase kong lalaki ng magpakilala ako. Siguro ay dahil bagong mukha ako sa kanila kaya pakiramdam ko, lahat sila halos ay interesado sa akin. Maliban doon sa mukhang nerd sa kabilang sulok na parang walang pakialam.

Pauupuin na sana ako ng guro namin nang biglang magtaas ng kamay ang isang kaklase kong lalaki. Ang tanda ko ay Yohan ata ang pangalan niya. "May boyfriend ka na ba, Stephanie?" Nakangiting tanong niya.

Hindi ganoon kagwapo si Yohan pero kapansin-pansin ang ganda niyang magdala ng damit. Tingin ko ay kasing tangkad siya ni Franz at medyo may kaliitan lang ng konti ang katawan. Ito na naman tuloy ako. Naalala ko na naman 'siya'.

"Wala." Nakangiting sagot ko. Gusto ko sanang isagot na, 'asawa meroon', pero tingin ko ay baka inaayos na sa ngayon ang pagpapawalang bisa ng kasal naming dalawa. Kaya wala nang silbi kung ipagsabi ko pa.

"Wala??" Hindi makapaniwalang tanong ni Kyle. Nakaupo lang siya habang hawak ng pataas ang kanyang ballpen.

Tumango ako kay Kyle. "Wala eh." Ulit ko pa sa sagot ko kanina.

Naputol ang pagbulong-bulungan ng mga kaklase ko tungkol sa nalamang wala akong nobyo, nang may isang moreno at matangkad na lalaking dumating. Nakasuot din siya ng school uniform. May headset siya sa tenga na medyo natatakpan ng kanyang mahabang bangs.

Napatigil ang aking paghinga. Ang porma niya kasi ay katulad na katulad nang kay Franz. Medyo kasing taas nga lang siya ni Von. Pero ang way niya nang paglakad at paghawi ng buhok nang dumating siya ay katulad na katulad nang kay Franz!

Ipinilig ko ang ulo ko. What is wrong with me? Ganito ko na ba talaga 'sila' ka-miss na nakikita ko na 'sila' sa katauhan ng iba? Lalo na 'siya'?

"Sorry po, I'm late. Nagpastol pa po kasi ako ng mga kambing." Paliwanag niya sa aming guro. Tumango ang guro namin at umupo na siya. Doon siya umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"It's ok." Sagot ng teacher namin. I can say na siya iyong tall, dark and cute na lalaki.

Syempre probinsiya ito kaya ordinaryo lang sa kanila ang mga ganoong gawain. Subukan mong sabihin iyan kapag na-late ka sa St. John Colleges at baka magtawanan ang aking mga dating kaklase.

"You may sit down, Stephanie." Nakangiting sabi naman ni Sir sa akin.

Sinunod ko ang sinabi ni Sir at bumalik na sa upuan ko kanina. Ngayon ay napagigitnaan na ako noong bagong dating at ni Cha. Napansin ko lang na natapos na ang pagchechek ng attendance, nakaalis na si Sir, nagkwentuhan na ang mga kaklase ko, at nagtatawanan pa ang iba, ay tahimik na nakapikit lang siya habang nakasuot ang headset sa tenga.

"Tahimik ba talaga itong katabi ko?" Mahinang bulong ko kay Cha.

Sumulyap si Cha sa kabilang gilid ko at ibinalik ang paningin sa akin. "Ganyan talaga iyang si Cedric. Tahimik. Pero matalino iyan." Sabi ni Cha.

So, Cedric pala ang pangalan ng katabi ko? Hindi ko kasi alam dahil noong tinawag naman kami ng guro namin kanina ay wala pa siya. Kaya nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pakikinig sa kwentuhan nina Cha at Deb tungkol sa nakaraang bakasyon.

Noong ako na ang pinagkukwento nila ay nagkibit balikat lang ako. Paano ko naman ikukwento sa kanila ang madramang bakasyon ko? Masyadong maraming nangyari na umabot na sa pagkawasak ng puso ko. Wasak na wasak na hanggang ngayon ay hindi ko na mabuo. Ngayong wala na 'siya' sa akin.

(Later..)

Dahil first day ng klase kaya half-day lang kami. Pagkatapos naming magtanghalian ay nagkayayaan na manuod daw kami ng tryout ng basketball team. Kasali kasi sina Kyle at Joel sa team. Mga varsity players pala ang dalawang ito. Sa bagay, sayang naman ang tangkad ng dalawa kung hindi nila gagamitin sa sport na ito.

Wala naman akong gagawin sa bahay dahil nasa palengke pa tiyak si Tiya. Mamayang gabi pa ang uwi noon kaya napagpasyahan kong sumama na lamang sa kanila. Nakikingiti lang ako sa halakhakan nina Deb, Tin at Cha habang papunta kami sa gym nila. Hindi man iyon kasing laki ng gym ng St. John Colleges, pero pwede na. May bubong din naman at mga bleachers.

Pagpasok namin sa gym ay malakas na sigawan na ng mga babaeng nanonood sa tryout ang sumalubong sa amin.

"Diyan muna kayo ah." Paalam sa amin ni Joel at hinigit na si Kyle papunta doon sa locker area nila. Mukhang magpapalit na ang dalawa ng jersey nila. 

"Upo tayo doon." Turo naman ni Tin sa bleachers na hindi gaanong kasikip sa may likod ng announcer ng game.

Sumunod kami kay Tin. Nanood muna kami sa mga magtatryout at sa mga dati nang mga players habang sila ay nagwawarm-up. Pinaliwanag sa akin ni Cha na ang mga finalist na napili para sa tryout ay makikipaglaro ng practice game laban sa mga dati ng players. Kung sino ang mga magagaling na maglaro ay siyang mga kukunin. Apat na slots daw kasi ang bakante dahil graduate na ang mga dating players.

Apat na slots lang? Eh labing dalawa itong nakikita kong newbies sa kabilang team. Tiyak na bakbakan ang magiging larong ito. Ito ang mga gusto kong laban. Paborito ko kasing manood ng basketball dahil sa player si Franz sa school namin. Sa kapapanood ko nga sa kanya ay naging paborito ko na rin ang larong ito.

Teka, Franz na naman?!? Ano ba naman ito? Pilit kong kinakalimutan pero sadya atang mahirap pangatawanan. Lahat na lang ng bagay sa buhay ko ay palagi kong naiuugnay sa kanilang dalawa ni Von!

"Simula na ng game!" Natitilihang sabi ni Cha. Pumila na kasi ang mga dating players ng team at sa harap nila ay nakapila ang first five ng mga aspiring players.

"Go, Kyle! Go, Joel!" Sigaw nina Deb, Tin at Cha. Nasa first five kasi ng varsity team ang dalawa nilang kaibigan... namin pala!

Kumaway si Joel sa gawi namin. Habang si Kyle naman ay parang baliw na nagflying kiss pa. Nakatayo sila sa magkabilang gilid ng captain ball habang kaharap ang aspiring players. Inaantay nila ang pagpasok ng referee sa court. Kausap pa kasi ng commitee.

"AYIII!! GO CEDRIC!" Sigaw ng mga babae sa upper bleachers. Bukod kina Cha ay may tumili din naman sa dalawa naming kaibigang players kanina, pero hindi hamak na mas malakas ang tili doon sa Cedric.

'Cedric?' Napataas ang kilay ko nang makita na si Cedric na katabi ko kanina sa room ang captain ball pala ng varsity team. Marunong din pala siyang maglaro? Hindi lang siya kaporma ni Franz, kaparehas pa siya ng sport na kinahuhumalingan nito. What a coincidence!

Pumasok na ang referee at nagsimula na ang game. Sa first half ay halos ilampaso ng varsity team ang first five ng aspiring. Naiiling na lang ako nang napapatayo pa itong mga kasama ko sa mga kinauupuan nila kapag nagso-shoot ang varsity team. Ganitong ganito rin ako dati kapag naglalaro si... 'siya'.

Nang second half ay ipinasok na ang second five na mga newbies. Medyo mas magaling ang batch na ito. Nasusupalpal nila ang mga shoot ni Kyle, hindi tulad noong first batch. Pero ang mga rebound ni Cedric at 3-point shots niya ay hindi naman nila mapigilan.

Pati ako ay napatayo ng maagaw kay Joel ang bola at muli niya rin namang mabawi. Nang magjumpshot na siya, pati ako ay pigil hininga.

"Whew! Joel!" Sigaw ko. Pati ako ay napasigaw nang makashoot si Joel kahit pa nasundot noong isang magaling na newbie.

Kumaway si Joel sa grupo namin kaya nagcheer lalo sina Cha. Pero bigla akong napatikom ng bibig nang tapunan ako ng tingin noong Cedric. Kunot ang noo na napatitig siya sa akin. Literal na natigilan siya. Napukaw lang siya ng tumama sa dibdib niya ang bola na ipinasa noong isa pa nilang kagrupo. Doon lang humiwalay ang mapanuri niyang titig sa akin at bumalik na ang atensyon niya sa laro. Anong problema noon?

Natapos ang second half at medyo nahabol ng newbies ang points. Magaling kasi iyong dalawa sa kanila. Ang lamang na 20 points ng varsity team ay naibaba na sa 14 points na lamang. Nagpatimeout muna ang coach para naman makapagpahinga muna ng konti ang varsity players.

"Paabot naman ng tubig, Stephanie." Pakisuyo sa akin ni Kyle. Lumapit kasi ang dalawa sa pwesto namin ng magtime-out.

"Eto oh." Abot ko naman at ngumiti kay Kyle.

"Salamat." Sabi pa ni Kyle.

Hindi sinasadyang lumampas ang tingin ko kay Kyle at napadako sa nasa hindi kalayuang si Cedric. Naiilang na nagiwas agad ako ng tingin. Tulad kasi kanina ay titig na titig pa rin siya sa akin. Para bang sinasaulo niya ang mukha ko habang umiinom siya ng gatorade na kanyang hawak. Nakaka-ilang!

Pumito ang referee at muli silang bumalik sa loob ng court. Nanuod na lang ako muli at iniwasan nang magtapon ng tingin doon sa Cedric na iyon. May kakaiba kasi sa titig niya. Para bang pinag-aaralan niya akong mabuti. Tapos ang mga kilos niya pa at galaw ay patuloy na nagpapaalala sa akin kay Franz, kaya ayoko na talaga siyang tingnan.

Natapos ang game at nakapili sila ng bagong apat na players. Kung score ang pagbabatayan, syempre panalo ang varsity team. Nagsi-alisan na ang lahat sa court ng matapos ang laro. Alas-kuwatro na ng hapon nang naglalakad na kami pauwi.

"Ang galing namin kanina no, Stephanie?" Pagbibida sa akin ng kasabay kong maglakad na si Kyle. Ngumiti na lamang ako at tumango.

"Syempre eh newbies ang kalaban ninyo eh." Pang-aasar ni Deb sa kanya.

"Pero wala pa rin kayo kay Cedric Garcia. Ang galing niya!" Palatak ni Tin.

"Eh paano naman, pitong taon pa lang daw iyon eh bola na ang kapit." Sabat naman ni Joel.

Wow! Kaya pala magaling nga siya. Mula pala pagkabata ay paborito na niya ang larong iyon. 'Sino kayang mas magaling sa kanila ni Franz maglaro?' Sagi sa isip ko ng aking pusong hindi makamove-on.

Hindi naman ganoon kalayo ang amin dito sa school, pero mas malapit pala ang bahay ng mga kasama ko kumpara sa akin. Kaya sa huli ay ako na lamang ang naglalakad mag-isa pauwi. Dapat pala ay nagtricycle na lamang ako. Nawili kasi ako sa pagkukwentuhan namin ng mga bago kong kaibigan kaya napalakad na rin ako nang wala sa oras.

Anim na poste na lamang ay paliko na sa lugar namin. Medyo pagod na ako. Matagal na rin akong walang practice sa volleyball kaya wala akong exercise. Sa Manila naman ay hindi ako naglalakad na masyado. Palaging naandyan ang mga kababata ko para isakay ako sa magagara nilang sasakyan.

Medyo pagod na ako kaya sumilong muna ako sa isang malaking puno at nagpahinga ng konti. Pinagpapawisan na ako at nanglalagkit. Parang sobra kasi ang pagod na nararamdaman ko ngayon. Pinagpapawisan ako nang malamig at habol ang hininga. Ano ang nangyayari sa akin? Dahil sa takot na baka kung ano ang nangyayari sa akin, kaya napagdesisyunan kong magpatuloy na sa paglakad. Baka kasi dito pa ako abutin.

Hahakbang na sana ako nang maramdaman kong parang nahihilo ako. Tinapangan ko ang sarili ko dahil wala naman akong kakilala sa lugar na ito. Kinurap-kurap ko ang mata ko at nang medyo maging maayos na ng konti ay naglakad na ako. HIndi pa ako nakakasampung hakbang nang manglabo ang paningin ko. Hihimatayin ata ako. Muntik pa akong masagasaan nang kotse sa likod ko dahil sumuray na pala ako papuntang gitna. Mabuti na lang at nakapagpreno ito agad.

"Stephanie?" Boses na nakapagpalingon sa akin. At sa nanglalabong mata, 'bakit siya naandito?' Ang naitanong ko sa sarili ko.

______________________________________

A/N:

Sino iyon? Hulaan ninyo..

40 votes + 35 comments = UPDATE!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

326K 11.3K 61
They were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and li...
29K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
262K 5.6K 30
this story is about someone who can sacrifice everything for her love one
6.9K 109 59
[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savanna...