Shindee : Ang Snatcher ng Pus...

By zhaialonzo

2.9K 111 1

More

Shindee : Ang Snatcher ng Puso ko
Chapter One
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN [FINALE]

CHAPTER SIX

198 8 0
By zhaialonzo

HALOS kulang-kulang tatlong oras na din siyang naglalaba ng damit ni Reij. Ang bilin pa nito sa kanya ay huwag gumamit ng washing machine. Baka daw kasi maluma agad ang mga damit nito. Pero sa tingin niya, gusto lang siya nitong pahirapan. Wala namang problema sa kanya, sanay siyang maglaba ng hindi gumagamit ng washing machine.

Tinapunan niya ng tingin ang isang balde ng puno ng damit ni Reij. Sa totoo lang, hindi naman talaga marumi ang ibang damit na pinalabhan nito.

Napabuntong-hininga siya. Tatlong araw na din siyang nakatira sa poder nito at alam niyang matagal-tagal bago niya mapagbayaran ang kasalanan niya kay Reij.

Pwede naman siyang tumakas sa una palang. Ngunit ewan ba niya, parang gusto pa niyang manatili sa bahay na ito at makasama si Reij kahit sa sandaling panahon.

Aaminin niya, may gusto siya dito. Unang kita pa lang niya kay Reij, tumibok na ng husto ang puso niya. Na para bang gusto kumawala sa kinalalagyan.

Yun ngang picture nito sa wallet ay pinagkatago-tago pa niya.

Na lagi niyang tinititigan sa gabi. Na para bang iyon lang ang nagbibigay pag-asa sa kanya na mabuhay pa at kayanin ang mga pagsubok na dumadaan sa buhay niya.

"Shindee, magpahinga ka muna. Ako na ang magtutuloy niyan." pukaw sa kanya ni Lisa mula sa malalim na pag-iisip niya.

"Okey lang, Lisa. Patapos na rin ako."

Sa ilang araw na pagtira niya sa mansion ay nagkasundo agad sila nito. Pareho din pala sila ng sitwasyon ng buhay ni Lisa. Ang pinagkaiba nga lang ay malinis ang trabaho nito hindi tulad ng kanya.

"Anong patapos ang sinasabi mo? Eh halos ilang oras ka ng naglalaba dyan. Tignan mo nga yang kamay mo oh."

Tinignan niya ang tinutukoy nito. Mahapdi at sugat-sugat na kasi ang kamay niya dahil sa sobrang pagkusot.

"Hayaan mo na. Huwag mo na lang pansinin, Lisa. Saka kaya ko pa naman eh. "

Narinig niyang bumuntong-hininga ito.

"Oh siya, sige. Hindi na kita kukulitin. Maya-maya dadalhan na lang kita ng makakain ."

Ngumiti siya dito. Mabuti na lang at may katulad nito na nakilala niya.

"PINAPATAWAG niyo daw po ako?"

Nakayukong tanong niya kay Reij. Kasalukuyang nasa study silang dalawa habang ang huli ay nagbabasa ng kung anong paper works na hanap nito.

"Yeah." tipid na tugon nito. Hindi padin nawawala ang atensyon sa binabasa.

"Bakit?"

"May out of town ako tomorrow. I want you to come with me."

"Bakit sasama pa ako?" muling tanong niya dito.

Nakuha na niya malamang ang buong atensyon nito. Binaba nito ang papel na hawak at naiiritang tinignan siya.

"Malamang. Kasi amo mo ako diba?" sarkastikong sabi nito.

Hindi siya nakakibo sa sinabi ni Reij.

"Magready ka. Halos one week tayong mawawala."

Gulat na napatingin siya dito.

"One week? Pero, Reij. Kailangan kong dalawin ang inay sa ospital.."

Itinaas nito ang isang kamay tanda marahil na hindi nito papakinggan ang gusto niyang sabihin.

"I don't care. Gawin mo ang trabaho and that's final. Makakaalis ka na."

Pagkasabi nun ay tinapunan agad nito ang atensyon ang binabasa kanina.

Ilang beses na kasi niyang tinangkang magpaalam dito na kailangan niyang puntahan ang nanay niya at kapatid niya ngunit hindi siya magawang payagan nito.

Naiinis na nga siya minsan sa laging pagtutol nito ngunit ano nga ba ang magagawa niya? Pinili niya ang pumasok sa ganitong klaseng sitwasyon kaya kailangan niyang panindigan.

Blessing in disguise na rin marahil ang pagkikitang muli nilang dalawa ni Reij. Hindi na kasi niya kailangang ibenta pa ang sarili para maoperahan ang nanay niya. Tinulungan na kasi siya ni Jovel sa gastusin at malaki ang pasasalamat niya dito. Tama nga ang kasibihan, kapag nagtanim ka ng kabutihan sa kapwa mo ay may babalik na grasya sayo. Pero sa tulad niyang marami ng nagawang kasalanan, mukhang swerte siya at nakilala niya si Jovel.

Sa katunayan, inalok na siya nito na umalis na lang ng bahay para hindi na siya magawang pahirapan ng kuya nito. Ngunit tumanggi siya. Ang ikinatwiran na lang niya na kailangan niyang mabayaran ang utang niya.

Napabuntong-hininga siya.

Bago siya tumalikod para lumabas sa study room ay sinulyapan niya muna si Reij. Napakaseryoso ng mukha nito na lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nito. Ang pagkakataon yun lang niya tanging pinagmamasadan ito. Mula sa malayo, mangangarap na lang siya.

NILANGHAP niya ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha niya ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan silang nasa kotse ni Reij at bumabyahe papuntang baguio. Pinakiusapan niya ito na buksan ang bintana sa side niya para maramdaman ang malamig na hangin na ngayon ay dumadampi sa mukha niya.

Excited siya sapagkat sa tanang buhay niya, ngayon lang siya makakapunta ng baguio.

Okey din palang magpaalipin sa isang ito. Nararanasan niya ang mga bagay na akala niya imposibleng mangyari sa isang katulad niya.

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa Baguio?"

Nilingon niya si Reij na biglang nagsalita.

Himala yata sa may himala, kinausap siya nito.

"Oo. Buong Quiapo lang kasi ang nalilibot ko."

"Sa paghahanap ng mabibiktima mo?"

"Minsan. Pero nagtitinda din ako ng yosi at balot sa gabi hanggang madaling araw."

Nakita niyang kumunot ang noo nito sa sinabi niya.

"Nagtitinda ka ng balot?"

Tumango siya. " Oo, anong nakakagulat dun? Lahat gagawin mo para lang mabuhay at masuportahan ang pamilya mo. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, sigurado akong gagawin mo din ang ginawa ko sayo."

"Never. Hindi ko maaatim na magnakaw para lang may makain."

"Sinasabi mo lang yan kasi hindi mo pa naranasang matulog ng walang laman ang tyan. At iyon ang ayaw kong maranasan ni Karylle. Kaya nagagawa ko ang bagay na iyon."

"Ilang taon mo na bang ginagawa ang pandurukot?"

Nagkibit-balikat siya biglang sagot sa tanong nito.

"Mahalaga pa ba yun? Sa palagay ko hindi na. Basta hindi nagugutom ang pamilya ko. Lahat gagawin ko para sa kanila." seryosong saad niya dito.

TINAPUNAN niya ng tingin si Shindee na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya habang ninanamnam ang preskong hangin.

Hindi niya alam ngunit may nagtutulak sa kanya na kausapin ito. Nakikita niya kasi sa kislap ng mga mata nito ang excitement na bumabalot dito.

Medyo nagulat pa nga siya ng malaman na nagtitinda ito ng balot sa gabi at yosi na alam niyang panlalaking trabaho.

"Hindi ba delikado sa babaeng katulad ang gumala-gala sa gabi?" usisa niya dito.

"Delikado. Kaya lang wala namang choice eh. Kailangang kumayod."

"Bakit hindi ka na lang magwork sa mga fast food chains? Or pabrika kaya?"

Napansin niyang biglang nag-isip ito sa sinabi niya. Muntik na siya matawa ng mapakamot ito ng ulo. Lagi nitong ginagawa iyon kapag nagkakamali ito o may narerealize na mali talaga ito.

"Hindi ko din naisip yun, Reij. Ang nakatatak kasi sa isipan ko eh makahanap agad ng madaliang kita. Nagsimula lang naman na maging mas miserable ang buhay namin nung makulong ang Kuya ko.."

Napakunot ang noo niya sa narinig. " Nakakulong kuya mo?"

Tumango ito. "Galing noh? Nasa dugo na namin ang pagiging masamang tao.."

Hindi siya nakakibo sa huling sinabi ni Shindee. For the first time, nagkausap silang dalawa ng hindi niya ito nasisinghalan o nagagalit siya. Ewan ba niya sarili niya kung bakit naisip niyang gawin itong alalay niya.

Muli niya itong tinapunan ng tingin. Bakas pa din sa magandang mukha nito ang excitement.

Maganda talaga huh?

Oo, tama. Nagagandahan naman talaga siya kay Shindee. Kaya nga sa simula pa lang ay nakuha na agad nito ang buong atensyon niya noong nasa MRT sila.

Nakaramdaman na naman siya ng inis ng maalala ang katangahan niya.

Pinindot niya ang button na isasara ang binatana ng kotse.

"Bakit?" tanong ni Shindee sa kanya.

"Anong bakit? Kotse ko ito at isa pa, amo ako kaya huwag na huwag kang magtatanong kung bakit." naiiritang sabi niya dito.

Naaasar talaga siya kapag naaalala niya ang katangahan niya.

ILANG araw na din sila sa Baguio ngunit kahit kailan hindi pa siya nakakapasyal. Medyo malayo din kasi sa pinasentro ang bahay na tinutuluyan nila ngayon.

Nalaman niyang talagang mayaman ang pamilya ni Reij sapagkat malaki ang bahay - bakasyunan nito.

At isa pa, hindi din siya pinapayagang lumabas nito. Baka daw pairalin niya ang katangahan niya at maligaw pa siya.

Sa totoo lang, nasasaktan siya minsan sa sinasabi sa kanya ni Reij. Nakakaramdam siya ng kirot sa dibdib.

"Ready na ba ang breakfast ko, Shindee?"

Narinig niyang tanong sa kanya ni Reij mula sa likuran niya. Nasa terrace kasi siya at pinagmamasdan ang fog na unti-unti nawawala.

Tumango siya dito. "Oo. Nakahain na rin siya sa dining table."

As usual, hindi siya kinibo nito at tumalikod agad sa kanya.

Sinunda niya ito hanggang sa dining table.

"Last night na pala natin ngayon sa Baguio."

Nalungkot siya sa narinig mula dito. Mukhang hindi yata siya makakapasyal gaya ng gusto niya.

Pero sabagay, andito siya para magtrabaho.

Hindi para magliwaliw.

Hindi na lang siya kumibo sa sinabi nito.

Nanatiling siyang nakatayo sa gilid nito. Ganoon naman lagi ang set up nilang dalawa. Never silang nagsabay kumain. Talagang pinaparamdam nitong lalo ang agwat ng estado nila. Siya bilang katulong, at ito bilang amo lang niya.

Maya-maya ay naramdaman niya tumayo na ito dala ang attaché case.

Hindi na niya nasabi ang salitang 'Ingat, Reij' na lagi niyang sinasambit sa tuwing aalis na ito.

Okupado kasi ng isip niya ang kaalamang uuwi na sila bukas ng hindi pa siya nakakapasyal sa Baguio.

"Ah, Shindee?"

Narinig niyang pukaw ni Reij sa kanya. Ang buong akala pa naman niya ay umalis na ito.

"Bakit?" tanong niya dito ng hindi ito sinusulyapan.

Inabala niya ang sarili sa pagliligpit ng pinagkainan nito.

"Be ready at five pm. Mamamasyal tayo mamaya."

Yun lang at umalis na agad ito.

Nagulat siya sa sinabi nito pero maya-maya ay napalitan iyon ng excitement.

NAKANGITING sinulyapan niya ulit ang tanawing nasa harapan niya ngayon. Napakaganda pala talaga sa Baguio. Kasalukuyang nasa Mine's View sila ngayon. Medyo nahilo pa nga siya sa taas ng bangin na kinalalagyan nila.

"Papicture tayo, Reij." excited na sambit niya dito.

Kahit siya ay nagulat sa sinabi niya kaya nanahimik na lang siya ng hindi ito tumugon sa sinabi niya. Ngunit nagulat siya ng maya-maya ay nakiusap ito sa taong dumaan na kunan sila sa camera ng cellphone nila.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang kinukunan sila ng camera. Ilang inches lang kasi ang agwat nila sa isa't-isa. Amoy na amoy niya ang bango nito na nanunuot sa ilong niya.

"Thank you."

Medyo nagulat pa siya ng magsalita na si Reij. Tapos na pala silang kunan ng camera.

"Tara, Shin."

"Ha?" disoriented pa ding sabi niya.

Kunot-noong tinignan siya nito.

"Ang sabi ko tara na. Punta tayo sa ibang pasyalan. Common, faster."

Napakalakas talaga ng epekto sa kanya ng lalaking ito. Biruin mo, sa konting pagkakalapit lang nilang dalawa ay natataranta na siya.

"Ah oo, sige." nagmamadaling sinundan niya ito.

Nagpunta sila sa mga tiangge at namili ng mga pasalubong. Galanteng amo naman ito kaya walang naging problema sa kanya. Excited na namili siya ng pasalubong para sa mga importanteng tao sa buhay niya.

Napatigil siya ng makakita ng isang bestidang pink na pangbata. Naalala niyang bigla ang kapatid niya. Namimiss na niya ito ng husto. Laking pasasalamat niya na inaalagaan ito ni Anna. Malaki na talga ang utang na loob niya sa kaibigan niya iyon.

"Don't tell me na type mo ang damit na yan?"

Nilingon niya si Reij na ngayon ay nakalapit na pala sa kanya.

Umiling siya. "Naalala ko lang bigla ang kapatid ko. Plano ko kasing bilhan siya niyan bago magpasko para may bago siya damit."

Hindi ito kumibo sa sinabi niya kaya ang akala niya ay wala itong pakialam. Bakit nga ba magiging interesado ito sa mga sinasabi niya? Katulong lang siya nito.

Napabuntong-hininga siya. Ayan na naman ang pagseself-pity niya. Matagal na niyang alam na kaawa-awa siya sapagkat pati mismo ang sarili niya kinaaawaan niya.

Pinagpatuloy nila ang pamamasyal. Masaya siya hindi lang dahil sa maganda ang paligid kundi kasama niya si Reij.

Nang mapagod sa kakalibot ay umupo sila sa isang bench. Nasa Burnham Park sila ng oras na yun.

Ilang minuto na silang nakaupo ngunit wala pa din silang kibuan. Niyakap niya ang sarili. Nanunuot sa katawan niya ang lamig.

"Ang ganda talaga sa Baguio noh?" sabi niya.

Medyo naiilang na kasi siya sa sobrang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.

"Yeah. Pero mas marami magagandang lugar kaysa dito. Lalo na sa ibang bansa."

Nagkibit-balikat siya. "Wala na kong pakialam kung maganda man ang lugar sa ibang bansa. Maswerte nga ako at nakapunta ako sa Baguio eh."

Hindi ito sumagot sa sinabi niya kaya muling namayani ang katahimikan sa kanila.

Sinulyapan niya ito na ngayon ay nakatingin sa malayo na para bang kay lalim ng iniisip nito ng oras na yun. Sinamantala niya ang pagkakataon na titigan ito ng husto.

Hinawakan niya at pinakiramdaman ang tibok ng puso niya. Normal lang ang pagtibok niyon na parang bang masaya ito na kasama niya si Reij.

Aaminin na niya, mahal na niya ang lalaking ito. Na kahit na pinahihirapan siya, o kaya sinasabihan ng masasakit na salita ay nakakaya niya. Gusto niyang makasama ito. Kahit man lang tatlong buwan na pagiging 'alipin' niya dito. Siguradong tatatak sa puso't isip niya ang bawat sandaling magkasama silang dalawa.

"Bakit hindi ka nakapag-aral ng college, Shindee?"

Medyo nataranta siya sa biglaang tanong nito. Nakatingin na pala ito sa kanya ng hindi niya namamalayan.

Nakaramdam siya ng pamumula ng pisngi kaya binawi niya ang tingin dito at yumuko.

"A-ano kasi, walang pera. Saka bata pa lang kasi ako namatay na ang tatay. Ang nanay naman naging sugarol kaya ayun, natuto na kong dumikarte para lang hindi magutom. Mahirap maging mahirap, Reij. Kaya nga napakaswerte niyo at nagging maalwan ang buhay niyo. Unfair talaga ang buhay dito sa mundo. Naiinggit nga ako kay tatay kasi wala na siyang nararanasang hirap sa buhay."

"Don't tell me gusto mo ng mamamatay?"

Natahimik siya sa sinabi nito. Tanda pa niya noong katorse pa lang siya, nagtangka siyang magpakamatay nung mga panahon na iyon. Ewan ba niya kung anong pumasok sa isipan niya ng oras na yun. Patalon na siya nun sa tulay ng biglang umihip ang malamig na hangin. Na para bang pinipigilan siya ng kung sino sa tangkang pagtalon niya. Nakaramdam siya nun ng labis na pighati sa puso. Hanggang sa umiyak na lang siya ng umiyak. Umuwi siya nung mugto ang mata. Naisip niyang hindi tama ang gagawin niya.

Nagpapasalamat siya at dumating si Karylle sa buhay niya.

"Hey, I was just joking-"

"Oo, nagtangka na kong magpakamatay noong fourteen years old ako." pag-amin niya dito. "Pero buti na lang nagbago ang isip ko."

Tumawa siya ng mapakla.

"Gusto mo bang mag-aral?"

"Bakit hindi? Pangarap ko makapag-aral noon pa. Kaya lang hindi ako binigyan ng pagkakataon eh. Saka nawalan na rin ako ng pag-asa na mag-aral. Mas nakatuon kasi ang buong atensyon ko kay Karylle. Gusto kong siya ang tumupad ng pangarap ko na hindi ko natupad."

Tumingin siya dito at nginitian ito. "Ako naman ang magtatanong sayo. Laging ako ang sumasagot eh."

Nagkibit-balikad lang ito. "Sure. What is it?"

"Bakit hindi kayo magkasundo ni Jovel?"

Natahimik ito sa tanong niya. Ang akala niya hindi na nito sasagutin ang tanong niya ngunit maya-maya ay nagsalita ito.

"Okey naman kami. Sadya lang napakatigas ng ulo ng kapatid kong yun. Naispoiled kasi siya nina Mom and Dad kaya ayun, lahat ng maisip na gawin ginagawa."

"Sa tingin ko, wala namang problema dun, Reij. Siguro ginagawa lang niya ang alam niyang nagpapasaya sa kanya."

Hindi na ito kumibo sa sinabi niya.

Ninammam na lang niya ang sandaling kasama niya ito habang tahimik na nakaupo sa park. Hinding-hindi niya makakalimutan hanggang sa mamatay siya ang mga sandaling iyon ng buhay niya.

Isa ito sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
428K 6.2K 24
Dice and Madisson
21M 516K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...