CHAPTER THREE

218 7 0
                                    

CHAPTER THREE

"SHIT!" mahinang napamura siya. 

Ito na yata ang pinakamalas na araw sa buong buhay niya. Una, nasiraan siya ng sasakyan sa gitna ng traffic sa Edsa. Pangalawa, late na siya sa meeting niya with his big client! 

Kung bakit kasi nagkapatong-patong ang kamalasan niya ng mismong araw na yun. 

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya sa screen kung sino ang tumatawag sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya ng mabasa ang pangalan ni Jovel. 

"What?" naiiritang tanong agad niya dito pagkasagot niya ng tawag.

"Having a bad day, big bro?" nang-aasar pang sabi nito sa kanya.

"What do you want, Jovel? Wala ako sa mood makipaglokohan sayo ngayon. Nasiraan ako at late na ko sa meeting ko. Now, tell me. What do you need this time?" gagad niya sa kapatid niya.

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga nito. 

Nagsalubong ang kilay niya. 

"What? Tumawag ka lang para iparinig ang buntong-hininga mo?" naiiritang sabi niya.

"Kuya Reij, there's something I want you to know.."

Nagtaka siya biglang pagbabago ng tono nito.

"What is it this time, Jovel? Don't tell me na nasa hospital ka na naman at nabaril?"

"No, Kuya. I want you to go home early. Please.." nakikiusap na tonong saad nito.

Siya naman ang napabuntong-hininga. Kahit kailan hindi niya makuhang tanggihan ang bunsong kapatid niya.

"Okey, fine. See you." pagkasabi nun ay inoff na niya ang cellphone niya. 

Ano na naman kayang problema ng babaeng yun?

Sakit sa ulo talaga ang laging dala ng nakababatang kapatid niya sa kanya. Balibhasa, walang masyadong gumabay at nagpangaral dito habang lumalaki ito. Maaga kasing namatay ang parents nila.

Sinulyapan niya ang wristwatch niya. Talagang late na siya sa meeting niya.

Where's that damn train, by the way?

Napakasama talaga ng pangyayaring nagaganap sa kanya ng araw na yun.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mahihinang hikbi sa tabi niya. 

Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang isang babaeng nakaschool uniform.

Pinagmasdan niya ito. Ngayon lang siya nakakita ng babae na kahit umiiyak ay napakaganda pa din. 

Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Nilapitan niya ito.

SINULYAPAN niya ang panyo na nasa harapan niya ngayon. 

"Here, Miss. You can use it." sabi ng lalaking nasa harapan niya ngayon at magiging 'biktima' nila. 

Hindi niya pinansin ang panyo nito pero lalo niyang pinagbutihan ang paghikbi. Medyo niyugyog niya ang balikat para mas maging kapanipaniwala ang pag-arte niya. 

Nagulat siya ng bigla siyang hinarap ng lalaki upang itaas ang mukha niya sabay pahid sa luhang umaagos sa pisngi niya.

Tumambad sa kanya ang gwapong mukha nito. Medyo nanlaki pa ang mata niya ng marealize kung gaano kagwapo at kalakas ang appeal ng lalaking nasa harapan niya.

"Why are you crying, Miss?" 

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya ng marinig ang baritonong boses nito.

Shindee : Ang Snatcher ng Puso koWhere stories live. Discover now