CHAPTER TEN [FINALE]

235 14 1
                                    

CHAPTER TEN

NAGMAMADALING inilagay niya sa isang malaking bag ang mga damit at ibang gamit niya. 

Pagkagaling niya kasi sa mall ay dumiretso na siya sa mansion nina Reij. At isang bagay ang  napagdesisyonan niya. Kailangan na niyang makaalis sa bahay nito at sa buhay ni Reij.

Oo, duwag siya. Pero nagpapakatotoo lang naman siya. Kahit na kailan hindi nagkakatuluyan ang isang hamak na katulad niya dito.

Napailing na lang siya. Sadya talagang napakasakit tanggapin ang katotohanan dito sa mundo.

Ilang minuto lang ay natapos na siya sa ginagawa niyang pag-empake. Palabas na siya ng pintuan ang kwarto niya nang may pumigil sa kaliwang braso niya.

“What do you think you’re doing, Shindee?” galit na tanong sa kanya ni Reij.

Nasa harapan na niya ito. Nakabakas ang galit sa mukha ni Reij.

“Wala ka ng pakialam dun.” Piksi niya dito.

Pilit niyang inaalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya.

“May pakialam ako, Shindee. Kaya sasabihin mo sakin kung anong kalokohang nangyayari ngayon.”

“Hindi kalokohan ito, Reij. Gusto ko ng umalis sa bahay mo. Tutal, tapos na rin ang panahon ng pagpapaalipin ko sayo.”

Naramdaman niyang lalong hinigpitan nito ang pagkakahawak sa braso niya.

“At sinong nagsabing bayad ka na sa mga utang mo sakin?”

Galit na hinampas niya dito ang may kalakihang bag na dala-dala niya.

“Gago ka pala eh! Sa totoo lang, matagal na kong bayad sayo. Sa dami ba namang sakit na pinaramdam mo sakin, sa tingin mo pa pala hindi pa tayo quits nun? Buti nga sayo, pera lang ang nawala, pero ako pati pagkataoko! Pati na puso ko nawala ng dahil sayo!” umiiyak ng sabi niya.

Nang hindi na niya napigilan ang sarili sa pag-iyak ay tumalikod na lang siya kay Reij. Doon siya umiyak ng umiyak na parang bata.

“Mahal mo ko?”

Narinig pa niyang tanong ni Reij sa kanya.

“May sinabi ba kong mahal kita?” asik na sabi niya dito.

Ano pa bang gustong mangyari ng lalaking ito? Halos magmukha na nga siyang tanga.

Pilit siyang pinapaharap ni Reij ngunit patuloy siyang pumipiksi. Nagulantang na lamang siya ng bigla itong magmura ng malakas.

“Damn it, Shindee! Humarap ka nga dito para makapag-usap tayo!”

“Huwag mo kong mumurahin!”

“Hindi kita minumura!”

“Kakasabi mo lang!”

“Ikaw ang unang nagmura, remember?”

“Dapat lang kasi mapangnakit ka!”

“My god, Shindee. Kailan kita sinaktan? Kailan ko pinaramdam sayo na hindi ka mahalaga sakin?”

Bigla siyang natahimik sa sinabi nito. May punto si Reij. Kailan nga ba siya pinabayaan nito? Sa loob ng ilang buwang pagtira niya sa poder ng magkapatid ay walang siyang masamang masasabi. Siguro noong umpisa, oo. Pero ng tumagal ay ramdam niyang itinuring na siyang kapamilya.

“Okey. Siguro panahon na para malaman mo ito. ” seryosong sabi nito.

Nakakunot-noo siya.

“Anong dapat kong malaman?”

Shindee : Ang Snatcher ng Puso koWhere stories live. Discover now