Shindee : Ang Snatcher ng Puso ko

619 11 0
                                    

TEASER

Shindee : Ang Snatcher ng Puso Ko By Zhai Alonzo

Isang kahid, isang tuka. Ganyan ang kinagisnang buhay ni Shindee.

Lahat gagawin niya para sa pamilya niya masuportahan lang niya ang mga ito. Kahit ang paggawa ng masama ay gagawin niya may makain lang sila. Natitiis niya ang lahat para dito, para sa nakababatang kapatid niya.

Hanggang sa makilala niya si Reij. Ito na yata ang may pinakagwapo, pinakamaamong mukha na nasilayan niya sa buong buhay niya. Ngunit tignan mo nga naman ang tadhana, isa ito sa mga naging biktima ng modus niya. 

At hindi ito papayag na hindi makaganti sa kanya. Ginawa siya nitong 'alipin' kapalit ng pera at pride na nawala dito. 

Ngunit handa ba siyang masaktan araw-araw para lang masilayan ang gwapong mukha nito?

Shindee : Ang Snatcher ng Puso koWhere stories live. Discover now