CHAPTER NINE

207 8 0
                                    

Shindee: Ang Snatcher ng Puso ko by Zhai Alonzo

CHAPTER NINE

TAHIMIK na inilapag niya sa lamesa ang tray na may lamang mga sandwiches at juice. Para iyon sa mga bisita ni Reij na nakakasiyahang magparty sa pool side ng mansion nito.

"Miss, can you get me some ice? Kulang kasi itong nilagay mo eh." 

Maarteng utos sa kanya ng isa sa mga bisita ni Reij. Sa totoo lang, kanina pa niya ito napapansin na utos ng utos sa kanya. Sa dami ba naman ng katulong na nakikita nito, siya lagi ang puntirya ng mga utos. 

"Can you make it faster? Ang bagal kasi ng kilos mo eh. " nakairap pang utos nito sa kanya.

Well, aminado siyang maganda ito. At sa suot nitong two piece swimsuit, talagang pangmodel ang katawan. Pero siguro sa ugali, sadsad siguro sa palakol ang grado ng babaeng kaharap niya ngayon.

Walang imik na sumunod siya sa utos nito. Sino ba siya para magreklamo? Isa lang siyang hamak na katulong sa mansion na iyon.

Simula ng gabing nagtalo sila ni Reij. Bumalik sa dati ang ugali nito. Kibuin-dili siya at ni hindi man lang matapunan ng tingin.

"Magpahinga ka sa kwarto mo, Shin. Ako ng bahala sa mga bisita ni Sir Reij."

Narinig niyang sabi sa kanya ni Lisa. 

"Okey lang ako, Lisa. Hindi pa naman ako pagod." 

"Bwisit kasi yung isdang mukhang sapsap na yun! Puro utos, akala mo senyorita dito. Naku, kung nandito lang si Mam Jovel baka kanina pa lunod ang bruhang yun."

Natawa siya sa reaksyon nito. 

"Mukhang mas galit ka pa kaysa sakin ha. Okey lang ako, kaya ko pa namang tiisin ang mga utos ng bruhang yun." sabi niya habang nagsasalin ng yelo sa lalagyanan.

"Naku! Kung makadikit kay Sir Reij, akala mo sawang hindi mapakali!"

Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Kanina pa niya napapansin na panay ang dikit nito kay Reij. Aminin man niya o hindi, nagseselos siya dito. May mga oras pa ngang parang gusto na lang niya lunurin sa swimming pool ang babaeng mukhang sapsap daw ayon kay Lisa. 

Pero ano nga ba ang karapatan niya? Ang tanong talaga, may karapatan ba siya magselos?

Wala..

Napailing na lang siya. Siya na din ang sumagot sa sarili niya.

"Sige na. Tama na yang galit mo. Bigay ko lang ito sa bruha, baka umusok na ang ilong sa sobrang galit." 

Pagkasabi nun ay lumabas na siya ng kusina at tumuloy sa may pool side. 

Tumambad sa kanya ang kanina pang naglalampungan na sina Reij at ang bruha. 

Mahigpit niya hinawakan ang tray na hawak niya. Ramdam na ramdam niya ang selos na nananalaytay sa ugat niya ng mga sandaling iyon. Mas minabuti niyang hindi na lang tignan ang dalawa. 

Pagkalapag niya ng tray ay naramdaman niyang may bumatok sa kanya.

"Hoy, tonta! Kukuha ka lang ng ice ang tagal mo pa. Hindi na tulog malamig ang juice ko." 

Parangn umakyat lahat ng dugo niya sa mukha niya sa ginawa nitong pamamatok sa kanya.

Masamang tinignan niya ito. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin,siguro matagal na itong bumulagta at namatay.

Ano kaya kung lunurin na lang niya ito? Mukhang isang magandang ideya ang naisip niya total kanina pa talaga siya nanggigigil sa bruahang nasa harapan niya.

Shindee : Ang Snatcher ng Puso koWhere stories live. Discover now