CHAPTER SIX

198 8 0
                                    

HALOS kulang-kulang tatlong oras na din siyang naglalaba ng damit ni Reij. Ang bilin pa nito sa kanya ay huwag gumamit ng washing machine. Baka daw kasi maluma agad ang mga damit nito. Pero sa tingin niya, gusto lang siya nitong pahirapan. Wala namang problema sa kanya, sanay siyang maglaba ng hindi gumagamit ng washing machine.

Tinapunan niya ng tingin ang isang balde ng puno ng damit ni Reij. Sa totoo lang, hindi naman talaga marumi ang ibang damit na pinalabhan nito.

Napabuntong-hininga siya. Tatlong araw na din siyang nakatira sa poder nito at alam niyang matagal-tagal bago niya mapagbayaran ang kasalanan niya kay Reij.

Pwede naman siyang tumakas sa una palang. Ngunit ewan ba niya, parang gusto pa niyang manatili sa bahay na ito at makasama si Reij kahit sa sandaling panahon.

Aaminin niya, may gusto siya dito. Unang kita pa lang niya kay Reij, tumibok na ng husto ang puso niya. Na para bang gusto kumawala sa kinalalagyan.

Yun ngang picture nito sa wallet ay pinagkatago-tago pa niya.

Na lagi niyang tinititigan sa gabi. Na para bang iyon lang ang nagbibigay pag-asa sa kanya na mabuhay pa at kayanin ang mga pagsubok na dumadaan sa buhay niya.

"Shindee, magpahinga ka muna. Ako na ang magtutuloy niyan." pukaw sa kanya ni Lisa mula sa malalim na pag-iisip niya.

"Okey lang, Lisa. Patapos na rin ako."

Sa ilang araw na pagtira niya sa mansion ay nagkasundo agad sila nito. Pareho din pala sila ng sitwasyon ng buhay ni Lisa. Ang pinagkaiba nga lang ay malinis ang trabaho nito hindi tulad ng kanya.

"Anong patapos ang sinasabi mo? Eh halos ilang oras ka ng naglalaba dyan. Tignan mo nga yang kamay mo oh."

Tinignan niya ang tinutukoy nito. Mahapdi at sugat-sugat na kasi ang kamay niya dahil sa sobrang pagkusot.

"Hayaan mo na. Huwag mo na lang pansinin, Lisa. Saka kaya ko pa naman eh. "

Narinig niyang bumuntong-hininga ito.

"Oh siya, sige. Hindi na kita kukulitin. Maya-maya dadalhan na lang kita ng makakain ."

Ngumiti siya dito. Mabuti na lang at may katulad nito na nakilala niya.

"PINAPATAWAG niyo daw po ako?"

Nakayukong tanong niya kay Reij. Kasalukuyang nasa study silang dalawa habang ang huli ay nagbabasa ng kung anong paper works na hanap nito.

"Yeah." tipid na tugon nito. Hindi padin nawawala ang atensyon sa binabasa.

"Bakit?"

"May out of town ako tomorrow. I want you to come with me."

"Bakit sasama pa ako?" muling tanong niya dito.

Nakuha na niya malamang ang buong atensyon nito. Binaba nito ang papel na hawak at naiiritang tinignan siya.

"Malamang. Kasi amo mo ako diba?" sarkastikong sabi nito.

Hindi siya nakakibo sa sinabi ni Reij.

"Magready ka. Halos one week tayong mawawala."

Gulat na napatingin siya dito.

"One week? Pero, Reij. Kailangan kong dalawin ang inay sa ospital.."

Itinaas nito ang isang kamay tanda marahil na hindi nito papakinggan ang gusto niyang sabihin.

"I don't care. Gawin mo ang trabaho and that's final. Makakaalis ka na."

Pagkasabi nun ay tinapunan agad nito ang atensyon ang binabasa kanina.

Ilang beses na kasi niyang tinangkang magpaalam dito na kailangan niyang puntahan ang nanay niya at kapatid niya ngunit hindi siya magawang payagan nito.

Shindee : Ang Snatcher ng Puso koWhere stories live. Discover now