My Nineteen-Year-Old Daddy...

By CaraMariaUna

4M 62.9K 7.2K

Sa murang edad pa lamang ni Drei na NINETEEN ay meron na siyang apat na taong gulang na anak na si Andy. Mait... More

My Nineteen-Year-Old Daddy
MNYOD [Chapter 1]
MNYOD [Chapter 2]
MNYOD [Chapter 3]
MNYOD [Chapter 4]
MNYOD [Chapter 5]
MNYOD [Chapter 6]
MNYOD [Chapter 7]
MNYOD [Chapter 8]
MNYOD [Chapter 9]
MNYOD [Chapter 10]
MNYOD - Please Read :)
MNYOD [Chapter 11]
MNYOD [Chapter 12]
MNYOD [Chapter 13]
MNYOD [Chapter 15]
MNYOD [Chapter 16]
MNYOD [Chapter 17]
MNYOD [Chapter 18]
MNYOD [Chapter 19]
MNYOD [Chapter 20]
MNYOD [Chapter 21]
MNYOD [Chapter 22]
MNYOD [Chapter 23]
MNYOD [Chapter 24]
MNYOD [Chapter 25]
MNYOD [Chapter 26]
MNYOD [Chapter 27]
MNYOD [Chapter 28]
MNYOD [Chapter 29]
MNYOD [Chapter 30]
MNYOD [Chapter 31]
MNYOD [Chapter 32]
MNYOD [Chapter 33]
MNYOD [Chapter 34]
MNYOD [Chapter 35]
MNYOD [Chapter 36]
MNYOD [Chapter 37]
MNYOD [Chapter 38]
MNYOD [Chapter 39]
Author's Note [ANNAEL Side Story]
MNYOD [Chapter 40]
MNYOD [Chapter 41]
MNYOD [Chapter 42]
MNYOD [Chapter 43]
MNYOD [Chapter 44]
MNYOD [Chapter 45]
MNYOD [Chapter 46]
MNYOD [Chapter 47]
MNYOD [Chapter 48]
MNYOD [Chapter 49]
MNYOD [Chapter 50]
MNYOD [Chapter 51]
MNYOD [Chapter 52]
MNYOD [Chapter 53]
MNYOD [Chapter 54]
MNYOD [Chapter 55]
MNYOD [Epilogue - Part One]
MNYOD [Epilogue - Part Two]
Author's Note and Softcopies Announcement
Ikaw Pa Rin [MNYOD Sequel]

MNYOD [Chapter 14]

70.9K 1.1K 143
By CaraMariaUna

Dedicated nga pala ito kay SuperJamar. Hello sayo! I really had a nice time chatting with you. Huwag kang mag-atubiling sabihin ang comments or suggestions mo. Chat me again, next time! Thanks for supporting MNYOD. Love you. Mwah mwah. :*

*

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 14 – HER Sister's Secret



"Henry?" Nagulat si Gela sa nakita niya. Di niya inaakalang makikita niya ito.


Oo, alam niya ang namamagitan sa kanilang dalawa ng kapatid niya pero di niya inaasahang magkikita sila agad-agad. Labis-labis pa man din sana ang pag-iwas niya rito.


"Magkakilala kayong dalawa?" sabi ni Yanna. 


Sa mukha pa lang kasi ng dalawa ay kitang-kita mo ang pagkagulat. Para silang taong matagal ng di nagkikita.


"Yeah. He's an acquaintance of mine."


"Really? How come you never told me babe?"


Di naman makasagot agad si Henry. Di niya kasi akalain na magkakilala pala sina Rhian at Gela. 


"Di ko alam na magkakilala pala kayo."


"Well, she's my sister. Why don't you tell me how you two met?"


Napapansin ni Drei ang namumuong tension sa pagitan nina Gela at Henry. Kung kaya't minabuti niyang kumilos na at ibahin ang usapan. 


"Rhian, hinahanap mo daw ako?"


"Ahh yes. Obviously kanina pa kita hinahanap Drei. Pero unfortunately kanina ka pa rin nakikipagkwentuhan sa kapatid ko."


"Calm down. I'm sorry okay? Nandito na ako."


"Yeah, let's talk about it in the conference room. Oh and babe, will you please entertain my sister for a while? May pag-uusapan lang kami ni Drei tungkol sa project namin. It won't be long."


"Huwag na Rhian. Baka busy rin naman si Henry." Palusot ni Gela. Ayaw niya rin naman kasi makasama si Henry sa iisang kwarto. Kahit papaano ay naiilang pa rin siya.


"Balak sana naming kumain eh. Surely, he'll have to wait for me. Aren't you babe?"


"Ahh, oo. Sige, ako ng bahala sa kapatid mo."


"Thanks babe." Pagkatapos ay lumabas na ng opisina sina Drei at Rhian. Naiwan na lamang sina Gela at Henry na tila pinakikiramdaman pa ang isa't-isa.


"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Henry. Di na rin naman kasi niya matiis ang katahimikan na namumuo sa kanilang dalawa.


"I'm here to visit my sister."


Sister? Kapatid? Nagtataka siya. Paano nangyari iyon? Oo, pareho sila ng ugali pero ni hindi nga sila magkapareho ng apelyido. 


"Are you two really – "


"Yeah. Kapatid ko talaga siya. By blood. Well, she's my half-sister. Anak ako sa labas."


"I'm sorry."


"No, it's okay. Lumaki naman kami na sanay na sa isa't-isa. Actually close pa nga kami. Di katulad ng iba na walang paki sa isa't-isa at nag-aaway."


"So how are you?" pag-iiba naman ng usapan ni Gela. 


Kahit pa sanay na siya sa usapang pamilya eh di pa rin niya maiwasang mailang lalo na sa tuwing natuturingan siyang anak sa labas.


"I'm happy."


"Pansin ko nga. My sister really is a wonder."


"Of course. At nagtatanong siya lagi. Not jumping into conclusions."


Naging stiff naman bigla si Gela. Alam niya kasing may pinaghuhugatan ang mga katagang sinabi ni Henry. Pinaparinggan siya nito. 


"Henry please –"


"What? I'm just stating a fact."


"Alam kong ako ang may kasalanan pero nasaktan rin naman ako ah."


"Of course. Nasaktan ka kasi ikaw ang nakipaghiwalay." Halatang sarcastic masyado ang pagkasabi nun ni Henry.


"Kasi sinabi ng kapatid mo na nakabuntis ka. How do you expect me to react?"


"Well, you should have asked first."


"Wala na nga ako sa katinuan nun. Sobra akong nasaktan. Besides, nakita ko kayo nung babae, magkayakap."


"That was because I was comforting her. Yun lang ang magagawa ko kapalit ng ginawa ng kapatid ko." Sabi ni Henry na halos pasigaw na.


"What do you mean?"


"My brother was the one who got her pregnant, not me."


Natigilan naman si Gela. Ang pagkakaalam niya kasi ay si Henry ang nakabuntis dun sa babae kaya naman sobra siyang nasaktan.


"B-but how was I supposed to know? Lahat ng sinabi ng Jake nagkatugma-tugma."


"We all know how my brother's a jerk but you chose to believe him instead of me. Di na nga ako nakapagpaliwanag sayo kasi umalis ka na papuntang America."


Tama si Henry. Sa sobrang sakit na nadama niya eh umalis siya agad papuntang America. Ni hindi nga niya hinayaang mag-explain si Henry.


"I was hurt okay? Kahit naman siguro sino, yun din ang gagawin, ang magpakalayu-layo. Kahit ikaw. Pero bakit kapatid ko pa?"


"Di ko alam na magkapatid kayo. Inaamin ko, na-attract ako sa kanya dahil pareho kayo ng personality –"


Di na nagawa pang patapusin ni Gela ang sinasabi ni Henry. Naguguluhan siya sa sinabi nito.


 "Minahal mo siya dahil sa akin?"


"Yeah. Noon yun. But that doesn't change the fact that I love her now. Very much."


Ouch. Ang sakit. Mahal na nga siguro ni Henry si Yanna. Wala na ang pagmamahal na para sa kanya. At siya ang may kasalanan kung bakit nawala ng pagmamahal na yun. Dahil masyado siyang naging close-minded.


"Well, I wish you happiness Henry. Sana hindi matulad sa atin ang relasyon niyo ng kapatid ko. Tell Rhian I'm not feeling well. Bye."



***



Tapos na ang meeting nila Drei. Ilang bagay lang rin naman kasi ang kailangan nilang pag-usapan. Besides, naghihintay na sa kanya ang kapatid at boyfriend niya. Mainipin pa naman si Gela. Pero nagulat siya sa narinig niya. Nag-uusap ito tungkol sa kanilang nakaraan. Di niya alam ang iisipin. Di naman kasi niya alam na nagkaroon ng relasyon noon ang boyfriend niya at ang kapatid niya.


"Di ko alam na magkapatid kayo. Inaamin ko, na-attract ako sa kanya dahil pareho kayo ng personality –"


Naiiyak na si Rhian. Di niya alam ang gagawin. Nasasaktan siya sa narinig niya mula mismo sa bibig ni Henry. Minahal lang siya nito dahil sa magkapareho sila ng kapatid niya? Kahit sabihin pa nating mahal na talaga siya ni Henry ngayon, di pa rin maalis sa kanya ang malungkot dahil minahal lang siya nito in the first place because of her sister.


Halos yumuko na si Yanna habang bumababa patungong ground floor. Gusto niya kasi munang mapag-isa. Gusto niyang umiyak hanggang sa mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Nagulat na lang siya ng biglang may kumalabit sa kanya. 


"Why are you crying po?" 


Isang bata lang pala. Akala niya kung sino.


Ngunit nagtataka siya, bakit nandito si Andy sa opisina nila? 


"Tita Rhian, don't cry na po. Papangit po kayo niyan."


"A-Andy –" 


Di na napigilan pa ni Rhian ang sarili. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta't ang alam niya ay gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.


"Hala. Huwag na po kayong umiyak. Hug na lang po kayo ni Andy para sumaya na kayo."


Nang yakapin siya ng bata ay di niya maintindihan ang nararamdaman. Ngunit kahit papaano ay nagpapasalamat siya dahil napapagaan nito ang loob niya.


"See Tita Rhian? Ang galing po ng hug ko nuh? Di na po kayo umiiyak."


"Yes baby. That's because magaling ka. Why are you here nga pala?"


"I'm here to visit my daddy."


Dito nagtatrabaho ang ama ni Andy? Matagal na kasi niyang gustong makilala ang ama ng bata. Sobrang bibo ito at napakabait. Tiyak ay mabuti ang pagpapalaki ng kanyang ama.


"Really? Nasan ang Tita Anne mo?"


"She's not here po tita. Di niya po alam na early ang dismissal ko ngayon."


Nagulat siya sa bata. Napakadelikado ng ginawa niya. Mabuti nalang at walang nangyaring masama sa kanya ng pumunta siya dito. "Naku, baka napano ka niyan. Dapat sinabi mo."


"Sanay naman po ako Tita. Dati kasi wala pa si Tita Anne."


"You want me to accompany you to your daddy?"


"Sige po." Pagkatapos nun ay sumakay na sila ng elevator. "Nasa engineering department po siya. Engineer po kasi si daddy. At ang galing-galing niya!"


"Of course baby. Siguro mana ka sa kanya."


"Talaga po. At ang bait-bait pa ni daddy tapos ang gwapo pa. Ewan ko nga po bakit iniwan kami ni mommy eh."


Nakita ni Rhian ang lungkot sa mukha ng bata ng banggitin nito ang kanyang ina. 


"Bakit, nasan ba ang mommy mo?"


"Di ko nga rin po alam. Pag tinatanong ko naman po si daddy, sabi niya nasa tabi-tabi lang daw."


Saktung-sakto din naman ang pagdating nila sa 14th floor. 


"Oh, andito na tayo sa engineering department."


Napansin naman ni Rhian ang sapatos ng bata. Natanggal kasi ang tali nito.


"Teka yung sintas mo. Itatali ko muna."


Habang nakayuko si Rhian at inaayos ang sintas ng bata ay bigla na lamang sumigaw si Andy. Nakita niya kasi ang ama. 


"Daddy! Daddy!"


 "Hi baby.


Di na nag-atubili pang lapitan ni Drei ang anak. Ngunit nagulat siya ng biglang itaas ng babaeng nagtatali ng sintas ang mukha nito. 








"Rhian?"



***






---

A/N: Hello guys. Dalawang chapters for this day. Kasi madami ng narerequest ng update. Tsaka pambawi ko na rin to dun sa mga araw na walang updates. Sana guys, magustuhan niyo to. Ito na kasi talaga yung gusto ko. Yung malaman ni Yanna na anak ni Drei si Andy. Grabe, pinagpapawisan ako ng ginagawa ko to. Ang init-init sa library namin. Tapat na tapat kasi talaga ang araw sa kwarto. Please keep on suporting MNYOD. Love you all. Mwah mwah. :*


Love, CMU (^_^)

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 63.5K 97
Ako si Nathan Clyde and I just need a mom for my triplets... Who wants to apply? Promise I'll make the salary triple. your bonus will also be Triple...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
841K 11.6K 68
[COMPLETED] What if you fell in love with the one who were never meant for you? What if you fell in love with the one who can never be yours? What if...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...