DOWN BY LOVE

By chukchaks

25.5K 1K 283

Akala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25

CHAPTER 24

1.4K 38 47
By chukchaks

Ara's POV 

Kanina pa ako lilinga linga sa hall papunta sa CR, ang tagal naman ni Mika, Ano bang nangyari sa isang yun? Bakit parang inis na inis sya? Masyado na ba syang maraming nainom kaya ganon na lang yung nasabi nya kanina? Eish! 

Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng excuse para puntahan sya, alangang sabihin kong magCCR din ako. Kainis naman! Dapat talaga hindi na lang ako sumama dito e. Nagkalabo labo tuloy. 

Halos mabitawan ko ang phone ko ng magvibrate ito sa kamay ko. Shit! 

Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag. Automatic na napangiti ako subalit as much as possible ay pinigilan ko upang hindi sila makahalata. Wala akong balak sagutin ang tawag, alam ko namang missed call lamang ito, at marahil.. alam ko kung bakit sya tumatawag. It is as if tinatawag nya ako papunta sa CR hahahahaha. 

"Uhm guys" timing! Nagkaron ako ng excuse. "Excuse lang, sagutin ko lang yung tawag" paalam ko sabay angat ng phone kong umiilaw pa. 

Tumango naman sila kaya nagmadali na akong pumunta sa kung saan para kunwari sagutin ang mahiwagang tawag ng Mika ko. 

Madaling madali akong pumasok ng CR. Nakita ko si Mika na nakatingin sa vanity mirror, para syang may inaantay or something pero the moment na makita nya ako ay agad syang pumasok sa isa sa mga cubicle. Hindi ko naman sya napigilan dahil may ibang tao din sa CR, mabuti ng safe. Kunwari na lang hindi kami magkakilala.

Lumapit ako sa sink para maghugas kunwari ng kamay habang hinihintay na lumabas yung dalawang babae. 

Lumabas ng cubicle si Mika, nginitian ko sya ng mapatingin sya sa reflection ko sa vanity mirror, inirapan lamang nya ako. Napatingin sa akin yung dalawang babae kaya tipid na din akong ngumiiti sa kanila, maybe they're thinking na nababaliw na ako at ngumingiti ako ng mag-isa. Hahahahaha

Maya maya pa ay lumabas na din sila. Sa wakas. 

Sumunod ako sa kanila hindi para lumabas ng CR kundi para ilock ang pinto. 

"Anong ginagawa mo!" sigaw ni Mika. 

"Ssshhh" lalapit ako sa kanya sana ng umatras sya. 

"Subukan mo!" banta nito. 

Hala! Para namang rerape-in kung makapagbanta. "Shush ka lang kasi" sabi ko. 

"Bakit kailangan mo pang ilock?" 

"Syempre para makapag-usap tayo" sabi ko. 

"Hindi ba tayo makakapag-usap kapag nakabukas?" pamimilosopo nito. 

"E malamang po hindi kasi po baka may pumasok" nakangising sabi ko tsaka ako lumapit sa kanya pero hindi pa man ako nakakalapit ng sobra ay naggesture na ito ng stop. 

"Hanggang dyan ka lang" inirapan nya ako, binalik nya ang tingin nya sa ginagawa nyang paghuhugas ng kamay. 

Ano bang problema ng isang to? Bakit ang sungit nya? 

"Buksan mo na yung pinto" 

"Hindi nga pwede, pano tayo makakapag-usap" 

"Bakit may kailangan ba tayong pag-usapan?" nakataas ang isang kilay na tanong nitong nakatingin sa reflection sa salamin. Shit! Bakit ang plain nya? Ano bang ginawa ko? "May kausap ka na diba?" umirap sya. 

Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. 

"Mika" lumapit ako sa kanya. This time magkatabi na kami, halos isang dangkal na lamang ang pagitan namin. "Wag ka ng magsel----" 

"Wag mo ng ituloy yang sinasabi mo kung gusto mong bumaon sa bunganga mo tong cellphone ko!" sigaw nito. 

Shit! Ang dahas nya talaga, but I like it *smirks*

Naglakad na ito palayo sa akin "Saan ka pupunta" harang ko sa daraan nya. 

"Bubuksan ko yung pinto! May palock lock ka pang nalalaman mamaya rape-in mo pa ako" inirapan nya ako. 

"Grabe ka! Ang manyak naman ng tingin mo sa akin" napahimas na lang ako sa batok ko. 

"Bakit hindi ba?" taas nito ng isang kilay sa akin. 

"Sayo lang naman e" nagpout ako. 

"Aish! Dun ka nga! Ang manyak mo!" tinulak nya ako ng malakas. 

"Aray, Mika. Pisikal na yun aa" natawa na lang ako. 

"Bakit may reklamo ka?!" pagtataray nito at bumalik na sa harap ng salamin tsaka inayos ang sarili. Tinignan ko ang reflection nya sa salamin, shit bakit kahit ang serious nya, bakit kahit ang sungit nya, bakit kahit ang plain ng treatment nya sa akin, bakit kahit ang dahas nya ang ganda ganda pa din nya? 

"Ano!" sigaw nito ng makitang nakatitig ako sa kanya. 

"Wala" nagpigil ako ng tawa. 

"Para kang shunga" muli ay umirap sya. "Umalis ka na nga dito, naiinis ako sayo" 

"Naiinis ka sa akin?" lumapit ako sa kanya pero pinigilan nya ako, still isang dangkal pa di nang distance namin. "Di naman kita inaano dyan?" 

"Talaga hindi mo ko inaano?" umirap sya habang naglalagay ng lip tint. "Teka bakit ka ba nandito! Bumalik ka na nga dun sa kadate mo!" pagtataboy nitong muli sa akin.

Ayon. Ayon. Babalik at babalik doon. Hahahahaha

"Well, unang una ikaw po ang nagpapunta sa akin dito" ngumisi ako. 

"Pinapunta kita dito? Kelan? Parang wala akong natatandaan" sinamaan nya ako ng tingin. 

"Talaga? Kaya pala kakamissed call mo lang" 

"O ano naman? Di pwedeng napindot lang?" tanong nito. 

Nagshrug ako ng shoulders habang pasimpleng dumidikit sa kanya. 

"Subukan mong lumapit" pagbabanta nito. "Vic umalis ka na, naiirita ako!" inirapan nya ako. 

"Hindi ako aalis dito hanggang di mo ko kinakausap ng matino" sabi ko. 

"Matino naman ako ha" 

"Oo nga, pero ang sungit sungit mo kaya, hindi ka naman ganyan kanina... nikiss pa nga kita bago tayo maghiwalay e, tapos ngayon ang sungit sungit mo na bigla... bakit kaya?" pang-aasar ko. 

Hindi sya umimik sa halip ay inayos na lamang nya ang pagkakalagay ng tint sa labi nya. Shit! Ang hot ng lips nya kapag ganyan kapula. Urgh! Nanggigil ako! 

"Inisip ko, wala naman akong ginagawa sayo? Hindi naman kita inaano dyan" 

"Ah talaga? Hindi mo ko inaano, kaya pala nagpapogi ka pa talaga bago ka pumunta dito.. bakit?" sarcastic syang nakangiti habang nakatingin sa akin. "Kasi alam mong kadate mo yung pulang yun?" taas nya ng isang kilay. 

Urgh!!!! Ang cute!!!! 

"Of course not! Kasi po alam kong magkikita tayo kaya nag-ayos ako" 

"Ah talaga?" halatang hind sya naniniwala. "Kaya pala kapag magkadate tayo nakashort sleeves ka lang, pero ngayon kita mo naman... formal na formal ka" ang sarcastic nya. Nakakagigil! Ang sarap halikan e. Muli ay inirapan nya ako, kung nakakamatay ang irap nya siguro pinaglalamayan na ako ngayon. Hahahahaha

"Bakit bawal ba akong magpapogi?" I asked. 

"Oo!!!!!" 

"E pano kung natural?" ngumisi ako. 

"Kapal ng mukha mo! Alis nga!" tulak nya sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya tsaka ko sya pinaharap sa akin, nagsumubok syang magpumiglas pero hindi ko sya hinayaan. I cupped her face. 

"Mika.... wait lang" ngumiti ako. 

"Ano ba!!! Bitaw nga!!!!" pilit nyang inaalis ang kamay ko sa mukha nya pero hindi ko sya hinahayaan. 

"Wait lang kasi" sabi ko. 

"Bakit ba" 

"Gusto lang kitang titigan, ang cute cute mo" kurot ko sa cheeks nya. 

"Ano ba!" tabig nya sa kamay ko. HUmarap syang muli sa salamin at nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili. "Yung kadate mo na lang yung titigan mo... bumalik ka na dun... wag kang rude" sabi nito. 

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya. 

"Mika, nagseselos ka ba sa kanya?" tanong ko. 

"Hindi" kunot ang noong sagot nito. "Bakit ako magseselos?" 

"Yun na nga e, wala namang nakakaselos but it sounds like nagseselos ka" ngumisi ako. 

"Feeling mo lang yun" inirapan nya ako. 

"Tologo?" pang-aasar ko tsaka ako lumapit sa kanya. "Hindi ka nagseselos sa lagay na yan? E ano yung sinabi mo kanina? Tsaka bakit inis na inis ka sakin kahit wala naman akong ginagawa sayo?" sunod sunod kong tanong.

"Bakit bawal ba akong mainis sayo?" 

"Well pwede naman... pero syempre may dahilan naman kung bakit ka maiinis diba?" nagsmirk ako. "Anong reason mo this time?" 

Nagshrug sya. "Wala... di ba pwedeng pms lang?" sabi nito. 

"Ah pms" tumango tango ako. "PMS tapos sa akin ka lang masungit" tumawa ako. 

"Teka nagrereklamo ka ba?" tinaasan nya ako ng kilay. 

"Hindi po syempre" tumawa ako at nag-ayos na din ng buhok. Inayos ko ang sarili ko, inayos ko ang pagkakatupi ng sleeves ng polo na suot ko, inayos ko ang kwelyo ko, inayos ko din maging ang suot kong kwintas. 

"Anong ginagawa mo?" tanong nito. 

"Sinisigurado kong pogi ako, babalik na ako sa loob" sabi ko. Wala lang, gusto ko lang malaman kung hindi ba talaga sya nagseselos. 

"Ah talaga?" sarcastic syang nagsmile. May kinuha sya sa loob ng bag nya tsaka nya iniabot sa akin. "Oh ayan o, maglagay ka ng powder para mas pogi ka, magsuklay ka din.. lagyan mo ng konting lip tint yang labi mo para pumula... okay na?" inirapan nya ako. 

Nakasmile lamang ako habang tinitignan ko sya. Shit! Bakit kailangan nyang maging ganyan kacute huh? Nakakagigil! "O akala ko ba hindi ka nagseselos?" I asked. 

"Hindi nga! Kaya nga pinapahiram pa kita ng mga pangretouch o" muli ay sinamaan nya ako ng tingin tsaka sya umirap. Hindi ba sya napapagod kakairap? Mamaya maduling na sya sa ginagawa nya. Hahahahaha

"Mika" 

"Ano?"

Lumapit ako sa kanya para bumulong ng "Hind ka talaga nagseselos?" 

"Hindi nga!" iwas ang tinging sagot nito. 

"Kahit magkausap kami the whole night?" tanong ko. 

"Kahit mag usap kayo magdamag" sagot nito. 

Tumango tango ako habang nakatawa. "Kahit magkadikit kami, kahit paminsan minsan nagccling sya sa akin or sinasandal nya yung ulo nya sa balikat ko?" 

"Kahit pagbuhulin ko pa kayo?" 

Ah.. Ang tibay nya ha.... hindi sya kumukurap. Hahahahaha mukhang hindi nga nagseselos..... hmmm? tignan nga natin. 

"Kahit bukas.. uhm... magkita ulit kami?" 

She looked at me. Nung una seryoso pero ngumiti pa rin sya ng plastic sa akin saying.... "Kahit may mangyari pa sa inyo" 

What the?! Hahahahahahaha napatawa na lang ako ng malakas sa sinabi nya. "What did you say?" I asked.

Nag-iwas sya ng tingin. "Wala" seryoso na ulit ang mukha nya. 

"No... may nadinig ako.... ok lang sayo kahit may mangyari sa amin?" nakataas ang dalawang kilay kong tanong. 

Hindi sya agad sumagot. 

"Mika.. ok lang sayo?" pinilit kong maagaw ang tingin nya. 

Hindi naman ako nabigo at tinignan nya ang reflection ko sa mirror. "Kung gusto mo ba e" mataray ang pagkakasabi nya nito. 

"So ok nga sayo?" pangungulit ko.

"Bakit gusto mo ba?" seryoso ang mukha nito. 

"Tinatanong ko lang kung ok lang ba sayo" 

Nagbawi sya ng tingin "Kung gusto mo edi ok lang sakin" sagot nya. 

Nakasmile lang ako at hindi na ako umimik. Tumingin na lamang ako kunwari sa ceiling na parang nag-iisip, syempre part of the plan to caught her in act. Ako pa ba? Magaling ako sa hulihan no. Malalaman at malalaman ko ang totoo. 

"Anong iniisip mo?" tanong nito. 

Umiling ako habang nakasmile tsaka ako tumingin sa kanya. 

"Ano nga!" may authority na pahayag nito. 

"Wala nga!" tumawa ako. 

"Isa, Vic!" pagbabanta nya. 

"What! Inisip ko lang, ok lang pala sayo na may mangyari sa amin ni Redg" ngumisi ako. 

"Bakit gusto mo?" seryosong tanong nito. 

Nagshrug ako "Di ko alam baka rape-in ako, at least ok lang sayo" ngumisi ako. 

"Vic wag mo kong bwisitin" sinamaan nya ako ng tingin. 

"Oh, akala ko ba hindi ka nagseselos? akala ko ba ok lang?" nakangising sabi ko. 

Tinignan nya lang ako ng masama, hindi sya umimik sa halip ay inirapan na lamang nya ako. This time, yung irap na seryoso. Yung irap na nabubwisit. Yung irap na naiinis. Yung irap na ayaw akong kausapin.

And ayun na nga..... tinoyo na.... hindi na nagsalita... hindi na ako kinausap.. 

"Hey, Mika" agaw ko sa atensyon nya pero parang wala syang nadidinig. 

Hala paktay! lakas ko kasing mang-asar e. Pinipilit ko syang kalabitin pero tinatabig lamang nya ang kamay ko, hinahawakan ko ang kamay nya pero inilalayo nya  ito sa akin. Shit shit! Ang serious nya. Parang ayaw nya talaga akong kausap.

"Mika... hey... baby" pinipilit ko syang humarap sa akin pero ayaw nya man lang akong tignan.

Fuck! Vic! pano yan?!

"Uy Mika, joke lang po yun.... sorry na hey?" wala syang reaksyon. Shit shit! "Mika talk to me" pagmamakaawa ko na. 

"Ano ba! Stop!" seryosong sabi nito na parang nabubwisit na. "Lumabas ka na lang please!" 

"No.... hindi ako lalabas hanggang hindi mo ko kinakausap ng matino" pagmamatigas ko. "Kausapin mo na ko, Mika please? Bati na tayo? Please please?" nagpupunta ako sa harap nya pero tinatalikuran lang nya ako, haharap ako sa kanya pero tatalikod lang ulit sya. Paikot ikot lang kami. 

"Ano ba Vic! Umalis ka na nga!" pagtataboy nito.

"Uy! Mika naman e, wag ka ng mainis sakin please? Sorry na...." pilit kong kinukuha ang kamay nya pero bigo akong mahawakan ito. 

Muli ay hindi sya umimik, ni hindi nya ako tinitignan. Shit! Napikon ko nga yata ng sobra. Nakuha ko nga yung sagot sa tanong ko pero hindi ko naman gustong ganito kami ngayon. Kainis! 

"Akala ko ba hindi ka nagseselos?"

"Hindi nga, sino ba nagsabi?" seryoso nya akong tinignan. 

"E bat ka ganyan?" 

"Anong ganyan?"

"Ayan ganyan, nakasimangot ka, ang plain mo, parang galit ka"

"Anong gusto mo, tumawa ako na iniisip mong may mangyayari sa inyo ng babaeng yun?" 

"Hala!" Natawa na lang ako at napahimas sa ulo ko. "Inisip ko ba yun?"

"Kakasabi mo lang" ang plain nya

"E sayo galing yung idea"

"Gusto mo naman" inirapan nya akong muli.

Iyak tawa na lang ako sa babaeng to, hindi pa sya nagseselos sa lagay na yan huh? Paano pa kaya kung nagseselos sya hahahahaha..

"Mika tinatanong ko lang naman kung nagseselos ka e"

"E sa hindi nga e"

"Talaga?" Taas baba ang kilay kong dinikit ang braso ko sa braso nya.

"Talaga!"

"Not at all?" Lapit ko ng mukha ko sa kanya. Iwas lang naman ang tingin nito sa akin.

"Not at all"

"Promise?"

Hindi sya nakapagsalita, pinigilan kong tumawa ng malakas, nag iwas lamang ng tingin si Mika, kunwaring busy sa pagliligpit ng mga gamit nya. "Promise, Mika?" Nakangising tanong ko.

"Dont use that against me"

"Say promise kung hindi talaga, that's it" pang aasar ko. I know how much that word means to her. As in sobrang halaga sa kanya ng salitang pangako, it is as if, wag kang mangako kung di naman totoo. Wag kang magpromise kung hindi naman mangyayari.

So yeah.... I'll use it against her, kasi doon ko sya mahuhuli and I will take it as an advantage hehehehe.

"Promise?" Tanong ko ulit.

She looked at me. "Fine. Yes I'm jealous! Naiinis ako kasi may kausap kang iba, naiinis ako sa thought na may kasama kang iba, naiinis ako kapag hindi ka tumitingin sakin kasi nakatingin ka sa iba, naiinis ako kapag nalilibang kang kausap ang iba, nabubuwisit akong may pinapatawa kang iba, naiinis ako kasi may nagpapatawa sayong iba, naiirita ako kasi lahat ng yun iba ang gumagawa! And oo! Maybe Im jealous... ok na? Masaya ka na?" Sabi nito tsaka ako inirapan.

Habang sinasabi nya ang mga yun ay lalong lumalapad ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin lahat kasi hindi ko naman alam na ganoon na pala ang nararamdaman nya, oo, titigan ko lamang sya alam ko na ang nararamdaman nya pero iba pa rin pala talaga kapag sa kanya na mismo nanggaling. Ineexpect ko na yun, ayoko lang iassume pero grabe.... di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

Ang cute nya.

Ilang segundo akong naspeechless, I was like.... the hell... all this time unaware ako sa nararamdaman nya... this time ako na yung nagiging insensitive... but... but I like it... actually alam ko namang uncomfortable sya kaya nga as much as possible nilalayuan ko si Redg kapag nilalapitan nya ako... but when Mika smiled at me kanina, it is as if nagkaron ako ng license na go... ok lang... di ako magagalit.. at ang insensitive ko don.

"Nagseselos ka?" Di ko na napigilan ang sarili ko, gusto ko lang malaman ulit. Gusto ko lang marinig ulit na nagseselos sya. "Nagseselos ang baby ko"

"Vic tigilan mo"

"Nagseselos ang Mika ko"

"Isa!"

"Nagseselos ang mahal ko"

"Vic, stop!"

Natigilan ako sa pang aasar but still nakasmile pa din ako at nakatingin sa kanya. "Hindi ako nagseselos"

"Kakasabi mo lang" tumawa ako .

"Wala akong sinabi Vic" nilakihan nya akong mata.

"Ok, ok, wala kang sinabi" pagride in ko na lamang.

"Basta nagselos ka" bulong ko na lang din sa sarili ko.

Umirap lang sa akin si Mika, pinagpatuloy nya ang ginagawa nyang pagliligpit kung kaya't nagkaron ako ng pagkakataon upang titigan ang nagseselos nitong mukha.

Bakit kahit anong mood nito, aura o nararamdaman ang ganda ganda ganda pa din nya.

Isang beses ka lang talagang makakahanap ng taong gugustuhin mong titigan kahit ano pang reaksyon sa mukha nito ano... yung kahit galit sya, naiinis, iritable sayo e gusto mo pa din syang titigan, yung tipong hindi mo pagsasawaan yung mukha nya... isang beses lang kasi may Mika pa lang naman ako naging ganito kaobsessed. Yung tipong, i cant get enough of her.

"Anong tinitingin mo dyan?" Tinaasan ako nito ng kilay.

Nagsmile ako sa kanya "You're beautiful" I murmured, enough para madinig nya.

Inirapan nya ako, that's what I like about her... yung kahit alam nyang maganda sya, kapag sinabi kong maganda sya mahihiya sya, magtatago kasi nahihiya sya, magbblush or iirapan ako kasi hindi sya naniniwala sa sinasabi ko kahit totoo naman.

Napakahumble nya. Kahit kailan hindi ko nadinig na nagbrag sya about her being beautiful, never... ni minsan hindi sya nagtake ng compliment... sobrang down to earth nyang tao.

"Mika"

"Ano?" Still plain pa din sya sa akin.

"Kahit maraming babae sa mundo... ikaw pa din ang gusto ko. Ikaw lang ang gusto ko" hindi ko alam kung saan nanggagaling lahat ng sinasabi ko, hinahayaan ko na lamang magsalita ang puso ko.

"Sus! Mukha mo! Halata namang type mo yung pulang yun e" sentimiento nito.

Tumawa na lamang ako sa sinabi nya. "Wala akong pakialam sa ibang babae... All I want is you, Mika. You're all that matter"

Nag angat sya ng tingin sa reflection ko sa vanity mirror. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon upang harapin sya. Hinawakan ko sya sa magkabilang kamay tsaka ko sya iginiya paharap sa akin.

Tinignan ko ang kamay nya tsaka ako tumingin ng diretso sa kanyang mga mata ...

"Kung magkakaron ako ng susunod na girlfriend, I want it to be you... kaya kung hindi ikaw, tatanda na lang akong mag-isa" I smiled

Tumawa sya dahil sa sinabi ko... "No really tho... I want you, Mika. Ikaw at hindi ang ibang babae... you got me, remember?" Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. "Mika...seryoso ako, normal na magselos but i assure you po... wala kang dapat ipagselos ha? Yung puso ko... binigay ko na sayo" ang corny pero yun ang totoo.

Simula ng makilala ko sya, hindi na ako nagkainteres pa sa iba. Simula ng makilala ko sya, wala na akong hinangad pang iba bukod sa kanya. Simula ng makilala ko sya, nakuha na nya agad ang puso ko.

"Mika"

"Vic" nakatitig sya sa aking mga mata.

Yes baby, titigan mo lang ako sa aking mga mata... just look at me... eye to eye... hindi mo na kailangang magsalita, mga mata na natin ang mag-uusap. Mahal kita.

"Mika, I am all yours..."

Ngumiti sya at napapikit na lamang ng mariin. Dumilat sya, still diretso pa rin sa aking mga mata ang tingin... hindi nawala ang ngiti sa labi nya... so sweet... "You're mine"

Hindi ko alam kung bakit parang biglang tumalon ang puso ko dahil sa sinabi nya, napapikit na lamang ako... ang sarap pakinggan... I don't care kung hindi sya sa akin... as long as she wants to possess me, ok na sa akin. Yung tipong alam kong gusto nyang sa kanya lang ako, yung hindi nya ako isshare sa iba... ok na ok na sa akin yun.

Gusto ko lahat ng pinaparamdam sa akin ni Mika. Yung mga simpleng pagseselos nya... the truth is ayoko ng nagseselos... before with Cass, nag aaway kami ng sobra kapag pati mga kaibigan ko pinagseselosan nya. Ayoko ng selosa. Technically, Redg is just a friend.. so walang dapat ikaselos... pero bakit gusto ko pa yung thought na nagseselos si Mika....

Maybe it is because... yes... gusto nyang sa kanya lang ako... ayaw nya akong ishare... and I like it.... i love it... sobrang daming pinaparamdam sa akin ni Mika ngayon na naramdaman ko na noon pero ngayon ko ang naappreciate.

"I am yours" nagsmile na lang ako pagkadilat ko tsaka ko hinalikan ang kamay nya. Lumapit ako sa kanya upang humalik sa noo nya.... lumapit ako sa labi nya upang angkin ang mga ito ng halos 10 segundo....

Nagsmile sya sa akin after ng halik na iyon.

It is just a sweet kiss..

Pero sobrang special ng feeling, sobra.

Lumapit ako sa bandang tainga nya tsaka ako bumulong "Parang ayoko ng bumalik doon" ngumisi ako

"Ano ka" tulak nya sa akin. "May kadate ka" umirap sya.

"Bakit gusto mong balikan ko si Redg?" I grinned.

"Edi bumalik ka" tinabig nya yung kamay ko pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak dito.

"Gusto mo bumalik ako sa kanya?" Lalo akong lumapit sa kanya.

Tinignan nya ako sa aking mga mata. "Ayoko"

That's good, nagsmile ako ng malapad tsaka ko sya hinawakan muli sa kamay. "Parang mas masarap mag ice cream sa condo, no?"

"Yeah!" May excitement sa himig nito.

"Tara?" Tinignan ko sya.

Para naman syang batang naeexcite "Tara!!!!" Ang cute! Pag usspang ice cream nabubuhay ang dugo. hahahahaha "Pero pano?" Biglang nagshift ang mood nito. "Diba makahalata sila na sabay tayong mawawala?"

"Syempre, bago mo pa sabihin yan naisip ko na yung sagot no" tumawa ako. "Paalam ko is may tumawag sa akin, so ang sasabihin ko ay dumating na package...pero ikaw ang unang lalabas tapos sasabihin mo masama ang pakiramdam mo kaya gusto mo ng umuwi... acting lang ng konti, Mika"

"Sige sige... tara" lalabas na sana ito ng pigilan ko sya.

"Wait lang"

"O bakit? Sabi mo mauna ako"

"Oo nga po" hinawakan ko ang kamay nya tsaka ko sya hinatak palapit sa akin. "Pero dito muna tayo" hinawakan ko sya sa bewang. Nakatitig ako sa kanyang mga mata habang nakasmirk kagat kagat ang labi.

"Vic, uy! Ano ba. Nakakahiya!" nagpipigil sya ng tawa.

"Ano? Wala namang tao!"

"May cctv!"

"Cr? May cctv?" Tumawa na lang ako. "Dali na" nakangising sabi ko. "Mabilis lang. Dun" ngumuso ako sa isa sa mga cubicle. "Dali"

"Pakyu ka, Vic" natawa na lang ako. If I know, pinipigilan nya lang ang sarili nya

Di na ako nagsalita pa... bagkus tinitigan ko na lamang ang kanyang mga mata habang nakangiti. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. Shit! Kanina ko pa gustong kagatin yan e.

Muli ay tumingin ako sa kanya mga mata at sinimulan ko na siyang halikan.... slowly... gentle... mmmm....

Noong una ay naawkward pa ito subalit sinigurado akong sasabay sa gusto nyang pacing ang halik na ibibigay ko. A kind of kiss she can't resist.

Lumalalim na ang halik ng bigla kaming makadinig ng sunod sunod na katok mula sa pinto.

Shit. Epal!

Napabitaw si Mika sa paghalil sa akin sa halip ay napatingin sa pinto, kinabahan ako... sabay kaming napatingin kung nailock ko ba talaga ang knob o hindi. Buti na lang nilock ko hahahahaha

Natawa na lang kami ng kumatok muli ang tao sa labas ng pinto. Ihing ihi ma siguro. Hahahahah

"Sige na po, una ka na sa labas papasok muna ako sa cubicle para di halata" tumawa na lang ako.

"Ok, Vic" ngumiti sya.

Pumasok na ako sa isa sa mga cubicle at doon na lamang ako nagpigil ng tawa. Ayun na yun e, panira naman! Hahahahahahaha

Habang nasa loob ng cubicle ay napasmile na lang ako ng sobrang wide sa thought na pumasok sa utak ko.

Posible bang magselos ang isang tao kung wala syang nararamdaman?

Or should I say, posible bang magselos ang isang tao kung hindi nya to mahal?

Urgh! Idk! Never assume unless otherwise stated, besides malabo namang mangyari yun....

Ako? Mahal ni Mika?

Anyways.... gusto ko na lamang ienjoy yung fact na nagseselos ang Mika ko.

Doon palang solve na ako. Ke mahal nya ako o hindi... ang importante, sa kanya lang ako.


----

Can't wait to fall for someone who can't get enough of me. I love you

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...