My Tag Boyfriend (Season 1)

Por OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... Mais

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 28

645K 9.9K 2.2K
Por OppaAnja

Chapter 28

Sitti's P.O.V

          Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa bibig ng host ng event.

          Ako ang nanalong Miss Eastton University?! Tama ba dinig ko o mali lang sila ng announced sa winner?!

          Nakatanga lang ako sa mga audience na masaya at malakas kaming pinapalakpakan. Kaming dalawa ni MM na nanalo sa contest na ito.

          Tanggap ko na si MM manalo. Pero ako?! Bilang Miss Eastton University?! NO WAY!

          "Maaari bang magstep forward ang mga declared winner para malagyan na kayo ng sash at crown?" sabi nung host na nagpagising sa lutang kong utak.

          Pero hindi pa din ako gumalaw sa kinatatayuan ako—sa pwesto sa tabi ni Kaizer.

          Sobrang higpit pa din ng hawak ko sa kamay nya. Na parang sinisenyasan ko sya na wag na wag nya akong bibitawan dahil baka bigla na lang akong magcollapse sa harapan ng maraming tao dahil sa napaka-unexpected na decision sa mga naging winner.

          "Psst! Lumapit ka na! Ano pa bang hinihintay mo?" mahinang bulong sa akin ni Kaizer.

          Marahas lang akong umiling saka ko hinawak yung isa ko pang bakanteng kamay doon sa braso nya para hindi nya ako mabitawan. Inaalis na nya kasi yung kamay nya mula sa matinding kapit ko.

          "Aish! Ano ba?! Wag ka ngang magulo, Sitti! Masisira mo damit ko!" madiing bulong nya.

          Para kaming mga sira na nagbubulungan sa harapan. Sana nga lang walang makahalata sa ginagawa namin dahil baka ano na namang isipin nila.

          "Lumapit ka na sa harapan!" sabi nya saka marahas na hinila at nabawi ang kamay nya. "Sa harap. Sitti. Dalian mo." isa-isa at madiin na dugtong nya.

          "Ayoko ko nga eh!" madiing tanggi ko. "Hindi ako lalapit doon sa harap at tatanggapin ang korona na iyon! Ayoko!"

          "Lumapit ka na nga sabi eh!" sabi nya saka pumwesto sa likod ko at sinusubukang itulak ako sa harap.

          "Ayaw!" mas dinidiinan ko naman yung tapak ko sa stage para hindi nya ako matulak.

          Pasalamat talaga ako sa flat kong sapatos. Dahil kung sakaling pinagtakong ako, kanina pa ako natulak ni yabang sa harap sa tabi ni MM.

          "Best friend."

          Nahinto kaming dalawa ni Kaizer sa tug of war—again—namin nang bigla na lang sumulpot sa harapan namin ni Mobi.

          "Halika na." sabi nya sabay abot nung kamay nya sa akin. "Wag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang makain ng mga tao yung isa sa mga best friend ko."

          Ewan pero parang naging safe ang pakiramdam ko sa sinabi ni Mobi kaya umayos na ako ng tayo saka inabot yung kamay ni MM.

          Papaalis na sana kami kaya lang bigla namang hinawakan ulit ni Kaizer yung kamay ko dahilan para mahinto kami sa paghakbang paharap ni Mobi.

          Napalingon ako sa kanya at yung mga mata ko ay nagtatanong kung ano na naman 'tong trip nya.

          Parang kanina lang sapilitan na nya akong tinutulak paharap tapos ngayong sinundo na ako ni MM, saka naman nya ako pinigilan.

          Ano ba talaga saltik ng bipolar na 'to?!

          "Bitawan mo na si best friend, Prince." putol ni Mobi sa pagtitigan namin ni Kaizer. "Naiinip na yung host oh!" dagdag pa nya sabay turo doon sa mukhang naiinis na nga namin na host.

          Iniisip siguro nung host na nag-iinarte ako at masyadong pa-importante. Tsk!

          "Ako na maghahatid kay Felicity..." sabi ni Kaizer sabay hila sa kamay ko.

          Nadala nga ako sa hila nya eh! Mabuti na lang at hawak din ako ni Mobi kaya hindi ako tuluyang nahila ni Kaizer.

          "Best friend naman, mamaya ka na magselos pwede?"

          "HUH?!" sabay na sabi namin ni yabang.

          Napapailing na lang si MM sabay hinimas-himas nya yung baba nya at umarte na akala mo may mahaba syang balbas kahit wala naman.

          "Best friend ko nagseselos sa akin at sa best friend ko na best friend nya na din." sabi ni MM na ikinakunot-noo ko kasi medyo hindi ko sya nasundan.

          "Ano daw?" bulong ko kay Kaizer.

          "Ewan." bulong din nya pabalik.

          "Winners, ano ba?! Hindi pa ba kayo lalapit?!" Ayan na! Sumabog na yung host sa amin!

          Nagtitigan muna ng matagal si Mobi at Kaizer saka ako binitawan ni yabang at pinaubaya kay MM.

          Nung nasa harap na kami, hindi ko maiwasang hindi sya ulit lingunin para tingnan yung mukha nya.

          Hoy! Hindi ako nagkakacrush kay yabang ah? Nagtataka lang kasi ako kung bakit nya pa ako pinigilan saka ano yung sinasabi ni MM na nagseselos daw sa amin si Kaizer.

          At sa paglingon ko, wala akong nabasang ekspresyon sa mukha ni Kaizer.

          As in wala! Blangko. Nakatingin lang sya sa amin ni Mobi habang sinusuotan kami nung dalawa sa Student Org officer ng sash at crown. Binigyan din pala nila ako ng sphere. Sosyal!

          "Again, let's give a round of applause to our new Mister and Miss Eastton University!" sabi nung host sabay pumalakpak.

          Pinalakpakan naman kami ulit nung mga tao saka kami inulan ng congratulatory messages ni MM.

          Sumenyas sa akin si MM na yumuko daw kami sa mga audience na sinunod ko naman. Siguro ito yung magiging way ng pasasalamat namin sa mga pumunta, nanuod at bumuto sa amin—kahit na naiinis ako sa mga bumoto sa akin.

          Sa likuran ko, damang-dama ko na yung nakakamatay na tingin ni Margaret.

          Kaya nga kahit na parang sinasabihan ako ng masasamang tingin nya na lumingon ako, hindi ko ginawa.

          Takot ko lang kay Margaret ano! Ito nga yung kinakatakot ko kanina pa eh! Ang hindi matawag si Margaret bilang winner!

          "Now, to please us more, the new Mister and Miss Eastton University will have a couple dance!"

          Grabe talaga yung mga tingin ni Marga—ANO?! COUPLE DANCE?!

          "Will start the dance party after a few minutes." sabi ulit ng host. "So students, feel free to join and to our other guest, we prepare a banquet for you in our school cafeteria."

          Nagpatingin ako sa mga kapwa ko taga-Eastton na nagpipiyesta na harapan nang marinig yung "dance party".

          Habang ako naman, mas lalo pa yatang naging bato dito sa kinatatayuan ko sa harap.

          "Best friend..." sabi ni MM sabay kuha nung kamay ko at hinawakan iyon. "Relax lang. Hindi din ako marunong sumayaw. Kaya okay lang yung matatapakan mo paa ko."

          Binigyan ko ng "I can't believe you!" look si Mobi sabay balik ng tingin ko sa kawalan.

          Akala ko pa naman kinocomfort nya ako! Iyon pala sinabihan nya lang ako na hindi sya marunong sumayaw?!

          Nagjojoke ba sya o pinapagaan nya lang yung atmosphere?

          Umiling na lang ako saka sinubukang magfocus.

          'Okay! Kalma lang Sitti! Hindi ka pinapa-sexy dance sa harapan ng mga tao kaya kalma lang okay?! Saka hello! Best friend mo naman makakasayaw mo eh kaya walang problema!' sa isip ko.

          Pero mas lalo lang akong nagpanic sa inisip ko.

          Hindi marunong sumayaw si Mobi. Hindi din ako marunong sumayaw. Dance party. Couple Dance. Sa harap ng maraming tao...

          MY GAWD! Magkakalat kami sa dance floor!

Kris' P.O.V

          "See you later, Kris!" sabi nung partner ko na si Cass sabay kindat with flying kiss pa sa akin.

          "Sure babe! Kita-kits na lang later!" nangingising sabi ko sabay save nung number nya sa phone ko.

          Iba talaga kapag gwapo! Lagi akong kinakalabit ng mga chiks! Hehehe!

          "Kris!"

          Napalingon ako sa tumawag sa napakagwapo kong pangalan at saka ko nakita ang nanggagaliiting si best friend Kaizer.

          "O Kai! Bakit—"

          "Sinong nagpauso ng couple dance huh?!" sabi nya sabay tulak sa akin.

          Hindi naman malakas yung pagkakatulak. Sakto lang. Alam nyo yun? Yung tulak ng naghahamon ng away?

          "Aba malay ko!" sabi ko sabay taas nung mga kamay ko sa ere. "Wala akong alam dyan ah!"

          "Anong wala?! Eh ikaw lang naman mahilig sa mga kamanyakang ganito eh!"

          Grabe magsalita ang best friend ko! Ouch! Nasasaktan ako! Pero syempre, joke lang!

          "Kamanyakan agad?! Hindi ba pwedeng mambabae muna?!" pangbabara ko.

          "Tigilan mo ako huh?!" inis na sabi nya na may kasamang duro pa. "Sino nagpauso ng couple dance na iyon huh?! Wala iyon sa plano ah! Ang plano, hanggang coronation lang! Sinong naglagay ng after party?! Bakit hindi ko alam 'to huh?!"

          Sya nga di alam eh! Ako pa kaya?

          Okay! Ganito yan! Para sa mga nalilito, kaming dalawa ni Kaizer ay member din ng Student Council/Organization. Isa din kami sa mga main head para sa event na ito. Kasama din pala namin yung President na si Patty Pattotie.

          At dahil sa obvious naman ang pagiging KJ ng dalawang best friends ko, lalong-lalo na nitong si Kaizer, nagsuggest sya sa Org na maagang tapusin ang event na isang napaka "korni" na suggestion.

          At kahit na nakokornihan ako sa suggestion ni Kaizer, wala din kaming nagawa na mga taga-Org, kahit si Madam President pa, kundi ang um-oo na lang sa suggestion ni Kaizer.

          Pero  hindi ako ang nagpa-uso ng dance party na yan ah! Lilinisin ko lang pangalan ko. Wala akong alam! Inosente ako! Napoles zone! Bwahahaha!

          "Hindi nga sabi ako nagplano nyan." sabi ko sa umuusok ang ilong at ulo na si Kaizer. "Tanungin mo si Patty Pattotie baka alam nya."

          Natigilan si Kaizer nung marinig yung pangalan ni Patty.

          "Tama! Si Patty na naman!" inis na sabi nya.

          "Bakit ba? Ano bang problema?" tanong ko sa kanya maya-maya. "Okay naman yung dance party ah! Cool nga yun eh!"

          "Hindi iyon cool para sa akin!"

          Napaatras ako ng kaunti nang bigla na lang magtaas ng boses si best friend. Nasa red zone na si Kaizer Buenavista. Mag-ingat! Warning! Warning!

          "Hindi ko gusto yung couple dance na iyon!"

          Medyo nagbuffering pa sa akin yung sinabi ni best friend. Pero dahil sa inborn genius ako—totoo yan! Hindi yan joke!—dahan-dahan akong napangisi.

          "Ano na naman ba yan Kai Kai ah?" panuksong sabi ko sabay tusok sa tagiliran nya. "Jelly jelly much?"

          "Pwede ba Kris bading!" inis na sabi nya sabay tabig sa kamay ko. "Tigilan mo nga ako sa mga kabaklaan mo! Hindi ako nagseselos ano! At hindi ako si Kai Kai!"

          Tinawanan ko muna sya. Deny-deny pa eh obvious na obvious na naman na! Tsk!

          Denial King Kaizer Buenavista! King na sya ngayon hindi na Prince! Bongga! Asensado!

          "Eh hindi ka naman pala nagseselos eh!" sabi ko sabay biglang umilaw ang bombilya ng karunungan ko saka ako napangisi nang may biglang maisip. "Ano palang problema kung ganoon?"

          "LAHAT!"

          "Wala naman pala eh! Eh di pumapayag ka na na magcouple dance sila Mobi at Si—"

          "OO NA!" inis na sabi ni best friend sabay tabig sa akin paalis doon sa daraanan nya.

          Hahaha! Hindi daw nagseselos! Hahahaha! Kwento mo kay Flappy Bird Kaizer! Lolokohin mo pa ako ah?!

          'Asarin ko pa nga!' sa isip ko saka sinundan si Kaizer at sinabayan sa paglalakad nya.

          "So okay naman pala sa'yo na magsayaw sila Mobillow at Sitti?" nang-aasar na sabi ko. "Alam mo na? Yayakap si Mobillow sa bewang ni Sitti. Ilalagay naman ni Sitti yung kamay nya sa balikat ni Mobillow. Oy! First touch pala ni Sitti at Mobillow ang isa't-isa! Destiny!"

          Biglang huminto sa paglalakad si Kaizer sabay humarap sa akin.

          At kitang-kita ko na sa mukha nya kung gaano na sya banas na banas sa mga pinagsasabi ko.

          "Kapag ako hindi mo tinigilan Kris, ipapalapa na kita sa aso sa labas!"

          "Hahahaha!" tinawanan ko na lang sya para mas mainis pa sya. "Go lang!"

          "Tsk! Bwisit na buhay 'to!" malakas na sabi ni Kaizer sabay sipa doon sa nanahimik na basurahan sa gilid.

          Kawawang basurahan! Tsk! Tsk! Tsk!

          Pero, nagiging interesting na talaga ang kwento ng dalawang 'to.

          'Mayaya nga din sumayaw si Sitti mamaya na mas magselos si Kaizer! Bwahahaha!'

Margaret's P.O.V

          "Sumusobra na talaga ang babaeng 'yan!" inis na sabi ko sabay hila ng tiara sa buhok ko at tinapon iyon sa isang tabi.

          Bwisit na Felicity Sandoval na iyon! Kinukuha na nya lahat ng sa akin!

          Una si Prince Kaizer. Ngayon naman ang korona ng pagiging Miss Eastton University?!

          "Wag mo na lang sya pansinin, Margaret." sabi nung isa sa mga alipores ko na hindi ko alam ang pangalan at wala akong balak malaman. "Ikaw pa rin naman ang winner para sa amin eh!"

          "Oo nga!" pagsang-ayon naman nung dalawa.

          Tinitigan ko sila mula ulo hanggang paa ng nakataas ang isa kong kilay saka ko umayos ng tayo sa harapan nung tatlong hampas-lupa kong alalay saka ko pinagcross ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko.

          "At sa tingin nyo ba kailangan ko 'yang opinyon nyo huh?!" inis at malakas na sabi ko. "Mga wala kayong kwenta! Dapat sinira nyo na ang pagmumukha ng Felicity Sandoval na iyon nang matagal na syang nawala sa landas ko!"

          "Sorry Margaret." lumong-lumong sabi nung tatlo.

          "Balibhasa kasi mga wala kayong utak! Mga bobo!" inis na pinagduduro ko yung mga noo nilang walang laman kundi hangin. "Magsilayas nga kayo sa harapan ko at baka masampal ko pa kayong tatlo!"

          Mabilis na nagtakbuhan palabas ng classroom namin yung mga alipores ko.

          Dumerecho agad ako dito nung matapos yung coronation sa dalawang losers na iyon. Mahirap na at baka may makakita sa aming mga teachers at iba pang bisita.

          "Huh! Siguro binayaran nya yung mga judge at mga audience kaya sya nanalo!"

          Napakagat ako sa kuko ng daliri ko sa sobrang inis.

          "Kailangan ko ng makaisip ng paraan kung paano ko maaalis sa landas ko ang ambisyosang fake girlfriend na iyon ni Prince—"

          Nabitin sa ere yung sasabihin ko nang may bigla akong naalala saka ako napangiti.

          "Oo nga pala..." sabi ko saka napangisi.

          Inayos ko ang buhok ko at sarili ko saka lumabas ng classroom.

          "Nasa akin pa rin pala ang huling baraha sa laro na ito..." sabi ko.

          "Humanda ka sa akin, Felicity Sandoval!"

Kaizer's P.O.V

          Bwisit! Bwisit! Bwisit! BWISIT!

          Dance party?! Couple dance?! Tangina! Ano yun?! Bakit may ganoon?! BAKIT?!

          "Students, please proceed outside, in our open field and get ready for the dance party!" dinig ko na sabi nung host siguro mula sa mga speakers sa nasa may corridor na nilalakaran ko ngayon.

          Mas lalo lang ako nainis sa narinig ko.

          Sisimulan na nila yung dance party. Psh!

          "Ano namang malay ni Mobi at baliw na iyon sa sayawan na iyon?! Wala naman ah!" inis na sabi ko pa din habang naglalakad ako palabas ng building namin.

          Kailangan kong pigilan yung pagsasayaw nung dalawa! Kailangan!

          Hindi ako makakapayag na magsayaw yung dalawang iyon!

          HINDI!

          'Teka nga Kaizer! Bakit ba pinipigilan mo magsayaw yung dalawa huh?'

          Bigla akong nahinto sa paglalakad nang bigla na lang may magsalita sa utak ko.

          'Akala ko ba hindi ka nagseselos? Bakit mo pipigilan si Mobi at Sitti na magsayaw huh?'

          Hindi ko na lang pinansin yung boses sa utak ko saka dere-derechong lumabas sa may open filed ng Eastton.

          Oo. Hindi nga ako nagseselos.

          Pero pipigilan ko pa din na maghawakan at magsayaw ang dalawang iyon!

A/N: Pasensya na po sa matagal na update. Wala pa din kasi kaming internet connection saka busy po ako. Sana po maintindihan nyo nee?

And about doon sa mga naghahanap sa OP ni Kaizer na fictional character, well, abangan na lang natin pagpaparamdam nya next chapter nee? :)

COMMENT PO KAYO! Gusto ko madami! One person, one comment! XDD Wag kayong madaya guys. Walang bahaan ng comment!

P.S. Yung pabati next chapter na lang. Wala pa sa akin yung list eh! Hahanapin ko pa XD

Continuar a ler

Também vai Gostar

758K 24.2K 78
Eight teens with different dreams in life will experience the test of their friendship. There is a deep love, which will bring pain to all and reven...
10.2K 786 40
PHS Series #1 Para kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paa...
13.3M 640K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
1.6M 24K 53
All rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny...