Bestfriends (COMPLETED)

By Kettlekooorn

18.1K 872 164

Talaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Author's Note
EPILOGUE

Chapter 5

359 19 0
By Kettlekooorn

Tine's POV

Monday nanaman, at hindi padin ako nakakaget ovet sa nangyare. Haaaay. Kami na. May boyfriend na ako. Nasabi ko nadin kina mama at papa. Natuwa naman sila at nagbilin lang ng konte. Pinapaaya nga nila si JM for dinner sa ibang araw to celebrate since first time kong magkakaboyfriend. Hahahaha! Ganon sila sobrang natutuwa. Akala yata ng mga 'to magtotomboy ako e. 😂😂 Boyish type kasi ako.

And speaking of JM anong oras na pero wala pa sya. Siguro mauuna na ako sakanya sa school. Baka di kaagad nagising yon.

I'll just send him a message na mauuna na ko.

To Babe:  (at opo, pinalitan ko nadin yung pangalan nya sa phone ko. HAHAHA!)

"Goodmorning! Mukhang nalate ka ng gising. Mauuna na ako sa school ha? See you around. Eat your breakfast. Take care. I love you! 😘"

Halaaaaaa! Tamis ko naman ata masyado. Hahahaha.

JM's POV

Di ko nasundo si Tine ngayon kase nalate ako ng gising. Di kasi ako gaanong nakatulog dahil sa nangyare. Ang bakla pero seryoso kinikilig parin ako. Tinext ko kaagad si Tine dahil panigurado nasa school na yon.

Pag check ko sa phone ko may message na sya. Nauna na nga sya. Sweet naman po netong girlfriend ko! Nakakatuwa umagang umaga pinapakilig ako. Hahahaha! Para kong tanga dito na nangingiti habang paulit ulit na binabasa yung message nya. ☺️☺️ Pake nyo ba! E sa nakakakilig e. 😁

Rereplyan ko nga to ng mas malupit. Mas sweet. Haha!

To My Babe:

"Goodmorning my beautiful Babe! Sweet mo naman po masyado, kakagising ko lang di pa kita nakikita pero kinumpleto mo na kaagad yung araw ko. 😘😘 Opo kakain ako ng breakfast kase baka pagalitan mo ko. Di pa naman ako takot sayo. Hahaha! You take care Babe! Papakasalan pa kita. I love you so much! 😘"

After ko sya minessage naligo nako then rekta school na kase excited nakong makita yung mahal ko. Pero syempre binili ko muna sya ng rose. Pampakilig sa umaga. First day kasi namin papasok sa school na officially kami na talaga.

Habang nasa byahe biglang nagbeep yung phone ko.

From My Babe:

"Baaaaaabe!! Nakakainis ka naman e! Hahaha! Para nakong kamatis dito sa sobrang pula ng mukha ko. Bolero ka talaga. 😂😘 Bilisan mo na at late kana po no."

Hahahahahaha. Sabi na e. Lalagutin ako neto mamaya pag nagkita kami. Pagdating ko sa school dumiretso ako sa classroom nila. Since alam ko na schedule nya. Sakto wala pa yung prof nila.

Kumatok ako sa pinto ng classroom nila, natawa pako kasi akala nila yung prof na nila. Tilian na sila nung nakita nila ko. Unang hinanap ng mata ko yung babaeng pinakamamahal ko. Pagkakita ko sakanya parang tumigil yung mundo ko. Parang nawala yung mga tao sa paligid namin. Naglakad ako papalapit sakanya. Nakatitig lang ako sa mga mata nya. Ang ganda nya talaga. Para syang anghel. Nakangiti sya sakin ngayon pero halata sakanyang nahihiya sya kase pulang pula yung mukha nya. Hahaha. Cute nya.

"Langit na po ba itong napasukan ko?" Sabi ko sakanya paglapit ko.

"Ha? Bakit naman?" Naguguluhan nyang tanong.

"Akala ko kase anghel na tong kaharap at kausap ko ngayon. Ganda e." Sagot ko. Nagtakip sya ng mukha. Haha! Ang cute talaga kiligin ng girlfriend ko.

"Alam mo ikaw napakabolero mo po. Pero thankyou ah. Goodmorning!"

"Babe, mahal na mahal kita!" Di ko napigilan niyakap ko sya. Tapos binigay ko yung rose sakanya.

"Bakit ba kasi napakasweet mo ngayon?" Tanong nya sabay tago sa kilikili ko. Hahahaha!

"Mas mahal na mahal kita" sunod nyang sabi.

At ayun na nga. Parang ako naman yung namula kase kinilig ako tol! Hahaha. Dun ko lang naalala na lahat pala ng mga kaklase nya pinapanood kami. Omooooo!

Ilang sandali lang nagpaalam nadin ako sakanya kase dadating na yung prof nila at sobrang late ko nadin. Minessage ko lang sya.

To My Babe:

"Babe sabay tayo ng lunch ha? Sunduin kita sa room mo later. Mahal na mahal kita. Sobraaaaaaa!"




Tine's POV

Imba yung mga pangyayare ngayong umaga. Jusq! Feeling ko nga nananaginip ako e. Grabe kase magpakilig tong si JM. Haaaay. 😍

"Hoy girl. Matunaw yang rose kakatitig mo. Haba ng haaaaaaaair!" Pangaasar sakin ni Khate sabay kurot sa tagiliran ko.

"Oo nga naman. O tabi kayo baka maapakan nyo yung buhok ni Tine!!" Dagdag pa netong si Mae.

"Ano ba kayo. Iingay nyo. Makinig nalang tayo sa lesson okay? Focus!!" Saway ko sakanila, kahit sa totoo nyan ako mismo di makafocus. Ajuju!

LUNCH

Tine's POV

As promised sinundo nga ako ni JM sa room namin kase minessage nya ako kanina na sabay daw kaming kakain.

"Babe, dinner tayo mamaya sa bahay ha? Papakilala kita kay mommy kase sobrang excited na syang mameet ka." Sabi ni JM habang kumakain kami sa canteen.

"Mga anong oras ba babe? Kase nagkita kami ni coach kanina may training daw kami after school. Kelangan na kaseng mag double time sa training para sa district meet." Sagot ko. Halatang disappointed sya.

Ang wrong timing naman kase e. Ano ba yan. Lagot naman ako kay coach pag di ako umattend.

"Ah ganon ba babe? Sayang naman."

"Pero babe magpapaalam nalang ako kay coach ng maaga para makahabol ako. Okay ba yon?"

"Sige po, message mo ko agad para masundo kita okay? Para sure ako na safe ka."

Sana lang talaga payagan ako. Goodluck sakin mamaya.


After school deretso ako ng gym para magtraining.

Pagdating ko andon din yung mga volleyball men. Nagtataka ako kase wala namang nabanggit si JM na may training sila.

Wala pa naman yung iba kong kateam kaya pinuntahan ko si kuya Jhe na trainer nila since di pa naman sila nagsisimula.

"Kuya! May training pala kayo ngayon? Bakit wala si JM?" Tanong ko sakanya paglapit ko.

"Kase Tine lagi syang di umaattend ng training tapos ang tigas pa ng ulo nya." Sagot nya sakin.

"Tinanggal nyo ba sya?" Tanong ko ulit.

"Sya mismo di na sumipot, meron din ata silang di pagkakaintindihan ni Carlo." Sagot nya sabay tapik sa balikat ko.

"Ahh ganon ba? Sige. Thankyou kuya!" Matipid kong sagot at umalis na.

Palabas na sana ako ng gym at nakasalubong ko naman si Carlo.

Nagkatinginan kami pero nagiwas sya kaagad ng tingin. Nilagpasan lang nya ako at di kinausap.

"Carlo!!" Tawag ko sakanya.

Hinarap lang nya ako.

"Nagmamadali ka ba?" Tanong ko.

"Kung itatanong mo si JM, oo umalis na sya sa team. At di ko kasalanan na makitid yung utak nya para seryosohin yung mga sinabi ko sakanya. Pasensya na Tine, nagmamadali din kasi ako. Pagsabihan mo nalang yang boyfriend mo, ang childish e." Sagot nya sakin.

Halaaaaaa. Natulala ako. Ano daaaaaw??

"Ah ganon ba? Osige. Pasensya kana." Yun nalang ang nasabi ko at tinalikuran nadin nya ako.

Kasabay pala namin silang magdidrills ngayon. Pagkakita ko kay coach nagpaalam nako kaagad at mabuti nalang pumayag sya. THANKYOU COACH! Hahahaha!

Nung tinawag kaming parehong captain ball para ibilin lahat ng mga ipapagawa di kami nagpansinan ni Carlo. Galit din ba sya sakin? O nakasungit mode sya ngayon? Gara naman netong isa na to.

Nung nagdidrills nakami biglang sumakit yung nasprain ko. Napatigil tuloy ako sa pagtakbo.

Nagulat ako kase may kamay na umalalay sakin para di ako matumba. Pagtingin ko....

Si Carlo.

Inalalayan lang nya ako hanggang sa makaupo ako. Di nya ko kinakausap habang chinecheck yung paa ko. Pagtapos ay sinuot nya yung sapatos ko chaka hinigpitan yung sintas at sa wakas! Kinausap din nya ko.

"Masakit padin ba? Dapat binabalutan mo ng florap to. Just in case. Tignan mo tulad neto." Panimula nya.

"Nagkamali lang siguro ako ng tapak. Sige po next time. Salamat ah. Sungit mo po." Pangaasar ko. Akalain mo yon, tumawa naman na sya.

Moody naman nya. Hahaha!

Ilang drills lang tapos water break na.

Nung nakaupo nako inabutan ako ng tubig ni Carlo. Anong mood naman kaya yung nakasanib sakanya ngayon?

"Oh, mamaya kana mag thankyou. Baka makita tayo ni coach pareho pa tayong malagot." Tumatawa nyang sabi saka na umalis.

Nung bumalik na kami sa training mabuti nalang ilang oras lang at maaga kaming natapos.

Nagpalit lang kami ng damit tapos pahinga ng konte. Nagcheck ako ng phone at nakita kong may messages si JM. Nagtatanong kung kamusta daw ba training, kung tapos na daw ba. Magingat daw ako. Hihi! Pakilig e. Pero mamaya tatanungin ko sya kung ano talagang nangyare.

Nirepylan ko nalang sya.

To Babe:

"Babe maaga kaming natapos. Thankyou kay coach. Haha! Sa bahay mo nalang po ako sunduin. I'm fine, no need to worry. I love you too!"

Nung palabas nakami nakasabay namin yung mga Volleyball men.

Sinabayan akong maglakad ni Carlo.

"Kamusta paa mo?" Tanong nya.

"Okay naman na coach!" Pangaasar ko.

"Thankyou nga pala kanina ah, pati dun sa tubig." Pagtutuloy ko.

"Excuse me po Miss maganda, may bayad po yon." Pangaasar nya.

"Talagang may bayad yon Tine. Haha! Walang water break si Carlo the whole training kase binigay nya sayo. Ayieee!" Sabat nung kateam nya na Jelo ata pangalan.

Binatukan naman sya kaagad ni Carlo. Hahahaha! Naguluhan tuloy ako.

"Totoo ba yon? Bat naman wala? Wala kayong tubig?" Tanong ko.

"Usapan kasi na isang bottled water lang kami ngayong training para may limit." Pageexplain nya.

"Hala ka! Bakit mo pa kasi binigay sakin e?! Ayan tuloy." Nakokonsensya kong sabi.

"Hayaan mo na. Magthankyou ka nalang. Hahahahaha!" Sagot nya sabay gulo ng buhok ko.

Parang timang talaga to. Nakonsensya naman daw ako.

Habang naglalakad kami sa hallway biglang umulan ng malakas. Nagputik na tuloy dun sa dadaanan namin. Wala pa naman akong dalang tsinelas kaya nakasapatos pa ako.

"Wala ka bang dalang tsinelas?" Tanong sakin ni Carlo.

"Wala e, hayaan mo na. Lalabhan ko nalang to. Haha!" Sagot ko.

Nung maglalakad nako dun sa putikan bigla nalang nya akong pinasakay sa likod nya. Nung una ayaw ko pa. Kase nakakahiya nooooo.

"Sumakay kana o iiwan ka namin dito?" Tanong nya. Kaya sumakay nalang ako. Nakapiggy back ride tuloy ako sakanya ngayon.

Nang makalipat kami ibinaba na nya ako. Nagpasalamat lang ako sakanya.

"Ang bigat mo." Panloloko nya.

"Ikaw kase ang tigas ng ulo mo e. Kaya ko namaaaaan." Poker face kong sagot.

Bigla nalang nyang kinurot yung pisngi ko.

"Joke lang!! Cute mo!" Natatawa nyang sabi.

Nang makarating kami sa gate pagbukas nung guard nakita ko kaagad si JM don na nagaantay. Basang basa na sya ng ulan. Nagmadali akong tumakbo papunta sakanya.

"Baaaabe! Anong ginagawa mo dito? Basang basa ka ng ulan. Halika pasok kana muna." Pagaalala ko.

"Gusto kasi kitang isurprise kaya inantay na kita dito babe. I love you." Sabi nya sabay kiss sa cheeks ko.

Nag init tuloy yung mukha ko kase naman, nakatingin samin yung mga kateam ko pati volleyball men except kay Carlo na nakatingin sa ibang direksyon.

Nagtataka lang ako kase di sila nagpansinan nung mga kateam nya. Ano bang nangyare sa mga to. Nung may dumaan ng tricycle nauna na kami ni JM. Nagpaalam lang ako sakanila. Tumingin ako kay Carlo para magpasalamat ulit kanina tas tinanguan lang nya ako.

Sungit mode nanaman siguro yon.



-Kettlekorn❣️

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.5K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."