Naaalala ko pa noong naging tayo
Kung paano nagkakulay aking mundo
Kung paano sa piking mo ako'y naging masaya
At kung paano ang lahat ng bagay ay nagtugma
Naaalala ko pa kung paano ito unti unting gumulo
Dumating sa puntong ako'y pinagsinungalingan mo
Kung paano unti unting nasira ang tiwala sayo
Dahil sa mga kalokohang ginawa mo
Pero dahil mahal kita, ika'y pinatawad ko
At nangako ka sa aking ika'y magbabago
Naniwala ako, Dahil alam kong ito'y gagawain mo
May tiwala ako sayo na tutuparin ang iyong pangako
Ngunit lahat ng pangako ay muling napako
Lahat ng bagay ay mas naging magulo
Pakikisama mo sa akin ay tuluyang nagbago
Pakiramdam ko'y hindi na ako ang mahal mo
Paulit ulit kitang pinatawad, dahil mahal kita
Patuloy na umaasang baka magbago ka pa
Baka maisip mong sapat na ako
Na hindi mo na kailangan pang manloko
Hindi na natuto, hindi na ako natuto
Kahit patuloy paring sinasaktan mo
Hindi na natuto, na mahalin naman ang sarili ko
Patuloy paring minamahal ang tulad mo
Hindi na natuto na palayain ang aking sarili
Mula sa iyong dulot na sakit at pighati
Hindi na natutomh kumawala mula sayo
At mula sa mga bagay na kinasanayan ko
Dahil mahal kita, hindi ko kayang iwan ka
Kahit pa na ako'y nasasaktan na
Sabihin man nila na hindi na ako natuto
Basta dito lang ako sa tabi mo.