Said I Love You, But I Lied

By master_anoch

13.2K 285 70

Kwentong puro kaartehan at kabaklaan. Naniniwala ka ba sa kasabihang 'If you love someone, set him free'? Ka... More

Said I Love You, But I Lied - Chapter 1
Said I Love You, But I Lied - Chapter 2
Said I Love You, But I Lied - Chapter 3
Said I Love You, But I Lied - Chapter 4
Said I Love You, But I Lied - Chapter 5
Said I Love You, But I Lied - Chapter 6
Said I Love You, But I Lied - Chapter 7
Said I Love You, But I Lied - Chapter 8
Said I Love You, But I Lied - Chapter 9
Said I Love You, But I Lied - Chapter 10
Said I Love You, But I Lied - Chapter 11
Said I Love You, But I Lied - Chapter 12
Said I Love You, But I Lied - Chapter 13
Said I Love You, But I Lied - Chapter 14
Said I Love You, But I Lied - Chapter 15
Said I Love You, But I Lied - Chapter 16
Said I Love You, But I Lied - Chapter 17
Said I Love You, But I Lied - Chapter 18
Said I Love You, But I Lied - Chapter 19
Said I Love You, But I Lied - Chapter 20
Said I Love You, But I Lied - Chapter 21
Said I Love You, But I Lied - Chapter 22
Said I Love You, But I Lied - Chapter 24
Said I Love You, But I Lied - Chapter 25
Said I Love You, But I Lied - Chapter 26
Said I Love You, But I Lied - Chapter 27
Said I Love You, But I Lied - Chapter 28
Said I Love You, But I Lied - Chapter 29
Said I Love You, But I Lied - Chapter 30
Said I Love You, But I Lied - Chapter 31
Said I Love You, But I Lied - Chapter 32
Said I Love You, But I Lied - Chapter 33
Said I Love You, But I Lied - Chapter 34
Said I Love You, But I Lied - Chapter 35
Said I Love You, But I Lied - Chapter 36
Said I Love You, But I Lied - Chapter 37
Said I Love You, But I Lied - Chapter 38
Said I Love You, But I Lied - Chapter 39
Said I Love You, But I Lied - Chapter 40

Said I Love You, But I Lied - Chapter 23

202 7 0
By master_anoch

Chapter 23:

Hindi ko magawang makapagsalita. Binuka ko ang aking bibig pero walang boses na lumalabas. Ano ba itong nangyayari sa akin?

Bakit natatameme ako sa harapan ni Jaypee ngayon?

Pano kase gulity. Sabi ng maliit na tinig sa ulo ko. 

Oo na! Guilty na kung guilty. Pero kailangan kong malusutan ang tagpong ito. Hindi pwedeng malaman ni Jaypee na ako ang tinawag ni Dennis na Baby. Kung hindi malalagot na talaga ako. Lalo na nakapag-usap na kami. At tinapos ko na rin ang anumang kwento namin ni Dennis hindi pa man ito nagsisimula.

Tiningnan ko si Dennis. Nakatingin lang sya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nya. Wala man lang syang kaemosyon-emosyon. Ano ba naman yan.

Bumaling ako kay Jaypee. Salubong ang kanyang kilay at nakakunot ang noo. Naku! Badtrip na sya. Palipat-lipat lang ang tingin nya sa aming dalawa ni Dennis.

Ano bang gulo itong napasok ko?

Jusko po Inday! Tulungan nyo ako. O di kaya, bumuka na lang sana ang lupa at kainin ako, para mawala na lang ako sa eksena.

Tumingin ako sa magpinsan. Alanganin ang ngiti ni Khaye, ganon din si Mikki. Guys ano na?

‘’Bakit walang gustong sumagot sa inyo? Sinong Baby?’’

Parang gusto ko ng tumakbo. Nasa boses na kase ni Jaypee yong awtoridad. Ganyan na ganyan sya kapag sobrang seryoso. Nakakatakot.

“I was referring--”

“Ano ka ba naman Japs? Anong Baby ang sinasabi mo dyan? Wala naman kaming kasamang Baby.”Biglang putol ko sa sasabihin ni Dennis. Ginamit ko pa ang pangmalakasang palayaw ni Jaypee. Pagtingin ko sa kanya, nakakunot na rin ang kanyang noo. Peace yoow! Waley ang palusot ko. Wala eh, gipit na.

“Oo nga naman PJ. Sino bang Baby?” Dagdag ni Khaye. Agad syang lumapit kay Jaypee at umangkla kagad sa braso nito. May palinga-linga pa si Khaye sa paligid pero ni hindi nya dinaanan ng tingin si Dennis. Para bang wala lang ito doon.

“Bakit ba nakatayo tayong lahat? Hindi naman bawal maupo di ba? Magagalit ang mga varicose ko nito. Nakakaloka.” Patay malisya lang si Makki. Nauna syang nauna sa dati nyang upuan. Si Khaye naman hinila na rin si Jaypee para maupo. Naiwan kaming dalawa ni Dennis. Sumulyap ako sa kanya, at kitang kita ko kung pano biglang nagdilim ang kanyang mukha. At para bang may nakita akong sakit sa kanyang mga mata. Totoo ba yon o namamalikmata lamang ako?

Sandali akong pumikit para hagilapin ang sarili ko. Nakonsensya ako bigla. Napahiya si Dennis. Pinahiya namin sya. At kay Jaypee pa na empleyado nya. Sumobra ata kami don. Kawawa naman sya.

Pagdilat ko ng mga mata, hindi ko na nakita si Dennis sa harapan ko. Hinanap ko sya sa loob ng cafe. Nakita ko syang naglalakad palapit sa isang babaeng hindi ko kilala. Nakatalikod kase sya sa amin. May laptop rin sa kanyang harapan.

‘’Hi Baby!’’

Unti-unting lumingon ang babaeng tinawag nyang Baby. Bakit sa paningin ko parang ang bagal ng naging paglingon nong babae. Naging slow motion. At biglang nanikip ang dibdib ko ng tuluyan na syang humarap. Nakasuot sya ng salamin sa mata na agad rin nyang tinanggal ng makilala si Dennis. Nakangiti sya ng ubod tamis, mas matamis pa sa asukal. Okey, inaamin ko, maganda yong babae. Hindi rin sya mukhang maarte tulad ni Ivy.

“Dennis, akala ko hindi ka na darating.” Narinig kong sabi nong babae ng maupo sa harap nya si Dennis.

“Syempre hindi pwede yon. Ikaw pa.” Kinurot nya ang pisngi ng babae na naging sanhi ng pagtawa nito.

Bakit nya ginawa yon?

Ganon ba sila kaclose?

At kaanu-ano nya ang babaeng yon?

May naramdaman akong sumipa sa dibdib ko. Shit! Nagseselos ba ako? Wala naman akong dapat ipagselos di ba? Dahil wala namang kami eh. Wala talaga.

Kahit anong tanggi ko, andon pa rin yong sakit na bigla kong naramdaman sa dibdib ko. Ganon na ganon rin ang naramdaman ko ng makita ko silang naghahalikan ni Ivy noon sa labas ng opisina nya. Nasasaktan na naman ako kahit ayoko. Apektado pa rin ako. Bakit ganito?

Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko, agad akong naglakad papunta sa rest room. Nasulyapan ko pa si Dennis na tumingin sa akin, at may nakita akong lungkot sa kanyang mga mata. Lungkot nga ba?

Imahinasyon mo lang ‘yon. Hindi ikaw ang ipinunta nya dito. Hindi ikaw ang tinawag nyang Baby. Huwang kang assuming. Huwag kang umasa. Kaya ka nasasaktan eh. Sabi na naman ng makulit na tinig sa loob ng ulo ko.

Pagdating sa loob ng rest room, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Umiyak ako ng umiyak. Buti na lang walang tao sa loob ng mga oras na yon, kaya malaya kong nailabas lahat ng sakit sa dibdib ko.

Akala ko naubos ng lahat ang luha ko. Akala ko hindi na ko masasaktan. Akala ko hindi na ako maapektuhan. Akala ko lang pala. Akala lang pala.

Kaya heto ako ngayon at parang tanga na umaatungal na parang baboy. Nakakahiya. Tinalo ko pa ang babaeng nahuli sa akto ang boyfriend nyang nambababae. Mas malala pa nga ata ako.

Ano bang meron sa kanya at nagagawa nya ang ganito sa akin? Kaya nya akong saktan ng walang kaeffort-effort. Hindi tulad ko na kailangan pang may contract para lang makaganti sa kanya.

Saglit akong natigilan ng maalala ko ang tungkol sa contract. Hindi dapat ako umiiyak ngayon. Hindi dapat ako nasasaktan ngayon. Dapat sya ang nasa katayuan ko. Dapat sya ang umiiyak. Dapat sya ang nasasaktan.

Nanatili pa ako ng ilang minuto sa loob ng rest room, at ng masiguro kong okey na ako at wala ng bakas ng aking kagagahan, lumabas na ko ng rest room. Chin up kung chin up. Tama na ang kaiiyak. Nakakahaggard.

Nadatnan kung nagtatawanan ang mga kasama ko. Bigla silang natahimik.

“O bakit?” deadma kong tanong saka naupo. Lahat sila nakatingin sa akin. Lalo na si Jaypee wagas kung makatitig.

“Saan ka galing?” maarteng tanong ni Mikki.

“Sa rest room. Gusto nyong malaman kung ano ang ginawa ko don?” tudyo ko sa kanila. Nakaplaster na ang pang-asar na ngiti sa aking mga labi.

“Yuck!” –Khaye

 “Kadiri ka!” –Mikki

“Ang aarte nyo ha. Bakit kayo ba hindi nyo ginagawa yon?”

“Yuck Toni. Kadiri ka. Tumigil ka nga. Nasa public place kaya tayo.”

“Yuck Toni. Kadiri ka. Tumigil ka nga. Nasa public place kaya tayo.” Inulit ko lang ang sinabi ni Khaye. Ginaya ko rin ang maarte nyang pagsasalita. Doon na kami nagtawanan. Biglang nawala ang tensyon sa paligid. Bumalik na kami sa dati. Ako pa. Magaling kaya ako magdala. Pwede nga kong mag-artista ayaw ko lang eh.

Nang magkasawaan sa kwentuhan, nag-aya si Mikki na manood ng movie. Si Jaypee naman bumalik na sa opisina. Umalis kami ng coffee shop na hindi ko man lang nilingon si Dennis saka ang babaeng kasama nya.

Hindi na ako papadala sa anumang emosyon. Tama na ang kaartehan. Totoong buhay ito. Tanga ka kung gugustuhin mong paulit-ulit na nasasaktan. At ayokong maging tanga.

Naenjoy namin ang palabas. Tawa kami ng tawa kahit hindi nakakatawa ang eksena. Napapatingin nga sa akin ang ibang tao sa loob ng sinehan. Siguro iniisip nila mga baliw kami. Wala eh, ganyan kami mantrip.

Hanggang makalabas kami ng sinehan, walang nag-usisa sa dalawa kong kasama kung anu ang ginawa ko sa loob ng rest room.

‘Yung eksena kanina paglabas ko ng rest room alam kong sinadya rin nila yon para mawala ng tuluyan ang tensyon sa paligid. Alam kong iniisip din nila na baka makahalata si Jaypee. At nagtagumpay namin kami. Di na muli pang nag-usisa si Jaypee. Para ngang hindi namin nakita si Dennis doon.

‘’Daan muna tayong bookstore. May bibilhin lang akong libro.’’

“Daan muna tayo sa bakeshop. Nakalimutan kong magtake-out ng cake.”

Huminto  ako sa paglalakad at tumingin sa dalawang kasama ko. Talagang sabay pa silang nagsalita? Pero bakit ganyan ang mga hitsura nila? Parang may gusto silang taguan na ewan. Basang-basa ko na ang ugali ng magpinsan.

Tumingin ako sa escalator kung saan kami dadaan upang bumaba sa second floor ng mall. Andon si Dennis saka yong babaeng kasama nya kanina sa coffee shop. Paakyat naman sila.  Kaya naman pala gusto akong iligaw ng dalawang ito. Makakasalubong namin sila.

“Let’s go.”Nagpatiuna na ako sa paglakad pauna, pero pinigilan ako ni Mikki sa braso.

“Anton.” Nasa boses nya ang concern. Muli kong tiningnan si Dennis saka ang babaeng kasama nya. Hindi pa nila kami napapansin dahil busy sila sa pagtatawanan. Nakaakbay  si Dennis sa babae, at yong babae naman tuwang-tuwa sa kung anong sinasabi ni Dennis.

Andon pa rin yong sakit. Eh ano naman? Ikakamatay ko ba ito?

“Tara na. Magdidilim na.” Aya ko sa dalawa pero hindi man lang sila natinag. Hawak pa rin ni Mikki ang kanang braso ko.  At ilang sandali lang naramdaman kong humawak si Khaye sa kaliwang braso ko. Ano ito, tag of war? ‘Yung totoo maglalaro ba kami?

“Anton.” Mahinang sambit ni Khaye.

Hindi ko sya pinansin. Naglakad pa rin ako kahit nakahawak ang magpinsan sa magkabilang braso ko. Mukha na kaming tanga. Pero mas magmumukha akong tanga kung iiwasan ko sila, dahil nakita na kami ni Dennis. At nakatingin na sya ngayon sa amin, o mas tamang sabihin na sa akin.

“Ano ba kayo. Kaya ko. Huwag nga kayong nega dyan. Kayo lang ang nagpapagulo eh.” Humarap ako sa kanila saka ngumiti. Yung pang beam na ngiti para maconvince ko sila na okey lang ako.

“Talaga?” naninigurado pa si Khaye. Tumango ako bilang sagot.

Kahit para na kaming mga tanga, hinding-hindi ko iiwan ang dalawang ito. Lalo na’t  alam kung hinding hindi rin nila ako iiwan sa sitwasyong alanganin tulad nito.

“Okey sabi mo eh.” Biglang may hinugot na panyo si Mikki sa bulsa ng pantalon nya at mabilis nyang itinakip sa mga mata ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na ako nakapagreact. Naramdaman kong hila hila na nila ako. “Maglalaro tayo.”

“Uy teka lang. Wala akong makita. Baka madapa ako.”

“Huwag kang mag-alala. Kami ang magsisilbing mga mata mo. At sisiguraduhin naming hindi ka mapapahamak. Hinding-hindi ka madadapa.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Khaye. Para sa akin may ibang ibig sabihin ang sinabi nya. Hindi na lang ako nagreact at sumunod sa kanila. Malaki ang tiwala ko sa kanila at alam kong tutuparin nila ‘yon.

Hindi ako mapapahamak.

Hindi ako madadapa.

Hindi ako masasaktan.

Lulan na kami ng escalator ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Boses ni Dennis. Pero hindi ako sigurado kung tinawag nya ba talaga ako, dahil puro boses na ni Mikki at Khaye ang naririnig ko.

May tiwala ako sa kanila.

Hindi ako mapapahamak.

Hindi ako madadapa.

Hindi ako masasaktan.

Continue Reading