Nights With You [ Isla Azul S...

By talaatpapel

416K 11.6K 1.3K

Isla Azul Series #1 (COMPLETED) A loving family is like a dream come true for Savine, but after spending all... More

Nights With You
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas
What's Next?

Kabanata 13

14K 404 25
By talaatpapel

Kabanata 13

Nagising ako sa lakas ng katok at nakakarinding boses ni Arkit. Una kong tinignan ang oras sa aking cellphone, it's eight o'clock in the morning.

"Bakit?" I screamed.

Sinubukan kong bumangon pero dahil antok na antok ay umupo nalang ako at sumandal sa headboard ng kama.

Binuksan ni Arkit ang pintuan ng aking kwarto. Kumunot agad ang noo ko ng makita ko ang kanyang reaksyon, she looks so agitated and based on her clothes she's ready to go.

"What happened?" I asked. Kinusot ko ang aking mata. Umupo siya sa gilid ng aking kama at hinilot ang kanyang sentido.

"Raul got into a car accident last night."

I gasped. "Oh God! Kamusta na 'yung lagay niya?"

That's terrible, kawawa naman si Raul!

Huminga nang malalim si Arkit bago nagsalita.

"Masyadong naapektuhan ang paa niya dahil sa pagkakaipit, according to his doctor he needs to go through a lot of surgery but there's no confirmation that he can walk again."

Gosh! It's painful to hear these things. I can't imagine how painful it is para kay Raul. I just pray na maging okay siya agad!

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Nothing's confirmed yet, may meeting kami ngayon with his manager together with the management," she answered.

"So what do you think will happen now?" patungkol ko sa movie na aming ginagawa.

"Ginawa 'tong pelikula para sa kanila, the fans will go ape shit pag pinalitan ang male lead, so honestly, this movie has to stop for the better."

Shit. Tumayo na si Arkit mula sa pagkakaupo sa kama ko.

"I need to go, I'll just call you. The staff were all instructed to wait for the meantime. Siguro ay may meeting tayo bukas o mamaya mismo."

Tumango ako at pinakawalan na siya.

Huminga ako nang malalim. What a horrible news to wake up to!

Umiling ako at kinuha ang aking cellphone. I have two missed calls from my Mom and one text message from Landon.

Binuksan ko ang message.

Landon :

Good Morning, eat your breakfast.

Agad akong lumabas pagkabasa ko ng message at totoo nga, may pagkain na sa table. Lumapit ako doon at umupo.

Nagtipa ako ng reply.

Thanks, but you didn't have to do this.

I can't believe that he managed to do this despite having an emergency. Na-guilty ako kaya sinagot ko na at kinain nalang ang pinadala niya.

I'm still not sure kung ano ang plano ni Landon. Though he made it clear last night na hindi niya ako papakawalan.

Nag init ang pisngi ko at napainom nalang ng juice dahil naalala ko ang paghalik niya sa'kin.
Napailing ako, ayoko talagang isipin si Landon dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako.

Nakakairita man aminin ay pumapalpak ako every freaking time he's involved!

Siguro ay mas mabuti na umayaw na ako sa trabahong ito... I mean kung hindi naman matutuloy ang movie ay wala na akong dahilan para manatili rito, right?

I'm sure Arkit will understand my decision.

If I want to remain sensible, ako na ang lalayo. He got so many issues. Malay ko ba kung distraction lang ako.

Maaaring hindi niya naman talaga ako gusto, baka kaya siya ganto ay dahil easy to get ako sa mga mata niya.

Sa tingin niya siguro ay madali niya akong makukuha ngayon dahil ako ang nagmakaawa sa kanya noon na may mangyari sa amin.

I really need to stay away as soon as possible. Hindi ko pwedeng hayaan na bumalik ako sa dati kong buhay, ayoko na ulit maging ganon. I refused to take something I don't deserve just because I want to.

At isa pa, kahit na hindi maganda ang ginawa ni Yona sa akin before, babae pa rin ako. Alam kong labas ako sa relasyon nila pero kung ako nga talaga ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Landon, I have a responsibility to refuse.

Hindi ko tinapos ang pagkain ko dahil nawalan ako ng gana sa lahat ng aking naisip. I know I might be overthinking pero mas mabuti talaga na lumayo.

I realized kung gaano kabuti na malayo ako kay Landon habang nag iisip para maging tama ang lahat ng aking desisyon.

Tumunog ang aking cellphone, si Elon iyon kaya agad kong sinagot.

"What's up?" bungad ko pagkatapos ay uminom ako ng juice.

Pumunta ako sa veranda at pinagmasdan ko ang Manila skyline.

"Aisla," he seriously said.

Agad kumunot ang noo ko. The sound of his voice is different. Masyado kong kabisado si Elon at sa boses palang niya ay alam kong may problema.

"What's wrong?" Tanong ko, sumibol na ang kaba sa dibdib ko.

"Kasi si Mama..." Narinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga.

Pagkatapos ko marinig 'yon ay mas dumoble ang kaba ko.

"Bakit? Anong nangyari kay Mama?!" lumakas ang boses ko.

"Hear me out first, okay? 'Wag ka muna magsasalita. She's okay and I'm going to explain everything so calm down."

Tumango ako sa kanyang sinabi kahit hindi niya naman nakikita. Umupo ako sa upuan sa tabi dahil nanlambot ang tuhod ko sa kaba.

"Chris cheated."

What a fucking son of a bitch!

Kinuyom ko ang kamao ko at huminga nang malalim para makalma.

I need to calm down or else hindi ko na papatapusin ang sinasabi ni Elon para makalipad na papuntang Canada ngayon at patayin ang gagong 'yon!

"Mama is depressed. Ayaw niya rin malaman mo kaya hindi ko agad sinabi. But I notice na lagi siyang natutulala at wala siya sa sarili. Pumayat din siya at kahit si Silas ay napapansin nang matamlay siya," kwento niya.

"Hindi pa nakakatulong ang pagpunta ni Chris dito araw - araw..."

What a shameless bastard!

"Kahit ako ay napagod nang paalisin siya. Don't worry though dahil nabugbog ko na 'yon. It's just that, kailangan ko ilayo si Mama dito," he said.

I sighed heavily and squeezed my eyes shut for a moment.

"So what's your plan?" I demanded.

Saglit siya natahimik.

"I want us all to migrate there,"

Napatayo ako sa gulat.

"What!?"

I can't believe him!

"Mama doesn't think it's a bad idea. Come on, A! It's her only chance to move forward," he convinced.

"Damn it! You should've told me this earlier kasi! Sana ay nakauwi ako agad!"

"That's the reason why ayaw niya ipaalam sa'yo."

Hinilot ko ang sentido ko at nagpabalik balik ng lakad.

Shit. I need to think!

Kaya ba namin? What about his job? What about Silas?

Ugh!

But he has a point. I'm sure kapag ako ang nakakita sa hayop na 'yon ay mapapatay ko 'yon kaya mas mabuting hindi na kami magkita pa.

I am so angry and disappointed, paano ko nagawang mahulog sa mga mabulaklak na salita ni Chris?

I saw the way he treated my Mom for the past years. It was full of love and adoration kaya kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na lolokohin niya si Mama!

I shouldn't have trusted him! What about the seven years they've been together? Ganun nalang 'yon?

"Paano 'yung trabaho mo? 'Yung school ni Silas?"

"It's okay, maraming trabahong naghihintay sa'kin. When it comes to Silas, pwede naman natin siya i-enroll sa magandang school diyan."

He's right, malaki ang tiwala ko kay Elon, alam kong pinag isipan niya ito ng mabuti bago siya humantong sa ganitong desisyon.

"Naalala mo 'yung restaurant na business ni Mama at Tita Margarette? The sales are good and according to Tita ay maraming nag o-offer ng franchise. Sabi ni Mama, 'yun nalang ang pagkakaabalahan niya kung matutuloy tayo."

I sighed, ano pa bang magagawa ko? Sa tingin ko ay interesado si Mama sa plano ni Elon. Hindi rin naman ako mahihirapan sa maghanap ng trabaho for sure.

"Okay, but I need to talk to her."

"She's asleep. Pinaayos ko na lahat ng papeles, lahat ng gamit ay ready na para sa shipping. Tomorrow is our flight," aniya.

What the hell!

"Grabe, Elon! Bukas agad? Tapos ngayon mo lang sinasabi sa'kin? Why are you so confident na papayag ako?"

"Of course, you can't say no dahil alam mong it's for the best," pagyayabang niya.

"Hey! I'm still your Ate! Bakit ikaw ang nagdedesisyon!?" iritado kong tanong.

"Mas matalino ako sa'yo. By the way,.tomorrow is our flight, may uutos lang ako."

Pag uwi talaga ng Elon na ito ay kukurutin ko 'to sa singit!

"Tinawag mo pa akong Ate, uutusan mo lang rin pala ko."

Umirap ako.

"Sorry." Tumawa siya. "Palinis mo 'yung bahay diyan. Love you, Ate."

Kaya naman pagkatapos kong mag ayos ng aking sarili ay agad akong dumeretcho sa bahay na nabili ni Mama. Binili niya ito two years ago dahil nagbakasyon siya dito para bisitahin ang business nila ni Tita Margarette.

Nakahanap naman ako ng maglilinis sa pamamagitan ng pag search sa google at ngayon ay pinapanuod ko sila habang nililinis nila ang bahay. Konti lang naman ang lilinisin dahil pinapalinis din naman ito ni Tita every two weeks.

It's a three story house, may parking na kasya at least dalawang sasakyan. It's a combination of cream, brown and black. There's nothing special actually, kagaya lang ito ng mga modern na design sa ngayon. Apat ang kwarto na may mga sariling bathroom. Bukod pa 'yung nasa first floor.

Maganda rito pero I don't think dito ako titira sa weekdays kung makakakuha ako ng trabaho agad. Kukuha nalang siguro ako ng maliit na condo para mas makatipid ako dahil wala naman akong kotse.

It's past four in the afternoon nang matapos sila, pagkatapos kong bisitahin kung maayos na ang lahat ay tuluyan na silang umalis. Sakto naman ang pagtunog ng cellphone ko.

"Yes?" bungad ko kay Arkit.

"We have a meeting, same place," aniya.

"Okay, I'll go now."

Mabilis ang naging byahe ko dahil sa galing ng taxi driver sumingit kung saan saan. Marami na ang tao pagdating ko at agad nagtama ang mata namin ni Landon.

Nakita ko kung paano niya ako hinagod ng tingin. Umiwas ako agad dahil bigla akong na conscious sa paninitig niya. Mabuti nalang talaga at maayos ang damit ko, I'm wearing a black floral jumpsuit paired with a white pointed heels.

Tumabi ako kay Arkit ng matanaw ko siya, medyo okay na ang mood niya ngayon compared sa kanina.

"Is something bothering you?" Tanong ni Arkit.

I sighed, pagkatapos ay hinarap siya tutal hindi pa naman start.

"How did you know?"

Nagkibit balikat siya.

"Something's off with your aura, or maybe cause I'm your friend."

"My family are going back here," I said.

Nanlaki ang mata ni Arkit pagkatapos ay lumaki ang ngisi.

"For real!?" medyo lumakas ang boses niya, mabuti nalang at maingay din kaya hindi masyadong napansin.

Tumango ako.

"Gosh, makikita ko na ulit si Silas! I'm so excited! Pero teka, bakit?" 

Sasagutin ko sana pero nag start na ang meeting.

Si Morgan Ty ang unang nagsalita. She explained kung ano ang nangyari kay Raul at kung ano ang update sa kalagayan nito.

Sumunod naman si Landon.

"The shooting will stop for now. What the management told us is that regardless of what happened, we need to stick with the actors. So as long as hindi pa magaling si Raul, we can't push through," He explained.

I know I should focus on what he's saying but I just can't, lalo na kung nasa akin lang ang mata niya habang nagsasalita.

To think na nandito si Yona at imposibleng hindi niya mapansin!

"What about the staff po, paano kami?" tanong ng kung sino.

"The management will take care of you, wait for the memo," Landon said.

Pagkatapos ay si Arkit naman ang tumayo.

"When it comes to your salary, you'll get the half of it," She said.

After ng ilan pang tanong at pagkatapos ma-klaro ang lahat ng issues, natapos na ang meeting.

Tumayo na ako at ganun din si Arkit, napagkasunduan namin kumain ng dinner para makwento ko na sa kanya ang nangyari.

But then tumunog ang cellphone ko, kumunot ang noo ko ng makitang si Landon iyon.

Hinanap siya ng mata ko sa buong room pero wala na siya.

Sinagot ko ang tawag.

"Baby," his voice is husky.

"Why?" I tried to sound irritated.

"Let's meet please," he softly said.

Siniko ako ni Arkit kaya nilingon ko siya. Nagtaas ako ng kilay.

He mouthed "Landon" at sumenyas siya na umalis na ako. Umiling naman ako, pero ang traydor kong kaibigan ay inirapan lang ako.

"Go home, I know you're tired," I said.

"Please baby, kahit five minutes."

I sighed.

Ayoko talaga but there's something in his voice na humihila sa'kin.

"Okay, where are you?" Pagsuko ko sa sarili kong laban.

"Parking lot."

"Go, magkita tayo malayo sa station."

I can't believe myself. I'm so doomed, sana lang ay pag lumagapak ako kaya ko parin itayo ang sarili ko.

Sumabay ako kay Arkit hanggang sa makalayo kami sa station. Nagulat lang ako dahil alam ni Arkit kung ano ang plano ko.

"Paano mo nalaman?" I asked.

"Tinawagan ako ni Landon para ihatid ka." Kinindatan niya ako.

"So best friend na kayo?" Sarcastic kong tanong.

Ngumisi lang siya.

Huminto si Arkit nang matanaw namin ang sasakyan ni Landon sa gilid. Nilingon ko siya at malaki pa rin ang ngisi niya, umirap ako.

"Kwentuhan mo ko pag uwi mo ha, if makakauwi ka." Pinalo ko siya sa braso bago ako bumaba ng kanyang sasakyan.

Tinawanan niya lang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

334K 17.9K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.9K 79 49
SPSeries #4 : Across the Sky (Rainier's Story) 4 of 5. Trying to escape the sadness of reality, Lauraine Latisha, from PUP College of Engineering...
1M 34.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...