The Unrequited Love (MayWard...

De MariaAyagil

84K 4.9K 2.2K

[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na... Mais

The Unrequited Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Not an Update
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
SK1: Francis and Nicole
SK2: Jibbson and Jessica
SK3: Tanner and Chantal
Wakas
FAQ

Kabanata 30

1.4K 102 65
De MariaAyagil

"Anong sabi mo? Walang laban at talunan si Venice? Eh, kung ikaw kaya yung lumaban doon Miss? Ikaw pala magaling eh bakit hindi ikaw yung lumaban?" Nang-uuyam na sabi ni Nicole doon sa babaeng nagpaparinig sakin mula ng maglakad kami sa hallway.

"Hey, Nic halika kana." Yaya ko kay Nicole nung hindi makasagot yung babae.

"Sus, ang galing mo magparinig eh wala ka namang sinabi. Kaya hindi umuunlad ang mga tao ngayon eh sobrang insecure." Hinila ko na si Nicole bago pa sila maabutan ng guidance na nagkikipag-away.

"Sana hindi mo na pinansin at pinabayaan mo nalang." Sabi ko habang palabas na kami ng gate kay Nicole. Inayos niya ang kaniyang nagusot na damit bago ako tiningnan. "Bago mo ako pagsabihan sa kung anong ginawa ko. Magthank you ka nalang." Aniya.

Natawa ako sa katarayan niya. "Oo na. Thank you na!"

"Welcome." Hindi na ako nakapagsalita pa ng yinaya na kami ni Jess na sumakay sa kotse niya. Hinatid nila ako sa apartment at mabilis akong tumakbo papasok para makapaligo na. Init na init kasi ako at feeling ko amoy araw na ako.

Matapos kong maligo bumaba ako ng kusina para uminom ng tubig. Naubos ko na iyong iniinom ko at bababa sana ako para magpahangin sa labas ng marinig ko si Tita Tina na sumigaw at parang galit na galit. Hindi kasi nakasarado ang pintuan ng kanilang apartment kaya dinig na dinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba pero hindi ko mapigilan maslalo na nung marinig kong sinabi ni Tita Tina ang pangalan ko.

"Kayo na ni Chantal? Anong pumasok sa isip mo at linigawan mo siya?" Ani Tita Tina.

"Ma, please. Pati ba naman babaeng magugustuhan ko? Linigawan ko si Chantal dahil gusto ko okay? Sinagot niya ako so anong problema?" Sabi ni Jared na may bahid na iritasyon ang boses.

"Your voice, Jared! Papano na si Venice?" Sambit ni Tita sa mahinang tono. Napasandal ako ng sa pader habang nakikinig sa isasagot ni Jared.

"What about her?" Ani Jared.

"Akala ko ba siya ang gusto mo?" Usal ni Tita Tina. Nalilito.

"Ma, Ikaw iyong may gusto na magustuhan ko siya. Please, may sarili akong isip at desisyon. Ayokong pangunahan n'yo ako, Ma. Kami na ni Chantal so please treat her well this time." Ani Jared.

"Anong ginawa mo diyan?" Halos mapatalon ako ng sundutin ako sa tagiliran ni Matthew. Nagulat ako at napausod sa mismong pinto ng apartment ni Jared kaya napagawi tuloy ang tingin ni Tita Tina at Jared sakin.

"Venice..." Tawag ni Tita Tina sakin.

"H-Hi T-Tita," nauutal kong sabi na para bang hirap akong magsalita. Lumapit siya sakin kaya napunta sa kaniya lahat ng atensiyon ko.

"Kanina ka pa ba diyan?" Mahina niyang tanong. Umiling ko. "K-Kaka.. rating k-ko lang p-po." Nanginginig ang labi ko at umiinit ang sulok ng mata ko.

"B-Balik.. na p-po a-ako." Sabi ko at tumalikod na ako at dumiretso labas. Nilock ko ang pinto ng aking kwarto tsaka humiga sa kama ko at doon ako humagulhol ng iyak.

Bakit ganoon? Akala ko ba nakamove on na ako? Bakit ang sakit sakit pa din? Akala ko wala na siya sakin? Akala ko okay lang kung nakikita ko silang magkasama ni Chantal pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang sinasaksak ang puso ko?

Akala ko kapag nagkagusto siya sa iba okay lang. Na makakaya kong tanggapin pero ngayong nalaman kong sila na ni Chantal bakit hindi ko maatim? Bakit masakit?

"Venice?" Dinig kong tawag sakin ni Tita Tina habang panay ang katok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko siguro nasarado ng mabuti ang main door kaya nakapasok si Tita.

Kinagat ko ang labi ko para hindi ako makagawa ng ingay. Ayokong malaman niya na umiiyak ako. Ayokong makita niya na nagkakaganito ako. Gusto ko akin lang 'tong nararamdaman ko. Ayokong magbigay pa ng pasanin sa iba.

Akala ko umalis na si Tita Tina ng tumigil na siya sa pagkatatok. Pero narinig kong may nag click at bumukas ang pinto ng aking kwarto.

Naramdaman ko yung biglang pag-angat ng aking kama nung maupo si Tita Tina sa gilid ko. Hindi siya nagsalita at hinagod lang ang likod ko. Maslalo akong napaiyak sa ginawa niya.

Gusto kong makalimot pero hindi ko alam kung papaano. Gusto kong maging katulad ni Jared kung papano niya ako balewalain. Ayoko ko nang masaktan pero heto pa rin ako umiiyak. Papano ba kasi ang pagmove on kung halos araw araw mong nakakasama sa iisang bubong ang taong mahal mo?

Kasi ako ayoko ko na. Sawang sawa na akong masaktan nang dahil sa kaniya.

ONE week later.

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang manalo ako ng pageant at malaman ko na sina Jared at Chantal na. Halos araw araw silang magkasama sa school. Sobrang sweet nila sa isa't isa na para bang lalanggamin sila anumang oras. Tapos kapag nasa apartment naman nakakulong lang ako at hinihintay ang oras na umalis si Chantal. Hindi ko nalang sila pinapansin. Wala rin naman kasing mangyayari. Masasaktan lang ako.

"Oi May, nakita ko ang bahay na pinapagawa ng papa mo. Ayos na ah. Kelan kayo lilipat?" Sabi ni Jess habang kumakain kami ng lunch sa canteen.

"Huh?" Tapos na ang bahay namin?

"Hindi mo alam? Akala ko nga lilipat na kayo doon eh." Ani Nicole.

Umiling ako. "Wala akong alam. Wala pa naman kasing sinasabi si Papa sakin eh." Wala pa naman talaga akong alam. Sabi kasi ni Papa sasabihan niya nalang ako kung kelan kami lilipat. Pero kung tapos na ang bahay namin siguro nga lilipat na kami ngayong buwan.

"What if tapos na nga ang bahay n'yo at lilipat na kayo doon bukas o sa isang araw. Gugustuhin mo kayang lumipat?" Tanong ni Nicole.

"Siyempre naman." Mabilis kong sagot.

"Tologo?" Nang-uuyam na sabi ni Nicole.

"Kahit na kapalit noon ang pag-alis mo sa apartment ng lalaking hinahangaan mo?" Dagdag niya pa habang nakikinig lang samin si Jess.

Napatigil ako sa pagkain. Halos anim na buwan na din nga pala kaming nakikitira kina Tita Tina. At kahit hindi n'yo man itanong alam kong ramdam n'yo ding napamahal na ako sa kanila. Kahit makulit si Matthew at masungit sakin, alam kong mamimiss ko ang kasungitan niya. Ganoon din ang kabaitan at suporta ni Tito Matt at Tita Tina. Maslalo na ang kasungitan ni Jared. Lahat 'yon alam kong mamimiss ko.

"Kahit na. Gusto ko pa din tumira sa sariling bahay namin. Hindi naman forever kaming makikitira sa kanila." Sambit ko. Maslalo na ngayon na napapansin kong linalayuan na din ako ni Jared. Hindi ko alam kung bakit. Mula kasi ng maging sila ni Chantal halos hindi niya na ako tingnan at hindi niya na din ako kinakausap. Para kaming hindi magkakilala. At sigurado akong napapansin na 'yon ni Tita kaya nga mas mabuti kung tapos na iyong pinapagawang bahay ni Papa para makalipat na kami.

Gabi. Katatapos ko lang maligo at nakahiga na ako sa malambot kong kama nung may kumatok sa pintuan.

"Bukas yan." Sabi ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Papa doon. Napaupo ako saking kama ng pumasok siya.

"Papa," sambit ko. Umupo siya sa tabi ko. "Pwede ba kitang makausap?" Aniya.

"Opo naman. Para saan ba yan, Pa?"

"Tungkol sa pinagawa nating bahay."

"Nasabi na nga po sakin ni Nicole kanina na ayos na daw po iyon, Pa." Tumango si Papa.

"Gusto ko na ding ipaalam sa'yo na lilipat na tayo doon. Hindi naman kasi tayo habang buhay na makikitira kina Matt. Nakakahiya na din dahil anim na buwan na tayong nakatira dito."

"Kelan mo po balak umalis, Pa?" Tinitigan niya ako. "Sa linggo na sana. Nahihiya na kasi ako kay Matt eh. Kakausapin ko nadin sila bukas tungkol dito."

Ngumiti ako kay Papa. "Sige po. Uumpisahan ko na din pong ayusin ang mga gamit ko." Sabi ko. Nagpaalam sakin si Papa at hinalikan saking noo bago siya umalis. Napatingin ako sa buong kwarto ko. Friday ngayon. Last day ng first sem. Hanggang bukas nalang pala ako makakatulog dito. Malungkot pero kailangan.

Linibot ko ang tingin ko sa kwarto. Mamimiss ko itong kwarto kong ito. Napako ang tingin ko sa litrato ni Jared na ibinigay sakin ni Tita Tina. Kinuha ko yon at tinitigan. Ang cute niya talaga dito. Siguro iiwan ko nalang ito dito sa kwarto. Wala rin naman silbi kong itatago ko pa ito. Binitawan ko yung litrato at kinuha ko ang maleta ko sa cabinet bago ako nag-ayos ng gamit. Mas maganda na din siguro 'tong nangyayaring 'to para makalayo ako. Para makamove on na talaga ako.

11:00 p.m ng matapos ako sa pag-iimpake. Mabilis akong nahiga sa kama. Pinikit ko ng mariin ang aking mata at nagpatangay sa antok. Kinabukasan, tinanghali ako ng gising. Lumabas ako ng kwarto ko na magulo ang buhok at inaantok pa. Nauuhaw na kasi ako.

Mabilis akong naglakad patungong kusina para makainom. Matapos kong makainom naligo ako at nagbihis ng pangjogging.

Lumabas ako ng pinto at tumambad sakin ang gulat na mukha ni Chantal. "Oh my God!" Patiling usal ni Chantal ng makita niya ako. Nagulat din ako sa kaniya pero hindi gaya pagkagulat niya.

Whahaha. Nakita n'yo sana ang mukha niya epic! Matatakutin pala siya. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang nakatingin sakin.

"Hi," bati ko sa kaniya. Kahit magtago ako huli na. Hindi ko naman sinasadya eh.

"V-Venice?" Magkahalong taka at gulat niyang sabi. Ngumiti ako sa kaniya.

"What are you doing here? Apartment ito nina Jared ah." Taka niyang usal. "Alam ko." Sabi ko. Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Anong nangyari? Bakit ka tumili?" Tanong nang kakarating lang na si Jared kay Chantal.

"Tingnan mo, Jared. Lumabas lang naman sa apartment n'yo 'yang babaeng 'yan." Nakaturo niyang sabi sakin. Napatingin sakin si Jared nagkibit-balikat lang ako sa kaniya ng tingnan niya ako ng masama.

Siguro naiinis siya dahil nakita ako ni Chantal dito. Aba malay ko bang magkikita pala kami ngayon. Sana inimform niya man lang ako para naman nakatago ako.

"Let's go, Chantal. Hayaan mo nalang siya." Sabi ni Jared sabay hila kay Chantal pero hindi paawat si Chantal.

"No. Dapat tinuturuan 'yan ng leksyon, Jared. Kailangan nating sabihin 'to kina Tita Tina at Tito Matt. Kabastusan kung hahayaan mo lang siyang maglabas masok sa Apartment n'yo."

"Good luck," sabi ko ng hindi talaga siya paawat.

"Nakita muna? Hey, saan ka pupunta?" Taka niyang tanong ng bumalik ako sa loob ng apartment dahil nakalimutan ko ang cellphone ko.

Nilingon ko siya. "Hmm. Pupunta sa kwarto ko. May nakalimutan akong kunin."

"What? Wag mong sabihing," napalingon siya kay Jared. "Dito siya nakatira?" Takang tanong niya kay Jared.

Masama akong tinitigan ni Jared. "Yeah. Dito nga siya nakatira." Tumingin siya kay Chantal na nakanganga na ngayon. Gulat ka noh? Pano nalang kaya kung malaman niyang natulog kami ni Jared sa iisang kama? Baka umiyak pa siya.

"I can't believe it!" Ani Chantal bago umalis. Naiwan kami ni Jared. Hindi niya pa din inaalis ang masama niyang titig sakin.

"Sundan mo," sabi ko bago umiwas ako ng tingin sa kaniya bago ko pinagpatuloy ang aking paglakad papasok ng apartment.

"Sinadya mo ba 'yon?" Galit niyang tanong habang nakasunod sakin. Hindi niya man lang sinundan si Chantal. Galit ba siya dahil nalaman ni Chantal na nakatira ako sa bahay nila? Bakit? Sila na ba talaga?

Hindi ko siya pinansin. "Im talking to you. Sinadya mo bang makita ka ni Chantal ha?" Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Hindi ko yon sinadya. Nauuhaw ako kaya kumuha ako ng tubig sa ref hindi ko naman alam na nandito siya at pupunta din siya sa ref kaya nagkita kami." Umiling siya.

"Sinadya mo yon!" Akusa niya. "Gusto mo lang ipakita sa kaniya na dito ka nakatira samin para magselos si Chantal. I know you, Venice. Gagawin mo ang lahat para mailayo ako kay Chantal." Hindi ko alam kung nahihibang na ba siya o ano. Grabe din makagawa ng conclusion itong isang 'to! Sagad! Hindi ako ganoon kadesperada gaya ng iniisip niya. Alam kong talo na ako una palang at hindi ko gawain ang kumuha ng atensiyon ng iba lalo na't higit ang gumawa ng paraan para magselos si Chantal sa akin.

Hinawi ko ang kamay niyang pumipigil saking tangkang paglayo sa kaniya. "Una, paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan wala akong pakialam. Pangalawa, hindi ko sinadyang makita ako ni Chantal at maslalo't higit na magpakita sa kaniya para magselos siya. Remember, sinabi mong layuan kita diba? Ginagawa ko na. Pangatlo, you don't know me. Hindi mo ako kilala. Kasi kung kilala mo ako hindi mo ako pag-iisipan ng ganiyan at ayokong makilala mo ako. Pang-apat, hindi ko ilalayo si Chantal sayo kung 'yon yung pinag-aalala mo." Sabi ko bago naglakad na. Nakatitig lang siya sakin at hindi makapaniwala.

Pinihit ko ang seradula ng pinto ng apartment ko para makapasok. Papasok na sana ako nung may makalimutan ako. "At tsaka nga pala panghuli," napatingin siya sakin.

Mapakla akong ngumiti sa kaniya. "Ito na yung huling araw na makikita mo ang kinaiinisan, kinamumuhian, at kinapapangitang mukha ko sa apartment na 'to. Sumaya ka sana. Salamat sa lahat." Sambit ko bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko.

Linock ko iyon at bigla nalang akong napaupo sa sahig pagkapasok ko.

Tumaas ang tingin ko sa kisame. Ayokong umiiyak pero hindi ko mapigilan. Sabi ko dati ang huli na iyong pag-iyak ko para sa kaniya pero hindi pala. Meron pa rin. Napasubsob ako saking palad at doon humagulhol.

Sobrang saya niya siguro dahil aalis na ako dito. Sino nga bang hindi diba? Kung aalis na sa buhay mo ang taong kinaiinisan mo siyempre sasaya ka nga.

~×~
Itutuloy...

MariaAyagil💕

Continue lendo

Você também vai gostar

734K 22.4K 44
Love plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.
The Chase and You De A.

Ficção Adolescente

4.9M 76.1K 58
I choose to love him. He chose to break my heart. || Cover by: AkoyIsangPagong
4K 507 44
Krysten Lagdameo is a typical senior high school student. She loves wattpad so much and a kpop fan as well. She treats the online world as an escape...
89K 2.9K 24
"You're a human, and yet you belong to a Vampire Clan. A Pure blooded Vampire Clan, to be precise." --------------- Fley Vaskerville is a human but a...