My Tag Boyfriend (Season 1)

By OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... More

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 26

652K 10K 2.4K
By OppaAnja

Chapter 26

Sitti's P.O.V

          "Welcome to the annual Mr. and Ms. Eastton University!" malakas na announce ng host para sa event ngayon.

          Napasilip ako sa labas mula dito sa may back stage at bigla akong pinagpawisan ng malamig nang makita ko kung gaano kadami ang tao na naghihintay sa paglabas namin mamaya.

          Nakita ko din sa may first row yung Mama ko pati na din yung Lola at mga magulang ni Kaizer. Pati na din pala yung pinsan nya si Keith yata ang pangalan.

          Mas dumoble ang kabang naramdaman ko nang makita ang mga kamag-anak ni Kaizer. Hindi kasi naging maganda yung last impression ko sa kanila...kahit na nga sinabi na sa akin ni Kaizer na nagustuhan ako ng buong angkan nya.

          Nakakahiya pa din kasi. Isipin mo na lang na may pinakilala ang anak mong lalaki sa'yo na "girlfriend" tapos makikita mo kung gaano nagkalat doon sa chocolate fountain area yung girlfriend ng anak mo. Tatanggapin mo ba yung ganoon kababoy na babae?

          Kahit na sabihin mo pang weird ang pamilya ni yabang, nakakahiya pa din magpakita sa kanila matapos nung ginawa ko sa party nila noong nakaraang dalawa o tatlong linggo na yata.

          "Tsk! Sinabi ko ng wag na silang pumunta eh!"

          Nagulat ako nang makita ko na nasa tabi ko na pala si Kaizer at nakikisilip na din sa labas.

          "Hindi mo sila in-invite dito?" hindi makapaniwalang sabi ko.

          Akala ko kasi sadyang tinawag ni yabang yung mga magulang at lola't pinsan nya para suportahan sya sa contest na ito. Saka alam nyo na? Makapagyabang.

          "Hell no!" madiing sabi nya sabay alis mula sa pagkakasilip namin doon sa may kurtina na nagtatakip sa amin dito sa back stage. "Hindi ko sila inimbitang pumunta dito ano! Sinabihan ko pa nga silang wag ng pumunta eh! Ang tigas talaga ng ulo nila!"

          Napahawak na naman si Kaizer doon sa pagitan ng mga mata nya saka marahang hinilot iyon. Madalas nyang gawin 'to kapag namomoblema sya. Nakita ko na din 'to dati eh!

          "Paano na yan?" sabi ko sa kanya saka humarap sa kanya. "Ayoko ko ng lumabas doon! Ayokong makita ng madaming tao! Ayokong makita ng mga kamag—"

          Nabitin ang sasabihin ko sa lalamunan ko nang bigla na lang takpan ni Kaizer yung bibig ko gamit yung kamay nya.

          "Pwede ba? Kumalma ka lang. Walang kakain sa'yo sa labas!" sabi nya saka inalis yung pagkakatakip ng kamay nya sa bibig ko. "Saka, ano naman kung nandyan mga kamag-anak ko sa labas? Dapat nga matuwa ka at pinuntahan ka nila eh!"

          "Huh?" hindi ko sya na-gets.

          Bumuntong-hininga muna si yabang bago sumagot.

          "Pinilit nilang pumunta at manood sa contest na ito nang malaman nila na ikaw ang magiging partner ko." paliwanag nya. "Alam mo naman siguro kung gaano mo "pinaka ganda" ang impression nila sa'yo di ba? Saka gusto ka ulit makita ni lola."

          Nilagay na naman nya yung isang daliri nya sa gitna ng noo ko saka ako dinuro-duro doon.

          "Kasi ang tali-talino mo!" sabi nya sabay alis doon sa kamay nya bago ko pa iyon mahampas paalis. "Kaya wag ka ng magbalak na umayaw ngayon dahil nandito na tayo. Saka wala kang karapatang ipahiya ako sa harap ng pamilya ko kaya dapat galingan mo!"

          Alam nyo minsan talaga hindi ko maintindihan ang timpla ng ugali nitong si Kaizer.

          Minsan ang bait-bait nya. Tapos maya-maya bigla na naman syang magsusungit at magyayabang.

          'Bipolar na nga talaga siguro 'to...' sa isip ko saka sya tinapunan ng masamang tingin.

          "Candidate number one. Miss Margaret Torres and her partner, Mobi Dela Cruz!"

          Muntik na akong sumubsob sa sahig nang dumaan sa gitna namin ni Kaizer si Margaret.

          Alam ko. Hindi ko na kailangang manghula. Sinadya nya talagang magkabunggo mga balikat namin para tumumba ako.

          Mabuti na lang talaga at mabilis nahawakan ni Kaizer yung isang kamay ko. Kundi babagsak talaga ako sa sahig.

          "Ano ba Margaret?!" malakas at galit na sabi ni Kaizer matapos nya akong alalayan na makatayo ng maayos. "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?!"

          "Sorry, Prince." pa-cute na sabi nya kay yabang sabay tinapunan ako nang masamang tingin nang mapatingin sya sa akin. "Tsk! Haharang-harang kasi! Tabi nga!"

          Itutulak na sana nya ulit ako kaya lang mabilis na pumagitna sa amin si MM.

          Ewan! Bigla na lang sya sumulpot mula sa kung saan saka hinawakan si Margaret sa braso nya at hinila ito palabas sa stage. Palayo sa amin.

          "Ano ba?! Bitawan mo nga ako, freak!" dinig ko pang sabi ni Margaret kay Mobi saka marahas na hinila ang kamay nito mula sa hawak ni Mobi.

          "Wag mong inaaway best friend ko." sagot naman ni Mobi saka tumingin muna sa amin sandali ni Kaizer saka nya binalik yung tingin nya kay Margaret.

          Wala naman akong nababasang ekspresyon sa mukha ni Mobi. Madalas naman syang ganoon. Pero tingin ko seryoso sya doon sa pagbabanta nya—kung banta na nga ba ang tawag doon sa ginawa nya—kay Margaret.

          "Gross!" sabi ni Margaret sabay pahid doon sa parte ng kamay nya na nahawakan ni Mobi at umarteng diring-diri. "Magsama na nga kayo ng best friend mong loser! Bagay kayo! Kayo dapat ang naging magpartner!" dagdag pa nya saka naunang lumabas sa may stage.

          Deadma na lang si Mobi sa naging reaksyon ni Margaret saka ito sumunod dito palabas sa stage.

          "Sumusobra na talaga ang babaeng iyon!" dinig kong sabi ni Kaizer na nasa tabi ko lang.

          Napatingin ako doon sa kamay nya na nakakuyom nya. Alam nyo yun? Yung ready na manuntok na kamay?

          Ang ginawa ko, hinawakan ko na lang yung kamay nyang nakakuyom gamit yung dalawa kong kamay.

          Napalingon sya sa akin nang gawin ko iyon. At kitang-kita ko sa mukha ni yabang yung pagkayamot para doon kay Margaret.

          "Hayaan mo na lang sya." pagpapakalma ko sa kanya.

          Hindi ko alam kung effective ba yung ginawa ko. Pero at least nagtry ako di ba? Para walang maninisi sa akin na hindi ko pinigilan si Kaizer sa bandang huli.

          "Sobra na sya eh!" inis pa din na sabi ni Kaizer sabay hila doon sa kamay nya na hawak ko. "Walang gumagawa ng ganoon sa girlfriend ko!"

          Girlfriend ko.

          Girlfriend ko.

          Girlfriend ko.

          Parang sirang plaka na pa-ulit-ulit sa utak ko yung dalawang huling salita na sinabi nya.

          Hindi ko alam pero bigla na lang uminit yung pakiramdam ng mukha ko. Wala sa loob na napahawak pa nga ako sa magkabilang pisngi ko at pinakiramdaman kung mainit nga ba iyon. At mainit nga sya.

          Namumula ang buong mukha ko.

          "Hoy! Anong nangyayari sa'yo?" bigla akong niyugyog ni Kaizer. "Okay ka lang?"

          Hindi na lang ako sumagot sa halip tumango na lang ako.

          Bakit nya sinabi iyon? Bakit nya sinabing girlfriend nya ako? Alam naman nyang madami kaming kasama dito sa—

          At doon ako natigilan.

          Oo nga pala. Nakalimutan ko. Na nagpapanggap pa rin pala kaming magboyfriend at maggirlfriend. Natural na sasabihin nya iyon!

          'Yan! Ano-ano kasi naiisip mo Felicity eh! Wag ka ngang ilusyunada! Kaya ka naaway ni Margaret eh!' sigaw nung boses sa utak ko.

          Marahan akong napailing saka tinampal-tampal yung mukha ko para umayos ako.

          "Ano na?!" si yabang na naman yung nagsalita. "Okay ka lang?"

          "Oo." sagot ko saka tumingin sa may harapan natin. "Tapusin na natin 'to ng makauwi na ako at nang makapagshare na ako ng kamalditahan ni Margaret sa Facebook."

          Nilingon ko si Kaizer para magsabi pa sana ng kahit anong random na bagay para hindi sya mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa dahilan ng pamumula ng mukha ko.

          Kaya lang hindi ko din naituloy iyong mga sasabihin ko nang makita ko syang nakangiti na habang nakatingin din sa harapan namin.

          Tapos, nagulat pa ako nang bigla nya akong inakbayan saka ako hinila palapit sa kanya at saka marahan nyang ginulo yung buhok. Hindi naman nya talaga ginulo na ginulo. Parang hinawakan nya lang, ganoon!

          "Baliw ka talaga..." sabi nya sa akin matapos nya akong bitawan at nakangiti pa din syang humarap sa akin.

          Hindi ko alam pero napatanga na lang ako mukha ni Kaizer. Nahihipnotismo na yata ako doon sa ngiti nya.

          "O bakit? Anong tinitingin-tingin mo dyan?" sabi nya. "Wag mong sabihing na-iin love ka na naman sa ka-gwapuhan ko?"

          Biglang bumalik sa realidad ang utak ko sabay umasim na naman yung mukha ko doon sa pagyayabang nya.

          "Alam mo, ang yabang mo talaga!" inis na sabi ko sa kanya.

          "At baliw ka pa din."

          "Next, Miss Felicity Sandoval and Kaizer Buenavista!"

          Lumakas yung tilian sa labas nang tinawag na yung pangalan namin.

          Pero syempre, ang lahat ng malakas na tilian na iyon ay kay Kaizer lang. Asa naman akong may titili para sa akin maliban sa Mama ko. At good luck na lang sa boses ng Mama ko kung masapawan nya yung malakas na tilian ng mga fan girls ni Kaizer sa labas.

          "Shall we?"

          Nagulat ako nang biglang ilahad na naman ni Kaizer yung kamay nya sa harap ko at umarte na parang gentleman gaya noong Spanish era.

          Pero nginitian ko na lang sya saka tinanggap yung kamay nya saka kami sabay na lumabas sa stage.

***

          Matapos naming ipakilala sa mga audience, sumunod naman yung talent portion.

          At habang nasa stage kami, sobrang higpit ng kapit ko sa kamay ni Kaizer. Buti na lang at hindi nya ako sinita. Siguro nagiging mabait sya sa akin ngayon dahil alam nyang sobrang kinakabahan talaga ako sa contest na ito.

          Unang-una, first time ko sa lahat ng aspeto sa contest na ito. First time kong masali sa kahit anong contest. Pangalawa, first time kong humarap sa maraming tao—most especially sa mga tao sa Eastton at pangatlo, first time kong kakanta sa harap nilang lahat.

          Medyo nagulat nga ako nang makita nila ako na lumabas kasama si Kaizer. Lahat sila natahimik nang makita ako. May isa pa ngang sumigaw sa audience at hinahanap ako.

          Kaka-insulto di ba? Narinig naman nilang ako yung partner ni Kaizer tapos hinanap pa nila ako?!

          "Hindi kasi sila sanay na makita kang maganda kaya ka nila hinahanap. Hinahanap nila yung laging naka-braid at nerd kung umasta na si Felicity Sandoval."

          Iyan yung sinabi sa akin ni yabang kanina. Nagulat pa nga ako na tinawag nya akong "maganda".

          So iyon na nga! Matapos naming mag-introduce sa harap—with our full names, course, section at kung saan kami nakatira—sumunod na ang talent portion.

          Nung kami na ni Kaizer, unang nagperform si Kaizer. Tumugtog sya ng gitara sabay kumanta ng "If You're Not the One" ni Daniel Bedingfield.

          Nag-iistrum—kung yun man ang tawag doon—pa lang sya ng gitara, wagas na tilian na agad yung maririnig sa audience.

          Kung audience impact lang ang labanan, panalong-panalo na si yabang.

          If you're not the one then why does my soul feel glad today?

            If you're not the one then why does my hand fit yours this way?

            If you are not mine then why does your heart return my call.

            If you are not mine would I have the strength to stand at all.

 

          Nasa may back stage kami ulit, lahat ng contestant, saka tahimik naming pinapanood si Kaizer doon sa paggitara at pagkanta nya.

            I don't know why you're so far away.

            But I know that this much is true.

            We'll make it through.

            And I hope you are the one I share my life with.

            And I wish that you could be the one I die with.

            And I pray in you're the one I build my home with.

            I hope I love you all my life.

 

          Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ng mukha ni Kaizer habang kinakanta nya yung kanta na iyon.

          I don't want to run away but I can't take it, I don't understand.

            If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?

            Is there any way that I can stay in your arms?

 

          Hindi ko alam kung kasama ba iyon sa talent nya—pagkanta na may kasamang emote—pero habang pinapanood ko sya dito sa may back stage, damang-dama ko yung emosyon ng kanta.

           

            'Cause I miss you, body and soul so strong that it takes my breath away.

            And I breathe you into my heart and pray for the strength to stand today.

            'Cause I love you, whether it's wrong or right.

            And though I can't be with you tonight.

            You know my heart is by your side.

 

          Nagsi-iyakan na nga yung mga fan girls ni Kaizer habang kumankanta sya. Oo. Ganyan ka-affected yung mga fan girls ni Kaizer at ganyan din sila ka-O.A.

            I don't want to run away but I can't take it, I don't understand

            If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?

            Is there any way that I can stay in your arms?

 

          Hanggang sa matapos na si Kaizer sa pagkanta nya, iyakan pa din yung mga kasama nya.

          "Galingan mo huh?"

          Nagulat ako nang tapikin ni Kaizer yung balikat ko. Nakatayo na pala sya sa harapan ko nang hindi ko nalalaman.

          Napatingin ako sa mata nya sandali bago ko narinig yung pangalan ko na tinawag ng host.

          Hindi ko alam kung bakit biglang lumungkot yung mga mata ni yabang.

          Nadala ba sya sa kinanta nya? O...

          May tao syang pinag-aalayan ng kantang iyon?

          Nung ako na yung lumabas sa stage, maliban sa malakas at supportive na cheer ng Mama ko at kamag-anak ni Kaizer, puro "boo!" na yung naririnig ko sa baba stage.

          Pinapakalma na nga sila ng host pero hindi natinag yung mga fan girls ni Kaizer. Ganito kainit ang dugo nila sa akin.

          Pasalamat na lang ako na wala pang bumabato sa akin ng bulok na kamatis o ano.

          At bago pa iyon mangyari, kumanta na din ako.

          Muntik na akong huminto sa pagkanta ko sa chorus ng "Safe and Sound" ni Taylor Swift nang biglang tumahimik ang buong paligid.

          At nang matapos na akong kumanta, binigyan ako ng malakas na palakpak at standing ovation ng Mama ko sabay sigaw ng...

          "Anak ko 'yan!"

          Bago pa ako makarinig ng malakas na tawanan dahil sa ginawa kong pagkanta, tumakbo na ako pabalik sa may back stage.

          Nakahawak ako sa tapat ng dibdib ko sa sobrang takot at kaba at syempre, hiya.

          "Ang galing mo."

          Nahinto ako sa pagbaba ko nang bigla akong salubungin ni Kaizer.

          At tama ba ang dinig ko? Pinuri nya ako?

          "Good job!" sabi nya sabay pat sa ulo ko saka ngumiti ulit sa akin.

          Hindi na ako naka-react pa doon sa sinabi nya kasi hanggang ngayon, gulat pa din ako. Na kahit na nga yung pag-alalay nya sa akin pababa sa back stage hindi ko na namalayan.

          At nagpakita na nga ng talent nila yung iba pang contestant. Si Mobi tumula. Si Patty kumanta din tapos si Kris sumayaw. Si Margaret sumayaw din. May back-up dancer pa nga syang kasama eh! Grabe! Prepared na prepared sya!

          At as usual, dahil sa masyadong fame whore at playboy ang lalaki na iyon na nagngangalang Kris Lorenzo, nagawa nyang maghubad sa may stage matapos nyang sumayaw.

          "Ayos ba Sitti?" sabi sa akin ni Kris pagbaba nya sa back stage saka pinakita sa akin yung hubad nya pang katawan.

          Pero syempre, hindi ko tiningnan iyon. Nakatakip lang yung mga kamay ko sa mata ko.

          "Mas magiging okay ako kung magdadamit ka na!" sagot ko sa kanya.

          Tinawanan nya lang ako saka ko naramdaman na wala na sya sa harapan ko at saka ko lang dinilat ang mata ko.

          Yung mga babae sa audience area? Malamang sa malamang nagsi-nosebleed na. May nakita pa nga kaming isang babae na sinugod sa clinic sa sobrang kilig sa hubad na katawan ni Kris. Nakilala ko yung babae na si Ysabelle, yung classmate ko sa English-02.

          Tapos, binigyan kami ng 5 minute break at sumunod na yung...

          QUESTION AND ANSWER PORTION!

          "Bakit may ganito?! Walang nagsabi sa akin na may question and answer ah!" sabi ko sabay harap kay Kaizer.

          "Porque walang nagsabi sa'yo, aalisin na agad sa program yung question and answer portion? Ano ka? May-ari ng school? Batas? Ikaw masusunod?"

          Inirapan ko na lang yung pag-atake na naman ng pagsusungit ni Kaizer.

          Pero ang nakakainis, may point sya!

          "Anong gagawin ko?!" nagsimula na naman akong magpanic. "Wala akong alam! Hindi ako nagreview! Wala namang nagsabi sa akin na—aray!"

          Bigla akong napahawak sa ulo ko nang bigla na lang ako batukan ni Kaizer.

          "Bakit mo ginawa iyon?!" inis na sabi ko.

          "Nagiging baliw ka na naman kasi kaya kita binatukan."

          Inis ko syang hinarap. "Hindi mo ba alam ang kasabihan na hindi dapat sinasaktan ang mga babae?"

          "Sinong nagsabi nyan?" sabi nya sabay taas ng isang kilay nya sa akin. "Saka, sigurado ka bang babae ka?"

          Inis akong nagkagat-labi sa inis saka hindi na lang sya pinansin.

          Mas dumoble yung panic ko nung kami ang unang tinawag na sasagot sa question and answer portion.

          Aatras na sana ako kaya lang biglang nahawakan ni Kaizer yung braso ko saka ako kinaladkad palabas ng stage.

          "Wag ka ngang maarte! Halika na!"

          "Ayoko ko!"

          "Halika na sabi eh!"

          Medyo na-late kami sa paglabas sa may stage kasi naglaro pa kami ni Kaizer ng "tug of war" doon sa back stage.

          At dahil lalaki sya at mas malakas sa akin, idagdag pang nakadress ako, wala akong naging laban sa kanya.

          Kaya heto! Nasa harapan na naman ako ng mga audience at sasagot na sa tanong ng wala akong review.

          Kapag tinanong ako ng mga philosophical theory at kahit anong klaseng tanong na wala akong naaral, babagsak na nga ako, mapapahiya pa ako!

          Bahala na si Flappy bird!

A/N: OMO! Sino excited sa Q&A? Promise! Mahihimatay kayo sa ganda ng next chapter! LOL. Di seryoso, maganda Chapter 27. Best chapter para sa akin so far. Ano po masabi nyo sa chapter na ito? Parang awa nyo na po mag-comment kayo. Magko-quota ako ulit. Alam kong kaya nyo 'to :)

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 22.8K 7
[The Walkers Trilogy #2] [Sequel to 'The Perverted Vampire] Savannah Kier Walker will never be normal. From the very start, she knew that she's diffe...
1.6M 24K 53
All rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny...
1.7M 98.2K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
13.3M 640K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...