My Tag Boyfriend (Season 1)

By OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... More

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 24

649K 10.4K 2.9K
By OppaAnja

Chapter 24

Sitti's P.O.V

          Dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko matapos kong kumanta.

          Tiningnan ko lahat ng tao sa auditorium at lahat sila ay nanlalaki ang mata at wala ni isa sa kanila ang nagbalak magsalita kahit na natapos na ako.

          Napatingin ako sa teacher na nagka-assign sa amin ngayon at kahit sya ay may kaparehas din na reaksyon sa mukha gaya ng mga kasali din sa contest.

          Sabi na eh! Sabi na! Wala akong talent!

          Kasalanan nila 'to! Pinilit nila akong sumali dito! Wala akong kasalanan kung nabasag ko man ang mga eardrum nila! Wag nila akong sisihin! Wala akong kasalanan! Sila pumilit sa akin dito!

          "That was...wow!" sa wakas ay nakapagsalita na din si Ma'am.

          Ito na! Ito na! Papagalitan na nila ako at papaalisin sa contest! Waaaa!!!

          Pero wait! Okay din pala na maalis ako. Ayoko ko nga pala masali sa kalokohang contest na ito. Tama! Sige! Alisin nyo na ako sa contest! Dali! Tagal!

          "Your singing voice is so serene, Ms. Sandoval. You moved me!" bilib na sabi ni Ma'am sabay pumalakpak.

          "Sorry po kung pangit ang bo—po?!"

          Ano daw?! Ano daw sabi ni Ma'am?! Tama ba dinig ko?!

          'Pi-Pinuri nya ako?!' hindi makapaniwalang sa isip ko.

          "And here I thought you don't have a talent." wow! Thank you Ma'am sa puri! "You just got the stage fright sickness, I guess. Okay you can go now. Next! Miss Torres—"

          Biglang nabitin sa ere yung pagtawag ni Ma'am sa susunod na magpapakita ng talent nang bigla na lang may pumalakpak.

          Hinanap ng mata ko yung pumalakpak na iyon tapos nakita ko si MM. Sya yung nakataas ang dalawang kamay sa ere at malakas na pumapalakpak.

          'Para sa akin ba iyon?'

          Tuloy-tuloy pa din sya sa pagpalakpak nya. Pati tuloy sina Kris at Patty maging yung iba pang kasali sa contest, pumalakpak na din. Nakakahiya!

          Pero syempre, hindi kasama doon si Margaret at yung mga alagad nya.

          Ang sama ng tingin nya sa akin habang naka-cross yung mga braso nya sa tapat ng dibdib nya at kasing taas na ng Mt. Everest yung kilay nya.

          Nakadagdag pa siguro sa inis nya yung pagkaka-udlot  doon sa pagtawag sa pangalan nya ng teacher namin.

          Nagkunwari na lang ako na hindi sya pinansin saka pumunta na ng back stage saka bumaba na ng stage.

Kaizer's P.O.V

          "Ayos yung tag girlfriend mo best friend ah? May ibubuga!" sabi ni Kris sa akin sabay siko sa tagiliran ko. "Kailangan na pala naming galingan ng partner ko."

          Hindi ko na sya pinansin saka pinanuod si Sitti mula doon sa paglabas nya sa likod ng stage hanggang sa paglapit nito kay Mobi.

          Hindi nya nasabi sa akin na maganda pala boses nya. Tapos parang kanina lang pinoproblema nya yung magiging talent nya?

          'Tsk! Sinungaling!' inis na sabi ko habang patuloy na pinapanood sila ni Mobi na naglalandian sa harap ko.

          Tsk! Bakit ba lagi silang magkasama ni Mobi?!

          Hindi naman sa may pakialam ako sa babaeng baliw na iyon huh?! Concern lang ako sa kaibigan ko! Weird na nga, mahahawaan pa ng kabaliwan ng babaeng iyon. Kawawa naman si Mobi.

          "Uy! Ano 'yang tingin-tingin na 'yan ah?!" si Kris ulit sabay tusok sa tagiliran ko.

          Inis kong hinawi yung kamay nya saka sya hinarap.

          "Ang bading mo talaga Kris kahit kailan! Alam mo ba iyon?!" inis at pikon na sabi ko.

          Naiinis na nga ako doon sa dalawa, dumadagdag pa 'tong si Kris! Bwisit!

          Sige! Lumabas na lahat ng mang-iinis sa akin dyan at ng masapak ko kayo isa-isa mamaya!

          "Kawawa si Mobillow. Sunog na sunog na sa titig mo. Wag ganyan! Best friend natin 'yan! Wag mo munang patayin! Sayang 'yan!" natatawang sabi ni Kris.

          Pero wala akong balak makipagbiruan sa kahit kanino ngayon.

          Kapag ganitong mainit ang ulo ko, hinding-hindi ako matatawa sa kahit ano at kanino.

          Hindi ko na lang pinansin si Kris saka tinitigan si baliw.

          Napaatras ako ng isang hakbang nang bigla syang mapatingin sa akin.

          'Tsk! Nagulat ako doon ah!'

          Inayos  ko sarili ko saka tumikhim at tinaasan sya ng kilay at pinanliitan ng mata.

          At alam nyo anong ginagawa ng babaeng iyon?

          Ayun! Dinilaan ako! Bwisit ang baliw na iyon!

          Magsama sila ng Mobi nya! Leche!

         

Sitti's P.O.V

          "Okay! 10 minute break! Pagkatapos bumalik kayo ulit dito huh? Hindi pa tayo tapos!"

          3rd day na ng practice ngayon. At kahit tatlong araw pa lang ang lumilipas, parang hinigop na ng practice-practice na 'to ang lahat ng lakas ko.

          "Best friend!" nakita ko si Mobi na naglalakad papunta sa pwesto ko. "Nagpapasama sa akin si Kris sa canteen, bibili kami pagkain. Ano gusto mo?"

          Umiling na lang ako kay Mobi. "Wala. Okay lang ako. Wag mo na akong alalahanin."

          Nakakatuwa din pala maging best friend si Mobi. Ang sweet nya kasi.

          Hoy! Walang malisya pagkakaibigan namin ah? Sweet lang talaga sya. Dahil na rin siguro iyon sa kakain nya ng marshmallows kaya sya ganoon.

          Tuwing break namin, binibigyan nya ako ng tubig o di kaya binibigyan nya ako ng pagkain. Saka binibigyan na din nya ako ng pinaka mamahal nyang marshmallows. Alam nyo na naman siguro kung gaanon kadamot si MM sa marshmallows nya di ba?

          So iyon na nga! Alagang-alaga ako. Saka lagi nya pa akong tinatawag na best friend.

          Sweet din naman si MM kanila Kris at Kaizer. Kaya lang yung si yabang, ewan ako anong nakain at pinagsusungitan si Mobi. Hindi nya tinatanggap mga pagkaing binibigay ni MM.

          Inatake na naman ng sumpong si Kaizer Buenavista. Tsk!

          Kung aatakihin sya ng sumpong nya, wag nyang idamay si MM! Kakainis yung tao na 'yun! Kahit kailan talaga! Grrr!

          Hindi tinanggap ni MM yung "okay lang ako" na sagot ko at saka umalis sa harapan ko para bilhan ako panigurado ng makakain.

          Wish ko lang na wag matamis—na naman—yung ibigay nya sa akin. Malapit na akong masuka sa puro matatamis na pagkain na binibili nya. Tsk!

          'Buti di nasisira ngipin ni MM ano?'

          Nasa malalim akong pag-iisip kung gaano ba katibay ang ngipin ng best friend ko nang bigla na lang may mga pares ng paa na huminto sa tapat ko.

          Nasa may auditorium pa din ako at alam kong ako na lang mag-isa dito ngayon kasi nagsilabasan na lahat ng mga kasama ko pati na din yung coach namin ngayon para nga magbreak. Oo, iba-iba teacher namin per day. Sosyal di ba?

          Inangat ko tingin ko sa mga paa na iyon at nagulat ako nang makita sila Margaret at yung mga alipores nya.

          "Hoy! Akala mo ba makakatakas ka na sa ginawa mong pamamahiya sa akin noong nakaraang araw huh?!"

          HUH? Pinahiya ko si Margaret? Kailan pa? Bakit wala akong matandaan?

          "How dare you insult me like that huh?!"

          Hindi ko inasahan yung sunod nyang ginawa.

          Bigla nya ako hinila patayo mula sa pagkakaupo ko saka ako binigyan ng malakas na sampal sa pisngi.

          Muntik na akong matumba sa lakas ng pagkakasampal nya sa akin. Kung hindi pa ako napahawak sa upuan doon, baka tuluyan na akong natumba.

          Pinigilan ko maiyak sa sobrang sakit habang hawak ko yung pisngi ko na sinampal nya.

          "You deserve that, you witch!" sabi nya saka ako pwersahang pinaharap ulit sa kanya saka nya ako dinuro. "The next time na ipahiya mo ako, lalong-lalo na sa harap ng Prince ko, I swear, kakalimutan kong naging tao ka at talagang tatamaan ka na sa akin! Naiintindihan mo?!"

          Hindi na ako sumagot sa halip tumango na lang ako bilang sagot.

          Bakit ba ang init ng dugo sa akin ni Margaret? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah? Bakit nya ako sinasaktan?

          "At isa pa," sabi nya saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa. "Wag ka ng umasa na mananalo ka bilang Ms. Eastton University. Hindi porque partner mo ang Prince ng Eastton magiging princess ka na din!"

          Tumawa sila ng mga kasama nya sa akin. Yung tawang nang-iinsulto.

          "Wag ka ng mag-ilusyon na magiging prinsesa ka, Felicity Sandoval! Boyfriend mo lang si Prince...iyon lang!" sabi na naman ni Margaret. "At titiyakin kong hindi din magtatagal 'yang pagiging girlfriend mo sa Prince ko."

          Tinulak pa ako ni Margaret bago sya umalis. Mabuti na lang at sa upuan ako bumagsak at hindi sa sahig.

          Nang mawala na sila, doon lang pumatak yung luha ko na kanina pa gusto lumabas.

          Pinatong ko yung mga paa ko sa kinauupuan ko saka ko itinago ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko saka tahimik na umiyak.

Kaizer's P.O.V

          "Bwisit na bag iyon! Nasaan nya ba naiwan iyon?!"

          Pumasok ako ulit sa loob ng auditorium para hanapin yung bag ko na nawala ni Kris.

          Kakainis na lalaki iyon! Sa lahat ba naman ng iwawala, bag ko pa!

          "Kapag hindi ko talaga nakita iyon Kris lagot ka sa akin!"

          Nandoon pa naman wallet at cellphone ko! Tsk! Nakakainis!

          Nasa kalagitnaan ako nang paghahanap sa bag ko nang may makita akong isang tao na nakaupo sa may sulok.

          'May tao pala dito...'

          Papalabas na sana ko kaya lang may narinig akong mga hikbi.

          Kunot-noo akong lumapit doon sa nakaupong tao sa may gilid. Dalawa lang kasi kaming tao dito at nasisiguro ko na umiiyak na 'to ngayon. Alangan namang ako yung umiyak di ba?!

          "Miss, okay ka lang?" tanong ko sabay tapik doon sa balikat nya.

          Nag-angat ng ulo nya sa akin yung babae na iyon...na si baliw lang pala.

          "Anong ginagawa mo dito? Break na di ba? Saka anong—"

          Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita ko yung pamumula ng pisngi nya.

          "Anong nangyari dyan?"

          Hindi nya ako sinagot saka bumalik doon sa pagkakayuko nya. Saka napansin ko din na palihim nyang pinupunasan yung mga mata nya.

          'Bakit umiiyak 'to?'

          "Hoy!" sabi ko sabay inangat yung ulo ng ng marahan. "Tinatanong kita kaya sumagot ka."

          Yuyuko na naman sana sya kaya lang pinigilan ko na iyon. Hinawakan ko sya sa magkabila nyang pisngi saka sya pilit na hinarap sa akin.

          "Sabing—"

          "Aray!"

          "Sorry." sabi ko sabay bitaw sa mukha nya.

          Oo nga pala. Namumula nga pala yung mukha nya tapos hinawakan ko pa. Talino mo Kaizer! Talino mo!

          Tumingin muna ako sa mukha nya. Partikular doon sa namumula nyang pisngi. Saka ako napabuntong-hininga nang hindi pa din sya nagsasalita.

          "Ano ngang nangyari?" mahinangong tanong ko.

          Umiling lang sya saka pinipilit yung mata nya na wag umiyak kahit na nga pulang-pula na iyon sa kakaiyak nya. Kanina pa siguro 'to umiiyak dito.

          Tinitigan ko yung mukha nya at yung namumula nyang pisngi.

          Tapos maya-maya pa ay may biglang pumasok na ideya sa akin.

          "Sila na naman ba?" mariing sabi ko. Nagpipigil ng galit.

          Umiling ulit si Sitti sa akin.

          Sarap batukan ng babaeng 'to! Napakasinungaling!

          "Kung hindi sila, sino?" pagsakay ko na lang sa kanya. "Sabihin mo dali! Nang masampal na din natin!"

          Tumingin na lang sya sa akin saka nagpunas ulit doon sa luha nya.

          "Sabi ng wala eh. Ang kulit mo." basag yung boses nya nang sabihin 'to.

          "Tsk!" sabi ko na lang sa kanya saka naupo sa tabi nya.

          Hinawakan  ko yung baba nya saka chineck yung namumula nyang pisngi.

          "Kailangan ng malagyan ng yelo 'yan. Mamaya magkapasa ka pa. Nakakahiya sa araw ng contest, partner mo pa naman ako."

          Nakita ko yung biglang paniningkit ng mata nya saka pwersahang inalis yung kamay ko doon sa pagkakahawak noon sa baba nya.

          "Nakita mo ng namumula pisngi ko tapos inisip mo pa talaga yung magiging itsura mo sa lahat para sa contest?!" galit at hindi makapaniwalang sabi nya.

          Tatayo na sana sya at aalis kaya lang hinawakan ko yung kamay nya saka sya hinila pabalik sa pag-upo sa tabi ko.

          Nang naka-upo na ulit sya sa tabi ko, nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Sobrang lapit. Idinikit ko pa yung noo ko sa noo nya.  

          "Baliw." sabi ko sabay pitik sa ilong nya. "Nag-aalala ako sa'yo. Hindi sa contest."

          Inalis ko yung pagkakadikit ng noo ko sa kanya saka sya tinitigan sa mukha nya.

          Bakit ko ginawa iyon? Kasi, ang babaeng baliw na 'to hirap makaintindi kaya dapat ilapit mo talaga sa mukha nya yung sagot bago nya ma-gets. Ganoon kakitid utak nito. Psh! Wag na ngang magtanong!

          Nakita ko din yung biglang pamumula ng mukha nya sa sinabi ko. Pero hindi ko na sya inaasar doon saka ako tumayo at hinila din sya patayo.

          "Dadalhin na kita sa clinic sa gusto at gustong-gusto mo." sabi ko saka kinuha yung isang kamay nya at hinila sya paalis doon sa may sulok.

          "Uy!!! Ano 'yan?!"

          Muntik na akong atakihin sa puso nang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan yung tatlo na may malalapad na ngiti na sa labi nila. Hindi pala kasama si Mobi kasi punong-puno na naman ng marshmallow yung bibig nya. Sila Kris at Patty lang pala.

          "Kanina pa kayo dyan?!" inis na sabi ko sabay bitaw sa kamay ni Sitti. "Mga tsimosa talaga kayo ano?!"

          "Hindi ah!" defensive na sagot ni Patty sabay namaywang sa harap ko. "Hindi namin naabutan yung first part ng love scene!"

          "Oo nga!" sabi naman ni Kris. "Doon lang kami nagsimula sa..."

          Biglang hinapit ni Kris yung nananahimik na si Mobi sabay idinikit yung noo sya sa noo ni Mobi na busy pa rin sa pagkain nya ng marshmallows at mukhang walang pakialam sa sunod na gagawin ni Kris.

          "Baliw. Nag-aalala ako sayo. Hindi sa contest." pati yung boses ko ginaya ni Kris sabay tumawa sila ni Patty.

          Hindi ko na lang pinansin yung pang-aasar nila sa amin saka hinawakan ulit si Sitti at hinila na sya palabas ng auditorium.

          Wala na akong pakialam kung tinutukso pa din nila kami kahit wala na kami sa harapan nung dalawang baliw plus Mobi.

          Ang mahalaga ngayon, maayos ko yung pamumula ng pisngi ni Sitti.

          Saka ko na babangasan yung mukha ni Kris pag okay na si Sitti. Psh!

A/N: Si Kaizer laging defensive ano? Pansin nyo? XD Saka itong si Kris, ang loko! LOL. O yung may gali sa kay Margaret, kalma lang! Puso nyo! Wala namang hindi nakakainis na kontrabida di ba? Kaya masanay na kayo sa role ni Margaret. At P.S. wag nyo pong masyadong inaaway yung OP ni Margaret sa Facebook okay?

Ano po masasabi nyo sa Chapter na ito? Comment na kayo dali!

Kinikilig na din ako sa KAISITTI! Waaaaa! KAISITTI IS LOVE!

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
10.2K 786 40
PHS Series #1 Para kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paa...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
5.6K 247 57
"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020