Faking It (Published)

By taleswithelle

651K 10.2K 453

Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending? More

Chapter 1 - It Started With A Mess.
Chapter 2 - The Second Encounter.
Chapter 3 - The Deal.
Chapter 4 - Finding Raven.
Chapter 5 - The First Family Bond.
Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.
Chapter 8 - The Deceiving.
Chapter 9 - The Folks.
Chapter 10 - Everything Nice.
Chapter 11 - First Kiss.
Chapter 12 - Bye Baby
Chapter 13 - The New Boy
Chapter 14 - The Awkward Phase
Chapter 15 - The Confrontation Phase.
Chapter 16 - The Confussion Phase.
Chapter 17 - The Jealousy Phase 1.
Chapter 18 - The Jealousy Phase 2.
Chapter 19 - It's Real!
Chapter 20 - Nikko's World 1.
Chapter 21 - Nikko's World 2.
Chapter 22 - We Fought.
Chapter 23 - We made Up.
Chapter 24 - Closer.
Chapter 25 - The Betrayal.
Chapter 26 - Astor.
Chapter 27 - The Heartbreak Troubles
Chapter 28 - Secrets Unveiled.
Chapter 29 - Everything Nice & Jealousy's Price 1.
Chapter 30 - Jealousy's Price 2.
Chapter 31 - Family.
Chapter 32 - Perspective.
Chapter 33 - Surprised.
Chapter 34 - Frustrations.
Chapter 35 - Words Were Said.
Chapter 36 - Little Nikko Things.
Chapter 37 - Conflicts of Interest 1.
Chapter 38 - Conflict of Interest 2.
Chapter 39 - Caught.
EPILOGUE.
SPECIAL CHAPTER [BONUS]
FAKING IT SEQUEL

Chapter 7 - Out Of Town Dilemma.

15.4K 279 13
By taleswithelle

"Roxanne, pinapatawag ka ni ma'am." Si Sandra iyon, isa rin sa mga nag o-OJT sa department na iyon. Magka edad lamang sila pero mas mukha itong matured sa kanya. Palagi kasing nakasalamin.

Tiningala ni Roxanne ang babae. Nakaupo lamang kasi sya. "B-bakit daw? May error ba sa files na pinasa ko?" Agad nyang tanong.

Natawa si Sandra. Hindi, ano ka ba. May sasabihin ata. Kanina ka pa nya hinihintay eh." Sabi nito. May hawak rin itong mga papeles. Isa ito sa mga una nyang nakapalagayan nang loob.

Na late sya nang almost thirty minutes dahil hinatid nya pa si Raven sa pad ni Nikko. Hinatid kasi ni Nikko si Raven sa apartment nila ni Yna alas diyes nang gabing iyon dahil biglaan dawn a nag-aya ang mga kapwa nya model na mag-inom sa pad nya.

Nang makumpirma nya na nakaalis na ang mga kaibigan nito nang umagang iyon ay ihinatid nya na si Raven dahil may pasok sya. Bahagya na rin syang naglinis roon dahil nagkalat ang mga bote kahit saan at mukhang may hang over pa si Nikko.

Alam nya naman na dadating na si Manang Tising anu mang oras kaya kahit papano ay panatag na sya na magiging maayos si Raven.

"N-nabanggit nya na ba sayo kung ano ang sasabihin nya?"

Umiling si Sandra. "Ano ka ba, pumunta ka na lang." Natatawangs abi nito bago tumalikod.

Hindi nya alam kung bakit pero hindi maganda ang pakiramdam nya sa pagpapatawag na iyon nang boss nya sa kanya. Baka ielaborate na nito sa kanya ang mga undertime at lates nya. Napangiwi sya.

Inayos nya ang sarili at pinagpag ang damit before she headed to his boss' office. Kumatok muna sya sa pinto. Nang marinig nya ang boses nito ay pumasok na sya.

"Close the door please,"

Isinara nya namana ang pinto.

"Sit down Roxanne." Anito. Tumayo ito nang makaupo na sya.

"B-bakit nyo po ako pinatawag ma'am?"

Ngumiti ang babae. "Alam mo ba na big boss natin yung lalaking niligtas mo kahapon?" Tanong nito.

Nangunot ang noo ni Roxanne. "O-opo ma'am. Nabanggit na nila sa akin."

"Well, gusto ka daw nya kausapin."

Nanlaki ang mata nya. "P-po?" Itinuro nya ang sarili. "A-ako po?"

Tumango ang amo nya. "Ano ka ba, you look tense. Malamang ay magpapasalamat yun sayo. Kung hindi dahil sayo ay baka deds na sya." Natatawang sabi pa nito.

Napalunok sya. "G-ganoon ho ba.."

"Oo. Oh sya, umakyat ka na roon, ayaw pa naman noon nang pinaghihintay." Sabi nito.

Pagkatalikod nya ay naalala nya si Nikko. Ayaw na ayaw rin kasi nito na pinaghihintay ito, pero wala na rin naman itong magagawa. Dalawang beses nya na itong napaghintay dahil nasa trabaho sya tuwing kailangan sya nito.

Inayos nya muna ang sarili sa comfort room bago umakyat sa sixteenth floor. Kinakabahan pa naman sya. Ang alam nya ay strikto at masungit si Mr.Montenegro. Ilang sandali pa ay nakita na sya ni Judith.

"Hello. Andyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Boss. Pasok ka na." Sabi nito.

Pilit syang ngumiti. "Ah, ano. M-masungit daw si Mr.Montenegro.."

Natawa si Judith. 'Don't worry, he's in a god mood, lalo na at ikaw ang kakausapin nya." She assured.

"S-sige, salamat." Aniya.

Ininform ni Judith sa amo na nasa labas na ang dalaga.

"Pasok ka na raw."

Marahan nyang pinihit ang seradura nang pinto papasok sa opisina nang amo nilang lahat. Unti unti nyang nasisilip ang kabuuan niyon, pati ang lalaking naka upo sa swivel cahir nito na nasa harap nang lamesa nito.

"G-good morning ho, Mr.Montenegro." Bati nya. Muli nyang isinara ang pinto.

"Please have a seat Ms.Roxas." Sabi nito, turo sa upuan na nasa tabi nang lamesa nito.

Naupo naman sya. Ramdam nya ang lamig nang aircondition.

"I believe you already know who I am and what you did to me?" Hindi ito kakakitaan nang emosyon. Straight face kumbaga.

Tumango si Roxanne.

Tumango ang lalaki at tumayo. "I was near death. Mabuti at dumating ka sa oras, kung hindi ay wala na ako sa mundo na ito, and I must thank you for that."

"W-walang anuman ho. Kahit sino naman ho ay siguradong ganoon din ang gagawin."

"No, your'e wrong. I have many haters in my company. Alam kong madami ang galit sa akin dahil sa pagiging mahigpit at strikto ko. I know some of them even wished na hindi mo na sana ako nailigtas." Yumuko ito, halata ang lungkot.

Napayuko rin sya.

"Sa totoo lang hija, noong narevieved ako nang mga doctor, tila nag flashbacks lahat sa isip ko kung gaano ako naging kasamang tao. I mean, iv'e been so strict with my people. Hindi ko sila binibigyan nang chance magpaliwanag. Hindi ko naaapreciate lahat nang efforts nila for the company."

"G-ganoon naman daw ho ata, sir. May oras pa naman ho kayo para mabago iyon eh." Sabi nya rito.

"Naalala ko rin ang nag-iisa kong anak na lalaki. I know iv'e been very bossy to him. Pinilit ko sya sa course na ayaw nya, pero gusto ko para sa kapakanan ng mga companies ko."

"H-hindi pa ho huli ang lahat."

Tiningnan sya nang lalaki. Sa tingin ni Roxanne ay tila pamilyar ang mukha nito. Parang madalas nyang makita ang features nang mukha nang amo.

"I know. At hindi ko marerealize yun kung dahil sayo. You gave me another life, Ms.Roxas." nagningning ang mga mata nito.

"N-naku, sir, hindi naman po-"

"No, Ms.Roxas. Please let me be a help kung ano ang maaari ko'ng maitulong sa iyo." He smiled. "Anything."

Nanlaki ang mga mata ni Roxanne.

"Mag leave ka for three days. That's the solution." Walang emosyon na sabi ni Nikko kay Roxanne. Kasalukuyan nilang pinapakain si Raven sa pad nang lalaki. Day off iyon ni Roxanne at natural na nasa pad sya nito.

Muntik nang malaglag ang hawak na kutsara ni Roxanne. Nabitin pa sa pagsubo ang bata. "What?!"

"Bingi ka ba?"

"No. Nicholas, hindi naman na yata patas yan? Baka matanggal ako sa trabaho kapag nag leave pa ako. Ilang oras na lang ang kailangan ko para makompleto ko ang unang OJT job ko." Sabi nya. Nang mapansin na nabitin sa pagsubo si Raven ay itinuloy nya ang pagsubo rito.

Nakakandong sa kanya ang bata, kaharap naman nila si Nikko. Nasa sala sila nang pad nito habang nanunuod sila nang TV. Pinabili nila nang diapers si Manang Tising at hinihintay nila ang inorder na Pizza nang lalaki.

"Hey, wala kang karapatang tumanggi! Trabaho mo rin naman to, kung tutuusin. Tsaka, ngayon kasi sasama si Amber. Mas okay nga, kasi at least nakita ka na dati ni Amber. Mas maniniwala yun." Walang emosyon pa rin na sabi nito.

Sumimangot sya. "Ano namang idadahilan ko sa boss ko? Napapansin nya na nga na palagi akong nag a undertime eh." Na engrossed sya sa lalaki kaya nakaligtaan nyang sinusubuan nya si Raven. Inaabot nito ang kutsara sa kamay nya.

Napansin ito ni Nikko kaya inginuso nya ang bata. "Ay, oo nga pala." Sinubuan nya nang muli si Raven. Araw-araw ay tila lalo itong nagiging cute. Unti-unti na itong nakakalakad nang malayo layo kaya mas lalong kumukulit.

"Okay. I'll talk to your boss." Bored na sabi nito. Tumayo ito nang marinig na may nag doorbell. Sigurado sya na ito na ang inorder nilang pizza dahil kakaalis pa lamang ni Manang Tising at may kabagalan ito kumilos.

Tama ang hinala nya. Ilang sandali pa ay bumalik na ang lalaki hawak ang isang family size pizza box.

"Ang laki naman nyan," Sabi nya.

"Kaya natin yan. Baka nga kulang pa yan eh." Sabi nito, nearly laughing.

Inirapan nya ito. Alam nyang nag aasar ito dahil chubby sya. Little did he know na nagdadiet na sya. Effective ang ibinigay na diet tea ni Yna. Lahat nang toxins sa katawan nya ay idinudumi nya kinagabihan kapag iniinum nya ito. Hindi na rin sya madalas magpuyat, plus the soap that Yna gave her bilang pang hilamos ay unti-unti nang nawawala ang taghiyawat nya.

Ang sabi ni Nikko ay sa Batanggas daw sila magphophoto shoot. May sinabi itong lugar na alam nya ay malapit sa kanila. Pumayag naman ito na kapag gabi ay sa kanila na sya matutulog, kahit alam nyang magugulat ang mama at papa nya.

Nakaisip na sya nang dahilan. Ang sasabihin nya ay staff sya nang nagaganap na photoshoot at iyon ang OJT nya. Ayaw man nyang magsinungaling sa mga magulang ay wala syang magagawa. Kaysa naman magtaka ang mga ito o mag isip nang iba.

Van ang gamit nila at isinama nila si Raven. Nagsama rin sila nang isang katulong mula sa manyon nila Nikko at may isang driver. Malayo layo rin ang Batanggas at ipinaliwanag na nang binata kung ano ang role nya at kung bakit may bata silang kasama. Sinabi nito na pamangkin ni Roxanne si Raven.

Habang nasa byahe ay ang katulong na si Minda ang kakwentuhan nya. Matanda lang ito sa kanya nang tatlong taon at madaldal ito. Si Nikko naman ay hindi sila pinapakealaman. Si Raven naman ay tila ang eenjoy tumingin sa mga dinadaanan. Panay ang giggle nito kasabay pa nang paglalaro nila rito ni Minda.

Nag ring ang cellphone ni Nikko. Tulog ito kaya yinugyog ito ni Roxanne. Nasa likuran silang tatlo nila Minda at ni Raven. Nasa gitna naman si Nikko at nakahiga. Agad itong nasising at sinagot ang tawag.

Nanlaki ang mga mata nito. "Oh shit. Si Amber! Sagutin mo! Sagutin mo!" Tila takot na takot na sabi ni Nikko habang inaabot ang cellphone kay Roxanne. Nawala ang antok nito.

"H-ha? A-anong sasabihin ko? Teka," Tila nag panic rin si Roxanne. Kinuha na nito ang cellphone pero hindi pa magawang mapindot ang answer button.

"B-basta. Tsaka ka sumagot kung nagsalita na sya." Sabi ni Nikko.

Huminga nang malalim si Roxanne bago sinagot ang answer button.

"Hello? Nikko? Nasaan ka na? Nauna kami sayo nang kaunti." Maarteng tanong ni Amber.Nagpapa cute ito.

"Ah, I'm sorry p-pero hindi ito si Nikko. N-natutulog sya, but were on the way." Nanginginig pa ang boses nya.

"Ha? Who's this? Sino ka?"

"G-girlfriend n-nya." Mahinang sabi nya. Sinenyasan sya ni Nikko na ulitin iyon at lakasan. "Girlfriend nya ako. B-bakit?"

"What? Girlfriend my ass! Walang girlfriend si Nikko. Stop bitching, kung sino ka man!" halata ang pagka pikon sa boses nang babae.

"Hey, I'm not bitching. Pwede ba, huwag ka nang tatawag sa boyfriend ko? Kababae mo'ng tao, ikaw pa ang lumalandi sa boyfriend nang may boyfriend. Mahiya ka naman. Okay?" Sabi nya at agad iyong binaba.

Muli syang huminga nang malalim bago muling iniabot ang cellphone ni Nikko dito.

"Woah. Pwede ka palang pansabong, eh." Ngingiti ngiti na sabi nito.

Inirapan nya lang ito at muling nakipag kwentuhan kay Minda. Si Raven naman ay inantok kaya naka tulog.

Continue Reading

You'll Also Like

602K 10.4K 51
(SELF-PUBLISHED) (COMPLETED) [Los Herederos Series: Larzene Del Valle] Sira na ang buhay ni Larzene Faye Del Valle simula pa lang. Magulo na ito, pun...
266K 817 5
Hellina Marieve Amante, a Governor's daughter and a Mayor's sister, promises to herself that she wont let any of her family's enemies enter in her li...
65.3K 1.2K 53
Roa, a designer and boutique owner, wanted to move on from the man whom she courted and rejected her when she was in college. But years later, Nixon...
24.3K 505 33
COMPLETED CARTER SIBLINGS #2 Rylee Mariella Serino, a fashion model, met a guy who changed her life. The things that she experienced gave her a gift...