Game of Love (Kathniel And Ja...

Από smiley_dan

61.6K 1.4K 100

~ang pagibig parang laro, minsan talo, minsan panalo..kahit pagod na sige parin basta sa mahal mo.. ..pero da... Περισσότερα

Prologue
Chapter 4
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 5
Chapter 3
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12: (KathNiel)
Chapter 13: (JaDine)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter: 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
The Final Game
EPILOGUE

Chapter 40

813 19 0
Από smiley_dan

Kath's POV

"ano? Masarap ba?" Tanung ni DJ sa dalawang binibining nasa harap namin na nagaalanganin pang tikman yung luto ng asawa ko^_^

"A-ayus naman kuya, kunting practice pa perfect na" kumento ni yna..kung hindi ko lang kilala to si yna, baka nasabi Kong sinungaling sya..haha joke langxD

"Ikaw Jane?"

"Grabe kuya ang...pait! Sunog na nga wala pang lasa" deritsahan na sabi ni Jane..grabe talaga sa kuya nya.  Andun na yun eh, pangiti na yung kuya nya haha. Expected ko na yang mga comment na yan. Kaya nga pinauna ko muna yung dalawa tumikim eh..haha pero dahil mahal ko ang asawa ko, titikim din ako gano man kapait ang luto nya^_^..

"Ok lang yan mine, masharap naman eh *gulp* oh diba?"

"Oo nga kuya, joke lang yun ano kaba. Masarap sya...sa kabaliktaran" sabay tawa ni Jane na nag peace sign pa..

"Pasalamat ka kapatid kita, kungdi..."

"Kungdi ano kuya?! Bubuntalin moko?!"

"Hin-- oo!"

"Ate oh! Si kuya huhuhu" yumakap pa sa braso ko...nandamay pa eh..hehehe

"Masarap naman diba yna? Diba?" Pangungulit pa ni DJ..

"Huh? Ah oo! Oo naman kuya haha" sagot ni yna..

"Kitams, pati si yna nagsisinungaling na rin hahaha" pangaasar naman ni Jane sa kuya nya..nasa gitna pa ko eh..sinamaan naman ng tingin ni DJ si Jane.."joke lang hahaha"

"Good morning po!" Sabay sabay kaming napalingon dun sa bumati..

"Oh hi JD! Good morning too!" Bati ni Jane..

"Kamusta tulog ng baby namin hah?" Kinarga ni DJ si JD..ang cute! Para silang mag ama tignan..

"Ok na ok naman po!" Sagot ni JD..

"Eh ang Tito bailey mo gising na ba?" Tanung ko..

"Hindi pa po eh, nagising nga po ako dahil  sa hilik nya eh" lahat kami natawa dun sa sinabi ni JD.."asan po pala si mommy? Wala sya dun sa kwarto nya eh.."

"Oo nga ate Kath, asan na po si ate?" Tanung naman ni yna..

"Sabi kasi ni mommy ipapasyal daw nya ako mamaya..excited na nga ako eh!" Nagkatinginan kami ni DJ. Pano ko ba to sasabihin sakanya..ibinaba ni DJ si JD..

"Pumunta na kasi si mommy sa work eh, hindi na sya nakapagpaalam sayo dahil Tulog kapa nun" pagkukwento ko..
"Bat ang aga nya pumasok?"

"May tatapusin pa kasi ang mommy mo sa office nya kaya maaga syang pumasok"..bigla namang sumimangot yung mukha nya..kahit ako naman pag papangakuhan ako ng ganyan tapos hindi pala matutuloy masasaktan din ako.."wag kanang malungkot JD"

"Sabi nya kasi ngayun kami mamamasyal eh" nakayukong sabi nya..napatingin ako sa tatlo, mukhang pati sila naaawa Kay JD..

"Wag kanang sad JD, andito naman kami ah..maglalaro tayo kahit anong oras mo gusto promise ko yan" pero bigo si yna na mapangiti si JD..gusto nya talagang makasama ang mommy nya. Gusto ko sanang dalhin sya sa mommy nya kaso busy naman si nadz..hmmm

"Kung kayo nalang kaya magpasyal Kay JD?" Sambit ni Jane..

"Gusto mo ba yun JD? Papasyal tayo with Tito ninong mo?" Dahan dahan syang ngumiti at tumango sakin.. Buti naman ngumiti na sya^_^

"Ayun! So let's go? Maghahanda na ba ako?"- Jane..

"Hmmm tutal ikaw naman nakaisip...maiwan ka dito" pangaasar ni DJ

"What?! Yna..." Tumingin pa sya Kay yna tila pinapapayag si yna na sumama

"Hindi ako pwede Jane, may pasok pa ko mamaya eh"

"Marami pa naman bagong damit ngayun sa mall" pag pout ni jane

"Pano mo alam, eh hindi ka naman taga dito?"-natatawang tanung ni dj

"Eh? Basta alam ko lang"

"Bahala ka, parusa mo yan"

"Totoo naman ah..ang daya!" Pagmamaktol ni Jane..

Habang nagtatalo pa yung dalawa, sumenyas na ko Kay yna na papaliguan ko lang si JD..pagdating namin sa kwarto nya, mahimbing pa na tutulog si bailey ng nadatnan namin..hindi na nahiya feeling kwarto nya to nasakop na nya yung Kama ni JD eh tsk! Tsk!

"Here tita ninang.." Inabot nya sakin yung damit na susuotin nya.."saan po tayo unang mamamasyal tita ninang?" Tanung nya habang tinatanggal ko yung pangtulog nya..

"Kahit saan basta dun sa sasaya ka." Pinindot ko yung tip ng ilong nya.."kasi kapag nakangiti ka  masaya na rin kami ng tito ninong mo..pwede mo ba akong bigyan ng isang ngiti Jan?" Ngumiti naman sya sakin na ikinatuwa ko naman kaya napayakap nalang ako sakanya..parang anak ko na rin tong batang to eh..Sana pag nagkaanak ako yung katulad rin ni JD na matalino, magalang at mabait...

"Wait mo nalang ako dito tita ninang hah, liligo lang muna ako" tumango ako at dumeritso na sya sa cr ng kwarto nya..habang naliligo sya, tinawag ko naman na si DJ para maligo na.

--
"Tita ninang, ang ganda po dito! Wow..." Halos hindi ko marinig na sabi ni JD. Maingay kasi yung fountain. Manghang mangha sya dun. Masaya syang nanunood habang kami ni DJ nasa likod lang nya. Napagalaman ko rin na ito pala ang inaabangan nilang magina kaya ganun ka nalang excited pumunta dito si JD kasama ang mommy nya. Tulad ng mga bata, sa park namin unang pinasyal si JD sabi ko nga, ngayun ang unang bukas ng fountain na to..

"Ano, nagenjoy kaba?" Masayang tanung ni DJ pagkatapos nung show. Naupo kami sa isang bench.

"Opo...kaya lang mas masaya Sana kung kasama natin si mommy.." Nakayuko nyang sabi..kinandong sya ni DJ.

"Sa ngayun, wala dito ang mommy mo para samahan ka. Pero sure naman ako na babawi sayo ang mommy mo eh. sa time na yun, kayo naman dalawa ang mageenjoy kaya wag kanang malungkot. Kami muna ngayun ang magpapasaya sayo ok?" Paliwanag ni DJ..

"Nagugutom kana ba?" Tanung ko..

"Ako gutom na mine!" Tinaas nya pa yung right hand nya..

"Tara Kain muna tayo JD.." Humawak sya sa kamay ko. Nasa likod lang namin si DJ.."hindi ka nagbreakfast kanina kaya dapat lang kumain ka.."

"Tita ninang ang sarap po ng mga inorder nyo..nabusog po ako ammmm!" May pahimas himas pa sa tyan^_^

"Buti naman kung ganun"

"Teka? Asan po si Tito ninong??" Saktong pagkatanong ni JD ay ang pagdating naman ni dj..

"Oh, nabayaran mo na ba?"

"Walang problema!" Mayabang nyang sagot. Nag roll eyes lang ako tsaka umuna na kami ni JD. Dapat lang na sya ang magbayad ng mga kinain namin, Sya kaya ang pinakamadaming kinain..tsss

"Saan ang next punta natin JD?" Tanung ko..tumingin sya kaya DJ na nasa likod.

"Sa mall tita!" Masaya nyang sabi tapos nagapiran silang dalawa. Hindi lang ako sinama sa trip nila(-_-)

Habang papunta kami ng mall, si DJ ang nasa driveseat si JD naman ang nasa front seat. At ako? Nasa backseat lang naman walang kausap habang yung dalawa nagtatawanan at nagdadaldalan. Edi sila na magkasundo. Ako na yung OP dito. Sinama ko nalang Sana si Jane para may kakwentuhan ako. Amp!..

"Andito na tayo!!" Nauna ng bumaba si JD. Pinagbuksan naman ako ni DJ ng pinto..

"JD! Wag masyadong mabilis..hintay mo kami." Paalala ko..himinto naman sya tsaka kami hinintay..

"Hayaan mo na si jd, excited lang kaya ganyan." Sabi ni DJ sabay akbay sakin..."gusto mo na bang magbasketball hah jd?" Tanung nya Kay jd..

"Gustong gusto ko na po!..Tara na Tito ninong Dali!" Tsaka nya hinila si DJ papunta sa arcade.. So yun pala yung topic nila kanina..nakasunod lang ako sa likod nila. Napapatingin naman sakin si DJ habang hila hila parin sya ni jd..sa sobrang excited, deritso na silang pumasok. Ni Hindi pa nga sila nakabili ng token eh^_^ nakalimutan na nilang hindi gagana yung machine hanggat hindi sila naghuhulog ng token dun sa lalaruin nila.

"Ah mine.." Tinignan nya ako na parang may problema. Mapagtripan nga^_^

"Bakit?" Inosente Kong tanung..

"Nakabili kaba ng token?"

"Tsss...oh!" Tapon ko sakanya nung limang token na naka tape..."excited kasi kayo masyado"

"Ang galing mo talaga tita!" Sabi nung isa sabay apir sakin..tumingin ako Kay DJ..

"you're Welcome.." Sarcastic Kong sabi. Pumwesto nako sa gilid habang sila naman naglaro na.

Pagkatapos nilang magbasketball, pumunta naman sila sa Bump car. This time, sinama na nila ako sa loob. Kasama ni DJ si jd sa isang car ako naman..alone. Dapat si jd kasama ko dito eh tssss-_-..

"Mommy bump car tayo please?" Rinig Kong pakiusap nung batang babae sa mommy nya..nakita ko agad yung sarili ko dun sa bata. Dati kasi hindi ako pwedeng maglaro ng mga ganito lalo na sa mga rides. Baka daw kasi mahulog ako sabi ng papa ko.

"Hindi pwede wala kang kasama eh.."

"Pero mom, I want to.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit nako dun sa magina.

"Ate, kung OK lang po sainyo, ako nalang po sasama sa anak nyo" tutal magkasama naman yung dalawa eh. Nakatangong ngumiti lang sakin yung mama nya..

"Yehey!" Masayang sambit nung bata..

"Oh boys vs. girls pala hah...let's go!" Sambit ni DJ. Sumakay na kami sa kanya kanya naming cars.

"Thank you nga pala ate sa pagsama sakin dito, ako nga po pala si maymay" nginitian ko lang sya tsaka ko na inandar yung car namin..

Dahil bump car nga ang tawag sa laro na to, wala kaming pake kung mabangga namin ang ibang car.

*Brugsh!*

"Ooops!..sorry." Nag peace sign pa ko. Hindi ko kasi sinasadyang mabangga yung harap nila. Nagtinginan at nagbulungan silang dalawa tapos ay ngumisi sila samin ni maymay. Oh-uh..

"Yan pala gusto nyo hah" pagbabanta ni DJ..bago pa nila kami mabangga, lumayo na kami ng mabilis sakanila. Buti nalang pala kami lang ang naglalaro dito kaya kahit saan namin iliko ang sasakyan, OK lang. Hindi parin sila humihinto sa paghabol samin ni maymay. Naalala ko Tuloy nung nag dra drag race pa kami Nina nadz kaya naeenjoy ko naman tong laro na to yun nga lang habulan na ang nilalaro naminxD..naisip ko naman tong katabi ko. Oo nga pala may kasama pa ako.

"Ah may, hawak kang--"

"Kyaaaaaah! Ang saya nitooo!" Tili nya..nakangiti nalang akong tumingin sa harap..buti naman masaya sya..kakaibang bata haha^_^.

Naghabulan lang kami ng naghabulan hanggang sa maubos na yung time. Inaya na ng mommy niya si maymay. Halatang nagenjoy yung bata pati si jd na gusto pa daw ng isa. Lumabas kami ng arcade na nakangiti. Lahat kami nagenjoy sa laro na yun.

"Jd, magpalit ka muna ng damit baka ubuhin ka at sipunin" pagalala ni DJ habang kinukuha yung extrang damit ni jd sa mini bag nya..umupo muna kami para mapalitan na si jd ng damit. Ako ang naglagay ng powder sa likod nya't leeg tsaka na sinuot ni DJ yung damit nya.

Ang cute lang magalala ni DJ Kay jd. para syang amang nagalala sa anak nya. Siguro bawat dumadaan at napapatingin samin ang alam happy family kami. Yun rin nakikita ko sakanilang dalawa. Napangiti pa ko nung naglagay si dj ng towel sa likod ni jd at dahan dahan itong pinainom ng tubig.

Ngayun nakikita ko ng magiging maalaga at magpamahal syang ama sa magiging anak namin tulad ng pagalaga nya sa inaanak nya. Ang sweet lang nyang tignan..

"Mine, alam ko gwapo ako pero wag naman ganyan katitig baka matunaw ako eh" biro nya..ang lamig talaga dito sa mall noh?..haha

"Hahaha.." Tawa nalang ni jd..

"May gusto ka pa bang puntahan?" Tanung ko Kay jd na naglalaro na ngayun sa cp ni DJ.

"Stay muna tayo dito tita ninang magpahinga muna tayo" sagot nya na nakatuktok sa screen ng cp ni DJ..napagod din siguro to..tumabi naman si DJ sakin tsaka ako inakbayan..

"Nagenjoy ka kanina?" Tanung nya habang nakatingin sa malayo..

"Oo, ikaw?" Sinandal ko yung ulo ko sa dibdib nya..

"Syempre naman" hinalikan nya ko sa buhok.."lalo na nung nakita kong napapatawa si jd sa bawat bangga ng sasakyan namin sa inyo hahaha"

"Nakakailag kaya kami.." Maktol ko..

"Kaya nga ako nagenjoy dahil dun eh"..Napa frown ako sa sinabi nya.."nakikita  kasi kitang masaya at nageenjoy, kayo ni jd" napayakap ako sakanya. Sa simpleng sinabi nya lang yun, kinilig nako..

"Buti nga niyaya ko si maymay eh yung batang babae nakasama ko kanina? Kahit papano napangiti ko yung bata" pagkukwento ko..

"Tara mine, uwi na tayo" napatingala ako sakanya..

"Huh? Bakit? Hindi pa naman nakakauwi si jd ah?" Pagtatakang tanung ko..

"Gawa na tayo ng baby natin, para may makalaro na si-- aray!" Binatukan ko nga..

"Tumigil ka nga!..marinig ka ni jd eh" saway ko..

"Hindi yan. Silent lang tayo shhh!" Ngumisi nanaman sya sakin..napakapilyo nya talaga..

"Tito ninong, nag vibrate po tong cp nyo" singit ni jd sabay abot ng cp ni DJ sakanya. Tinignan naman nito ni dj kung sino yung nagtxt.

"Oh sino daw?" Tanung ko..

"Si jane.." Natatawa nyang sabi..

"Bakit si Jane? Anung nanyari sa kapatid mo? Tsaka bakit ka natatawa?" Nagaalala kong sabi. Tumawa lang sya ng mahina.

"Wala. Ok lang sya." Chill nya sabi..

"Sigurado ka? Hindi naman yun magtetext kung walang problema eh."

"Nagtxt sya kasi natatakot daw sya dun sa biglang bumukas na pinto..tsss kakapanuod nya ng horror nyan" grabe talaga sya sa kapatid nya^_^..

"Andun naman si bailey ah?" Tanung ko..

"Yun nga reply ko eh, pumasok daw kasabay si ylona" ang kulit talaga ng lalaking yun! Kaya ko nga sya sinama dito para magbakasyon eh. Pumasok parin>_<..sayang lang yung effort kung magbigay ng excuse letter dun sa university nila..tssss lagot sakin ang lalaking yun mamaya.."oh, wag mo naman bugbugin si bailey Jan sa isip mo" natatawa parin tong katabi ko.tinampal ko nga sa braso.

"Jd, gusto mo ng toy? Bili tayo?" Alok ko Kay jd sabay agaw ko sakanya nung cp ni DJ.."magagalit sakin ang mommy mo kapag nalaman nyang pinapabayaan kitang magbabad dyan sa gadgets... Tsaka wag mong masyadong itutuk yang Mata mo dyan sa screen. Gusto mo bang bata kapa pero may salamin kana?" Paalala ko sakanya..umiling naman sya..

"Ayuko po. Ayaw ko munang maging lolo. Bata pa po ako eh" pareho kaming natawa ni DJ dun sa sinabi ni jd..

"Purkit ba nakasalamin, lolo agad?" Tanung ni DJ..

"Opo!" Sagot ni jd

"Hay naku, Tara na nga! Bili na tayo ng toys mo" aya ko..

Sinusundan lang namin si jd habang pumipili ng mga laruan..

"Tita ninang, ito nalang pong airplane.. Ok sakin to" sabi nya habang tinitignan pa yung napili nyang airplane..

"Yan lang ba gusto mo?" Tanung ko..

"Yes tita..ok na sakin to" tapos ngumiti sya samin..angbait nya noh? Sya yung tipong batang gustong gusto mong dalhin sa mall eh. Makakatipid ka kasi hindi gaano magastos^_^

"Bili na rin tayo ng ball mo. Para anytime na tayong maglalaro ng basketball sa bahay nyo" sabi ni DJ...

"Sige po! Isali din natin si Tito bailey hah?" Tanung ni jd..

"Oo naman, kung gusto mo isali na rin natin ang papa je mo" para namang nagningning ang mga Mata ni jd..

"OK po! Tara na po!" Hila nya Kay DJ. Nakalimutan na ata nya na kasama nila ako?..."wait, tita ninang sorry po hehehe" hinila nya din ako. Hindi pa pala^_^

"Mine, samahan mo ko dun sa dress shop" aya ni DJ pagkabayad namin dun sa laruan ni jd..

"Sige..para kanino ba yang bibilhin mo?" Tanung ko. Alam kasi nya na hindi ako masyadong mahilig sa mga dress kaya sure ako na hindi para sakin yan^_^

"Para kay Jane, pambawi ko lang sakanya" lumabas din ang pagkasweet nya sa Lil sis nya..

Tumungo na kami dun dress shop. Nakikita ko palang sa labas, andami ng magagandang damit mabibili. Bago kami makapasok, napansin ko naman na hindi hawak ni DJ si jd. Tinignan ko sa likod namin wala naman. Pumasok na rin ako baka sakaling nauna na pero wala rin.

"Nasaan si jd?" Nagaalalang natung ko..
"Diba hawak mo?" Nagsisimula na rin syang magalala..

"Sh*t.." Bulong ko nalang. Bumalik kami dun sa toy store na pinagbilihan namin kanina ng laruan nya.

Nanginginig na yung kamay at tuhod ko. Napaisip ako, pano kong target din si jd nung mga balak sanang makidnap kay Jane noon?..pano Kong totoo yung mga sinasabi ni papa?..

Nakita Kong nagtatanong na si DJ sa bawat madaan nya. Habang ako andito, hindi parin ang gagawin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may manyaring masama kay jd.

"Ano nahanap mo ba?" Umiling ako dun sa tanong nya. Makikita mo rin sa Mata ang sobrang pagalala.

"Tita ninang!" Napalingon ako dun sa tumawag. Isa lang ang tumatawag sakin ng 'tita ninang' sya lang at wala ng iba..

"Jd!" Lapit ko sakanya. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo.."saan kaba nagpunta hah? Pinagalala mo kami ng Tito ninong mo.."

"Sorry po tita ninang...sorry po titong.."

"Wala na yun. Basta sa susunod magpapaalam kana  pag may gusto ka man puntahan hah?" Paalala ni DJ..

"Opo Tito ninong" sagot ni jd..napabaling naman ako dun sa kasama ni jd.. Isang batang lalaki. Halos magkatangkadan lang sila pero mukhang mas matanda yung kasama nya.

"Ah jd, sino sya?" Tukoy ko dun sa kasama nya.

"Sya po si Carlo, new friend ko. Nagiisa po sya kanina kaya nilapitan ko" kwento ni jd..nakayuko lang naman yung Carlo. Feeling ko anytime iiyak na sya..lumuhod ako sakanya para magkasingtakad kami.

"Bakit ka magisa? Nasaan mga parents mo?" Tanung ko

"Humiwalay po ako sakanila. Para kahit minsan ako naman ang isipin nila. Hindi yung lagi nalang trabaho ang inaatupag nila.." Kwento nya..naglayas nga tong batang to..

"Carlo, Bumalik kana sa magulang mo. Sigurado ako nagaalala na mga yun sayo" sambit ni DJ..

"Hindi po. Kaya nga po ako umalis sakanila para magkaroon sila ng time eh. nabibingi na ko sakanila. Lagi nalang sila nagaaway. Hindi na nila inisip ang anak nila" nakayuko parin na sabi nya..

"Tita, Tito pwede po bang saatin muna sya sumama? Please?" Pakiusap ni jd..
Tumayo ako at tumingin kay DJ.

"Kahit hindi pa tayo ganap na mga magulang, nakita mo naman kung gaano tayo nagalala kay jd kanina. At alam ko na ganun din ang nararamdaman ng magulang nya ngayun" tama sya..super takot ang naramdaman ko kanina malamang ganun din ang nararamdaman ng nanay ni carlo ngayo..

"Jd ah ganito kasi yan, si Carlo hinahanap na sya ng mga parents nya. Hindi na sya sasama satin kasi sasama na sya sa mga magulang nya" pagaamo ko kay jd na mukhang gusto pa nyang makalaro si Carlo..

"Ok po" mahina nyang sagot..

"Ano bang pangalan ng parents mo?" Tanung ko kay Carlo..

"Si--"

"Carlo!" Hindi na natuloy yung sasabihin ni carlo. May tumawag na kasi sakanya.

Nanlaki ang Mata ko nung lumapit sya samin..

"James..." Hindi parin ako makapaniwala..

"Carlo anak, San kaba nagpupunta hah, pinagalala mo kami ng mommy mo" yakap nya kay carlo..sya ang parent ni carlo?!..wow..small word nga naman..

"Thank for...Kath?..hey Kath! Long time no see" bati nya sakin..

"Hi..anak mo pala tong si carlo?" napapatingin naman ako kay jd na tabi lang ni James, ng ama nya..

"Ah oo, salamat sa pagsama sakanya"..napatingin naman sya sa direksyon ni dj.."oh hi DJ" bati niya kay DJ na hindi man lang umimik.

"Ah baby, come here" tawag niya kay jd.."mine, bibilhan ko lang ng tubig si jd. Hintay ka na lang namin dun hah" bumeso sya sakin tsaka na kinarga si jd..

"Oh, galit parin sakin yun?" Tanung ni James sakin pagkaalis nila DJ.."ang tagal na nun ah...sa bagay hindi ko din naman sya masisisi. Hindi dapat kita iniwan nun eh" sabi nya habang karga karga yung anak nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Basta nakinig lang ako sa mga sinasabi nya..

Oo, magkagalit parin si James at DJ 'till now. Ewan ko ba dun sa asawa ko, masyadong mapride. Ako nga napatawad na si James eh. Sya pa tong ayaw patawarin ang kaibigan nya.

"Wala na yun saakin sadyang matigas lang talaga yung asawa ko" biro ko..

"Mahal na mahal ka nun eh" diin nya..yeah, totoo yun. And ganun din ako sakanya.. "Nga pala, sino yung batang karga ni DJ? Anak nyo?" That time, napalaki ang Mata ko at napanganga..alam Kong tunay na ama ni jd tong kaharap ko pero wala naman kasi ako sa lugar para sabihin ang totoo. Gusto ko man sabihin, inaalala ko din si nadz. Sya ang Ina, dapat lang na sya ang magsabi tungkol sa magama.

"Ah James... sa tingin ko kailangan ng magpahinga ng anak mo, tulog na oh. Tsaka hinihintay na rin kasi ako nila DJ. See you around nalang. Masaya akong makita ka ulit" palusot ko..wala na Kong ibang masabi eh

"Ganun din ako. Ingat!" Paalala nya nung pagkaalis ko..

Pagkalapit ko dun sa dalawa, si jd naglalaro sa cp ni DJ. Habang yung Tito ninong nya naman, nakatulala lang na hindi maipinta ang mukha. Hindi ko mabasa ang iniisip nya. Masyadong malalim eh, baka malunod lang ako^_^

Inaya na nya Kong bumili ng dress para kay Jane. Hindi ko na inopen up yung topic tungkol sa nanyari kanina. Baka hindi pa ko nito kausapin eh. Limang dresses ang binili ni DJ. Hindi daw kasi nya alam kung anong color ang gusto kaya yung Lima nalang kinuha nya.

After nya bayaran yung mga dress, dumeritso na kami sa kotse. Si DJ ang nagkarga kay jd, nakatulog na kasi kakahintay kanina. Ako naman ang nagdala ng ibang gamit. Sa kotse naman, syempre si DJ ang nagdrive sinamahan ko naman si jd sa backseat.

Pagdating namin sa bahay, nadatnan namin si Jane sa sala na nakaupo at nakacross arms. Mukhang galit na galit..

"Anyare sayo?" Tanung ni DJ..

"Ang tagal nyo kasi. Magisa lang kaya ako dito" reklamo nya..

"Oh," tapon ni DJ kay Jane nung shopping bag na puro dresses ang laman..umilag naman tong si Jane..

"Ano to?....oh my! Ganda!" Sabi nya habang nilalagay nya isa isa sa harap nya. Tila bang tinitignan Kong bagay sakanya?.."I like it! Thanks kuya!"

"No problem.." Tumingin naman sakin si Jane..

"Alam ko ikaw pumili mga to..thanks ate" yakap nya sakin..mahilig talaga sya sa mga dresses.

"Wala yun.maliit na bagay" yakap ko din sakanya..

Nagluto na kami ni Jane nang pang lunch namin..dinamihan ko na rin ang niluto ko  nagtxt kasi  si nadz sakin, dito daw sya  magla lunch baka sumugod din dito si nica kaya buti na yung handa..

*ding dong*

"Baka si ate nadz na yan" hula ni Jane..

"Geh ako magbubukas, tignan mo nalang yung dalawa kung gising na" utos ko..tumango lang sya at dumeritso na sa taas..pumunta na ko dun sa pinto para buksan..hindi nga nagkamali si Jane, si nadz nga Ito..

"Ang aga mo ata?" Tanung ko sakanya..

"Umuwi lang ako dito para makasama kayo" seryuso nyang sabi..."si jd, asan?" Sakto pagkatanung nya ay ang pagbaba naman ni jd..

"Mommy!" Yakap nito sa mommy nya..

"Behave ka ba dito hah?" Tanung ni nadz sa anak..nag nod lang si jd..

"Alam mo ba mommy may nawawalang bata kanina. Nagiisa lang sya kaya nilapitan ko."

"Tapos anung nanyari?" Pagsususi ni nadz..

"Naging friend ko po sya. Dumating naman po yung daddy nya para sunduin sya. Kilala pala ni tita ninang yung daddy nya..diba po?" Tanung nya sakin..

"At sino naman tong kilala ni tita ninang na daddy ng new friend ng baby ko?" Diin ni nadz habang nakatingin sakin..

"Ah halika jd, maghilamos ka muna" tawag ni DJ kay jd..umakyat na sila sa taas. Habang si nadz nakatingin lang sakin tila hinihintay yung sagot ko..

"Mga ates! Handa na ang pagkain!!" Biglang dating naman ni Jane..

"Tara Kain na tayo" aya ko..pumunta naman na kaming tatlo sa kusina. Hindi na ako ulit tinanong ni nadz tungkol dun sa kanina. Sinakyan nya lang siguro ang anak nya sa pagkagoodvibes nya.

Buti nalang talaga nakalusot ako. Mas mabuti pa sigurong wag ko muna sabihin sakanya abg tungkol sa magama.

Daniel's POV

"Dito ka lang, kukuha lang ako ng damit mo hah?" Bilin ko kay jd na kakatapos ko lang paliguan..

"Tito, may daddy po ba kayo?" Tanung nya nung pagkalapit ko..

"Oo naman, bat mo natanung?"

"Kasama nyo po ba sya?"

"Hmmm minsan. May work kasi sya minsan sa ibang bansa..para saan ba yang mga tanung mo?" Nagtataka Kong tanung sakanya..

"Bakit ganun si carlo sa daddy nya? Sabi nya hindi sya mahal ng daddy nya eh nagaalala nga sya at sumaya nung nakita nya si Carlo eh" napatitig lang ako sa mga tanung ni jd. Ang bata bata nya pa pero iniisip na nya yang mga bagay na ganyan..

"Ganun kasi ang mga daddy sa mga anak jd" paliwanag ko habang sinusuot sakanya yung T-shirt nya..

"Eh yung daddy ko kaya Tito, nagaalala din ba sya sakin tulad ng pagaalala ng daddy ni Carlo sakanya"..napahinto ako dun sa tanung nya. Ito na yung araw na kinakatakot ni nadz. Hinahanap na nya ang ama nya.."kilala din ba ni tita ninang yung daddy ko?"

"Marami ka namang daddy dito ah, si papa je mo, ako, pwede rin si Tito bailey.. Pero wag mo syang tawagin 'daddy' baka magulat tita ninang mo eh. Alam mo na, baka mabugbug pa nya Tito bailey mo" natatawa Kong kwento..

"Ano kayang feeling na may daddy ka? Yung totoong daddy mo talaga?" Nakatungo nyang sabi..hindi ko na kaya mga katanungan nya. Naistress na tong munti Kong brain!

"Hayaan mo, hindi kami magsasawang ipadama yun sayo"

"Pano kung---"

"Hep! Isang tanung pa iiwan na kita dito" warning ko..ang kulit eh. Balak pa atang magtanung tungkol sa ama nya

"Hehehe sabi ko nga po eh, tara na po gutom na ko eh" habit na siguro ng batang to ang hilain akong parang aso.tssss..

********

Sorry sa late update^_^V

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

333K 7.5K 33
Bored ako
215K 12.8K 7
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
3.7K 247 8
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.
19.2K 141 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...