The Prince Who Stole My Glass...

By VentreCanard

20M 838K 191K

In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of yo... More

Prologue
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 28

301K 12.1K 1.8K
By VentreCanard

Chapter 28


Isang linggo na ang nakakaraan simula nang maging boyfriend ko ang lalaking laging niaaway. Wala akong pinagsisihan sa mga sinabi ko. Hindi ako sobrang maaapektuhan ng ganito kung wala akong nararamdaman sa kanya.

I love Rashid Amadeus Villegas.

Hindi ko hahayaang mapariwa pa ang landas niya, kung ang pagdating ko sa buhay niya ang magpapatigil sa hindi makataong paghihiganti niya sa mga taong kinamumuhian niya. Hinding hindi ko na siya iiwan.

Mahal ko siya at hindi ako papayag na may mangayaring hindi maganda sa kanya dahil walang kahit sinong nagpapayo sa kanya ng mga tama at dapat gawin sa buhay.


Minsan naiisip ko, masyado ba kaming mabilis? Masyado ba akong nagmadali? Bakit hindi ako kagaya ng ibang babae na ilang buwan o halos taon ang binilang bago sagutin ang lalaki? Sukatan ba ang haba ng panahon para malaman kung seryoso ang isang lalaki?

Napailing na lang ako, para sa akin wala sa panahon ang sukatan ng lahat ng bagay. Kung alam mong mahal mo na ang isang tao, bakit mo pa kailangang patagalin ang mga bagay bagay?

Bakit mo pa pahihirapan ang isang tao na maramdaman ang pagmamahal na siyang kailangan niya para maging mas mabuting tao?


My love for him is like a medicine. It may not cure the scar on his heart from the painful past, but it can be an effective maintenance to warm and nurture his heart.


Kasalukuyan kaming nagdadate ni Rashid, dahil linggo ngayon wala akong tinda ng halo halo. Wala rin piyestahan na siyang tutugtugan ng aming banda at hanggang ngayon ay nasa bakasyon pa rin sa ibang bansa si Tita Tremaine at ang mga anak niya.

Buong araw kaming magkasama ni Rashid. Hindi tulad ng mga date na nasa mall, sa mga theme park at sa mga mamahaling restaurant. Pinili ni Rashid na magbiyahe kami sa isang probinsya.

Sinabi niya na Leviathan daw ang tawag sa lugar na ito. Nasa ilalim kami ng puno na nasa tuktok ng isang burol, tanging mga bermuda lamang ang nakikita ng mga mata ko, mga halaman sa kalayuan at ilang nagtatakbuhang mamahaling mga kabayo. Napakaaliwalas ng lugar na ito, masarap ang hangin at napakatahimik.


Natutulog si Rashid sa aking kandungan habang tahimik akong nakasandal sa ilalim ng puno. Nakalatag din ang kulay puting tela na siyang pinaglalagyan ng mga pagkain namin. It's a picnic date.


Marahan kong hinahaplos ang kanyang magulong buhok habang pinagmamasdan ko siya. He's a pretty boy, lalo na kapag natutulog. Hindi siya kagaya ng mga lalaking mukhang bad boy, possessive na parang mabilis mag init ang ulo, harsh at laging naghahanap ng away.

Rashid Amadeus Villegas is like a prince from a fairytale book. Kulang na lang sa kanya ang damit na pang prinsipe at korona para masabing isang prinsipe. Akala ko noon tanging sa mga babae lamang ang salitang 'pretty' pero nagbago ang pinaniniwalaan ko.

Si Rashid ang tipo ng lalaking hindi nakakasawa ang kagwapuhan, hindi nakakasawang titigan at lalong hindi mayabang tingnan. He's cute. At mas lalong mahuhulog ang mga babae sa kanya kapag nagsimula na itong magsalita. Isang niaaway lang niya na may kasamang panguso at singkit na mata, tulala na ang babae sa kanya. Masyado siyang pa baby.


Hinayaan ko ang mga daliri kong haplusin ang pilat niya malapit sa kanyang mga labi. Alam kong kay Rashid lang babagay ang pilat na ito lalo na kung ngumingisi siya.

Pinagpatuloy ng mga daliri ko ang paglalakbay sa gwapo niyang mukha, ilang beses akong napalunok nang marahan lumapat ang mga ito sa labi niya, labi ni Cinderello na mahilig sa straw. Napakagat labi na lang ako para pigilan ang pagtawa ko. Dumaan pa kami kanina sa isang convenience store para bumili ng straw.


"Rashid.." mahinang tawag ko sa kanya.

Napanguso na lang ako nang hindi siya sumagot sa akin. Anong ginawa nito kagabi at tulog na tulog siya ngayon? Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng libro.

Pero hindi din nagtagal ay naramdaman kong bahagya siyang gumalaw.


"Baby.." napabuntong hininga na lang ako at inilagay kong muli ang isa kong kamay sa buhok niya at sinimulan ko itong haplusin ulit. Dinaig ko pa ang may 'baby' na pinapatulog.

Tumagal siguro ng mga labinlimang minuto ang pagbabasa ko bago ko muling marinig ang boses ni Cinderello. He's been whispering my name. Kung pagmamasdan ko naman siya, alam kong totoo siyang natutulog.


"Aurelia.."


"Aurelia.."

Tatlong beses niya pang tinawag ang pangalan ko at palambing na ito nang palambing. Ibinaba ko na ang libro ko at pinagmasdan ko na lamang siya. Isa pa sa hinding hindi ko makakalimutan simula nang naging opisyal ko na siyang 'baby' ay ang pananakit lagi ng iba't ibang parte ng katawan niya.

Lagi na lang may masakit sa kanya at kapag hindi ko siya agad pinansin o inasikaso ay niaaway ko na naman daw siya. Gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko na 'lalambingin ko siya kapag inaway ko siya' masyado na niya itong ginagamit sa akin.

Gustong gusto niya rin na nakasuot ako ng pang nurse. Halos mairita pa ako sa kanya kahapon dahil sinabi niyang magsuot daw ako ng pang nurse sa date naming ito. Like seriously Cinderello?

Mas gusto rin niya na nakalugay ang buhok ko tuwing nakasuot ako ng pang nurse kaya tinatanggal niya ang pagkakapusod ng buhok ko kapag kami na lang dalawa ang magkasama. Napakaraming gusto sa buhay ng lalaking laging niaaway.


Dahil sa panggigigil ko sa kanya hindi ko na napigilan ang kamay ko na pitikin ang matangos niyang ilong. Nangunot ang noo ko nang hindi pa rin siya magising.


"Rashid, gising na.." marahan kong tinapik ang pisngi niya. Muli akong napabuntong hininga, nagsimula na akong abutin ang tinapay. Nagugutom na naman ako pero natigil ako sa pagkuha nang makita ko sa sulok ng aking mga mata na nagmulat ang kanang mata ni Rashid. Nang sulyapan ko siya ay agad niya itong ipinikit.

Hindi ko na alam kung matatawa na ba ako sa ginagawa nitong si Rashid, sige magtulog tulugan ka pa.


"Rashid, aagawin ko na ang yakult mo.." mabilis siyang bumangon sa sinabi ko. Dito na ako tuluyang natawa.


"You're so funny Rashid, kanina ka pa sigurong gising.." ngumisi siya bago niya marahang niya lang pinisil ang baba ko.


"Pinapanuod mo pa ako, ayaw kitang istorbohin.." agad nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Sinong hindi mawiwiling panuorin siyang natutulog?

Kinapa na niya ang basket namin at kinuha niya ang paborito niyang inumin. Inabot niya ito sa akin para ako mismo ang magtusok ng straw para sa kanya.


"Walang kamay? Bakit simula nang sagutin kita Rashid masyado ka nang nanghina? Magtutusok lang ng straw. My god" napairap na lang ako habang pinagmamasdan siyang umiinom ng yakult na may straw. Ang arte niya talaga.


"Nilalambing lang kita Aurelia, sabi mo sa akin lalambingin mo ako araw araw. Hindi naman pala.." bahagya pa siyang ngumuso sa akin na parang ang laki ng kasalanan ko.


"Oh my god Rashid.." halos paypayan ko na ang sarili ko sa naririnig ko sa kanya.


"Aurelia.." hindi ko siya pinansin. Magsisimula na naman po si Rashid Amadeus lalong lumandi Villegas.


"Aurelia.." hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya ito sa pisngi niya. Ganito pala si Rashid kapag bagong gising. Para siyang baby na gustong dumede. What the hell is that Aurelia?!


"What?" nagkunwari akong iritado.


"Hindi pa ulit tayo nagkikiss, last na 'yong sa greenhouse.." halos hindi ko na masalubong ang singkit niyang mga mata. Bakit ganito ka na naman Rashid? Mas payapa pa ang tibok ng puso ko nang natutulog ka lang.


"Anong gusto mo na naman Rashid? Ayaw ko sa labi mo, lasang yakult. Hindi ako mahilig sa yakult.." pilit kong ginalingan ang pag arte ko sa kanya habang siya naman ay nakaawang ang mga labi na parang walang masabi sa mga sinabi ko.


"Niaaway mo na naman ako Aurelia.." mas lalong humataw ang pagtibok ng puso ko nang tumabi na siya sa akin.

Mas dumikit pa siya sa akin at halos magtindigan ang mga balahibo ko sa batok nang hawiin niya ang mga buhok ko at isubsob niya ang mukha niya sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang init ng paghinga niya. Shit Cinderello.


"You hate yakult Aurelia?" tanong niya sa akin.


"I don't hate yakult Rashid, hindi mo lang ako katulad na ginagawa na yatang tubig ang yakult. Mabubutas ang bituka mo sa ginagawa mo.." nanatili akong hindi lumilingon sa kanya. I can't, maglalapat na naman ang mga ilong namin hanggang sa mahalikan ko na naman siya.


"Talaga?" tanong niya sa akin na parang hindi niya alam.


"Hindi mo alam Rashid? Sabi ko sa'yo Zesto na lang ang inumin mo, susuportahan pa kita. Not yakult Rashid, ayokong mabutas ang bituka mo Cinderello.." bahagya akong tumawa para mawala ang kaba sa dibdib ko.


"We did buy some right? Nauuhaw ako Aurelia.." ngayon naman ay yumakap na siya sa akin.


"Kukuha ako sa basket, bitawan mo muna ako.." humigpit lalo ang yakap niya sa akin.


"If I drink that Zesto, hindi na ako lasang yakult Aurelia?" nawala ang kaba ko sa dibdib nang marinig kong sinabi niyang ito. Rashid Amadeus Villegas and his baby talks. Damn.


"Ewan ko na sa'yo Rashid!" gamit ang dalawang daliri ko ay tinulak ko palayo ang noo niya sa akin dahilan para bitawan niya rin ako. Inabot ko ang basket at kinuha ko ang Zesto ng lalaking niaaway.

Nang sulyapan ko si Rashid ay kunot ang noo niya habang kinakamot ang kanyang kanang sentido. May pantal ang kawawang prinsipe, nakagat yata ng insekto ang lalaking niaaway. Halatang halata pula sa kanya dahil maputi siyang lalaki.


"Kinagat yata ako ng langgam nurse.." ito na naman po siya. Kahit kagat ng langgam tatawag na siya agad ng nurse.


"Saan? Kawawa naman pala ang baby ko nikagat ng langgam.." umikot ang mga mata ko sa sinabi ko. Pero si Rashid, lumapad ang ngisi.

Bago ako lumapit ako sa kanya ay itinusok ko na ang straw sa Zesto at inabot ko na ito sa kanya.


"Here baby.." itinuro niya ang kanyang namumulang sentido. Agad akong humawak sa magkabilang balikat niya at hinalikan ko ito.


"Done.." sabay irap ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin bago niya inabot sa akin ang Zesto na galing sa labi niya para uminom ako. Sumunod ako sa gusto ng 'baby' at habang umiinom ako ay naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko.


"I want to meet your parents baby..."



--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 67.1K 56
Cupid Gone Wrong Book 2 Light only
8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
28.2K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.