By Chance We Love (Completed)

By Miss_Aech

79.6K 850 259

Shian Aldeguer is fully determined that Jeiko Valerio is the leading man of her love story. That her masungit... More

By Chance We Love
The Beginning
Chapter 1 - #JeikoValerio
Chapter 2 - #Platonic
Chapter 3 - #Date
Chapter 4 - #HeLikesMe
Chapter 5 - #RightTime
Chapter 6 - #Ikaw
Chapter 8 - #BadWords
Chapter 9 - #Jeiko'sPOV
Chapter 10 - #Bwisita
Special Chapter: Kalem Montesor
Completed Version

Chapter 7 - #SuperBoy

1.2K 59 5
By Miss_Aech


"Anong sabi mo?" gulat ngunit seryosong tanong ni Jeiko sakin.

Napalunok ako. Kinunot ko ang noo ko at itinuro siya, "Ikaw! Ikaw sino ba gusto mo!?" tanong ko na parang wala lang. Makalusot lang!

Kumunot lalo ang noo niya. Dang! Galing mo talagang magpalusot, Shian!

Napalunok ako at taas noo siyang tinignan. Hindi niya pa dapat malaman ang feelings ko!

"Sino ba kasi ang gusto mo? Si Jessie ba o si Thria? Gusto ka kasi ni Thria and I think she only told you that I like Franco to get your attention," mabilis kong sagot.

Please sana naman wag mo nakong tanungin pa sa katangahan ko.

Seryoso parin ang mukha niya at humalukipkip, "Why are you asking me that when I was the one asking you who,"

Patay!

"Well then I'm asking you the same question," humalukipkip ako. Good! Good!

"Ikaw," simpleng sagot niya na ikinalaki ng mata ko. He bore his eyes on me and put his hands on his pockets.

Ha?

Ano daw?

Teka?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, "H-ha?" nabibingi naba ako?

Lumapit siya sakin, "Ikaw, ikaw muna sumagot..." malamig niyang sagot.

Toinks! 😑😑😑 bwesit!

I heard a breaking sound, well, that's my heart shattered with a the little hope. Dang! Umasa ba ako o nagets niya ang katangahan ko? Waaah! Sana hindi!

I sighed, "W-well, marami din akong crush, pero wala pa 'kong...nagugustuhan talaga..." sabi ko sabay tingin sa kaniya. "I-ikaw naman..."

He just shrugged, "Marami akong gusto, Shian..." anya at tumingin sa malayo.

Sinundan ko ang tingin niya, then I caught him looking at a girl. Well, I don't know who's exactly the girl he's looking kasi may dalawang babaeng naglalakad papunta sa kabilang building.

Ang babaeng skinny na maganda at isang babaeng nakasuot ng glasses at mataba, I know this girl, she's Farana if I'm not wrong.

Well, I guess the pretty one is his type.

"What about love, Jeiko? Aren't you tired playing around? Ayaw mo bang...magseryoso?" mahina ngunit matapang kong tanong.

Alam ko kung ano ang isasagot niya. Alam kong sarado parin ang utak at puso niya, pero mananatili akong maghihintay sa oras na buksan niya ito.

As expected he shook his head, "I'm still young, Shian. And love? I think it only exist in your world. A world, that a person like me wouldn't have..." he coldly said at saka ako tinalikuran. Badtrip nanaman.

Gustuhin ko mang magsalita, gustuhin ko mang kumontra sa pananaw niya sa pag-ibig at sabihing I would share my world to you, hindi ko magawa. Wala akong magawa. Wala siyang alam.

Jeiko is fully determined, just like me. Ang kaibahan ay, determinado siyang ikulong ang sarili niya sa nakaraan, habang ako naman ay determinadong ibalik siya. Ang dating siya.

Everytime, I would open the topic about love, ayaw niyang pag-usapan. Nababadtrip siya kapag makikipag-diskusyon pa ako sa kaniya tungkol sa true love.

Totoo naman talaga, I mean, look at my parents? Masaya sila. Nabuo kami ni Sheun. It's true love.

Naisip ko, baka heartbroken talaga si Jeiko sa ex niyang sineryoso niya pero naisip ko rin na baka sobrang depressed parin siya sa pagkawala ng Mom niya.

Pero bakit ganoon? Alam 'kong naka-move on narin kahit papaano si Jeiko noong nandito pa siya. He was just mad of his Dad dahil sa kapabayaan nito sa Mom niya.

Nakakapagtaka kung bakit bigla nalang siyang nagbago. He ought to himself that he won't be like his father pero mukhang kinain niyang ang sinabi niya.

Bumalik nalang ako sa room at nandoon parin sila. Bwesit! Hihila-hilahin kasi ako tapos iiwanan rin pala. Pa-eksena talaga 'tong si Jeiko Karlo.

Wala na si Jessie pero si Thria naroon magkausap sila ni Franco sa labas. Yung ibang kaklase namin ay nasa loob na.

They didn't saw me coming pero mabuti nalang 'yun para may makalap akong impormasyon tungkol sa plinaplano nilang dalawa.

Dahil isa lang ang nakikita kong rason; Nilalandi ako ni Franco para mapunta si Thria kay Jeiko. Best friend sila kaya malamang magtutulongan. Strawberries!!

"Thria Liyanne you're so stupid. You're clinging to Jeiko like some fucking desperate girl," mariin na pagkakasabi ni Franco sa best friend niya.

Magkaharap silang dalawa, tila walang pakialam sa paligid nila. Habang nakatingin sa isa't-isa ay parang sila lang sa mundo.

Humalukipkip si Thria, "So what? I like him. Ayaw mo nun? Gusto ko si Jeiko at gusto mo rin si Shia-"

"I told you, I don't like her." mariin nitong sagot.

And then that hit me. He doesn't like me. Sinasabi ko na nga ba! Pinagti-tripan nila ako!

Pero kung hindi naman siya inutosan ni Thria na landiin ako then why? At mukhang naisip din ni Thria ang naisip ko.

"Then why? Why are you giving her flowers? Why are you flirting with her?" naguguluhang tanong nito. Right! Tama!

"None of your business," supladong sagot niya at tinalikuran na si Thria.

Thria is about to say something when she stopped because she saw me. Bahagyang nagulat din si Franco ng makita niya ako.

Sinamaan ko sila ng tingin. Saktong tingin para malaman nilang narinig ko ang pinag-usapan nila.

Mas matindi ang binigay kong tingin kay Franco. How dare he play with me? Tsss...

Pumasok na'ko sa room at nang makita ako ni Pons ay kaagad siyang tumayo at sinalubong ako.

"What the hell was that! Anong eksena 'yun?" tanong niya.

Umirap ako, "Sa ki daming eksena nangyari sa umagang ito, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo," badtrip 'kong sinabi at umupo sa upuan ko.

Tumayo siya sa gilid ko, "Really!? Then spill! Isa-isahin mo!" excited na sabi niya at niyugyog pa ako.

Napansin ko ang mga matang kuryusong tumitingin sakin. As expected, lahat sila nagtataka kung bakit ganoon ang eksena namin kanina.

Nang makita ko si Franco napapasok kasama ang professor namin ay nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa harap. Si Pons naman ay bumalik na sa upuan niya.

Philosophy ang subject ngayon at hinahanapan kami ng partner para sa designs na ipapasa namin next next week. By partner para mabilis.

So ayun, si Pons ang pinili kong partner pero ang bruha tinaboy ako dahil daw target daw niya ang bagong lipat naming kaklaseng lalake.

"Eh sino yung partner ko, kung ganoon?" tanong ko kay Pons habang nakapamewang.

She sighed and then looked behind me, "Kayo nalang partner ni Shian, Franco!" malakas na sigaw ni Pons.

Nanlaki ang mata ko. Kaagad akong umiling-iling, "No! Ah, I mean, wag na, mukhang may partner na siya..." tukoy ko sa babaeng kausap niya.

Franco gave me his cold stare then looked up with the girl standing beside him. "Sorry, Kris, si Shian ang partner ko," sabi nito sa babae at bumaling muli sa akin.

Napaawang ang bibig ko. Bigong umalis ang babaeng si Kris upang maghanap ng bagong partner.

Napalunok ako and there I realize that Franco's already standing in front of me.

"Ayos lang, Franco. Kay Kris kana lang makipagpares." sabi ko at tinalikuran na siya, inilibot ko ang tingin sa buong klase pero mukhang si Kris ay nakahanap narin ng partner.

"No choice, Aldeguer. You're with me," bulong ni Franco mula sa likod ko.

Napakagat labi ako. Not that I'm effected with him, it's just because nakakairita siya. I know he's game and I hate him for still playing it.

Padabog akong umupo sa upuan ko. Sinamaan ko ng tingin si Ponsithia na ngayo'y masayang masaya sa kaniyang partner.

Kung alam niya lang siguro ang nangyari at narinig ko kanina sa labas ay paniguradong siya pa ang hihila sakin palayo sa dalawa.

Matapos ang Philo namin ay lumabas na kami ng room. Sa kasamaang palad, sinundan ako ni Franco.

"Hintayin kita sa caf. Ba-bye!" mabilis na paalam ni Pons habang naka-angkla ang kamay sa braso ni Bruce. Hindi na'ko magugulat kung bukas ay sila na.

Labag man sa kalooban kong harapin si Franco ay wala akong choice. Partner ko siya and I don't have a choice but to face him.

I crossed my arms then face him, "Gagawa ako ng designs mamaya. Ipapakita ko to sayo bukas. Gumawa ka rin ng sa'yo then-"

"K" tipid niyang sinabi at dirediretsyo ang lakad.

Literal na laglag ang panga ko. What the strawberry eff was that? Tsss! Pakialam ko ba sa kaniya? Sana hindi na ako nag-aksaya ng laway sa kaniya! Tsk!

Padabog akong umupo sa inuupuang nila Pons sa cafeteria. Nakakainis talaga si Franco! How dare he! How dare he, really!!

"Oh, bakit nakasimangot ka?" tanong ni Pons habang may pinapakita kay Bruce mula sa phone niya. Ito naman si Bruce nakaakbay na.

"Kasalanan mo to, e! Ipinares mo pa talaga ako kay Franco! Ayaw niya sakin at kung bakit niya ako nilalandi, wala akong alam!"

Gulat na napatingin ang dalawa sa akin. Kumunot ang noo ni Pons. "How sure you are? Pakiramdam ko nga'y may spar-"

"No! Wala! I heard Thria asked him kanina then he said WALA. Asin wala! He's playing with me!" naiirita kong saad.

Tumaas ang kilay ni Pons. Inilapit niya pa ang mukha niya sakin like examining my face.

"Is this true? Naiirita ka? Naiirita ka dahil wala siyang gusto sayo at pinaglalaruan ka lang niya. Trulaley?" seryosong tanong niya sabay hawak ng magkabilang pisnge ko.

Marahas ko namang inalis ang kamay niya sa pisnge ko at sumimangot lalo. "Naiirita ako! Oo, dahil pinaglalaruan niya ako! And also because it's wrong! It's wrong to play with someone's heart na noon pa nananabik mahalin!"

Nagulat ako ng biglang tumawa si Pons, "Omaygod! Na-fa-fall kana ba kay Franco? ISANG HIMALA!"

Inirapan ko siya. Bruce just chuckled with Pons reaction with hand expression pa.

"Wala akong gusto sa kaniya! I'm not falling from him! He's a cold guy, boring, evil and silent! Ayoko. Wala akong gusto sa kaniya."

"But the more you hate, the more you love..." bwelta naman ni Bruce.

"Tama!" si Pons at nag-apir pa daw sila ni Bruce.

Aba't! Eh kung ingud-ngod ko sila? Pero, pabor naman 'yun kay Ponsithia dahil makaka-damoves siya sa lips ni Bruce. Tsk!

And that gives me an idea! Ano kaya kung kuntyabahin ko si Pons at itulak ako ng malakas kay Jeiko para lumanding naman ang lips ko sa lips niya? Ahihihi! Iniisip ko pa lang, na-eexcite na'ko!

"Confirm,"

"I'm agreeing with you,"

"She's totally into Franco,"

"I said I am not!" sabi ko at napakagat labi. Still, I'm thinking about the plan. Nakalimutan ko na ang pagkainis kay Franco.

"Then why are you smiling matapos sabihin ni Bruce na the more you hate, the more you love?" tanong ni Pons.

Umirap ako at bumuntong hininga, "Kasi naisip kong ingud-ngod kayong dalawa! That's why I'm smiling!"

Nawala naman ang ngisi ng dalawa. While I was the one who's smiling evily.

"Uy, nabalitaan niyo? Kawawa talaga siya. Kalabanin daw ba si demonyo!" rinig naming chismis ng lalake sa isang lalake sa katabi naming upuan.

"Ingud-ngod ka ba naman sa inidoro! Dishgashting Sheyt!" dagdag nung isa.

"Kaya kung ako sa inyo, yoko ng tumapak sa Engineering dept. Teritoryo ng demonyo."

Nakikinig lang kaming tatlo sa chismisan ng mga lalake tungkol sa demonyo. Tsk! Like, tawaging demonyo ang isang tao ay OA na.

"Kilala niyo ba ang tinutukoy nila?" tanong ni Bruce sa mahinang boses.

Tumango-tango si Pons at tumingin sakin, "Yup! Pinsan niya," sabay turo sakin.

Umirap ako, "I'm sure, may ginawang masama ang lalakeng 'yun kaya siya pinarusahan ng ganoon ni Arix--or some of his alipores."

"Ano ba ginawa nung lalake?"

"Balita ko, napangetan daw si Arix sa boses niya. Gustong sumali sa banda nila."

"Ang lupeeeet! Yun lang? Demonyo talaga!"

Nagkatinginan kaming tatlo. Napakagat labi ako at tumungo. Ughh! Arix, ano na ang nangyayari sayo?

Noon, si Arix alam kong mala-demonyo talaga. Bully nga talaga siya pero I always deny it because I know he's changing pero ngayon mukhang bumabalik nanaman.

"Ayun na pala siya oh!"

Pagkasabi nila nun ay awtomatikong napatingin rin kami nila Pons sa lalakeng nakatungong naglalakad papasok ng cafeteria.

Basa ang buhok niya at nakasuot ng thick glasses. At sa tingin ko habang tinitignan siya, mali ang kumakalat na chismis.

End of the class, iniwan nanaman ako ni Pons dahil aalis daw sila ni Bruce, maghahanap ng ideas para sa design nila.

Psh, if I know, lalandiin niya nanaman si Bruce at pustahan, bukas, M.U na sila.

Bakit ganoon? Bakit ang bilis lang para sa iba maghanap ng kasiyahan, while me, naghihintay parin kay Jeiko, sa totoong kasiyahan ko.

If only I have the courage to tell him. Kung hindi lang sana matigas ang ulo ni Jeiko pati na ang matigas na puso, isama mo narin pati ang mga abs at muscl--teka! Teka! Nawala nako! Bat napunta sa katawan? Argggh!

So ayun nga, kung di lang sana matigas puso niya, edi sana, kaya ko siyang mapaamo at paseryusohin. Edi happy na kaming dalawa. Maganda ako, gwapo siya. Perfect!

Bigla akong inuhaw nang mapadaan ako sa building nila Jeiko. Bumili ako sa maliit na canteen roon para bumili ng water, isa narin sa paraan para makita siya at para makisakay ulit.

Pumasok ako sa canteen. Pumila ako sa mga taong nakapila. Some guys, gave their place to me kaya mabilis akong nakarating sa harap.

When I was done buying a bottled of mineral water, nakita ko sa kabilang linya si Farana.

She's wearing a thick glasses. Suot niya ang plain na blue tshirt at faded pants. Medyo nadungisan narin ang sneakers niyang gray. She's wearing her jansport bag at may dalang spaghetti, softdrinks at chocolate bar sa mga kamay niya.

Habang naglalakad siya, nilalampasan ang mga tao sa daan nang bigla siyang natalapid upang makipag-kissing scene sa marumig sahig ng canteen.

Tumawa ang mga nakita kong  group of friends ni Arix, kumbaga, mga alipores nito para hindi sila mapag-tripan ng iba pang kaanib ng grupo ni Arix. Sila din ang tumalapid kay Farana.

I looked at the poor Farana who only wanted to eat her food. Ang spaghetti niya'y nakakalat sa sahig at ang softdrinks na dala'y natapon narin and her chocolate bar was in the hands of the guy who tripped her.

Nabalot ng tawanan sa loob ng canteen. Nakaramdam ako ng awa kaya, bilang leading lady ng story ko, agad akong lumapit para tulongan siya.

Pero bago pa ako makarating ay may malakas na kamay nang tumulong sa kaniya upang makabangon. Farana is starting to cry.

Nang makita ko ang taong tumulong sa kaniya ay natigilan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

The way he seriously looked at Farana, the way he wiped off the dirt on her face and the way he shouted to those who tripped her.

"Who the fuck tripped her?" mariing tanong ni Jeiko sa grupo nila Arix. But, Arix isn't with them of course.

Tumayo ang lalakeng medyo blonde ang buhok at mukhang natutulog nung naghasik ng kagwapohan ang langit.

"Ako? Bakit? May problema kaba, Valerio?" maangas na tanong nito.

Jeiko smirked. Nagulat ang lahat ng bigla niya itong sinuntok. Napaatras ang lalake sa ginawa ni Jeiko at natumba.

"The next time I saw your group bullying her again, I'll make sure, that all of you will suffer the same thing you did with him!" sabi ni Jeiko sabayshe turo sa lalakeng nasa likod ni Jeiko.

Nanlaki ang mata ko ng makitang ito 'yung lalakeng sinasabi nilang nginud-ngod sa inidoro. Oh my!

"Eh gago ka pala e!" akmang susuntokin na ni blonde guy si Jeiko ng kaagad siyang nasuntok ni Jeiko sa mukha.

Aatake na sana ang iba ng pumasok nako sa eksena. "Enough!" malakas na sigaw ko.

Napatingin silang lahat sa akin. Nanlaki ang mata nung mga alipores ni Arix at bahagyang napaatras. Of course, they should! Kilala nila ako bilang malapit na pinsan ni Arix!

"S-shian..." takot na sabi ni blonde guy.

Humalukipkip akong lumapit sa kanila. Nakatingin ako kay Jeiko and he still got that serious pissed face.

Don't worry, Jeiko. I'm here to help. Nagtutulongan naman talaga ang mga lead roles, y'now! Tagapagligtas talaga ang mga bida!

"Kayo, kung ayaw niyong matiwalag sa grupo ni Arix, tigil tigilan niyo na ang pang bubully!" asik ko.

"Eh ano pa ang purpose ng pagsali namin ku-"

"HEP! Wag kanang sumagot! Kung gusto mong ikaw ang ipangud-ngod ko sa inidoro! Layas!" singhal ko sa kanilang lahat at para naman silang mga dagang nag-uunahang lumabas ng canteen.

I smirked. Narinig ko naman ang malakas na palakpakan ng mga tao sa canteen. Kumaway naman ako sa kanila at binigyan ng flying kiss.

Tinignan ko si Jeiko at naroon inaakay si Farana palabas ng canteen. Aba't di man lang ako pinansin!? Tsss...

Hinabol ko silang dalawa. "JEIKO!" tawag ko sabay dikit sa kaniya. Tumingin siya sakin kaya nginitian ko siya ng malapad.

Napansin kong sumusunod din ang lalakeng nginud-ngod sa inidoro. Poor him, but because of me, tatantanan na siya ng mga lalakeng yun.

"T-thank you ulit Kuya Jeiko." sabi nung lalake then sabay tingin sakin. "Thank you din Ate Shian," dugtong niya.

Ngumiti ako sa kaniya. Jeiko patted his head like he was his real brother. "Pwede kanang umuwi, Glen. They won't do that to you again," sabi ni Jeiko sabay sulyap sakin.

He gave me a proud looked. Well, I guess so. Pakiramdam ko lang kasi, proud siya sa ginawa ko.

Tumingin naman si Glen sakin, "Salamat ulit, Ate. Pakisabi po kay...kay Master Devil, patawarin niya po ang kalapastanganang pagkanta ko sa harap niya." he cooed.

Kumunot ang noo ko. "Hindi yun kalapastanganan." Wow, deep word!

Umiling siya, "Namilit ako. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Then those guys punished me. Sige, Ate Shian, alis nako." paalam ni Glenn at umalis na.

I massage my temple. Haaaay! Hindi ko alam kung bakit sumasakit ang ulo ko ngayon sa mga alipores ni Arix.

Naramdaman ko ang paghila ni Jeiko sa bag ko kaya napaharap ako sa kaniya. "Dalhin ko lang siya sa infirmary," sabi niya and he motioned his head to Farana.

Agad akong napatingin kay Farana na gulo pa ang buhok. Bigla akong nag-alala. Hindi biro ang makipag-kissing scene sa sahig.

"Ayos ka lang ba, Farana? Gutom kaba?" tanong ko sa kaniya. I think she's hungry!

Farana chuckled then shook her head, "Salamat, Shian. Ipinagtanggol niyo nanaman ulit ako ni Jeiko." she cooed and look down with her sneakers.

Ngumiti ako at inalis ang konteng dumi sa buhok niya bago hawakan ang magkabilang balikat niya.

"It's okay, Farana. Ayoko rin kasing may nakikitang may naaaping tulad mo. You just remind me of someone I knew..." sabi ko sabay sulyap kay Jeiko.

Nakatingin si Jeiko sakin at medyo nagulat ako roon. Lalo na't nakikita ko ang amusement sa mukha niya.

Mas ngumisi ako at humarap kay Farana ulit. "Be strong, yung kakilala ko nga, binubully noon, ngayon nanununtok na!" natatawang sabi ko sabay tingin ulit kay Jeiko na nakasimangot ngunit pinipigilang mangiti.

Tumingin si Farana kay Jeiko at napakagat labi. "Thank you ulit sa inyo. Jeiko, kaya ko ng pumuntang infirmary. Nakakaabala nako masyado sa inyo." sabi nito at ngumiti.

"Are you sure?" tanong ni Jeiko sabay tingin sa wrist wacth niya.

Napatingin din ako sa relos ko at 5:40PM narin. I looked at Jeiko. "I'm so sure, thank you ulit! Bye!" sabi nito at mabilis na naglakad paalis.

I watched Farana walked. She's beautiful, but she's fat. I bet if she diet seriously, pwede na siyang maging model with her white skin and black short hair.

I was taken aback when Jeiko wrapped his arms in my shoulders. Bigla niyang nilipat ang nakaakbay niyang braso sa leeg ko kasabay nun ang paggulo niya ng buhok ko.

"Arggh! Jeiko naman e!"

"Kailan ka pa naging si wonder woman?"

Siniko ko ang tagiliran niya kaya medyo lumayo siya pero di parin niya inaalis ang braso niya sa leeg ko.

"Si Super Girl ako, hindi si Wonder Woman. Diba ako si Super girl mo? Ikaw yung matabang inaapi lagi." pang-aasar ko sa kaniya sabay tingin sa mukha niya.

Tinignan niya ako kaya malapit nanamana ng mukha naming dalawa. Pinanliitan niya ako ng mata at mas hinigpitan ang pagpulupot ng braso sa leeg ko.

Di kalaunan ay tumigil siya at binitiwan na ako. He sighed, "Past is past. The only thing I should do is to prevent those things to happen to those people who were just like me before..." seryosong sabi niya.

Nung elementary kami, lagi siyang na-bubully. Mataba kasi siya at matakaw. Idagdag mo pa na medyo umitim siya noon dahil lagi kaming babad sa araw. Pero, ako, bagay naman ang pagkamorena sakin.

Lagi kong pinagtatanggol si Jeiko sa mga bullies. Ako na nga ang tinagurian niyang Super Girl. Kahit suplado siya minsan noon, hindi siya mahirap paamuhin, dahil pagkain lang, sapat na.

I clung on his arm habang naglalakad kami. "Kaya ba, ikaw na ngayon si Super boy? Ang tagapatanggol ng mga naaapi?" tuksong tanong ko.

I looked at him with a smile. Umangat ang labi niya at umiling-iling. Niyakap ko ang braso niya at sinandal ang ulo sa balikat niya.

Siya na ngayon si Super Boy. He's saving those people na nabubully just like him before kasi naaalala niya ang dating siya.

I know every bits of Jeiko. Kilala ko ang buong pagkatao niya. And I think, wala nang mas hihigit pa sa akin.

Wala ng iba. Ako lang. That's why I am the leading lady of this story. Because, I'm perfect for him.

Continue Reading

You'll Also Like

18.7K 652 53
"I LOVE YOU LYNDON!!!!" - Samantha A funny man who has a cold ticker that every women on elite circle desires to capture his insensitive heart. He's...
1.8M 48K 59
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with y...
65.2K 1.2K 53
Roa, a designer and boutique owner, wanted to move on from the man whom she courted and rejected her when she was in college. But years later, Nixon...
790K 40.7K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...