My Tag Boyfriend (Season 1)

By OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... More

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 23

685K 11.1K 3.1K
By OppaAnja

A/N: Little mistake lang po. About sa real name ng in-o-OP ni Sitti. LYKA po talaga yung real name ng character na hawak ni Sitti. May nalagay kasi akong name na MAMI kaya sana wag po kayong malito nee?

Saka hindi pa kasi edited yung MTB dito sa Wattpad pero sa MS Word ko edited na sya. Iyon lang po. Happy reading! Sali pala kayo sa group ng MTB. Search nyo na lang sa FB yung "My Tag Boyfriend (TAGGERS)" na group. Yan po ang official group ng MTB :)

Chapter 23

Sitti's P.O.V

            [Kaizer: Mukhang masaya ka na nga sa school mo ngayon eh! Hindi gaya dati na puro reklamo na lang naririnig ko mula sa'yo.]

          Napataas ako ng kilay doon sa nireply na message nya sa akin.

          Sya nga pala, nag-open na naman ako sa Facebook at ka-chat ko ngayon yung OP ni Kaizer—na fictional character. Kaizer OP na nga lang para hindi na ako laging nagpapaliwanag sa inyo.

          Muli kong itinapat yung mga daliri ko sa may keyboard saka tumipa ng irereply sa kanya.

          [Lyka: Masaya?! Anong masaya doon?! Eh mas lalo nga yatang gugulo ang "tahimik" kong buhay dahil sa pagkakapartner ko sa Kaizer Buenavista na iyon eh!]

            [Kaizer: Hahaha! Okay lang 'yan! Isipin mo na lang na ako sya.]

          Napataas ako ulit ng kilay. [Lyka: Ano ka ba! Never na magiging ikaw yung mayabang na iyon ano! Ang bait mo kaya!]

            [Kaizer: Haha! Talaga? Thank you!]

          Magrereply na sana ako ng "you're welcome" sa sinabi nya nang bigla na naman syang nagsend ng message sa akin.

          [Kaizer: Pero seryoso, mas mukhang nagiging masaya ka na sa school mo ngayon. Di gaya noong mga nauna mong kwento sa akin. Napapansin ko na kahit papaano, lumalawak na din yung mundo mo ng dahil sa Kaizer na 'yan.]

          Napakunot-noo ako doon sa sinend nya.

          Paano nya nasabing lumawak yung mundo ko dahil kay Kaizer? Kung ang tinutukoy nya ay yung pagdami ng bilang ng mga taong may galit sa akin, oo. Lumalawak nga talaga yung listahan ng mga taong posibleng pumatay sa akin.

          Nagreply na lang ako sa kanya. [Lyka: Tsk! Iniisip mo lang iyon! Hindi kaya! Saka hindi ako masaya sa school ano!]

          Nabanggit ko din pala sa OP ni Kaizer yung tungkol sa bago at pinaka una kong best friend na si Mobi. Iyon lang siguro yung nagustuhan ko sa nangyari sa akin sa loob ng school.

          Ewan ko ba kung bakit kinikwento ko lahat ng nangyayari sa akin sa OP ni Kaizer. Ang gaan kasi ng pakiramdam ko sa kanya. Saka alam nya kasi yung mga lihim na inis ko sa mga taga-Eastton kaya hindi ko na kailangang magpanggap sa kanya kahit na nga nasa online pa kami.

          Sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya. Minsan nga gusto ko syang makita sa personal kaya lang natatakot din ako kasi baka hindi nya ako magustuhan sa personal kaya okay na siguro ako hanggang sa online na lang kami.

          [Kaizer: Maiba pala ako, hindi kaya may gusto ka na dyan sa Kaizer Buenavista na 'yan?]

          Nanlaki mata ko sa sinend nyang message sa akin.

          Kulang na lang lumuwa yung mata ko at laman ng tyan ko doon sa sinabi nya.

          Karumaldumal. Nakakasuka. Nakakadiri.

          Ako?! Magkakagusto sa sobra kung magbuhat ng bangko na Kaizer na iyon?!

          Isang malaking NO WAY!

          Mabilis pa sa alas-kwatro na nagtype ako ng ipangrereply sa kanya.

            [Lyka: Hindi no! A.S.A! Never mangyayari iyon no!]

          Ilang segundo pa lang yung lumilipas nang magreply ulit sya sa akin.

            [Kaizer: Buti naman. Kasi magseselos ako kapag nangyari iyon.]

          Natigilan ako doon sa sinend nya. Ilang beses pa nga akong kumarap-kurap saka tinitigan ulit yung message nya.

          Hindi ako mali ng basa. Talagang iyon ang sinabi nya!

          Yung OP ni Kaizer, magseselos sa totoong Kaizer? HUH?! Bakit?!

          [Lyka: OP talk na ba ulit tayo? Kasama ba 'to sa role play natin sa susunod?]

          Mga isang minuto at mahigit akong naghintay saka ko nabasa yung reply nya doon sa tanong ko.

          [Kaizer: Bahala ka na kung ano ang gusto mong isipin. Basta magseselos talaga ako kapag nagkagusto ka na sa iba.]

          Matapos ng message na iyon ay nag-log out na sya.

          Habang ako naman nakatanga pa din sa harap ng computer ko at titig na titig doon sa huling sinabi nya.

          Anong ibig sabihin na magseselos sya at bahala na ako sa kung anong gusto kong isipin?! Bakit? Ano bang iniisip ko? Saka, HUH?!

          "Hindi ko sya maintindihan!"

          Kaysa pahirapan ang sarili ko na mag-isip, naglog-out na lang din ako saka nahiga sa kama at nagbalak matulog. Inalis ko na din sa isipan ko yung sinabi ng OP ni Kaizer.

          Baka naman kasi napaparanoid na naman ako.

          "Wala lang iyon!" sabi ko sabay ipinikit ang mata at nagpasyang matulog na lang.

***

          "Huh?! Talent portion?!"

          "Aish! Wag ka ngang sumigaw pwede?!" inis na sabi ni yabang sabay alog doon sa tenga nya matapos kong sumigaw sa mukha nya dahil sa gulat.

          Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Bigla ba namang isalubong sa akin ni yabang na ang first practice day daw namin para sa contest ay paglabas ng aming mga talent.

          Ako at talent?! Okay lang sila?! Ni hindi nga nag-i-exist sa dictionary ko yung talent na word na yan eh!

          Talent sa paglamon pwede ba iyon? Tiyak na ang pagkapanalo ko kapag pwede iyon!

          Opo mga kaibigan! Isa na naman pong masklap na pangyayari ang naganap sa buhay ni Felicity Sandoval. Hindi ako pinayagan ng school organization na magquit sa contest! Wala na daw akong magagawa dahil nasa official list na daw ako ng mga kasali. Nakakainis!

          "Kahit ano na lang gawin mo!" sabi sa akin ni yabang. "May talent ka naman siguro 'di ba?"

          Hindi ko sinasadyang magpout sa kanya. Wala lang. Mannerism ko lang 'to kapag gipit na ko.

          "Wala ako noon no!"

          "Ano?!" gulat na sabi ni yabang sa akin. "Hindi nga?! Seryoso ka?!"

          "Ay hindi! Joke lang 'yun! Oo! Madami akong talent! Ano bang gusto mong sample? Pagsakal? Pagsasaksak o pagsampal-sampal dyan sa mukha mo?"

          "Wag mo nga akong pinipilosopo!" sabi nya sabay lagay nung isang daliri nya doon sa noo ko at madiin nyang tinutusok ang daliri nya doon. "Seryoso akong nagtatanong dito kaya umayos ka!"

          Hindi ko na lang sya pinansin saka inalis yung daliri nya sa noo ko.

          "Grabe! Ang kapal talaga ng mukha nya! Ang lakas pa ng loob nyang makipag-PDA kay Prince sa harapan natin!"

          "Oo nga eh! Nakaka-imbyerna sya! Nilalandi nya pa si Prince! Nakakainis!"

          "Bilib na talaga ako sa kakapalan ng mukha ng babaeng 'yan! Mas makapal pa yata sa semento mukha nya eh!"

          Napalingon ako doon sa mga nagbubulong-bulungan na naman na mga babae na nasa may di kalayuan lang mula sa amin. Mga alipores pala ni Margaret yung mga dumadaldal.

          "Wag mo na lang sila pansinin..."

          Nagulat ako nang bigla na lang inakbay sa akin ni Kaizer yung isang braso nya sabay hinila ako palayo sa mga tsimosa na iyon.

          Napatingin ako sa kamay nya na nasa balikat ko sabay doon sa mukha nya na derecho lang ang tingin sa may harapan namin.

          Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman doon sa ginawa nya.

          Pero isa lang ang nasisiguro ko, pinagtanggol na naman ako ni yabang at nagpapasalamat ako doon sa ginawa nya.

          "Ngayon, balik sa talent." sabi nya sabay huminto nang nasa gitna na kami ng auditorium saka nya ako hinarap. "Ano ba talent mo?"

          Ang sarap magfacepalm ngayon! Back to square one na naman kasi kami.

          Ano nga ba talent ko?! WALA!

          "Wag mo akong ipapahiya ah?!" sabi ni yabang sabay alis ng braso nya sa balikat ko. "Tandaan mo, nagpapanggap pa din tayo na magboyfriend at girlfriend. Tapos partner pa kita. Wag kang magkakalat sa stage mamaya ah? Mahiya ka naman sa akin."

          Bigla na namang uminit yung ulo ko doon sa mga sinabi nya.

          At bago pa man ako makahanap ng mga salitang ibabato pabalik sa kanya ay nakaalis na sya.

          "Nakakainis! Ang yabang mo talaga kahit kailan, Kaizer Buenavista!"

Kaizer's P.O.V

          "Ano na naman bang ginawa mo doon kay Sitti best friend at hindi na naman maipinta yung mukha nya?"

          "Malay ko." sabi ko sabay kibit-balikat saka nagpatuloy sa pagtotono ng gitara ko.

          Oo. Tutugtog ako ng gitara. Yan ang talent na ipapakita ko sa practice mamaya.

          Tsk! Ang daming arte ng eskwelahan na 'to! Saka sino ba nagsali sa akin dito?! Di ba inayawan ko na 'to?!

          'Si Patty na naman siguro!' sa isip ko.

          Sya lang naman yung kilala ko na taga-school council eh! Malamang sya at sya lang ang  nagsali sa akin sa contest na ito! Tsk!

          "Grabe ka talaga Kaizer! Wala kang patawad sa mga babae!" sabi nya sabay agaw sa akin ng gitara sa akin at sya na ang tumapos ng pagtotono ko doon. "O! Bagal eh!"

          "Salamat." sabi ko na lang saka nagsimulang magstrum para alamin kung nakuha ko na ba yung tono na gusto ko.

          "Ano nga pala meron kay Mobi at Sitti? Madalas ko silang makitang magkasama nitong nakaraan ah?"

          Hindi sinasadyang napadiin yung pagstrum ko doon sa gitara at lumikha iyon ng isang nakakairitang ingay. Nagulat kasi ako doon sa sinabi ni Kris sa akin.

          "Sigurado kang tutugtog ka best friend? Sagwa ah? Paano ba yan? Sure win na ba kami ng partner ko?"

          Hindi ko pinansin yung sinabi nya saka tinabi ang gitara ko at hinarap si Kris.

          "Nakita mong magkasama si Mobi at Sitti? Kailan?!"

          Nakita ko yung pagkunot ng noo ni Kris doon sa paraan ng pagtatanong ko. Para kasi akong tangang nagmamadaling malaman ang buong balita.

          At maya-maya pa ay napangisi na sya...at hindi ko gusto iyon.

          "Bakit parang may naamoy ako na may selosang nagaganap dito ah?" nakangising sabi ni Kris sabay lapit ng mukha nya sa akin. "Ano 'yan huh?! Pumapag-ibig ka na ba Kaizer?"

          Tinulak ko palayo yung mukha nya sa akin saka tumikhim at umayos ng tayo.

          "Selos? Ako? Hindi ah!"

          "Weeee?" hindi kumbinsidong sabi ni Kris.

          "Aish! Hindi nga sabi eh!" sabi ko sabay kinuha ulit yung gitara ko at nagsimulang magpractice.

          Laking pasalamat ko na din at hindi na nagsalita pa si Kris. Pero nasa labi pa din nya yung nakakairita nyang ngising demonyo. Bwisit!

          "Felicity Sandoval!"

          Napalingon ako sa may stage kung saan ko narinig na tinawag yung pangalan ni baliw.

          Magsisimula na kasi yung pagpapakita namin ng talent doon sa teacher na naka-assign na magcoach sa amin ngayong araw. Isa syang music teacher kaya talent portion agad yung ginawa namin sa first day ng practice.

          At kapag siniswerte nga naman si baliw, una pa syang natawag sa stage.

          'Bahala ka dyan!' sa isip ko saka binalik yung pansin ko sa gitara ko.

          Subukan lang talaga nyang magkalat at magququit ako bilang partner nya!

Sitti's P.O.V

          Talent! Talent! Talent! Anong ipapakita kong talent eh wala nga ako noon?!

          "Felicity Sandoval!"

          My gad! Ayan na! Tinatawag na ako!

          "Good luck, Sitti!" masayang bati sa akin ni Patty saka nya ako biglang niyakap ng mahigpit. "Aja!"

          "Huh?" ano daw? Aja?

          Ngumiti na lang sya sa akin sabay marahan akong tinulak palabas mula sa back stage.

          Sobra-sobra yung bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad ko sa gitna ng stage.

          Magkadikit yung dalawa kong kamay saka yung mga tuhod ko? Sobrang nanlalambot na sa kaba! Nagugulat pa nga ako na nagawa ko pang maglalakad papunta sa may spotlight doon sa gitna ng stage eh!

          "What is your talent, dear?" bungad na tanong sa akin nung teacher namin.

          Unang tanong pa lang wala na akong maisagot! Okay! Talo na ako! Alisin nyo na ako sa stage!

          "Well?" nagsalita ulit yung teacher, ngayon nakataas na yung kilay nya sa akin.

          Napatingin ako sa buong auditorium. Lahat sila nakapokus ang tingin sa akin, lalong-lalo na yung grupo ni Margaret. Kitang-kita ko na sa mukha nya yung ngiti ng tagumpay dahil alam nya at alam kong magkakalat lang ako dito sa may stage.

          "C'mon Miss Sandoval! Stop wasting our time!"

          Nagulat ako nang biglang magtaas yung boses yung teacher namin.

          Bumuntong-hininga na lang ako at lumanghap ng maraming hangin.

          Napatingin ako sa direksyon ni Mobi na sa tingin ko binibigyan ako ng support gamit yung pagtaas nya ng marshmallow bag nya sa ere. Sunod naman akong napatingin kanila Patty at Kris na binigyan ako ng "Kaya mo 'yan!" na ngiti.

          At huli naman kay Kaizer...na binigyan ako ng "Dalian mo at malalagot ka sa akin kapag pinahiya mo ako!" na tingin. Tsk! Ang supportive ng partner ko...grabe!

          Lumunok ako ng ilang beses saka ko sinimulang ibuka yung bibig ko.

Kaizer's P.O.V

          I remember tears streaming down your face

          When I said, "I'll never let you go"

          When all those shadows almost killed your light.

          I remember you said, "Don't leave me here alone"

          But all that's dead and gone and passed tonight.

 

          Muli kong binalik yung atensyon ko kay Sitti nang bigla na lang syang kumanta.

          Lahat kami na nasa baba ng stage ay napanganga at napapatanga sa kanya habang pinapanood namin syang kumanta.

         

          Just close your eyes.

          The sun is going down.

          You'll be alright.

          No one can hurt you now.

          Come morning light.

          You and I'll be safe and sound.

 

          Hindi ko namalayan ang sarili ko na tumayo. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na tahimik syang pinapanood habang kumakanta.

          'Maganda pala boses nya...' sa isip ko.

          Habang pinapakinggan ko syang kumanta, hindi ko alam pero bigla na lang nagliwanag yung paligid ni Sitti. Na bigla na lang syang lumiwanag sa paningin ko.

          Para akong nakikinig sa isang anghel habang kumakanta sya.

          Saka, habang pinapakinggan ko sya, hindi ko alam pero parang may nagbabago sa loob ko.

          Na para bang sa bawat pagkanta nya, bigla na lang gumagaan yung pakiramdam ko.

          Na unti-unti na namang tumitibok yung puso ko.

          Na para bang bigla na lang syang gumanda sa paningin ko.

          At hindi ko gusto ang pakiramdam na ito.

A/N: Okay! History check!

Ang concept ng MTB ay galing sa MISMONG EXPERIENCE ni otor sa Facebook. One random day kasi (the day before ma-post ang story na ito), nagtatype ako ng magiging status ko sa FB. Eh ako pa naman yung hindi nagdodouble check na FBooker (pa-usong tawag ampowtek?! XD). Basta post agad ako. Wala na akong makialam sa typo at wrong spellings. May-edit naman di ba? Then nung napost na yung status ko, nagulat na lang ako nang may na-TAG ako na maling tao sa FB. To think na hindi ko sya friend at lalong hindi finollow at ni-like something-something. Walang ganoon! Basta na lang syang na-tag. Kaya ayun! Ito ang history ng MTB. Hindi ko alam kung nagloloko lang si FB ng mga time na yun kaya ako may na-TAG na maling tao. Tapos ito na! Nabuo ang MY TAG BOYFRIEND.

Ano po masasabi nyo sa Chapter na ito? Sino kinikilig? XDD Meron ba? Comment lang po kayo dali! Gustong-gusto ko nagbabasa ng comment.

 Yung kinanta pala ni Sitti ay SAFE AND SOUND ni Taylor Swift.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 239 34
Totoo ngang walang mabilis o mabagal sa pagibig dahil isang araw ay mararamdaman mo nalang na nahuhulog kana lang sakanya. WARNING: "MASAKIT SA PUSO...
83.5M 1M 56
Aragon Series #2 : What will happen if Mr. Maniac John Dale Aragon meets Ms. Pervert Natasha Feddiengfield ?
1.6M 24K 53
All rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...