The Unrequited Love (MayWard...

By MariaAyagil

84K 4.9K 2.2K

[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na... More

The Unrequited Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Not an Update
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
SK1: Francis and Nicole
SK2: Jibbson and Jessica
SK3: Tanner and Chantal
Wakas
FAQ

Kabanata 19

1.3K 88 32
By MariaAyagil


Dumiretso ako ng cr pagkababa ko. Wala pa ring kuryente. Nagbabad ako sa bath tub ng mahigit 30 minutes bago tuluyang umahon. Maayos na ang aking pakiramdam pagkalabas ko ng banyo. Nahiga ulit ako ng kama para sana makatulog na ng mahimbig pero hindi ako dinadalaw ng antok.

Malakas na kumalabog ang bintana ng kwarto ko kaya napatingin ako doon. Hinahangin ng malakas ang aking kurtina at para itong pinapaypayan sa pagindayog nito. Kinilabutan agad ako. Bago nagtama ang aking paningin sa oras na nasa tapat ko. Alas tres na nang madaling araw! JuiceColored!

Naririnig ko pa ang pagtahol ng aso galing sa kung saan na nagpadagdag lang ng aking kaba.
Bumaluktot ako at tumalukbong sa aking kumot. Biglang umihip ang malakas na hangin na nagpataas pa lalo ng tensyon ko. Bago ako mamatay sa takot kinuha ko ang unan ko at mabilis na lumabas ng kwarto ko tsaka pumunta sa kabilang apartment. Nakapasok ako doon ng walang kahirap hirap dahil ganoon pa din ang kaniyang password.

Narinig ko ang mga yapak na nangagaling sa labas ng apartment. May nahulog na mga bagay at doon ko na pinagbabayo ang pintuan ng kwarto ni Jared.

Buksan mo na please!

Biglang bumukas ng kaniyang pinto napatingin ako sa kaniyang mukha at mukha ni Lucia Joaquin ang aking nakita.

"WWHHHAAAAAA!" Napasigaw ako ng ubod lakas!

"What the fuck?! Can you stop that!" Sabi niya bago tinakpan ang bibig ko gamit ang kaniyang kamay.

Napapikit ako at minulat ko ulit ang aking mata. Mukha na ni Jared ang aking nakita. Iritado at galit na galit.Napatigil ako at napatitig sa kaniya. Binitawan niya na ako ng makumpirma niyang kumalma na ako.

"Ano bang problema mo ha? Tulog na tulog na ang iba tapos ikaw sigaw pa ng sigaw at walang humpay ang pagkalabog mo saking pintuan!" Alam ko galit na siya. Kitang kita ko naman iyon sa kaniyang mukha.

Namuo ang luha ko saking mga mata. "S-Sorry. Natatakot lang kasi ako at hindi ako makatulog," naiiyak kong tugon.

"Pero hindi tamang kalampugin mo ang pintuan ko dahil lang sa takot na nararamdaman mo." Galit niyang pakli.

Tumulo na ang luha ko saking mga mata. "Eh, anong gusto mong gawin ko? Umiiyak at mamatay sa takot sa loob ng apartment ko? Ganoon?"

Napatitig siya sa luha ko saking mga mata bago nag-iwas ng tingin.

"Fine. Dito kana matulog kung gusto mo." sabi niya na ikinanganga ko. "Hindi naman 'yan ang gusto kong mangyari,"

"Yeah. Then, umalis ka na at matulog ka ulit sa kwarto mo. Wala akong balak makipagargumento sayo. Inaantok ako." Nanghihinang sabi niya bago nahiga sa kaniyang kama.

Malaki iyong kama niya at alam kong hindi lang kami kasya doon. Siguro kahit apat na tao kasya sa kama niya.

"S-Sure ka bang pwede akong matulog dito?" Taka kong tanong sa magkahalong nerbiyos at excitement. Nerbiyos dahil baka paalisin niya ako bigla. Excitement dahil ngayon lang ako makakatulog sa kama niyang katabi siya.

"Ayoko nang ulitin ang nasabi ko na. Kung ayaw mo matulog sa kama sa sahig ka matulog." Sabi niya bago tumalikod sakin.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Marahan ang galaw kong nahiga sa gilid ng kaniyang kama patalikod din sa kaniya. Inamoy ko ang unan niya. Ang bango! Pumikit ako. Nang maramdaman kong gumalaw si Jared. Bigla ang pagsalakay ng tibok ng puso ko. Pumihit ako paharap sa kaniya at tumambad sakin ang maamo niyang mukha. Mukhang anghel kapag tulog. Mukha namang lion kapag gising. Tinitigan ko siya ng matagal at napatitig ako sa labi niyang mapula na medyo nakaawang.

Napalunok ako. Gusto ko siyang halikan. Shiz! MayMay don't!

Linapit ko ang sarili ko sa kaniya. Maslalo na ang labi ko sa kaniyang labi. Dinampi ko ang labi ko sa labi niya saglit lang. Pero sobrang saya ko.

Napangiti ako ng hindi siya nagising. Nahiga ako sa braso niya bago ngumiti sa kaniya. "Good night, Jared." Sabi ko bago pumikit at mahimbing na nakatulog.

MABIGAT na kamay na nakabatong saking baywang ang aking naramdaman pagkagising ko. Minulat ko ang aking mga mata at isang malapad na dibdib ang aking namulatan. Napaangat ako ng tingin sa lalaking katabi ko. Isang maamong mukha ang aking nakita.

Bakit ang gwapo mo kahit nakapikit, Jared? Feeling ko kahit na madaling araw ako nakatulog ang sarap sarap pa din ng aking pakiramdam. Parang hindi kulang sa tulog parang normal lang.

Hindi ako gumalaw para hindi ko siya magising. Sana laging ganito araw araw. Maamong mukha niya ang makikita ko pagkagising ko. Bango niya ang una kong malalanghap at yakap niya ang magpapagising sakin. Pinakatitigan kong mabuti ang kaniyang mukha. Hinding hindi talaga ako magsasawa sa kaniyang gwapong mukha. Kung pwede ko nga sanang angkinin ang mukha niya ginawa ko na. Isama mo na din ang buong katawan niya.

Sobrang gwapo niya talaga. Wala na akong masabi pa. Kung magkakaanak man kami sana kasing ganda o gwapo niya. Ang saya siguro kapag nangyari iyon.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang pilik mata. Ang hahaba. Dinaig pa pilik mata ko. Kainis. Ngayon naman ilong niya ang tiningnan ko. Oh My! Ang tangos! Matangos din naman ang ilong ko pero hindi katulad ng tangos ng ilong ni Jared. Lalo pang bumaba ang tingin ko at napahinto sa mapula niyang labi.

Ito na naman ako. Bigla na naman ang pagkalabog ng dibdib ko. Parang may naghahabulang daga sa bilis. Napalunok ako. Hindi pa din talaga ako makapaniwala na nagawa kong halikan siya kaninang madaling araw. Para bang panaginip ko lang iyon. Sinuwerte lang ako.

Napahawak ako sa labi ko at napatitig sa labi niya. Pwedeng take two?

Hinawi ko ang kamay ko sa mukha niya para makasigurong akong tulog pa rin siya para sa magandang balak ko. Bwahaha
Hindi siya gumalaw at malalim pa din ang paghinga niya. Ibig sabihin tulog na tulog pa din talaga siya.

This is it! Kaya mo yan MayMay! I know that you can do it! Dora lang ang peg.

Okay, ito na talaga. Pumikit ako at para damdamin ang aking gagawin. Linapit ko ang mukha ko sa mukha ni Jared gaya ng ginawa ko kaninang madaling araw. Malapit na ako sa katotohanan alam ko iyon dahil naaamoy ko ang hininga niyang amoy mint. Sarap amoyin!

"What are you going to do?" Mabilis akong napamulat at nakita ko ang matalim na titig niya sakin. Sa gulat ko nahulog ako sa kama.

"Aray!" Nakahawak sa baywang kong pakli. Masakit yon ha! Nakita kong napaupo si Jared sa kaniyang kama. "Anong pinaplano mong gawin kanina?" Naghihinala niyang sabi.

"Huh? A-Anong p-pinaplano? W-Wala noh!" Bakit ako nauutal? Halata tuloy na may masama akong plano. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Napalunok ako bigla. Feeling ko para akong bata na nahuli ng aking ina na nangupit ng pera.

Napatayo ako. "A-Alis na ako." Sabi bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. Naglakad na akopaalis ng hawakan niya ako sa braso at binalik pahiga ng kama niya!

"Are you planning to kiss me?" Amused niyang tanong. Huh? Ano daw? Gusto niya akong halikan?

Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napalunok ako. Hindi ko magawang maialis ang tingin ko sa kaniya. Para akong nahihipnotismo ng kaniyang mga mata.

"Do you want me to kiss you right now?" Tinatanong pa ba iyan?

"Or do you want to do more than that?" Seryoso niyang sabi.

Napakagat labi ako. Kiss okay lang pero kung mahigit pa doon isang malaking NO na iyon. Bata pa ako! Wala pa sa isip ko ang ganoong bagay. Pero wag niya akong pipilitin baka bumigay ako.

Pinilig ko ang aking ulo. Anong pinag-iisip ko? Wala pa kami sa tamang edad para gawin ang ganitong bagay.

Palapit na ng palapit ang mukha sakin ni Jared.

"J-J-Jared... W-ait lang w-ait lang..," pigil ko sa kaniya.

"I can't wait," malamlam ang matang sabi niya at linapit pang lalo ang mukha niya sa mukha ko. Oh great!

"W-Wait lang Jared. We can't do that. W-Wala pa tayong r-relasyon t-tsaka hindi mo pa ako nililigawan. A-At kasal lang ang gumagawa ng ganito. H-Hindi natin to p-pwedeng gawin hanggat hindi tayo k-kasal." Sabi ko. Nauutal-utal sa nerbiyos.

"Then marry me," walang paligoy-ligoy niyang sabi na literal na nagpanganga sakin. Naririnig niya ba ang kaniyang sinasabi? Totoo bang si Jared tong kaharap ko?

"Huh?" Lito kong pakli.

"Nagbibiro ka lang ba?" Di ko mapigilang usal. Sabi nga nila diba, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

"Do I look like I'm joking?" Seryoso niyang sabi. Napailing ako. Sobrang seryoso niya. Kitang kita ko iyon sa kaniyang mga mata.

"Venice, marry me. Please," parang hjndi ako makahinga sa sobrang saya. Halos tumulo tulo ang luha ko sa saya. Totoo ba to? Si Jared? Gusto akong pakasalan?

"S-Sure ka ba dito?" Taka kong tanong. Halong saya at pagkamangha ang aking nararamdaman. "Mukha ba akong nagbibiro?" Nakangiti niya ng usal sabay halik saking labi.

"Answer me please," sabi niya sakin habang hindi inaalis sakin ang kaniyang malamlam na titig.
Tumango ako. "Pakakasalan kita," sabi ko.

Biglang lumaki ang pagkakangiti niya at tinuloy ang kaniyang ginagawang paghalik sakin. Hindi na ako tumutol dahil alam kong ganito lang din ang kalalabasan ng lahat.

Bumaba ang halik niya saking leeg. Napatingala ako sa kiliting naramdaman ko dahil sa ginawa niya. Napaungol pa ako sa hindi ko maipaliwanag na sensasyon. Ito na ba ang feeling na nababasa ko sa mga romance pocket books? Iyong feeling na hindi mo kayang pigilan.

♡♡♡

Hi sa mga magaganda, gwapo at mababangong readers nitong story kong The Unrequited Love. ^^/

Godbless sating lahat!

Lovelots,
MariaAyagil💕

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 403 45
|Completed| Why don't you just love her instead of me?
1.9K 122 27
He was, Luke Rio Rosenwell. Pangalan pa lang sosyal na. Hinding hindi rin maipagkakaila na mayaman. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ang l...
9.4K 563 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
20.1K 729 53
Primrose Foster is the future secret CEO of a famous entertainment company. However, she needs to fulfill her father's condition in order for her to...