The Pile | Vicerylle One Shot...

By aladdin1432

104K 3.3K 425

Compilation of Vicerylle One Shot Stories More

Authors Chuchu
I. Infinity
I. Infinity (2)
II. Amnesia
III. Like We Used To
IV. Ever Enough
V. Bays IG
VI. Thinking Out Loud
VII. Moments
VIII. Friends
IX. You and I
X. Fool's Gold
XI. Emoji Challenge
XII. Shape of You (1)
XII. Shape of You (2)
XII. Shape of You (3)
XIII. All of the Stars
XIV. Random
XV. Dive
XVI. Perfect
XVII. Galway Girl (1)
XVII. Galway Girl (2)
XVIII. Happier
XVIV. The Myth (1)
XVIV. The Myth (2)
XX. Spring Day
XXI. GGV
XVIV. The Myth (3)
XVIV. The Myth (4)
XVIV. The Myth (5)
XXII. New Man
XVIV. The Myth (6)
XXIII. Hearts Don't Break Around Here
XXIV. She's Not Afraid
XXV. Don't
XXVI. Vicerylle Scenarios
XXVII. Vicerylle Scenarios (2)
XXVIII. Vicerylle Scenarios (3)
XXIX. Vicerylle Scenarios (4)
XXX. Language Challenge
Author's Chuchu Again
XXXI. Supermarket Flower
XXXII. Something I Need
XXXII. Something I Need (2)
XXXII. Something I Need (4)
XXXII. Something I Need(5)
XXXIII. XO
Hi!
XXXIV. Slow Hands
XXXV. Vicerylle Scenarios (5)
XXXIV. Slow Hands (2)
XXXIV. Slow Hands (3)
About Slow Hands
XXXV. Safe and Sound
XXXVI. Nancy Mulligan (1)
XXXVII. One

XXXIII. Something I Need (3)

1.3K 64 4
By aladdin1432


XXXIII. Something I Need (3)


"Darling we made it 'til this time, this time... Now, yeah..."

Hindi na muna kumibo si Vice tungkol sa naging konklusyon niya, at hinintay lang na silang dalawa na lamang ni Karylle ang matira dahil alam niyang may saril-sariling lakad and tatlo pa nilang kasama.

At tulad nga ng inaasahan, umalis si Anne dahil kailangan niyang i-meet si Erwan, si Vhong naman dahil kay Tanya, at si Billy dahil kay Coleen.

"Lahat sila puro jowa ang rason kung bakit umalis." natatawang sambit ni Vice pagkatapos ay muling tumungga ng beer.

"Andame mong napapansin." natatawa ring sagot ni Karylle.

"Oo nga, eh. Pansin ko rin na hindi ka masaya." seryosong saad ni Vice habang nakatitig kay Karylle. "Tulad ng sabi ko kanina, you can share it to me. Makikinig naman ako."

"Wala kang dapat pakinggan, dahil wala akong sasabihin. I'm perfectly fine, Vice." Karylle tried to convince Vice with the smile she faked, pero hindi ito umubra kay Vice.

"Paniniwalaan ko na sana yang ngiti mo kung hindi lang malungkot 'yang mga mata mo." said Vice at tinuro pa ang mga mata ng dalaga.

"Well, ganito nalang. Kung ayaw mo talagang pag-usapan, I respect. background check nalang natin isa't isa." suhestiyon ni Vice, "Nagka-jowa ka na ba?"

"Akala ko ba you respect?" hindi makapaniwalang si Karylle habang naka-kunot ang noo niya.

"So siya... Yung jowa mo."

"Ex." Karylle corrected Vice. "Tara na, it's getting late. Kailangan mo nang umuwi, medyo tipsy ka na nga oh. Magd-drive ka pa pauwi sa inyo, bawal nang uminom. Tara na." at tumayo si Karylle mula sa kaniyang upuan at akmang aalis, pero agad itong napigilan ni Vice nang hawakan siya sa wrist ng lalaki (?).

"We can talk without these alcohol's help." seryosong si Vice.

"Vice... lasing ka na, umuwi ka na." sagot ni Karylle at binawi ang kamay mula kay Vice sabay lakad.

Agad namang tumayo si Vice mula sa kanyang pagkaka-upo kasunod ay nag-iwan siya ng pera sa lamesa bilang bayad sa mga nainom nila. Nang matapos siya roon ay agad niyang sinundan si Karylle.

"Karylle!" pagtawag ni Vice sa dalaga, hindi naman siya nilingon ng dalaga na siyang ikina-inis niya.

"Okay then. Kung ayaw mong mag-share okay lang. But I'm here to listen." saad ni Vice nang mahabol niya na si Karylle.

"There's no need for you to li---"

"Kahit wala akong marinig, makikinig ako. Ano pa't naging magkaibigan tayo? Tsaka when I was broken you helped though we're​ still strangers and we barely know each other... Then I think, I should pay that off." paliwanag ni Vice.

"I'm not broken. Wag gumawa ng kwento." walang emosyong sagot ni Karylle. "And besides, hindi ko kailangan ng kapalit."

"Whatever you say. Basta I'm here." sambit ni Vice at yinakap si Karylle, "Uuwi na ako, kanina mo pa ako tinataboy. Take care." nagiwan muna si Vice ng halik sa noo ng kaibigan bago niya nilisan ang lugar para umuwi na.

"What's with you, Ana Karylle?"



After that night, back to their own busy worlds na namang dalawa. Vice would frequently send messages to Karylle, to check out on her. Sometimes he'll even type some kinda long messages, pero panay 'K', 'Ok' lang ang isinasagot sa kaniya ng dalaga.

He's trying to figure things out by himself,  minsan wini-wish niya pa na sana madulas sa pananalita si Karylle jus for him to know what the lady truly feels, pero hindi ito nangyari. Like him at times, magaling magtago si Karylle (sa story man o hindi).

Palagi niyang iniisip kong ano pwedeng gawin. Sometimes bibisitahin niya si Karylle,  to cheer up the lady at times. He even asked himself kung bakit hindi niya 'yon napansin nung mga oras na tinititigan siya ni Karylle sa mata. Bakit hindi niya agad nakita yung pain sa mata ng dalaga.





"Anne?"

Was their only mutual friend. And he is hoping na may alam si Anne sa kung ano man ang bumabagabag kay Karylle.

"Ano?"

"I need something from you, pupunta ako diyan. Same unit parin naman diba?" si Vice.

"Yeah yeah. Ano ba yun?"

"I need to talk to you. Mamaya."



"Uhm... I really feel na may something na mali. May alam ka bang pwedeng reason ni Karylle. I realized na simula na simula nung pagkikita namin she's lonely. I mean she seem so broken." panimula ni Vice habang katabi si Anne sa sofa.

"Vice, wala ako sa posisyon para sagutin yang tanong mo." makahulugang sagot ni Anne.

"Anne. Hindi ko sasabihin sa kung kanino man na ikaw ang naging source ko. I just really need to know it, para kasing sobrang bigat ng reason niya." nakayukong si Vice, kasunod ay ang pag-alala niya sa kung paano tumititig ang mga mata nito sa kaniya.

"Ganun na ba kayo katagal na magkaibigan? I mean like, are you friends for years?"

"Uhm... Actually, more than three weeks ko palang siyang kilala. And, hindi sa lahat ng araw na yun ay magkasama kami... I... I... I... barely know her." Vice slowed down after realising​ those latter words he said.

"Akala ko isang taon na kayong friends. Iba connection ah... for three weeks?" there was a hint of sarcasm sa boses ni Anne while saying those words.

"Sh-She helped me, kaya siguro ganun kabilis yung mga pangyayari." sagot ni Vice and massaged his temple.

"Baka naman sa sobrang bilis ng mga pangyayaring sinasabi mo, iba nang lugar ang patunguhan niyo." seryosong si Anne at nginitian ang kaibigan.

"What do you mean? Hindi kita maintindihan." si Vice at tinitigan si Anne asking for an answer.

"You really wanted to help her?" pag-iiba ni Anne ng topic.

"Yeah. I always wanted."





Nakatitig lang si Karylle sa screen ng cellphone niya, sa hindi malamang rason. May she's waiting for someone to call her, to text her, or kung ano pa man ang pwedeng gawin sa cellphone. But it's just that she's doing is wait you can, though Karylle doesn't know she is.

A few minutes later her phone beeped. A text.

From: Vice

Maybe she's really waiting for him.

How are you?

Nagflash naman sa isip ng dalaga ang mukha ni Vice habang nakangiti ito. Aminin man niya o hindi, pogi si Vice sa tuwing ngingiti ito.

To: Vice

I'm doing fine. And you?

From: Vice

Are you really sure you're doing fine?

To: Vice

Saan na naman ba papunta 'tong usapan natin Vice? I'm fine... so fine.

From: Vice

I'm kinda convinced but not that really. But, well in that case it's good to know that you're fine.

To: Vice

Don't start with me, Vice.

From: Vice

Do you want to end this conversation? Parang feeling ko hindi ka komportable.

To: Vice

No one's gotta end this conversation without any valid reason.

From: Vice

Namiss mo lang ako eh! Ikaw ah!

Andito na naman siya. Just how this man changes heavy scenes to light and a bit awkward one. Sa isip ni Karylle.

To: Vice

Kape pa, Vice.

From: Vice

Ow. I'm actually drinking one! Are you stalking on me? Haha

To: Vice

Seriously, Vice?

From: Vice

Just kidding. Anyway, I really wanted to meet you. It's been a week since the last time na nagkita tayo. Maybe this sunday?

Natigilan si Karylle mula sa nabasa. Hindi alam ni Karylle ang isasagot. That day is not her day for going out... not that day.

From: Vice

Hey? Still there?

From: Vice

You know what, okay lang naman kung ayaw mo and if busy ka. I understand :)

To: Vice

Hindi naman ako busy.

From: Vice

So meaning sasama ka?

To: Vice

Okay.

Why did she even said yes?

From: Vice

Okie okie! So susunduin kita then may pupuntahan tayo.

To: Vice

Pwede bang magrequest sa kung saan tayo pupunta? Ite-text ko nalang sayo yung address nung place. No need nang sunduin mo ako.

From: Vice

Anuffa? Edi gora na! Sure kang ite-text mo sa akin yung address. Naku Karylle pag hindi umabot sa akin yan at hindi tayo magkita sa linggo, pepektusan talaga kita sa lungs.

To: Vice

Opo 'tay.

From: Vice

Heh! I miss you, by the way :)








Sunday

She was crying staring the busy city below here. Air touching her cheeks, as well as her tears.


"Will you marry me?"

"Dong... I-I'm not yet ready for th--- Dong!"


She still clearly remember that day. With the same date. August 24th. She always wished na sana oo na agad ang isinagot niya, edi sana masaya na siya kasama yung lalaking mahal niya. Sana magkasama parin sila. Sana sila parin.

It's already in her... that it was her biggest and dumbest mistake she had ever made.

They had that 6 years and with just her unsure answer, everything disappeared. Her love of life, died. He was driving furiously, beaten the red light because of anger, he got hit by a truck. He was already lifeless nang makarating siya to see him.

She made her world go round with this man. She even done suicidal attempts after his death, pero buti nalang ay nasasalba siya ng pamilya niya.

Isa't kalahating taon na ang nakalipas, but still the feeling for her was so new, so raw that it won't stop bleeding, like it will never heal again.

"I wish I answered yes that night. Sana kasama pa kita."



"Karylle!"

Nagulat man si Karylle nang biglang may sumigaw ng pangalan niya ay agad niyang pinunasan ang luha niya using her barehands before facing... Vice.

"Jusko! Wag mo sayangin beauty mo! Konti nalang tulad mo, magv-volunteer ka pang magbawas!"

At nakabaon na ang mukha ni Karylle sa dibdib ni Vice na ngayon ay sobrang higpit ng yakap sa dalaga. Panaka-naka rin nitong hahalikan ang noo ni Karylle at mas hihigpitan pa lalo ang yakap sa huli.

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ni Karylle dahil sa sinabi ni Vice.

"Kaya hindi ko trip 'tong rooftop tambay mo eh!" nangungunsimeng si Vice at kumalas na sa yakap sabay itinapat ang mukha niya sa dalaga.

"Hind naman ako tatalon. OA mo ah." saad ni Karylle at iniwasan ang titig ni Vice.

"Umiyak ka."

"Hindi noh." yumuko si Karylle

"Hindi kita tinatanong, sentence yun. Umiyak ka." Vice said, hinawakan niya ang magkabilang pisnge ng dalaga at hinarap sa kaniya ang mukha nito.

"You're not fine." sambit ng binata (?) at pinunasan ang pisnge ng dalaga na medyo basa pa. "Ako naman pupunas sa luha mo." seryosong sambit ni Vice. "Pero teh, baba na tayo, baka kung anong mangyari dito eh!" back to beki again.

"Let's just stay here... please." at hinawakan ni Karylle ang kamay ni Vice.

Vice sighed before answering, "Okay sige... Pero usog tayo sa gawing likod pa. Kabokot eh."

Nang makalipat na sila at naupo na sa sahig ay nabalot ng katahimikan ang buong paligid nila, except sa tunog ng hangin na umiihip. Nakatitig ang dalawa sa kung saan, but never each other's face.

"August 24... Does this day ring a bell?" pagbasag ni Vice sa katahimikan, at ibinaling na tingin sa dalaga. "Sinadya ko actually na sa day na 'to ay lumabas tayo."

"What do you know?" malamig ang boses ng dalaga nang itanong niya ito sa binata.

"I know that this day is such a disaster for you, and those memories... I know they keep on haunting you. Naiintidihan ko na. " sagot ni Vice at umusog pa papalapit sa dalaga, leaving a very little space between... Well wala na pala.

"Naiintidihan ang alin?"

"Yung mata mo." mabilis at maikling sagot ni Vice, then sighed. "Ganun talaga kahirap matanggap na wala na yung taong mahal mo, lalo na't alam mong hindi mo na talaga siya makikita." dugtong ni Vice na nakatingin sa kaniyang sapatos.

"Vice..." he knows that was a warning but it did not made him stop.

"Lalo na't sinisisi mo ang sarili mo sa pagkawala niya. Pero tulad nga ng sinabi mo, masasaktan ka kung hindi talaga para sa'yo."

"Matatanggap ko naman kung ganun lang, hindi yung ganun na mawawala siya. Ang sakit eh, mahal ko siya eh."

After Vice heard what Karylle said, he felt this sting in his heart sa hindi malamang dahilan.

"Almost one and a half year na... Ganun parin kasakit kasi ayaw mong bitawan.  Akala mo sanay ka nang nasasaktan pero hindi pa pala. Hindi mo kasi matanggap ang totoo, pati yung sakit." saad ni Vice.

"Wala kang alam, Vice."

Napatingin naman uli si Vice kay Karylle. "Siguro nga, pero isa ang alam ko at sigurado ako, alam kong nasasaktan ka." sagot ni Vice.

Tumayo naman si Karylle, ginawa rin ito ni Vice.

"Ano ba gusto mong mangyari dito?" kunot noong si Karylle na nagpipigil ng luha.

"Gusto ko na bago matapos ang araw na 'to wala na yang pain sa puso mo." seryosong sagot ni Vice.

"Paano, Vice?! Paano magagawang kalimutan ang lahat ng nangyari kung mahal mo yung taong yun!" sigaw ni Karylle na hindi na napigilan ang pag-agos ng luha niya.

Si Vice naman ay muling naramdaman ang pagkirot ng puso niya.

"Hindi ko sinabing kalimutan mo siya. Be free again, yun lang ang gagawin mo. Be free from pain, from worries and all those negative vibes na bumalot sa 'yo simula nung nawala siya sa 'yo." kalmadong sagot ni Vice.

"Akala mo naman ganun lang kadal---"

"Nasa sa'yo kung gusto mong palagi kang nasasaktan, o kung gusto mong sumaya. Kasi kung gusto mo, hindi 'yun mahirap." si Vice.

"H-Hindi mo naiintidihan." umiiyak na si Karylle.

Lumapit naman si Vice kay Karylle at pinunasan ang luha nito. "Edi ipaintindi mo sa kin. Palagi ko namang pinaaalala sa'yo na handa akong makinig. Handa akong umintindi."

He doesn't know why, but his voice started to cry. Maybe he hates seeing the woman infront of him cry.

Nakita naman ni Karylle ang sinseridad sa mga mata ni Vice.

"He proposed, I answered I wasn't ready, he got angry then drove himself home. He got bumped by a truck, he died. Hindi ko ginusto lahat ng 'yon Vice. Dapat um-oo na ako, siguro buhay pa siya."

Kung um-oo ka kaya, magkikita kaya tayo sa bar mo?

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Siguro napa-aga or hindi talaga para sayo. Kasi ibibigay yun kung sayo yun. Sa tingin mo ba kung ikinasal kayo, hindi siya mawawala sa 'yo?" si Vice.

Karylle looked straight to Vice's eyes.

"Sa tingin mo ba kayo hanggang huli?"

"Mahal namin ang isa't isa makakayanan namin yun hanggang sa huli" napapikit si Vice sa sinabi ng dalaga. "Bakit pa kasi kailangang ibigay kung hindi naman pala sa'yo, kung babawiin rin lang naman?"

"Para matuto. Yun lang ang alam kong rason kung bakit kailangang mangyari yun. Kasi kung hindi sila yung para sa 'yo, kailangan mong matuto mula sa kanila o baka sila yung magiging daan para mapunta ka sa taong para sayo talaga." pagsagot ni Vice sa tanong ni Karylle.

"Pahalagahan mo yung taong nakapaligid sayo. Isa ako dun, Karylle."

Walang natanggap na sagot si Vice mula sa dalaga kundi ay nakatanggap siya ng yakap rito. He felt that longing feeling, he felt how lonely Karylle was, between her arms.

"We are here for you. I am here for you."

"Why are you doing this?"

"Bakit mo rin ginawa yun?" nakangiting balik tanong ni Vice sa dalaga.








"More than three weeks? Sigurado ka ba? Kasi kung magdrama kayo ganun na. Parang ang kakaiba naman nun." hindi makapaniwalang si Vhong.

"I just wanted to help, kasi tinulungan niya ako."

"You're fixing each other. Does it mean anything?" si Billy.

"Anong pwedeng ibig sabihin naman nun? We just want to help each other. Maybe friends partly strangers." natatawang sagot ni Vice.

"Don't you feel anything for her? I mean something special?" si Billy.


"Maybe I might, maybe I don't. I just wanted to be her friend, she needs help. That's all I know."

To be continued...

Hindi ko alam pinagsusulat ko. Kung saan lahat nanggaling yan. Paki support nalang 😂

Continue Reading

You'll Also Like

175K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
222K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...