The Pile | Vicerylle One Shot...

By aladdin1432

104K 3.3K 425

Compilation of Vicerylle One Shot Stories More

Authors Chuchu
I. Infinity
I. Infinity (2)
II. Amnesia
III. Like We Used To
IV. Ever Enough
V. Bays IG
VI. Thinking Out Loud
VII. Moments
VIII. Friends
IX. You and I
X. Fool's Gold
XI. Emoji Challenge
XII. Shape of You (1)
XII. Shape of You (2)
XII. Shape of You (3)
XIII. All of the Stars
XIV. Random
XV. Dive
XVI. Perfect
XVII. Galway Girl (1)
XVII. Galway Girl (2)
XVIII. Happier
XVIV. The Myth (1)
XVIV. The Myth (2)
XX. Spring Day
XXI. GGV
XVIV. The Myth (3)
XVIV. The Myth (4)
XVIV. The Myth (5)
XXII. New Man
XVIV. The Myth (6)
XXIII. Hearts Don't Break Around Here
XXIV. She's Not Afraid
XXV. Don't
XXVI. Vicerylle Scenarios
XXVII. Vicerylle Scenarios (2)
XXVIII. Vicerylle Scenarios (3)
XXIX. Vicerylle Scenarios (4)
XXX. Language Challenge
Author's Chuchu Again
XXXI. Supermarket Flower
XXXII. Something I Need (2)
XXXIII. Something I Need (3)
XXXII. Something I Need (4)
XXXII. Something I Need(5)
XXXIII. XO
Hi!
XXXIV. Slow Hands
XXXV. Vicerylle Scenarios (5)
XXXIV. Slow Hands (2)
XXXIV. Slow Hands (3)
About Slow Hands
XXXV. Safe and Sound
XXXVI. Nancy Mulligan (1)
XXXVII. One

XXXII. Something I Need

1.9K 71 5
By aladdin1432


XXXII. Something I Need

"And if we only live once... I wanna live with you."


Tulala si Vice habang nakatitig sa kaniyang baso ng tequila na nasa harapan niya. Ang dalawang kamay niya ay nasa lap niya, slouchy yung likod niya habang nakaupo sa may silya ng bar counter ng bar syempre.

"Pasenya na talaga kung ano... Vice kasi, nangangailangan talaga ako. Kaya ko nagawang magpanggap na mahal kit---"

"Lumabas ka na kung ayaw mong makatanggap ng pektus sa lungs mo! Bwisit kang manloloko ko!"

Muling nagflash sa isip niya ang panlolokong ginawa ng jowa niya sa kaniya.

Agad niyang nilagok ang alak na nakaserve sa harapan niya and then asked for another glass.

"Matagal na kasi naming sinabi sa'yo na wala kang mapapala sa mga lalaking 'yan."

Napintig ang tenga ni Vice nang marinig ang sinabi ng kaibigang si Vhong na kainunam at karamay niya at the moment.

"Vhong nagmahal lang ako." pagsagot ni Vice.

"Walang mali sa pagmamahal, pero may mali sa taong minamahal mo."  sabat ni Billy.

"Kaya ko nga kayo pinapunta dito para may karamay ako, tapos puro kay sermon. Yung totoo, kaibigan ko ba kayo?" mapang-uyam na sambit ni Vice.

"Kaibigang nagpapayo."

"Maghanap ka na kasi ng girlfriend, brad!" panunukso ni Vhong sa kaibigan.

"Yuck Vhong! Tigilan mo ako! Kahit bali-baliktarin mo ang universe hindi ako papatol sa merlat! Kadiri!"

Muli ay bottom's up na ininom ni Vice ng tequila na nasa shot glass and asked for another.

Inilabas niya ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa dahil sa tuloy-tuloy nitong pag-vibrate, dahil sa mga texts, at ilang tawag.

Pasalit-salit ang titig niya sa basong nasa harap niya at sa cellphone niyang katabi ng baso niya.

Ilang segundo pa at tumawag ang kaniyang assistant kaya agad niya itong sinagot.

"Ma'am? Makakarating po ba kayo ngayong 6:00 pm? 5:30 na po ka---"

"I-cancel mo na lahat ng meetings and appointments ko sa day na 'to. Magpapahinga lang ako. Bye." at agad na niyang tinapos ang tawag, kasunod ay ininom muli ang tequila.

"Isa pa..." he requested from the bartender.

"Mahal na mahal kita, Baby Girl."

"Pesteng sinungaling!" sigaw ni Vice na ikinagulat ng lahat ng nasa loob ng bar. Eto kasi yung tipo ng bar na may acoustic lang na kumakanta sa may harap at hindi gaanong maingay kaya pag sumigaw ka, dinig ka.

"S-Sorry. Makinig nalang kayo dun kay ate girl na kumakanta." pagpapaumanhin ni Vice matapos maubos ang alak na nasa baso niya.

"Isa pa." he requested from the bartender again.



"Isha *hik* paaah."

Namumungay na ang mga mata ni Vice at namumula na ang pisnge dahil sa kalasingan. Panaka-naka na rin siyang naa-out of balance ngunit buti na lang ay nakakayanan niya pang isalba ang sarili. Actually nakadapa na siya sa counter ng bar, pero nakaupo parin sa kaniyang silya.

"Sir, kasi lasing na po kayo. May kasama po ba kayo?"

"Sshhh! Ikaw namaaaaan *hik* bigyan mo na hako ng isha paaa *hik* Walya akong kashama, hinhiwan na nilah kohh." sagot ni Vice na halos kinakain na ang mga sinasabi niya.

"Si---"

"Hindeeh ako shir, mahaaam ako." Vice corrected the bartender.

"Ah... ma'am, kasi po hindi po allowed ang sobrang pagpapakalasing dito kung wala po kayong kasama, lalo na po pag magd-drive kayo.

"Pssh. Hanong khlusheng var toh kung hinde pwedeng maglashing. Bigyan mo na akoooh! Magbabayahad naman akow ih!" sagot ni Vice sabay inilabas ang wallet niya.

"Pasensya na po talaga pero hindi po pwede." at tumungo ang lalaki sa may telepono, "Ma'am, eh kasi po may makulit po na customer dito. Hindi ko po makausap ng maayos, baka sakali pong makinig po siya sa inyo... Okay po."

"Hooy! Nashan na yung tequihluh koow?" wala sa sariling si Vice.

"Ano ba nangyayari diyan, Edward?" at lumabas ang babae mula sa kung saan. Suot niya ang simpleng t-shirt at ripped jeans at tanging puting converse, habang nakalugay ang kulot nitong buhok.

"Kasi po, Ma'am Karylle, siya po." sabay turo ng bartender kay Vice na ngiting aso na nakatitig sa babaeng nag-ngangalang Karylle.

Napansin naman ni Karylle ang kakaibang pananamit ng lalaking(?), pati ang grey nitong buhok, at ilang kolorete sa mukha kaya napagtanto niyang bakla nga ito.

"Ma'am hi---"

"Shir nalhang." malokong sambit ni Vice na ngiting aso habang nakatitig​ kay Karylle.

Napakunot naman ang noo ni Karylle dahil sa paraan ng pagtitig sa kaniya ni Vice na tila nagd-daydream. Nilapitan naman ni Karylle si Vice, leaving enough space betweem them.

"Sir... Ang bar na ito ay para sa mga walang balak maglasing na hindi tulad niyo. Well, pwede naman pero, kung may kasama kayo." paliwanag ni Karylle.

"Aaah." nakangiting sagot ni Vice.

"Kaya sir kung maaari po, umu---" hindi na natapos si Karylle sa sasabihin, at halos lumuwa ang mga mata niya at ni Edward nang natumba si Vice. Hindi naman ito nahulog sa lapag...ngunit ay nakasubsob ang mukha ng huli sa dibdib ni Karylle.

Buti na lamang walang nakatingin sa kanila at kahit isang naplingon o nakapansin. Ngunit dahil na rin sa pagkagulat ay nasampal ni Karylle si Vice nang wala sa oras.

Pero hindi parin nagising si Vice at tuluyan nang nahulog sa lapag, making a loud noise... and for god's sake, tulog pa rin ito.

"Uhm... Ma'am paano na po 'yan?"



VICE

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng pananakit ng katawan at kung anong nakadagan sa braso.

Dahan-dahan ko nang iminulat ang mga mata ko, at bumungad sa akin ang mukha ng isang babae. May matangos na ilong, makinis na kutis, mapupulang labi. I was staring her face nang biglang bumukas ang mga mata niya... wait. Babae! Shit oo nga! Babae!

"Aaaah!" pareho na kaming mapasigaw at at ako naman napatayo mula sa kama.

"Nandun ka dapat sa sofa at hindi dito sa kama ko!" narinig kong sigaw niya. Hindi ko ito pinansin.

Then I realized that I was wearing only my boxers, kaya agad kong hinablot yung kumot na hawak niya, at itinatakip sa sarili ko.

"Hoooy!" sigaw niya. Naka-nighties lang pala siya kaya hinayaan ko na. Not my virgin eyes. Kumuha nalang ako ng dalawang unan mula sa kama. Tinakip ko yung isa sa katawan ko, atsaka yung isa sa ano... sa baba.

"A-Anong ginawa mo sakin?" tanong ko. Still not moving, "Bakit boxers ko nalang yung suot ko?" nakakaiyak ang scene na 'to ah.

"Sumuka ka. Wala ka namang damit kaya ganiyan ang suot mo ngayon. Buti nalang talaga may boxers ka." sagot niya. I felt relieved after hearing her answer. "Wag kang assumero." dugtong pa niya.

"Pero bakit nasa iisa tayong kama?"

"Itanong mo sa sarili mo. Sa sofa kita pinatulog at hindi dito sa kama ko." kunot noo niyang sagot.

Then nag flash sa isip ko yung paglipat ko ng kama dahil hindi ako komportable sa kinahihigaan ko.

"Uhmm... Ano. Bakit nga pala ako napunta dito?" at dahan dahan akong bumalik sa kama, para maki-share sa kumot. Malamig eh.

"You passed out sa bar na pagmamay-ari ko, last night." and then her cheeks redden. Something wrong? But ... The effin'! Siya yung may-ari nung bar.

"Shit! Oh my gaaad teh! I'm so sorry! Nakakahiya!" pagpapaumanhin ko na nakapikit pa. Pero hindi ko siya narinig na sumagot. Tiningnan ko siya, anlayo ng tingin niya.

"Sobrang lasing ka kagabi, may mali sa'yo. Something bad happened kaya napunta ka sa bar ko at nagpakalasing?"

Napatigil ako sa tanong niya, at muling nagflash sa utak ko ang panlolokong ginawa ng bwisit kong ex.

"Gaga, porket naglasing may nangyaring masama agad?" and I tried to fake a laugh.

"You can't hide from me..." I heard her say, then our eyes met. We were like staring each other for a long time, without knowing.

"Ah, k-kamag anak ka ba n-ni Madame Auring?" umiwas na ako ng tingin.

"Can you take things seriously? I can be your friend at this hour." malamig niyang sambit.

I sighed after hearing what she said.

"Uhm... Sawi lang naman sa pag-ibig." saad ko then pinilit ko na ngumiti.

"He doesn't deserve you." napatingin ako sa kaniya. The way she said those words were full of anger.
.
"Get up. Magbihis ka na. Nandun sa bathroom yung damit. Sa tingin ko naman tuyo na 'yun. Drinyer ko naman yun kagabi."

Agad na akong napatayo sa sinabi niya, sabay diretso sa banyo ng kwarto niya.

End of POV



"Uhm... Teh, salamat talaga ah. We were never friends nor your relatives but you took care of me just for a night." pagpapasalamat ni Vice nang pareho na silang makababa ni Karylle mula sa kotse.

Si Vice kasi ang nagdrive ng kotse ni Karylle papunta sa bar na pagmamay-ari ng dalaga, para na rin sa pagpapasalamat sa dalaga tsaka para kunin ang kotse niya na naiwan sa parking lot na nireserba sa customers ng bar.


"Ang OA sa took care ah. Parang nakitulog ka lang naman sa bahay." natatawang sagot ni Karylle.

"I mean it. Well, anyway... babawi ako some other time, may kailangan pa kasi kong asikasuhin. I promise, babalik ako dito para i-treat ka sa kung saan mo gusto, kahit ilan pa." sambit ni Vice habang naglalakad patungo sa kotse niya.

"Yeah... Whatever you say!" tumatawang sagot ni Karylle waving her right hand.

"I promise!" pahabol pa ni Vice bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Agad naman itong ini-start ng huli, sabay drive paalis sa bar. Sinundan lamang ng tingin ni Karylle ang kotse, ngunit agad na nagtaka matapos itong huminto at umatras pabalik.

"Problema nito?" kunot noong si Karylle.

Nung nasa tapat niya na ng kotse ay agad na lumabas si Vice mula rito.

"Ano... may nakalimutan ako, teh." nakangiting ilang na sambit ni Vice at naglakad patungo kay Karylle.

"Ano na naman?" kunot noong si Karylle.

"Ano, teh. Yung pangalan mo tsaka number." nakangiting sagot ni Vice, "Jose Marie Viceral a.k.a Vice, by the way. And you are?" dugtong ng binata(?), then offered Karylle a shakehand.

Natawa naman si Karylle sa tinuran ng lalaki, "Ana Karylle Tatlonghari, but just call me Karylle or K. Nice meeting you, Vice." nakangiting si Karylle and accepted Vice's hand.

"Nice meeting you too, Teh.” sagot ni Vice at binawi ang kamay sabay kuha na ng cellphone niya sa kaniyang bulsa. "Type your number, so I can check out on you sometimes! Alam mo na, friendship goals." Vice giggled and handed Karylle his phone.

Hindi na umangal si Karylle at tinype na rin ang number niya as Vice requested.

"Okay... Sige na sige na. I need to go. Thanks so much!" then Vice planted a soft kiss on Karylle's forehead na labis na ikinabigla ng huli, bago siya tuluyang bumalik sa kotse at dire-diretasong nang nagdrive.



"So where were you last night?" iyon ang agad na bumungad kay Vice nang makarating siya sa opisina niya. Naroon si Billy at Vhong.

"I was drunk then umuwi ako sa bahay." paliwanag ni Vice at umupo sa kaniyang swivel chair.

"Tinawagan kami ng Mama mo, dahil bumisita siya sa bahay mo at wala ka daw dun." sabad ni Billy at umupo sa couch ng opisina.

"A-Ah. Basta ano. Nalasing kasi ako, tapos yun na yun!" sagot ni Vice sabay inilibas yung cellphone niya sabay dukduk ng mukha niya sa lamesa.

"Tapos nasan ka kung nalasing ka? Eh hindi ka naman daw naka-uwi. Wala ka namang kalokohang nagawa diba?" nag-alalang si Vhong.

Muling umayos si Vice ng upo, at walang ganang tinitigan ang dalawa. "Wala akong kalokohang ginawa. Wag kayong, OA!" sagot ni Vice at muling idinukduk ang mukha niya sa lamesa.

Hindi na sumagot ang dalawa na nakatitig lamang kay Vice. Alam nilang may sasabihin ito kaya hinintay na lamang nila itong magsalita... na madalas mangyari sa kanilang tatlo.

Yun nga, muling umayos si Vice sa kaniyang pagkakaupo at tinitigan ang dalawa, "Actually kaya hindi na ako nakauwi kasi nga diba nalasaing ako then... I slept with a girl." pagkwento ni Vice.

Halos lumuwa naman ang mga mata ng dalawa niya after hearing what Vice just said.

"Wait you what?! You slept with a girl?!" si Billy.

"Eh halos kahapon lang sinabi mo na hindi ka papatol sa babae." si Vhong naman.

"Ano feeling brad?!" sabay na tanong ng dalawa.

"Anong 'anong feeling?', I literally slept with a woman. Kadiri ng mga iniisip niyo!" nakangiwing sagot ni Vice. "Natulog lang ako... well kami... in one bed." dugtong ni Vice.

"Siya pala kasi yung may-ari nung bar kung saan ako naglasing. Tas sa ayaw niya ng iskandalo dun sa bar niya, at hindi niya naman alam kung saan ako tumutuloy. No choice siya na isama ako pauwi. And that was the most awkward hours of my whole life." pagkwento ni Vice sa dalawa.

"Maganda ba?"

"Oo eh. Alam mo yun, yung mga gusto kung ma-achieve na mukha, ma-achieve na curves." sagot ni Vice.

Napa-sigh na lamang si Billy at Vhong.

"He is hopeless." sa isip pa ng dalawa.

"Pero ano... Oo naman, maganda talaga siya. Yung ilong niya, yung mga mata niya, yung lips niya pati yung kulot niyang buhok."



"As I promised babalik ako!" nakangiting bungad ni Vice nang makita niya si Karylle sa bar.

"And you really did." sagot ni Karylle and nginitian si Vice. "What do we got?"

"Ikaw ang masusunod. Akong bahala sa mga bayarin!" at kinindatan pa ni Vice si Karylle.

"Well then, ituturo ko nalang sa 'yo kung saan."

To be continued...

2 in a row :)

Continue Reading

You'll Also Like

815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
45.8K 1.3K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
177K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
338K 7.6K 33
Bored ako