CRIMINAL [Under Major Editing]

By AkoSiHurricane

5.6K 1.6K 1.4K

A legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy an... More

PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
Author's Note
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48: LAST
EPILOGUE

CHAPTER 12

127 37 40
By AkoSiHurricane

Third Person's Pov

Pinarada ni Grey ang sasakyan sa isang abandunadong lugar, matagal siyang nakatingin doon, tila nagda-dalawang isip kung tutuloy o hindi.

"Fucking shitass," bulong nito sa sarili.

'Di nagtagal ay lumabas siya nang sasakyan kasabay ng pagtunog ng kaniyang telepono. Naiinis man ay pinili niyang sagutin ito.

"What?" walang ganang sagot nito.

"Hahahaha! I know you'll come for me again..." bulalas ni Alfonso sa linya.

Nagsalubong ang kilay ni Grey at nilibot ang paningin upang malaman kung may nakamasid ba rito.

"So what? Tell me what you want," tila nababagot na sagot nito.

"Please come inside, it's my pleasure to finally see you again."

Mabilis na binaba ni Grey ang linya saka naglakad papasok. Habang tinatahak ang daan ay amoy na amoy na nito ang usok ng sigarilyo na malamang ay nanggagaling kay Alfonso. Nakita niya ang matanda na prenteng nakaupo sa tapat ng desk nito at nagyo-yosi, naka-dekwatrong upo at may dalawang babae na halos wala ng damit ang nasa gilid nito.

"Grey..."

"What do you want?" naiinis na tanong niya rito.

"Matagal kang hindi nagpakita, long time no see." nanunuya ang tono ng matanda ngunit lalo lang nagsalubong ang kilay ng binata.

"Hindi ba sinabi ko na ayoko na."

"Hahaha!" humalakhak at tumayo ito, dahan-dahan lumapit kay Grey, "Ayaw mo nang patayin si King Xander? Hahaha! Bago ‘yun Grey."

"No, I'll kill him whenever I want. But someone's not going to be involve," matigas nitong sagot dahilan upang mangunot ng bahagya ang noo ng matanda sa binata.

"You mean that woman you brought here? Queenie..." pahayag nito at bumuga ng usok.

Hindi sumagot si Grey, bagkus ay tinignan niya lang ito ng masama. Simula no’ng nagharap sila ni Devin ay napagpasyahan niyang ‘wag na ito galawin at ang ama na lamang nito ang puntiryahin. Alam niya ang nakaraan ni Devin, alam niya ang mga plano nito dahil sa nangyaring nakaraan. Kaya naman gano’n na lang kabilis ang plano niyang ilayo si Queenie kay Devin sa hindi malamang dahilan.

"Hahaha! You're such a moron, Grey. ‘Wag mo sabihing type mo ang babaeng ‘yun?" bulalas pa nito at lumapit sa isang babae niyang nasa gilid at hinawakan ito sa bewang, "She looks tough. Tingin mo bibigay ‘yun sa 'yo? Well I don't think so," anito habang nakatingin sa babae niya.

"Just tell me what you want," nababagot na sagot ni Grey.

Humarap sa kan'ya ang matanda at nginisian, "I want you to kill that precious daughter of King Xander. Grey, 5 million will be yours." tila nang-a-akit na sabi nito.

"Fucking 5 million," matigas na bulong ni Grey.

"...or else, sa iba ko ipapagawa."

Bahagyang nanlaki ang mata ni Grey dito at kinunutan ito ng noo, "Kanino?" agad na tanong nito.

Matunog na ngumisi si Alfonso, "Secret..."

Kumuyom ang kamao ni Grey, tila nagpipigil na makasakit. Para bang ayaw niyang madamay si Queenie sa nangyayari. Para bang simula no'ng araw na makausap niya ito ay nagbago ang pananaw niya, na hindi kailangan na idamay ang iba kung 'di si King Xander lamang.

"Imbes na ipapatay mo, bakit hindi ikaw ang pumatay?" nanunuyang tanong ni Grey dahilan upang matigil ang matanda sa harap niya.

"You want me to kill that Queenie? By my own hands?" sarkastiko ito.

"Try."

Mapang-asar na tumawa si Alfonso na siyang lalong kinainis ni Grey.

"Fine," sambit nang tatawa-tawang si Alfonso.

"Try and I’ll knock you up you fucking shitface."

"I don't want that to happen... that's why I ask him to do it for me."

"Who?"

"It's still a secret, moron." saka tatawa-tawang bumalik ito sa kinauupuan at ikandong ang babae sa tabi sa kan'yang hita.

Nanatiling nakakuyom ang kamao ni Grey, tila nangga-galaiti na ito dahil sa pinagsasabi at pina-plano ng dati niyang kakampi. Nang makuntento sa katititig ng masama sa matanda na ngayo'y ngingisi-ngisi ay naglakad na ito palabas.

"Goodluck Grey," Nagbabantang pahabol ng matanda pero hindi niya na ito nilingon pa. Nagdire-diretso na ito hanggang sa makalabas ng gusali.

"Damn it," sinipa nito ang nadaanang lata na nakakalat sa kanyang daan. Namewang siya at napatingala sa maliwanag na kalangitan. Hindi niya alam ang nangyayari sa kan'ya, akala niya ay makakatulong ang ilang araw na pamamalagi niya sa bahay upang malaman ang nangyayari sa kan'ya ngunit imbes na malaman ay lalo siyang naguguluhan sa nararamdaman.

"Sir Grey?"

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses, nakita niya ang dating kasamahan na nagtatakang nakatingin sa kan'ya.

"Ralph."

-_-_-_-

Queenie

"Ano, okay ka lang?" tnong ko kay Lindon na nagpupunas ng kanyang kamay.

Natutuwa ako dahil madali siyang napaki-samahan ng mga empleyado ko lalo na ni Gilbert na siyang gumagabay dito.

"Ayos lang, madali lang naman e." sagot niya.

"Haha! Ma'am mukhang madali siyang matuto, alam na nga niya ‘yung basic ng capuccino," sabat ni Gilbert habang naghuhugas ng baso.

Matipid na ngumiti si Lindon, "Madali lang naman talaga."

"Talaga? Mind if I want some?" nakangiting tanong ko na siyang kinalingon ni Gilbert.

"Sinong gagawa, Ma'am? Ako po o siya?" tanong nito pero agad ko siyang inilingan.

"I want Lindon to do it."

"Hindi pa 'ko magaling do’n, Queenie." nahihiyang sabi ni Lindon.

Natawa naman si Gilbert, "Ma'am Queenie! Hindi Queenie," pagtatama niya pa.

Tinawanan ko lang ito at bumaling kay Lindon, "Okay, send me the best kind of capuccino you'll make then I'll judge it," nakangiting ani ko na dahan-dahan n'yang kinatango.

Pumasyal ako sa shop, nagtitingin ako sa mga customer na masayang nagkakape nang may matanawan akong isang tao na nasa pinaka dulo na table. Mag-isa lang ito at naka-black sweater hood. Lumapit ako rito dahil pansin kong kanina pa siya patingin-tingin sa 'kin.

"Hi, Sir!" bati ko ngunit hindi niya 'ko nilingon.

"Are you enjoying our coffee, Sir?" muli kong tanong.

But again, he just ignored me.

Mahina akong natawa, "Silence means yes," akmang lalakad na 'ko pabalik ng magsalita siya.

"I'm not having a coffee, Ms. La fuente." malamig na tugon niya.

Naestatwa ako sa narinig, bigla ay lumakas ang tibok ng puso ko. Nakikilala ko ang boses na 'yun at hindi ako pwedeng magkamali. Unti-unti ay humarap ako at gustong manlaki ng mata ko nang makitang blangko siyang nakatingin sa 'kin. Isang normal na tingin pero makakaramdam ka ng takot.

"D-Devin?"

He knows my place? I mean, he knows I'm here? How?

Noon ko lang napansin na tubig lang pala ang laman ng tasa niya, kanina pa kaya siya nandito? Ba't hindi ko siya nakilala agad?

"H-How did you know I’m here?" I don't know why my voice keep cracking. Para akong kinabahan. Knowing ang dami ko nang nakitang nagawa niya sa pagpatay.

Inayos niya ang hood niya at tumayo, "I just thought that this coffee shop is one of the best here in town, that's why I came to visit." aniya sa malamig na boses.

Magsasalita pa sana ako nang bigla ay nilayasan niya 'ko. Damn him! Ang hilig niyang umalis.

But seriously, I really am confusing. Bakit gano'n? Nasasagot ang ilang tanong ko pero nadadagdagan naman? Hindi kaya magkakilala si Devin at yung babaeng nanakit sa 'kin kahapon at tinuro niya kung nasaan ako? Pero kung gano'n, bakit? Siya ba 'yung nagmamasid sa 'kin? Totoo bang pinapanuod niya 'ko gaya ng sinabi ng babaeng 'yun? Oh, damn it... ang dami kong gusto malaman. Pero sino ang pagtatanungan ko rito? This is annoying.

-_-_-_-

"Yes, Mrs. De leon?" I massage my temple as I rest my back on my chair, "On saturday evening? Of course... Mrs. De leon. Okay, okay... my pleasure, Madam. I'll send the application via email this evening don't worry. Okay Ma'am, thank you." pagkababa ng telepono ay sabay pasok ni Cassidy na may dalang teacup cupcakes, pinangunutan ko ito ng noo.

"What's that?" tanong ko hindi dahil sa hindi ko alam, nilapag niya 'to sa mesa. It's a three strawberry rose teacup cupcakes.

"Hindi ko alam, pero may note."

Nakita kong may maliit na sticky note rito.

'Hope you'll like it.'

Nagtaas ako ng tingin kay Cassidy, nakakapagtaka, I'm not expecting someone to send me this. At isa pa, wala akong manliligaw.

"Looks like you have an admirer, Queenie." nakangiting sambit nito.

Biglang pumasok sa isip ko si Devin, I don't know why pero agad ko siyang naisip.

"Saan mo 'to nakuha?" takang tanong ko.

"Sa table 8. Ang sweet 'no? Tikman natin."

Hinayaan ko siyang kutsarahin ang isa, nakatingin lang ako sa harap. Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba, parang pakiramdam ko nanggaling ito kay Devin. Hindi ko alam pero 'yun 'yong naiisip ko kahit na ayoko naman mag-assume.

"Uy... siguro may manliligaw ka 'no? Sino 'yan ha?" nang-aasar na sabi ni Cassidy, "You're smiling..."

Agad akong napatingin sa kan'ya, nanlaki ang mata ko at napahawak sa labi ko, "Me?"

Sunod-sunod n'ya akong tinanguhan.

So meaning I didn't know that I'm smiling at this moment? Oh dummy this is embarrasing.

Pero bakit ba ako nangingiti?! Wala namang nakakangiti ro'n. Hindi ko alam kung siya ba talaga ang nagbigay nito, mamaya isa lang palang regular customer.

Hayy.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

The Whole Truth By jaxharlow

Mystery / Thriller

437K 20.2K 52
Adele knows she witnessed a murder - what she doesn't know is just how personal it is. ...