Babaylan

Von Fangsie

25.6K 1.6K 574

Magtapang-tapangan ka na sa kanyang harapan... dahil hindi ka niya sasantuhin. Mehr

Balik-tanaw
Chapter 1: Kaisang-dibdib
Chapter 2: Sa Piling ng Angkan
Chapter 3: Silip sa Nakaraan
Chapter 4: Pangulo
Chapter 5: Pagbabalik
Chapter 6: Pasaylo
Chapter 7: Hiling
Chapter 8 : Giraram
Chapter 9 : Takas
Chapter 10: Ama, Ina, Anak... Alamid!
Chapter 11 : Paghahanda
Chapter 12: Malabagyo
Chapter 13 : Pasiya
Chapter 14: Pagdukot
Chapter 15: Siklab
Chapter 16: Mahay
Chapter 17: Saloobin
Chapter 18: Dayo at Dalantao
Chapter 19: Tambalan
Chapter 20: Awit
Chapter 21: Laban at Bawi
Chapter 23: Ulan
Chapter 24: DUKOT
Chapter 25: Kaduluman
Chapter 26: Pagbalik
Chapter 27: PASLIT
Chapter 28: UHA
Chapter 29: BINHI
Chapter 30 : LIHIM
Chapter 31: Sinugdanan (Umpisa)
Chapter 32: MATA NG BAGYO
Chapter 33: UNANG PAGKIKITA
CHAPTER 34: BAGSIK NG ARAW
Chapter 35: DAKOP
Chapter 36: *HALAD
Chapter 37: Pildi-Daog

Chapter 22: Buhay

643 55 11
Von Fangsie

Chapter 22

Buhay

Ilang araw na ang mi-agi matapos ang panghitabo sa Ibayo ngunit hindi pa rin nagigising sina Ulan at Silaw. Nagkamalay na ang tatlo pang samaran ngunit si Amihan ay hindi pa makatayo at makakain ng maayos. Nananatili si Amila sa Ipil at matamang hinihintay ang muling pagmulat ng mga mata ni Ulan. Paminsan-minsa'y naiiyak siya at nawawalan ng pag-asa dahil hindi basta-basta ang mga sugat na tinamo ng mga mandirigma, lalo na si Ulan. Kung natagalan pa ang pagdating niya'y huli na ang lahat at malamang nagluluksa na siya ngayon. At kung hindi sa tulong ng angkang Agapai, wala nang buhay ang kalalakihan.

"Kumain ka muna, Amila," anang boses sa likuran ng babaylan. Nakaakbo sa gilid ng papag ang Mamamana-u habang nakasalampak sa sahig at masuyong hinahagod ang braso ni Ulan.

"Hindi po ako nagugutom, Nana Vana," paanas na wika ni Amila sabay pahid sa luhang dumaloy sa pisngi. Narinig niyang bumuntunghininga ang mananambal at namalayang sumalampak rin ito sa sahig katabi niya. Nag-angat ng tingin ang babaylan. May dalang mangkok si Vana, inalo siyang higupin ang sabaw para magkalas ang katawang nangayayat. Napilitang sumunod ni Amila.

"Nakakalakaw na sina Alab at Abalon ngunit hinay-hinay muna at hindi pa nila kayang lumayo sa kanilang tinutuluyan. Nais nilang makita ang iyong Alamid. Nakikita ko sa kanilang mga mata ang matinding pag-aalala para sa kanilang pangulo."

"Bakit hindi pa siya nagkakamalay hanggang ngayon, Nana?" Muling nangilid ang luha sa mata ng babaylan at minabuti na lang niyang ilapag ang mangkok. Nawalan na siya ng ganang kumain.

"Malalalim ang mga sugat na natamo ni Ulan. Kung hindi sa tulong ni Agaw-kislap, hindi namin kakayaning gamutin sila. Maraming dugo rin ang nawala sa asawa mo't mga kasama niya."

"Natatakot ako sa maaaring mangyari..."

"Manalig kang malalampasan nilang lahat ito."

"Ano ang nangyari sa Mananawag?"

"Nakapiit siya ngayon dito sa Ipil. Mukhang gulilat pa ang batang iyon hanggang ngayon at hindi pa nakukuhang magsalita. Sinubukan nilang pakainin ngunit nakatulala lamang ito sa isang tabi."


Kinagabiha'y naisipang dalawin ni Amila ang iba pang kasama ni Ulan na patuloy ring nagpapagaling. Una niyang dinalaw ang kapatid ni Lin-aw. Nakaratay pa rin si Amihan sa papag, halatang natuwa ito nang makita si Amila'ng pumasok sa silid. Walang salita'ng namagitan sa kanilang dalawa ngunit sapat na ito sa mandirigma bago muling ipinikit ang mga mata at tuluyang nakatulog. Sunod namang dinalaw ni Amila sina Abalon at Alab na nasa iisang silid lamang. Nagkumahog umupo sa kani-kanilang higaan ang mga Alamid nang malamang nais silang makita ni Amila. Nagtatanong ang mga mata ng kalalakihan nang pumasok sa silid ang babaylan. Napahinga ng malalim si Amila at umiling.

"Hindi pa rin siya nagkakamalay hanggang ngayon." Kaagad naghimutok ang dalawa, may galit at takot sa mga anyo. "Natutuwa ako't maayos na ang kalagayan ninyo mga igsuon." Nag-angat ng tingin si Abalon, may luhang nangilid sa mga mata.

"Nauna kami ni Alab sa paglapit sa patibong ngunit hinila niya kami, kaya...." Napayuko ang matalik na kaibigan ni Ulan, nakuyumos ang palad. "Patawad, Babaylan."

"Kung magsalita ka'y parang hindi mo lubos na kilala si Ulan. Laging panghuli ang sariling kaligtasan para sa kanya. Tayo ang laging nauuna, kaya wala kang dapat ihingi ng tawad. Likas lamang ito para sa pangulo ng Alamid."

"Bakit hindi kayang pagalingin ni Agaw-kislap si Ka Ulan?" Inip na tanong ni Alab.

"Hindi siya diyos," tanging sagot ng babaylan.


Naka-krus mano sa harapan ng dalaga sina Agaw-kislap at Arnis nang datnan sila ni Amila sa piitan ng Mananawag. Nilinga siya ng Alamid at marahang tumango, ngunit ang anito'y nakatitig lamang kay Munyika.

"Nararamdaman ko ang takot na namumugad sa iyong dibdib, Mamamana," wika ni Agaw-kislap kahit sa dalaga pa rin nakatuon ang tingin nito. Napabuntunghininga ang babaylan.

"Marahil alam mo na kung bakit, anito." Ginaya ni Amila ang dalawa at itinuon ang pansin sa babaeng nakasalampak sa sahig ng piitan. "Ano ang pakiramdam ngayong ikaw naman ang nasa kulungang parang hayop, babaye?" May diin ang pananalita ng babaylan. Ilang sandali pa'y hinagilap ng mga mata ni Munyika ang may-ari ng boses. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang matagpuan ang matalim na titig sa kanya ng babaylan.

"Ikaw ang pumugot sa ulo ni Amain..."

"Hindi pa sapat ang parusang iyon para sa akin, at kung may pagkakataong makitil kong muli ang buhay ng mangangaso, gagawin ko ito ng ilang ulit hanggang sa maibsan ang galit ko sa inyo!" Kumislap ang mga mata ng babaylan sa matinding sidhi ng damdamin, hindi napansin ang dalawang pares ng mga mata'ng nakatitig ngayon sa kanya. Napakurap ng ilang beses si Munyika, bago nagbaba ng tingin at muling tumingin sa kawalan.

"Sa tingin ko'y alam mo'ng hindi anak ang turing ng mangangaso sa iyo, Munyika" ani Arnis.

"Siya ang nag-aruga sa akin habang nagtatago ang aking ina. Si Amain lamang ang may alam kung saan matatagpuan si Ina...ngunit ngayo'y wala na ang pag-asang dala niya."

"Napakaganda ng kakayahang ibinigay ni Bathala sa iyo... ngunit ginamit mo ito laban sa iba pa niyang nilikha," wika ni Agaw-kislap.

"Masisisi mo ba ako, kaka?" Naluluhang tanong ng dalaga. "Kagaya ninyo'y may mahal rin ako sa buhay."

"Ano'ng balak ninyo sa isang ito, anito?" Tanong ni Amila. Matagal nag-isip ang tinanong. Maya-maya'y tinitigan nito nang mabuti ang Mananawag.

"Nais kong tawagin mo ang alamid ni Ulan, babaye." Napahugot-hininga sina Arnis at Amila sa sinabi ng anito, samantalang nakurat naman si Munyika sa narinig.

"Ano ang ibig mong mahitabo?" Anang Alamid.

"Nasa bingit ng kamatayan ang pangulo ng mga Alamid. Kung matatawag ng Mananawag ang kanyang alamid ay mas hahaba ang buhay ni Ulan dahil ang bawat alamid na namamahay sa katawan ng mga Pinagpala'y siyang nagpapahaba ng kanilang buhay."

"Kapag natawag ni Munyika ang alamid, makababalik ba sa dating anyo si Ulan?" Sumilay ang pag-asa sa anyo ni Amila.

"Hindi ko alam, Babaylan. Maaari itong mangyari... at maaari ring hindi na... ngunit ang mahalaga'y buhay si Ulan." Nagkatinginan ang dalawang kasama ni Agaw-kislap, mapapansing naluluha na naman si Amila ngunit naiintindihan nito ang lahat. "Makakaya mo ba'ng makapiling ang isang hayop, Amila?" Sa tanong ay nilinga ng babaylan ang anito, may poot sa mga mata nito.

"Si Ulan at ang kanyang alamid ay iisa at lubos kong tinatanggap ang kanyang pagkatao. Hindi mo na ako kailangang tanungin sa mga bagay na iyan, anito."

"Hindi ko naibigan ang tono ng iyong pananalita, babaye. Naghahanap ako ng paraan para manatiling buhay ang iyong Alamid," galit na baling ng anito sa babaylan. "Hindi ko ninais maging tagabantay ng mga Alamid si Heulii... ngunit isa lamang akong anito'ng walang magawa kundi sumang-ayon na lamang. Muntik na siyang makunan ng tawagin ako upang tulungan kayo."

"Paumanhin, Kamahalan."

"Kaka..." tawag-pansin ng dalaga mula sa kulungan. Nakatayo na ito at hawak ang mga rehas ng piitan. "Ano ang kapalit kapag nagawa ko po'ng tawagin ang alamid?"

"Hahanapin ko ang iyong ina. Pansamantala'y maninirahan ka muna rito sa Ipil upang magabayan ka sa iyong kakayahan."

Sa unang pagkakatao'y sumilay ang tuwa sa mga mata ng dalaga. "Nawa'y hindi po kayo nagbibiro."

Inip na napapikit si Agaw-kislap, hinarap ang Alamid na nakatayo sa kanyang tabi.

"Napakahirap kausapin ng mga babayeng ito," banas niyang wika kay Arnis.

"Naiintindihan po nila kayo," paniniyak ng Alamid, pigil ang ngiti sa labi. "Maraming salamat sa lahat ng iyong tulong, Kamahalan. Mag-aalay po kami sa ilog matapos ang lahat nang ito."

Nawala sa kanilang harapan ang anito.



Kiming sumunod sa anito si Munyika papunta sa tinutuluyang balay ng pinaka-Alamid. Isang hawak lamang sa kanya ni Agaw-kislap ay hindi na niya magawang umawit para tumawag ng mga hayop. Naisip niyang tumakas ngunit saan naman siya pupunta? Kung totoo ang ipinangako ng anito sa kanya'y makakapamuhay na sila ng kanyang ina ng maayos at ligtas sa anumang panganib. Napagpasiyahan niyang manalig sa anito.

Napahugot-hininga ang Mananawag nang pasukin ang silid na kinaroroonan ng Alamid. Naroroon ang mga kasama nito at matalim ang tinging ipinukol sa kanya pagpasok nila. Nakasalampak sa tabi ng papag ng Alamid ang babayeng namugot sa ulo ng kanyang amain, maigi ring nagmamatyag sa kanyang bawat kilos. Pakiramdam ni Munyika'y pati paghinga niya ay nakikita nila.

"Tinatakot ninyo ang Mananawag," inip na wika ng anito. Hindi natinag ang mga naroon ngunit bahagyang naibsan ang masasama nilang tingin sa kanya. "Pansamantala ko munang pinigilan ang kanyang kakayahan. Alam kong may balak kang tumakas rito, Munyika," baling ni Agaw-kislap sa dalaga, "ngunit ang nasasakupan ng tribung Olawon ay hindi pangkaraniwang pook." Walang nagawa si Munyika kundi tumango nalang.

Tumayo si Amila at nilapitan ang Mananawag.

"Isa ka sa nagpahamak sa aking asawa ngunit mananalig ako ngayon sa iyong kakayahan. Tandaan mo ang sinapit ng iyong amain kapag may balak kang masama sa asawa ko," mahinahon lamang ang pagkakasabi ng babaylan ngunit sapat na para mangalisag ang balahibo ni Munyika. Napalunok siya bago tumango.

"Tama na ang sisihan at pagbabanta," asik ng anito. "Magsimula na tayo. Tumabi kayong lahat upang hindi maabala ang Mananawag. Tandaan ninyong lahat, ako ang mamamahala sa gagawin natin ngayon... at ako lang ang may karapatang magpatigil sa Mananawag."

Tumango ang mga nakarinig. Pumuwesto si Munyika sa paanan ng papag, kaharap ang Alamid. Hinawakan ng anito ang kanyang balikat at naramdaman niya ang pagbabalik ng kanyang kakayahan.

"Nakahanda na po ako," mahinang paalala ng Mananawag. Humudyat si Agaw-kislap. Nagsimulang umawit si Munyika at sa bawat linya ng kanyang awit ay hindi mapigilan ng mga Alamid na umungol, malakas... mahina... nananaghoy sa kasamang pinag-aalayan nila ng pagmamahal. Unang nagpalit-anyo si Alab bago sumunod ang mga nakatatandang Alamid. Taimtim lang na nagmamasid sa sulok si Amihan, tila nadadala sa awit at panaka-nakang ipinipikit ang mga mata habang nakaupo sa bangko at nakahilig sa dingding ng silid. Sa tabi naman ni Ulan ay tahimik na nagdarasal si Amila, may luha ang mga mata at hindi mapigilan ang masidhing damdamin para sa kabiyak.

Pawisan na ang noo ng Mananawag at naiinip na ang mga alamid, palakad-lakad at umuungol sa silid, ngunit wala pa rin silang makitang pagbabago kay Ulan. Napayukod sa paanan ng papag si Munyika, napagod sa paggamit ng kakayahan.

"Bakit hindi ko kayang tawagin ang kanyang hayop, Kamahalan?" Magkahalong takot at pagkabigla ang boses ni Munyika. "Pakiramdam ko'y may pumipigil sa kanya."

"Mamahinga ka muna sandali, babaye, at subukan nating muli. Kilala niya ang boses mo at marahil ayaw niyang mapahamak muli kaya nagpipigil siya. Kausapin mo ang asawa mo, Amila," atas ni Agaw-kislap.

Yumakap si Amila sa Alamid at itinapat ang mga labi sa tainga nito.

"Ulan? Pakinggan mo ako, mahal ko. Bumalik ka sa amin... sa akin... Hinihintay ka na namin... nangungulila kami sa iyo. Kailangan ka ng mga kasapi... kailangan ka ng Sinagbato... kailangan ka namin ni Sumiklab." Napahagulhol si Amila ngunit kaagad niyang pinigilan ang sarili. "Ulan... wala nang saysay ang aking kinabuhi kung hindi kita kapiling. Pakinggan mo ang tawag ng Mananawag, tinatawag ka niya pabalik sa liwanag... pabalik sa aming lahat. Makinig ka... mahal kita!"

"Tama na, Amila" anang anito. "Subukan nating muli ang pagtawag sa kanya."

Muling umawit si Munyika ngunit ngayo'y sumasama na sa pagtawag ang mga alamid, palit-palit kung umungol habang sumasabay sa awit ng Mananawag.

Gumalaw ang isang kamay ni Ulan... ang kabilang kamay... ang mga paa... ang buong katawan... at nagpalit-alamid ang sugatang pangulo!

Tuluyang napatangis ang babaylan... nakayakap sa pusang-itum na ngayo'y humihingal sa kanilang harapan. Malakas na mga ungol ang pinawalan ng mga kapwa alamid, natuwa sa pagbabalik ng kanilang pangulo. Humandusay sa sahig si Munyika, nawalan ng malay sa labis na paggamit ng kakayahan. Gamit ang kapangyariha'y pinatid ni Agaw-kislap ang impluwensiya ni Munyika sa mga alamid upang makabalik-anyo silang lahat. Dahan-dahang kinarga ng anito si Munyika palabas ng silid.


Sa itaas ng punong malapit sa balay... nakamasid ang diyos ng digmaan sa mga pangyayari, kumikislap sa dilim ang mga dilaw na mata. Maya-maya'y nawala ito at sumulpot sa tabi ng papag ni Silaw. Hindi na magkakamalay ang binata dahil sa mga natamo nitong sugat sa katawan.

"Iniligtas mo ang aking mga alagad... kapalit ng iyong buhay. Tanggapin mo ang aking pasasalamat." Hinawakan ni Gurama-un ang noo ng lalaki bago naglaho.

Ilang sandali pa'y nagmulat na ng mga mata si Silaw.


Naghihintay sa kanya si Gurama-un sa dalampasigan ng ilog na tirahan ni Agaw-kislap.

"Mawawala ako ng matagal, anito," bungad nito. Napakurap si Agaw-kislap.

"Ano'ng ginawa mo?" May pagdududa kaagad sa boses ng anito.

"Buhay kapalit ng buhay..."

"Sumuway ka na naman, Ama." Tumango ang huli sa paratang ng kaharap.

"Nakakawili ang mundong-ibabaw. Ang lahat ng mga pangyayari rito'y kinagiliwan ko ng matagal at ngayo'y mangungulila ako sa aking pagkawala."

"Matatagalan ba ang inyong pagkawala?"

"Sana ay hindi..." Nilinga ni Gurama-un ang isa sa kanyang kambal na anak, may pangungulila sa mga dilaw nitong mata. "Alagaan mo ang aking mga alagad hangga't wala ako, anak. Higit sa lahat, si Heulii. Kagaya mo'y nawiwili ako sa isang iyon."

Nawala sa harapan ni Agaw-kislap ang diyos ng digmaan.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
1.7M 89.7K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
3.2M 166K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
204K 12K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...