CHAPTER 34: BAGSIK NG ARAW

303 19 19
                                    

Chapter 34

Bagsik ng Araw

Nanginginig ang katawan ng anito nang harapin ang nakakatakot na anyo ng diyos.

"Matagal na ang panahong hinintay ko, Angep." May galit ang boses ni Kahayag. "Nasaan na ang bata'ng pinahahanap ko sa iyo?"

"Kamahalan... maniwala kayo sa akin," may kasamang hikbi ang pananalita ng anito. "Hindi ko mahanap ang sinasabi ninyong bata. Napadpad na ako sa iba't ibang bayan ngunit walang bata'ng nagkulay dilaw ang mga mata nang idikit ko sa kanilang balat ang batong ibinigay ninyo."

"Nagsisinungaling ka, Angep!" Lumakas ang boses ng diyos, bagay na mas lalong nagpanginig sa buong katawan ng anito. Totoong hinanap niya ang bata ngunit may mga pook pa'ng hindi niya nasuyod.

"Patawad, patawad, patawad, kamahalan!"

"Nais mo yata'ng subukan ang aking galit!"

"Hindi, hindi, kamahalan. Bigyan niyo pa ako ng panahon."

"Naturingang anito ngunit mukhang wala kang silbi sa mundong ito, Angep," kutya ni Kahayag. Nagpalatay siya ng kainit sa buong katawan ng anito hanggang sa magmakaawa ito sa kanya sa matingding sakit na naranasan. Nakalupasay sa lupa ang anito nang tantanan ni Kahayag. Dumilim ang palibot nang maglaho ang diyos. Napaiyak si Angep sa masaklap na dinanas. Unti-unting nagsilapitan ang mga takot ring nilalang sa kanya.

"Angep..." bulong ni Bulaklak sa kaibigan ngunit patuloy lamang itong nakahiga sa lupa habang tumatangis. Nagtamo siya ng sunog sa katawan na hindi maampat ng tubig-hamog. "Angep... halika. Bukas ang aking balay para sa isang kaibigan," anang kapwa anito. Inutusan ni Bulaklak ang mga halaman at baging na tulungang kargahin si Angep patungo sa kanyang tirahan.

Balang-araw, Kahayag. Bulong ng anito sa sarili. Masasaksihan ko rin ang iyong kadiliman!

Minabuti na ring bumaba ni Kahayag sa lupa at nagsagawa ng paghahanap sa mag-ina. Hindi lamang si Angep ang kanyang naatasang hanapin si Gurama-un sa lupa. Maliit lamang na bilang ng mga anito ang kanyang pinaghanap upang hindi mamalayan ng Makagagahum sa Tanan ang balak niyang pagdakip sa kGapatid, at lahat sila'y nabigo at nagtamo ng parusa mula sa diyos. Inip siyang naghintay ng tamang pagkakataon upang tuluyang isakatuparan ang kanyang balak para sa diyos ng digmaan. Tiyak niyang malaki na ang batang Gurama-un, at tamang-tama lamang na may muwang na ito sa araw na kitilin niya ang buhay ng kapatid.

Nag-anyong tao ang diyos nang sa gayo'y walang hirap niyang mapasok ang mga bayan para magmanman. Pinili niyang huwag muna'ng gamitin ang kapangyarihan at baka makarating pa ang kanyang ginagawa sa ama. Maraming anito ang sumasamba sa Makagagahum sa Tanan at tiyak niyang may magsusumbong sa pinaka-diyos kapag nalaman nila'ng nasa lupa ang isa sa mga malalakas na diyos at malalaman nito ang kanyang binabalak.

Habang tinatahak niya ang mga daan sa kanyang paghahanap, samo't saring kuru-kuro at balita ang naglabas-pasok sa kanyang pandinig. Wala siyang napala sa ilang araw niyang paghahanap. Hindi na niya namalayan nag kanyang pagdating-lisan sa iba't ibang bayan hanggang sa nakapagpasiya siyang tiktikan ang islang kinagiliwan ni Gurama-un... Ang bayan ng mga Alamid! Marahil ay naroon mismo nagtatago ang batang hinahanap niya. Sino pa ba ang kakalinga sa isang diyos kung hindi ang kanyang mga tagasamba?

Sa paglakbay ng isip ni Kahayag habang naglalakad sa lupa'y hindi na niya namalayang nakarating na pala siya sa isang bayan.

"Tumabi ka nga!" Singhal ng lalaki sa harapan ni Kahayag. Sa kanyang pag-aanyong tao'y pinili niyang maging isang matandang lalaki'ng may hawak na tungkod. Tinulak siya ng mga kasama nito.

"Bakit may mga palaboy na nakakapasok sa bayan natin?" Galit na tanong ng lalaki sa kanyang mga kasama. "Paalisin niyo itong hampas-lupa sa harapan ko."

BabaylanWhere stories live. Discover now