Forever Agape [FS#1]

By LivelyLeo

87.1K 3.1K 943

Forever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arrange... More

FOREVER SERIES 1
FOREVER AGAPE
HELL
INSIDE HIS ARMS
TAMED
DISPUTE
UNSTABLE
DELICATE DINES
SERIES OF NOSTALGIA
UNTOUCHABLE
FALSE HOPE
FROM HEAVEN
INSANITY
HYPOCRISY
CARICIA AΓ‘ORANZA
OUT OF MY REACH
CHAOTIC TRANQUILITY
LURKING DESIRE
UNTIL THEN, USE ME
FREED
SPACE IN BETWEEN
THE IDEA OF NOWS
IN RUINS
GOOD LIAR
PERSONAL LONGING
HIGH HOPES
PROXIMATE
COME CLOSER
MORNING HAVOC
THE HEPA-LANE
AFFIRMATION
THE LAST THING
HALT
QUE SERA SERA
THREATENED
GAMBLE
FOR I HAVE SINNED
DEPTH
RUNAWAY
ACROPOLIS
ROCK BOTTOM
CASUS BELLI
LAST OF AGAPE
LAST OF AGAPE

TAKING ADVANTAGE

2.2K 97 19
By LivelyLeo

C h a p t e r  5

We didn't wait for the rain to stop because if we did, we might come home late. When we arrived home, Hell went straight to the bathroom while I stayed in the living room.

Mahina na ang ulan, sinadya kong lakasan ang volume ng TV para hindi na marinig ang kahit na mumunting patak nito. Di kalaunan, sa gilid ng aking mata ay nakita ko si Hell. Basa pa rin ang buhok nito at lumakad papunta sa kusina.

My mood changed like a thunderbolt, I stood up as I turned off the TV. Lumakad ako pataas habang dala ang aking bag, I just don't like to be around him. I am consistent with what I've told him earlier this morning, I want us to distance ourselves from each other.

As I went inside the room, my phone rang. Kinuha ko iyon sa loob ng bag at tinignan kung sino ang caller, it was Mommy. Huminga ako nang malalim, it's been weeks sincr the last time I saw them. They are always busy and their schedules are full, I don't like to call first either.

"Mommy, Good Day..." Bati ko. The Philippines is one hour ahead of Vietnam, Mom and Dad stayed there for almost two weeks now to handle our airline. The one we have here in the Philippines is fine, nagkaroon yata ng ilang problema roon so they have to visit.

[Good day, Ija! How are you? You haven't called since we landed here, how's life there?] Huminga ako nang malalim at naupo sa dulo ng kama, bakit parang ang mahal ng boses ni Mommy?

"I'm fine, Mom. You? How's Daddy?"

[He's in his office, I'm preparing for a dinner later. Kakausapin namin ang mamamahala ng renovation ng lobby sa isang branch ng hotel...]

I slapped my forehead.

"Akala ko ba ay nandyan kayo dahil nagkaroon ng aberya sa aiport?" I'm sure she can sense disappointment in my tone of voicr right now. Minasahe ko ang ulo at tumingin sa kawalan.

[Alam mo na... Double work.] Napairap ako dahil doon. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi lang doble trabaho ang ginagawa nila, it's too much! They are fully loaded!

"Alright, I'm going to hung up now, Mom. I love you..." Gusto ko na lang putulin ang tawag, ayaw ko nang isa isahin niya sa akin ang kanyang schedule.

[Hmm, be good there. Regards to Hell too!

I let her hung up the call, inihagis ko ang cellphone sa kama kaya naman narinig ko pa ang pagtama nito sa headboard. I don't mind, kaya ko namang bumili ng isa pa.

The De Vera built an empire in the field of business for a couple of decades now. Airlines, restaurants, and hotels are the apple of their eyes. Their presence means so much for the people, the power they have made the people hail them. It's not only my Mom and Dad, it's the whole family. Legacy runs in the blood, from the first roots until now. Firm and resilient, never will be taken down. Irreplaceable is the bloodline of the De Vera.

Kung ako lang ang tatanungin, ang yaman na mayroon ang pamilya ay kayang buhayin ang mga susunod na henerasyon nito. Hindi na kailangang ubusin ang sarili para sa pera, stable na ang buhay. Hindi ko lang maisip kung bakit pa kailangang lunurin ang sarili sa mga bagay na iyon.

I took a bath after the exhausting thoughts, nang matapos ay tumuloy ako sa music room. I just want to calm myself with the soothing sound of the piano, I know how to play but I am not that professional.

Binuksan ko ang ilaw at tuluyang pumasok, It's been a long time since I played a piano. The last time was when I was still in our home, ngayon na lang mauulit.

Nang tipain ko ang unang key ay tila kusang gumalaw ang mga daliri ko, nakapa yata nito ang pamilyar na notang lagi kong tinutugtog. It was Eraserhead's Ang Huling El Bimbo, it's still soothing for me and nostalgic.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay, na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay." Binanggit ng labi ko ang mga linyang iyon, ang mga sumunod at ini-hum ko na lang.

Tumaas ang gilid ng aking labi nang maalala ang isang nakakalokong pangyayari. Noong tinawag ako ng isang maid sa music room para bumaba, si Hell na ang naabutan ko sa sala. At iyon din ang araw na nalaman kong ipinagkasundo ako. Napatigil ako sa pagtipa at binawi ang kamay, nawala ang ngiti ko sa labi at umiling.

"You will break this soon, Hurricane. You will." I told myself, sinapo ko ang aking ulo at humigpit ang kapit sa pajama. "Aalis ka rito, hindi ka tatagal. Ikaw ang sisira ng lahat." Mariin kong sabi.

It motivates me the most. To leave this house, to break the fake concealment. To be fucking stand alone, to be free.

After an hour, I went outside. Tumuloy ako sa ibaba at naabutan si Hell sa sala, nakatalikod ito sa akin at may kausap sa phone. Hindi ko iyon naririnig ngunit nakikita kong minamasahe niya ang sentido.

I went inside the kitchen only to find out that the dinner was already served.

"Let's eat," Halos mapatalon ako nang makita siyang papasok, naupo ako sa aking upuan habang siya ay ganoon din ang ginawa. Inilagay niya ang cellphone sa upuan na nasa tabi, napataas ang aking kilay dahil doon. "I just answered a call from my Aunt." Nagbalik ako ng tingin sa kanya, nakita niya bang nakatitig ako roon?!

"Ah... Alright, I think... That's okay." Paputol putol kong sabi at nag-iwas, bakit niya pa sinasabi? Hindi naman ako nagtatanong!

Kumuha ako ng ulam, sinigang na hipon iyon. Mukhang kailangan kong i-check ang ref pagkatapos kumain, kung paubos na ang aming pagkain ay sasabihin ko sa kanyang dapat kaming mamalengke ngayong weekend.

I quietly eat, marahan kong binalatan ang hipon gamit ang kutsara at tinidor. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa aking ginagawa, is he struggling? Tinanaw ko siya, mukha namang hindi.

"Uuwi ang kapatid ni Daddy dito sa Pinas, kasama niya ang isang anak." Aniya. "Gusto niyang iwan ang anak dito sa sabado at linggo... Pupunta raw kasi siyang Cebu para sa isang business conference." Sa kanyang sinabi ay kaagad akong napatigil, uminom ako ng tubig at pinanood niya lang ako.

"Kung ganoon... may bata rito sa weekend?" I saw him nod, it was the most unacceptable thing I've heard tonight. May bata, at mag-aalaga ako? God, help me.

"Kung ayos lang sa iyo. I told her I have to ask you first..." He whispered. Halatang umaasa itong pauunlakan ko ang ideya na iyon, ngunit naririnig ko pa lang ay tila ba sasabog na ang utak ko.

"Ikaw naman ang mag-aalaga," Mabilis kong sabi kaya nanlaki ang mata nito. "What? Are you expecting me to take care of a child? Ni hindi ko nga maalagaan ang sarili ko!" I was exaggerating it of course. Minasahe ko ang sentido, kung magbabantay lang sana ako ay baka matanggap ko pa!

"Walang pag-iiwanang iba si Tita, hindi kayang alagaan ni Daddy ang bata."

"At kaya natin?" Maagap kong sagot.

"Then let her stay here for the weekend, ako na lang ang mag-aalaga..."

Tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagkain, mabuti naman at malinaw iyon. Nakita ko pa ang kanyang paglunok, halata namang hindi rin buo ang kanyang desisyon at napipilitan lang. Syempre, kung wala na talagang choice ang kanyang tyahin ay kailangan niyang pumayag na lang.

After we ate, he washed the dishes as I checked our refrigerator. Inililista ko sa sticky notes ang mga kailangan kong bilhin, ayaw kong magpaulit-ulit ng punta sa market dahil lang sa may nalimutan akong bilhin. Nang matapos ay idinikit ko ang dalawang mahahabang papel sa ref.

"Sa sabado, mamamalengke ako. Sasakay na lang ako sa taxi..." Ani ko, kaagad siyang lumingon sa akin. Ibinaba niya ang hawak na plato at may bahid ng pagtataka ang tingin.

"Bakit ka sasakay ng taxi? Ipagdadrive kita." Right, iyan lang ang aming ginagawa every weekend pero iba ang magiging takbo ng sabado at linggo namin ngayon.

"You'll take care of the child, hindi ba? I can go alone." Nag-iwas siya ng tingin, he looked stressed. Nang tumalikod siya sa akin ay napangisi ako, I don't know but I felt excitement. I can't wait for the weekend to come.

"It's either maiiwan ako dito at bahala ka na, o ako ang pupuntang mag-isa." Mariin kong sabi.

Iniwan ko siya sa kusina habang ako naman ay bumalik sa kwarto upang matulog. The next day came, same routine in the morning. Nang makarating kami sa eskwelahan ay bali-balita na ang nangyari tungkol sa aming section. I ignored it, wala rin namang mangyayari kung hihintuan ko.

"Mamaya na lang," Ani ko. Akmang tatalikod na ako nang bigla niyang hawakan ang aking pulsuan, napalunok ako at humarap sa kanya. "Bakit?" Tanong ko at nag-iwas.

He lean forward, naramdaman ko ang paghapit niya sa aking baywang kaya naman napakurap ako. Hinawakan ko ang kamay niyang nakalagay doon, he kissed my forehead. Mainit ang kanyang labi, tila hinawakan ng kung ano ang aking puso at nakiliti iyon.

"You're taking advantage of what we have and what they believe in, Mister Laurette." Pabulong kong sabi.

"But I didn't say you took advantage of what we have and what they believe in yesterday when you kissed me." Bago pa ito tumalikod ay nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi.

Hibang ang aking isipan na pumasok sa room, para bang umiikot ang utak ko at ang tanging sinabi lang niya ang naririnig ko.

"Hurricane," Napatingin ako kay Sari na nakaupo na, ganoon din si Aleana. Mukhang maaga yata silang pumasok ngayon?

"Surprisingly, you are not late." Bati ko at umupo sa upuan na pinagitnaan nila.

"Surprisingly, you are a bit late." Natatawang sabi ni Aleana, they both smirked as I felt my redness.

What he said earlier echoes into my ears, binabaliw yata ako 'non! Am I that guilty? Tama naman siya! He didn't protest yesterday when I did that, ni hindi nga namin napag-usapan iyon ngunit bakit iba ang nararamdaman ko ngayon?

"What happened yesterday in the head's office? Ikwento mo na..." Sari demanded. Para lang maiiwas ko ang sarili sa pag-iisip ng nangyari kanina, I narrated them what happened. Nang sabihin kong hindi man lang nagsalita si Evans ay nanggalaiti pa ang dalawa.

"Hindi ko ba alam kung bakit nanalo 'yan. Dapat ay natuto na tayo noong grade 11!" Aleana hissed, tinapik ko na lang ang kanyang balikat at tumingin sa board.

"Siya nga pala, may gagawin ka sa sabado? Tara sa labas, sa café ni Mommy. Miss niya na kayo..." Yaya ni Sari, minasahe ko ang aking sentido at nagpakawala ng malalim na hininga.

"I can't, may bisita kami ni Hell..." Pabulong kong sabi. Sumimangot ang dalawa, simula nang tumira kami sa iisang bahay ni Hell ay hindi na ako masyadong nakakasama sa kanila, mas malaya pa ako noong nakatira ako sa tunay kong bahay. "Pasensya na, sa susunod na lang." I added.

"Sino?" Osyoso ni Aleana, nagtinginan kaming tatlo at hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila. In the end, hindi ko rin napigilan ang dila na isiwalat iyon.

"Hell's Aunt will arrive on weekend, sa amin daw maiiwan ang anak niya because she has a business meeting in Cebu."

Parehas na nanlaki ang kanilang mga mata at mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi. Alam ko namang ganito ang magiging reaksyon nila!

"Ano 'yon? Practice? I mean, whole family ang peg niyo?" Napangiwi ako, tumango na lang ako at naramdaman ko ang paghampas niya sa aking braso. "Swerte mo!" She added. Sari, kung alam mo lang.

"Nako, Hurricane. Ikaw ang unang ikakasal sa atin, ikaw ang unang bubuo ng pamilya. Itaga mo sa diamonds!" Umirap ako at umiling, ginagawa na lang naming biro ang nangyayari. But deep inside, I know... I want to get out of this fake relationship as soon as possible.

Natigil kami nang dumating ang Teacher at nagsimulang mag-discuss. Ganoon ang nangyari sa buong araw, normal lang. Tuwing breaktime ay hindi kami lumalabas, tuwing lunch break naman ay kasabay namin si Hell. Sa uwian, panay ang labas nina Sari samantalang ako ay umuuwi kasama si Hell. My world rotates at home and in the school, tila ba nawala ang aking social life because I can't join my friends anymore.

Ang parehas na routine ang nangyari sa mga natitirang araw ng weekdays, nang dumating ang sabado ay kabado akong bumangon. Wala na si Hell sa aking tabi, siguro ay nasa ibaba na. Naligo ako at tinuyo ang buhok, bukas ng hapon na lang ako gagawa ng report dahil may kailangan akong gawin ngayon.

Kabado, dahil makikita ko na ang Tita ni Hell. I wonder, kamukha kaya siya ni Tito Paul? Siya pa lang ang nakikita kong family member ni Hell, iyon lang ang alam ko tungkol sa pamilya niya. And besides, I don't ask. Ngayon, gusto kong malaman kung nakuha ba ni Hell ang mukha ng mga Laurette, I want to confirm it when I meet his Aunt.

I am wearing a white croptop polo, hindi maitatanggi ang magandang kurba ng aking katawan. Bukas ang una at pangalawang butones 'non dahil hindi ako nakakahinga ng maayos, I felt like my boobs are squeezed. Ang kurba ng aking baywang at flat stomach ay dapat lang na ipagmalaki.

They told me I looked like my Mom when she was young, kung ganon ay katulad ko siya kapag medyo tumanda na ako. Carreon daw talaga ang mukha ko, at kaunti lang ang nakuha ko sa mga De Vera.

"Hurricane, nandito na sila..." Napatingin ako kay Hell na nakasilip sa pinto. Nang tumayo ako ay kaagad na bumaba ang kanyang tingin sa aking suot, I cleared my throat as I gaze away. "Pupunta ka sa market ng ganyan?" I found disappointment in his voice.

"Bakit hindi?" Matapang na sagot ko.

"That's a very public place,"

"I know, at hindi naman problema kung ganito ang suot ko." Lumakad na ako papunta sa pinto, binuksan niya nang mas malawak iyon at nanatili sa gilid. Nang magkatapat kami ay kaagad niyang hinawakan ang aking pulsuan na naging dahilan ng aking pagtigil.

Magkatapat na kami, at ramdam ko ang titig nito. Bumukas ang langit, ipinadala ang biglang pagkalabog ng puso ko. Nagwawala na ito, kung alam lang niya.

"Alright, you can wear that. But I have to come with you." Napalunok ako. "Kung ayaw mo, hindi ka lalabas ng nakaganyan. Dito ka lang, ako na ang pupunta." Napapikit ako at inagaw sa kanya ang kamay.

"Why does it worry you? Just because I'm wearing something revealing doesn't mean gusto ko nang bastusin nila ako. It's just my stomach... Hell."

"I know boys,"

"Ah, really? So you know how bullshit boys are?" Huminga ito nang malalim, dahan dahan niya akong binitawan at isinandal na lang ang likod sa hamba ng pinto.

I met his eyes, it was madness. Maagap kong naramdaman iyon, tila ba nagtitimpi na lang siya sa akin. I'm a human migraine, the one will never get rid of. Gaano kahaba ang pasensya mo?

"I'll come with you," Aniya at nauna nang naglakad, huminga ako nang malalim at sinundan na lang ang kanyang likod.

Nakarating kami sa sala, nakaupo roon ang kanyang alihin habang karga sa kandungan ang anak nito. I think the child is five years old, habang papalapit kami ay dinig ko pa ang pagsasalita nito. Malinaw na iyon, she must be smart.

"Tita," Nag-angat siya ng tingin sa amin. I was stunned for a moment, she is beauty. Ang kanyang maalon na buhok ay hanggang sa ibaba ng balikat, makinis ang kanyang kutis at makinang ang mata.

Now, I am sure of it. The great bloodline of the Laurette, nakuha iyon ni Hell.

"You must be Hurricane, I'm glad to meet you. Kuya Paul talks about you two so much!" I smiled softly, hindi ko ipinakita ang bitterness doon. She probably knows that this is just an arranged marriage. "I'm Xerxes, you can call me Tita too. Oh, you are the young Aeryn." She continued. Should I thank Mom because of this?

"Good day po, Tita..." I called her as she told me to do so. "She must be..." Karga niya ang anak at iniharap sa amin, matamis pa itong ngumiti. Naka-pigtail ang kanyang buhok, baby blue ang bistida nito at naka-sandals pa ng puti.

"Seriana, say hi to Ate..." Ngunit imbis na ikaway ang kamay ay kaagad niyang itinaas ang kamay sa akin, napalunok ako at nag-aalangang tumintin kay Hell. "Ah, gusto ka na niya! Hayaan mo, mahilig sa magaganda!" Wala akong nagawa kung hindi kargahin siya, she even reached for my tied hair!

Naupo kami, hinayaan ko silang magkumustahan sandali habang kalong ko sa binti ang bata. Nakikita ko ang paminsan-minsang pagtingin ni Hell at tila hindi niya maitago ang ngiti sa labi. How dare him steal a glance!

"Mauuna na ako, nasa helipad na raw ang chopper. Kikitain ko na rin si Kuya Paul..." Tumayo kami at hinatid siya sa pintuan, she kissed Hell'd cheeks at marahang niyakap. Ganoon din ang ginawa niya sa akin.

"Seriana, Mommy will see you tomorrow... Okay?" Her child nodded, she planted a kiss on her forehead. Pinanood na namin siyang lumakad na, her driver opened the door for her and after a while, the car starts moving.

Nawala na siya sa aming paningin. At ngayon, kaming tatlo na lang ang natira. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon at bukas, may God bless me na lang.

"Ano pang tinitingin tingin mo?" Masungit kong sabi at tinaasan siya ng kilay. "Go, take a bath already. Alagaan mo ito at hindi ko na kayang magtiis." Pinigilan niya ang ngiti ngunit kitang kita ko iyon, sunod sunod siyang tumango at pinanood kung pumasok na.

I was left with Seriana in the living room, hinayaan ko siyang laruin ang kanyang dalang manika habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"Mom!" Nanlaki ang mata ko, did the child called me Mom?! God, please help me. "I want my formula, Mom..." Sinapo ko ang aking noo, anong gusto niyang formula? Basic Calculus? Pre Calculus? General Chemistry? Nasaan ba ang mga notes ko!

Kinarga ko siya, wala itong imik ngunit nakanguso lang. Tumuloy kami sa itaas at nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin si Hell, he's topless! God, ilang beses na ba? Tinakpan ko ang mata ng bata at masamang tumingin sa kanya.

"She's asking for a formula, hindi mo naman sinabi na nag-aaral na ito ng basic calculus." Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Hell, para bang bobong bobo siya sa sinabi ko. He giggle as he turned his back on me, natigil ako nang marinig iyon. A laugh of an angel disguised in a demon form.

"Hurricane, she's asking for her milk. Nasa bag na nakapatong sa coffee table..." Isinuot niya ang shirt atsaka tumingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at kunyaring tinignan na lang ang bata. "You aren't ready for a family."

Namula ako sa kanyang sinabi, alam ko iyon! "Sino ba ang nagsabing gusto ko?" Isinara ko ang pinto at bumaba na lang. Ibinaba ko si Seriana at binuksan ang bag, nandoon nga ang timplado niyang gatas.

"Here," Kinuha ko ang kanyang manika at iniabot ang gatas. She crawled into my lap, inayos ko ang kanyang higa at hinayaan siyang gawing unan ang binti ko. This is the least I can do, ang mag-aalaga sa kanya ay nagbibihis pa.

It was not long after that, my phone rang. Kinuha ko iyon sa aking bulsa at tinignan ang caller... It's Mom, again.

"Hello, Mommy..." Napatingin ako kay Hell na kabababa lang sa hagdan, diretso ang tingin niya sa akin. Nag-iwas ako at pinaglaruan ang buhok ng bata.

[Hurricane! Uuwi ako bukas diyan,] Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon.

"Why all of a sudden, Mommy?" Sinapo ko ang aking noo matapos itanong iyon.

[Paul told me that Xerxes is there in the Philippines, isa ako sa speaker na naatasan sa conference na dadaluhan niya. I'll meet her tomorrow in Cebu and we'll fly together back there...] Napangiwi ako, and so she'll be here again surely.

"After Cebu and here, babalik ka ba sa Vietnam for work?" Nagkatinginan kami ni Hell, umupo siya sa tabi namin ni Seriana at inayos ang pagkakahiga nito.

[Magkikita na kami ng Dad mo sa Pinas. Plantsado na ang renovation ng hotel, sisimulan na iyon next week and a partner from Vietnam will check that. About sa airline, iyan na lang ang babalik-balikan namin after some time.]

Kahit ako ay sumasakit ang ulo dahil sa ginagawa nilang trabaho, naiintindihan ko ang lahat ng iyon ngunit parang buhol buhol ang nangyayari sa buhay nila. Hindi pa ba sapat ang pera na mayroon kami? Is it about the glory now?

"Then shall we have a dinner together with Dad? Dito sa bahay namin ni Hell."

[Wow! What an improvement! Are you two good now?] I clenched my fist, I feel like it's an insult. [Ibababa ko na, I'll just see you tomorrow. Okay?] Hindi ako sumagot, narinig ko na lang ang pagpatay niya nito.

Nagkatinginan kami ni Hell sa pangalawang pagkakataon. Awa ang nakita ko sa mata nito, napapikit ako at umiling.

"Hindi ko kailangan ang awa mo," Mabilis kong sabi. Kinarga niya si Seriana sa kanyang kalong, kinagat ko ang labi at hinilamos ang palad sa mukha. The last time she went home, she told me I'm going to marry Hell. Now that she's coming back, I don't know what will she be asking me again.

"Sa tingin mo ba ay naaawa ako?" Matalim ang tingin ko sa kanya, gusto ko siyang singhalan ngunit may bata kaming kasama.

"Are you happy then? To see me like this? To see everything fall apart like this?" Impit na sigaw iyon, tumayo ako naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng aking mata.

Nagbabadya ang luha dahil sa frustration na aking nadarama. Ganito na ba ang epekto sa akin ng nangyari ilang buwan na ang nakakalipas? It was as if I don't want to see my parents anymore, but I invited them for dinner just for us to eat altogether once again. The child in me requested that.

"Ngayon alam ko na, ganito pala ang mga De Vera. Mawala na ang lahat, gumuho na ang mundo huwag lang ang pride." Gulat, iyon ang naramdaman ko. "This is why I'm being nice to you. At anong ginagawa mo? Tinataboy mo ako."

Tumigil ang aking paghinga, ang mata niyang maganda ay tila tinatanaw ang buong pagkatao ko. Nagulantang ang buong pagkatao ko sa narinig.

"Tara na, umalis na tayo." Mariin kong sabi.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad ngunit nahabol niya ako. Hinapit niya ang aking baywang, naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking balat. Napakagat ako sa aking labi at tinignan iyon.

"Bitiwan mo ako, I don't like this. Don't be like this..." I pleaded, with a heavy heart I looked at him.

"No, Hurricane. It's you, don't be like this."

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
292K 7.6K 42
Adah Serene Valderama is living her best life. She has her friends and loved by many. She thought her life is filled with so much peace. Oh, how wro...
3.5K 413 44
Status: Complete and Revised One Last Series Book # 1 Subtitle: One Last Night Amox Vestrella, who comes from a prominent medical family in Boston, t...