Every Bad Thing

By kissmyredlips

5.6M 185K 54K

The S #1 Hindi ako santa. I'm not nice on a daily basis. I've done things that conservatives and prudes wi... More

Prelude
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Final Chapter
Epilogue: Part I
Epilogue: Part II
Happy 5M: Special Chapter

Chapter Nineteen

99.1K 3.3K 1.6K
By kissmyredlips

Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay agad na nahanap ng mga mata ko si Silas. He's looking at me now. May bakas ng pag-alala sa mukha niya. I need to fix my face. I'm kinda thrilled and scared at the idea that he might stop in the middle of the dance when I keep on looking like this. Ayaw ko naman gumawa ng gulo kaya pinilit kong ngumiti sa kanya at nag thumbs up pa.

Ngumiti siya sa akin. Simula 'non ay hindi niya na inalis ang tingin sa akin. Hanggang sa matapos ang sayaw ay sa akin siya nakatingin. His eyes only left mine when they exited the dance floor.

The girls headed for wherever, probably to change into their prom dresses. Habang ang mga lalaki naman ay pumunta na sa kanya-kanyang table.

Ina-announce na ng master of the ceremony ang dinner. Umingay ang lahat matapos ng announcement na iyon. The food will be served at the table, so there's no need for us to get up from our seats.

"Pwede kaya manghingi ng extra rice?" tanong ng isa sa table namin.

"Ay, teh, wala tayo sa Mang Inasal." pambabara naman nung isa. Nagtawanan ang lahat. Pati ako ay natawa. What a rebut.

Natigil ako sa pagtawa nang may tumapik sa balikat ko. Nakita ko si Hadeon kasama si Silas at isa pang lalaki na galing sa section nila.

"Come on, you'll sit on our table." aya ni Hadeon sa akin.

"Is it allowed?"

"Since when did you care if it isn't?" Hadeon chuckled and pointed at the guy. "You'll be swapping with him."

Tumango ako sa aking kambal. Nagpaalam muna ako sa mga kaklase ko bago tumayo sa mula sa table. Naunang maglakad si Hadeon. Napatingin ako kay Silas nang hawakan niya ang kamay ko. He's watching our hands as he clasped his fingers between the spaces.

Nang magkalapat ang kamay namin ay umangat ang mga mata niya sa akin. Maamong ngumiti siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik.

Hila-hila ako ni Silas patungo sa kanilang table. Takumi and Orion were at the table when we arrived. Nakangiti silang pareho bilang pagsalubong sa pagdating namin.

"Wow, you look good, L." bati ni Takumi sa akin.

Takumi's eyes grazed me from head to toe. Pati si Orion ay ganoon ang ginawa ngunit walang sinabi. Nagtas siya ng kilay at matapos ay isa-isa tiningnan ang mga kaibigan.

"Can we eat now?" si Orion.

We got settled on the table. Katabi ko si Hadeon at Silas. Katapat ko si Orion na katabi si Takumi. May apat pa kaming kasama sa table. All of them were guys. Ako lang ang bukod tanging babae sa table na ito.

Inaasar nila si Silas sa pagsayaw nito sa cotillion. Tahimik naman na tinanggap ni Silas ang pang-aasar sa kanya. It pissed me off, so I defended him and mocked them back. Lalo na si Orion na nangunguna sa pang-aasar.

Puro sila kalokohan. I have to admit, mas sumaya ako nang sila ang makasama sa table. I don't know if it's them as a whole or if it's because I'm with Silas.

Tumahimik lang ang buong ballroom nang humina ang upbeat music na tumutugtog at magsalita ang master of the ceremony. Lahat ng atensyon ay napunta sa harapan. Bigla akong tinamaan ng kaba. I know this!

"It's time..." pa-suspense ang tono ng emcee. Daming alam. Pinatulan naman ito ng mga estudyante. May ilan pang hysterical na tumili. Ang ilan ay mga lalaking malolokong humiyaw. "It's time to announce the junior and senior prom queens and kings."

Nanlamig ang buong katawan ko. I'm aiming for this. Malabo dahil sa bad records ko... pero gusto ko pa rin. I've been real nice the past year. Hindi pang-section one ang grade ko, pero wala na akong bagsak. Pwede naman na yon diba?

"After a hard deliberation, our beloved judges, the coordinator of student activities and the advisers of both third and fourth years, have finally selected this year's Prom Queens and Kings." simula ng emcee. Winagayway niya ang hawak na isang cue card.

"For the Junior Prom King..." she started. The drum roll effect covered the ballroom. Tiningnan niya ang nakasulat sa cue card at matapos ay ngumiti bago inangat ang tingin. "Mr. Silas Raphael Gallego."

Lumabas ang malaking ngiti sa mga labi ko. Continuous claps exploded from the crowd. I already expected this. Kaya nga gusto kong manalo ng prom queen. Tumingin ako kay Silas na mukhang gulat sa pagkakatawag sa pangalan niya.

"Damn, Boy Gallego!" nakatawang sigaw ni Hadeon.

Pumito si Orion habang si Takumi ay nakuha pang tumayo at pumalakpak nang napakalakas. Natawa ako sa suporta nila na puro kalokohan.

"Silas Raphael Gallego. Please show yourself." nakatawang sabi ng host. Nasa harap na ang principal at coordinator of student activities. Hawak nila ang sash at korona.

"Silas!" tawag ko at gulat pa rin na tumingin siya sa akin, parang walang muwang sa nangyayari. I laughed at him. "Go!"

Kumunot ang noo niya. Itinuro ko ang harapan at sumunod naman siya agad. Tumayo siya at naglakad patungo sa harapan. Nagsipalakpakan ulit ang lahat. A lot were shouting for his name. I couldn't help but clap hard.

Isinuot ang sash, nakasabit ito sa magkabilang balikat at matapos ay ang crown na pang hari. After their pictures were taken, Silas was advised to stay in front. Tumingin siya sa akin at tumango lang ako.

"Now, for the Junior Prom Queen..." katulad ng kanina ay tumunog na naman ang drum roll. Halos umakyat na ang puso ko sa kaba. Damn... Halos hindi na ako huminga. "Ms. Francheska Ramirez!"

I was like a balloon that was popped. My spirit got crushed. My mood deflated. Everyone began to clap but I couldn't make myself do the same. I couldn't find it in me to smile.

"Our dear Junior Prom King, please escort your queen." utos ng host. Tinuro ng coordinator of student activities ang table kung nasaan si Francheska at hinawakan si Silas na parang sinasabing sunduin nga si Francheska.

Hindi iyon ginawa ni Silas. Lumingon muna siya sa table namin. Tumingin siya sa akin. Seryoso ang mukha niya. He's not amused. Katulad ng kanina ay pinilit kong ngumiti at tumango. That didn't convince him. He didn't move. I nodded again and mouthed, "Go."

May sinabi ang principal. Kumunot ang noo ni Silas pero wala siyang nagawa. Inalis niya ang tingin sa akin at dumiretso sa table kung naasan si Francheska na ngayon ay nakatayo na at hinihintay na sunduin ni Silas.

Umiikot ang tyan ko habang pinapanuod ang pangyayari sa harap. I wanted to look away, but I shouldn't. Tumitingin sa gawi ko si Silas at kailangan kong magpanggap na ayos lang ako.

Fuck.

The loss stings. It sucks fucking bad. I feel rejected.

Hindi ko na nasundan ang sunod na mga nangyari. Nakatingin ako sa harapan pero wala naman akong naintindihan. They already announced the Senior Prom King and Queen, but I didn't catch who won.

"To open the dance floor, our kings and queens will now have their first dance." pag-announce ng host. The lights dimmed and James Bay's Move Together began to play.

My heart painfully squeezed. Silas stood there at first, like he didn't want to move, but Francheska said something. He looked torn between dancing and something else. Sa huli ay nagsayaw rin sila. Doon na ako nag-iwas ng tingin.

I wanted to be his first official dance for our prom. Iyon ang dahilan kung bakit gusto kong manalo. I wanted his firsts. I wanted our firsts together.

May mga tumayo na at pumunta sa dance floor at makisali sa slow dance. Nasa gitna pa rin sila Silas, nagsasayaw. They're probably going to finish the whole song.

Naramdaman ko ang pagtayo ng mga kasama ko sa table pero hindi ko sila tiningnan. Nanatili lang ang tingin ko sa centerpiece na nasa table. I didn't move. I couldn't. It's like I lost all of my energy and interest.

"Can I steal you?" a deep and sultry voice saved me from sinking in my own horrid thoughts.

Umangat ang tingin ko sa nagsalita at nakita si Orion na nakalahad ang isang kamay. He's wearing a lopsided smirk as he stared at me. He looked confident that I'm gonna take him on his offer.

Wala ako sa mood na makipaglaro kay Orion... But I don't wanna look too affected. Halata na may mali sa akin, pero ayaw ko naman na sobrang ipahalata. I raised my brow at him.

"Can you?"

"Is that a challenge?" he devilishly chuckled.

"A question." I shrugged.

 A dark glint flashed in his eyes. He evilly grinned. "Don't try me, Laurene."

Nagpakawala ako ng buntong hininga. I can't prolong my fake interest. "I don't feel like dancing, Orion. Hanap ka na lang iba."

"Don't let yourself rot here, L." Orion shook his hand that's still suspended in the air. 

Inangat niya ang dalawang kilay at nginuso ang kamay. Huminga ulit ako nang malalim. Alam niya na malapit niya na akong mapapayag kaya hindi niya na hinintay pa at inabot ang dalawang kamay ko at hinila ako patungo sa dance floor.

Itinalikod ako ni Orion sa harapan. He probably doesn't want me watching Silas dance with someone else. I wasn't really feeling it. Lalo na at slow dance ang tugtog. But then Orion started doing lyrical dance moves. Alam ko na iyon ang tawag dahil sumasayaw rin ng ganito si Zeno. He's not good like Zeno, kaya hindi ko mapigilan ang mapatawa.

"Come on, dance with me, Laurene." he shouted, while doing his attempts of lyrical dance moves.

"I can't... Nakakahiya ka!" tinakpan ko ang mukha ko. Dahil totoo, nakakahiya siya kasama! Gwapo sana pero parang tanga magsayaw!

Huminto siya at tinaasan ako ng kilay na parang nanghahamon. "And you can dance better?" 

Umiling ako. Tinulak ko siya at matapos ay nagsayaw ng pang ethnic dance. Orion's jaw dropped and then he guffawed. Hindi kasi ito bagay sa suot kong damit sa kanta na tumutugtog. Pati ako ay napatawa.

"Like this, L." Orion exclaimed before returning to his silly lyrical dance moves. Nilalapatan niya ng galaw ang bawat lyric ng kanta. Sinasabay niya pa iyon sa beat kaya mas nakakatawa. He's using his arms, feet, and even his whole body as he danced.

He looked too funny not to laugh. Sinundan ko ang ginagawa niya. Iyong puro kalokohan na dance step. Inabot niya ang kamay sa akin at tinanggap ko namana agad. We danced just like those trending videos online, iyong lyrical na magka-partner. Iyon nga lang ay nagkakapaan kami sa step ng isa't isa.

Nang dumating ang huling chorus ay hinatak niya ako palapit. We positioned our arms, iyong katulad ng position kapag nagwa-waltz, pero exaggerated. Halos talunin namin ang susunod na hakbang. Our steps were wide, halatang naglalaro lang. Maharot kami sa dance floor at malaki ang nasasakop namin kaya umiiwas ang iba, ang iba naman ay nagrereklamo pero wala kaming pakialam.

"Finale, Laurene." nakangising sabi ni Orion. 

Nakatawang tumango ako. Inikot ako ng ilang beses ni Orion at matapos ay inilapit sa kanya. He gripped on my hand, spun me away from him before spinning me back. Our big end was the dip. Saktong nag fade out ang kanta roon. 

We remained in our position. Orion watched me with a big grin. Hinihingal siya sa ginawa namin. Pati ako ay hinahabol din ang hininga. That was actually fun. I laughed and tipped my head back. My laugh immediately ceased when I saw an upside down Silas. 

"Orion," I tapped his shoulder. Naalis ang mga mata niya sa akin at mukhang nakita rin si Silas dahil agad siyang umayos at tinulungan ako na makaayos ng tayo. Orion briefly excused himself.

Agad kong nilapitan si Silas na blangko lang ang mukha. "Tapos na kayong magsayaw?" 

Tinitigan ako ni Silas. He looked like he's trying so hard to hide something from me. An emotion... But I could see it through his clenching jaw and extremely dark eyes. 

A new song started to play. I know this song and it's the stripped version!

"Are you okay?" I asked. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin at mariin na ipinikit ang mga mata niya. My heart squeezed tightly. "What's wrong?"

 Ain't never felt this way

"I'm sorry..." he said, and then transferred his eyes to me.

My forehead creased. "For what?"

Can't get enough so stay with me  

"For dancing with someone else..." 

"That's okay, Silas. It can't be helped." I assured him, kahit na mapakla sa bibig ang mga sinabi ko.

He sharply breathed in. "And for making you jealous."

I couldn't respond immediately. I got speechless. I didn't expect to hear that from him. Ibinuka ko ang bibig ko pero hindi ko agad na-proseso ang dapat kong sabihin.

Unti-unti akong umiling at pinilit na tumawa kahit na hilaw ang tawa na iyon. "Jealous? Paano mo naman nasabi?"

"Because I'm damn jealous, too, Laurene." he bit his lip, his piercing stares remained at my eyes. "And seeing you dance with someone else is not okay to me."

Hindi ko alam kung bakit, pero nag-init ang mga mata ko sa sinabi siya. I know the heat equates to tears that were building up. I'm overwhelmed with emotion. What he makes me feel... It's too much. These emotions were suffocating and yet I don't mind not breathing.

I bit my lip. Silas stared at me helplessly, like he didn't have a clue on what to do, like he's lost and didn't know what's next.

I weakly smiled at him. "Do you wanna dance with me?"

 And you need to know
That nobody could take your place, your place  

Hindi sumagot si Silas. Bumagsak lang ang mga balikat niya na parang nakahinga nang maluwag. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nanghihina pa ang mga binti ko nang humakbang ako palapit. Ang mga kamay ko ay nanginginig nang ilagay ko iyon sa likod ng batok niya.

And you need to know
That I'm hella obsessed with your face, your face  

I slowly leaned forward, pressing my body close to his. I buried my face on his chest. I started gently swaying to the slow rhythm of the song. This song perfectly describes how I'm feeling whenever I'm with Silas. Masakit... pero masarap.

 Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad  

Naramdaman ko ang paglapat ng braso ni Silas sa likod ko. Hinila niya ako palapit at niyakap. Hindi na ako makagalaw dahil sa pagkakayakap niya. We're not dancing anymore. Mas lalo lang akong nalunod sa nararamdaman ko sa ginawa niya. Paano pa ako makakaahon nito?

"It's too much, Silas." my voice broke as I said it.

"Laurene," Silas faintly chuckled. He raised his head to properly look at me. "You're too much."

I wanted to dance with him more, but my aching feet didn't let me. Kaya nang matapos ang sumunod na kanta ay bumalik na kami sa table. Nagsisiyawan na ang lahat at parte kami sa iilan na nakaupo lang sa kani-kanilang table.

Wala akong reklamo kahit hindi kami sumasayaw. Mas gusto ko nga ito, magkatabi lang kami habang pinapanuod ang mga third years at fourth years na masayang nagsasayaw sa dance floor.

"Laurene..." tawag ni Silas. Tinigil ko ang panunuod sa dance floor at tiningnan siya. "I'll just go to the restroom."

"Okay." tumango ako. 

Tinitigan niya lang ako, na parang may hinihintay siyang sabihin ko. Ngumuso ako habang tinitingnan siya pabalik. I laughed when I realized what it was about.

"I won't dance with anyone." I promised, flashing him a doe-eyed innocent look.

He smiled, as if contented. "Good. I'll be quick."

I entertained myself by watching the dance moves of my schoolmates. May mga nakakatawang nagsasayaw. Hindi ko matukoy kung seryoso ba sila o hindi. Sa loob ng limang minuto ay may ilang naglakas loob na mag-aya sa akin. I repeatedly said no, of course.

Nang lumipas ang lima pang minuto na hindi dumadating si Silas ay hindi na ako mapakali. Nakakunot na ang noo ko at malalim na ang simangot. I kept on scanning the place for signs of him. 

It was past ten minutes when Silas finally showed up. Nakakunot ang noo niya. He looked slightly pissed. His tensed jaw was a dead give away. 

"Bakit?" tanong ko nang makalapit siya sa akin.

Silas pursed his lips. Wala siyang planong sumagot, pero alam niya na hindi ko siya titigilan hanggat di niya ako kinakausap. The irritation on his face from earlier slightly disappeared. 

He shook his head. "It's nothing."

"Silas..." I warned.

"You lovebirds!!" naputol ang sinasabi ko nang dahil sa pang-iistorbo ng aking kambal. He grabbed my hand and Silas'. Buong pwersa niya kaming hinila patayo. Nagtagumpay naman siya roon.

"Don't be a fucking kill joy and join the fun!" sabi ni Hadeon at hinila kami patungo sa dance floor kung saan nandoon si Orion at Takumi, at iba pa nilang mga kaklase na tumatalon at buong grupong sumasayaw.


Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 85.9K 63
Sa isang pagwawakas, hindi maaaring walang masasaktan. Isa man sa inyo, o kayong dalawa pareho. Sa bawat mga hakbang palayo, ay ang unti-unting pagka...
66.2K 1.2K 33
Daffney Levanidez wasn't interested in dating guys not until the night she met Darlin Francisco, the guy that would turn out to be her first love. DU...
284K 9.8K 36
Belle Ville Series #2. There are so many things that didn't go as Rara planned. Relationship, friendship, career. Almost none of it went as she plann...
154K 5.7K 37
Belle Ville Series #3. Life has always been tough for Hagia. She was forced by fate to be strong and independent at a young age. Working different pa...