Every Bad Thing

By kissmyredlips

5.6M 185K 54K

The S #1 Hindi ako santa. I'm not nice on a daily basis. I've done things that conservatives and prudes wi... More

Prelude
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Final Chapter
Epilogue: Part I
Epilogue: Part II
Happy 5M: Special Chapter

Chapter Eighteen

97.2K 3.2K 562
By kissmyredlips

Umakbay sa akin si Hadeon. Ipinatong ko naman ang gilid ng ulo ko sa balikat niya. Ngumiti ako sa camera na nakatutok sa amin at paniguradong ganoon din ang ginawa niya. When the flash died, I did a different pose. I closed my eyes and pouted my lips. Naramdaman ko ang kamay ni Hadeon sa likod ng ulo ko. Paniguradong naka-peace sign ang loko.

Nang mag flash ang camera ay tinulak ko siya at siniko. Umaray siya at napahalakhak. Nginiwian ko naman siya. My mother captured that moment, too.

Katok sa pinto ng hotel room ang nagpatigil sa aming kalokohan. Lahat kami ay napatingin sa pinto na binuksan ni Daddy. Hindi ko kita kung sino iyon pero may kutob na ako. The shift in the air and the speed of my heart beat were enough for me to know that it's him.

Nang lakihan na ni Daddy ang bukas ng pinto at umalis sa pagkakaharang ay nakita ko na si Silas. Agad na lumaki ang ngiti ko. Tumayo ako mula sa kama at iniwan ang kambal ko. Madali kong napansin ang bagong gupit niya. It looked really good on him. Lahat naman ay bagay. Kahit nga naka-clean cut siya dati ay malakas pa rin ang dating niya sa akin.

Sunod na bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. Ito ang kauna-unahang beses na makikita ko siyang nakasuot ng ganito. Okay, I've seen him when we bought the suit at the mall, pero nag-iba ang ayos. Mukhang pina-alter ito para maglapat sa kanyang katawan. It looked better. 

Hindi bumaba ang mga mata ko dahil tumama ang mga mata ko sa hawak niyang isang bouquet ng flowers. It looked extravagantly beautiful. Hindi pangkaraniwang uri ng mga bulaklak ang nasa arrangement. I'm not the flowers-kind-of-girl but I could feel my own eyes sparkling as I stared at it. I'm positive that it's for me.

Muling umangat ang mga mata ko sa mukha ni Silas. Napakagat ako sa labi nang makita ang pagkamangha sa mukha niya. His lips were slightly parted. His eyes were stuck on my face, taking his time in drinking in my appearance. The flash that emitted from the camera snapped Silas out of his trance. Humagalakpak sa tawa si Hadeon.

Napatingin ako kay Mommy. She captured how Silas gaped at me. Napatawa ako dahil doon. Lumapit ako kay Silas. Malaking ngiti ang salubong ko sa kanya. Umayos siya sa pagkakatayo at pilit na ini-pormal ang sarili.

"Boy Gallego, you're an embarrassment to the group!" halakhak ni Hadeon.

Nilingon ko ang aking kambal at sinaaman siya ng tingin. "Shut your trap, Hades."

Hadeon just raised his both arms in surrender but amusement was still painted all over his face. Inirapan ko na lang ito at muling tiningnan si Silas na nakatingin na sa akin. Wala man lang paki sa pang-aasar sa kanya ng kapatid ko.

"What's the flowers for?" I raised a brow at him, still grinning.

Bahagyang namula ang mukha niya. He's too cute! Inabot niya sa akin ang bouquet. Hindi ko alam kung dahil sa pag-abot niya lang iyon pero medyo nanginginig pa ang bulaklak. Tinanggap ko ito agad.

"D-Do you like it?" he asked. I nodded. Syempre, paanong hindi kung sa'yo galing? "It's not too much?"

You're always too much, Silas. 

I puckered my lips and nodded. That made him gape. His eyes even widened a little in horror. 

I shook my head and giggled. "It's too much, but I love it anyway."

Tinitigan niya pa ako na parang naninigurado na hindi ako nagsisinungaling. Nang hindi ko binawi ang sinabi ay nagpakawala siya ng hangin. Para bang nakahinga siya nang maluwag dahil nagustuhan ko ang bulaklak na bigay niya.

"Picture!" sigaw ni Mommy. Naputol ang pagtitigan namin ni Silas dahil doon. Lumapit ako kay Silas kaya ngayon ay magkadikit na kaming dalawa. Humarap ako sa camera at ihinanda ang sarili para ngumiti. 

Sumimangot si Mommy nang may mapansin sa likod namin. Pati ako napatingin. It was Dad who looked bored out of his mind. "Zion, umalis ka d'yan!"

My Dad shook his head, muttering some words under his breath before going to the bed where Hadeon is. Nakita ko pang tinapik ni Hadeon ang likod ni Daddy, mukhang kino-comfort ito sa pagtaboy na ginawa ni Mommy. Napangiti na lang ako.

"Silas, ilagay mo yung braso mo sa likod ni Laurene." my mom ordered as she pressed the shutter.

Hindi iyon agad ginawa ni Silas. Tiningnan ko siya at nakita ko ang pagsulyap niya kay Daddy na nakaupo sa kama. Nakataas ang isang kilay nito at parang naninindak. Alam kong niloloko lang ni Daddy si Silas kaya napailing ako.

Ako na mismo ang kumuha ng kamay ni Silas at inilagay iyon sa likod ko. Hindi ko na pinanuod ang reaksyon niya. I leaned my head on his shoulder and happily smiled at the camera. Naging matamis ang ngiti ko nang maramdaman ko ang kusa niyang paghawak sa bewang ko. Itinaas niya ito ng kaonti dahil masyadong mababa ang lagay ko. 

My mom enjoyed taking photos so much. Pati sa hallway ay gusto niyang magshoot. Like anyone could say no to my mother. She's too charming for her own good. Naging saglit lang iyon. I reminded her of the call time. Lalo na at parte ng cotillion si Silas.

Marami ng tao sa labas ng ballroom. Lahat ay nakaayos. Magaganda ang dress at halatang pinaghandaan ang event na ito. Nakakumpol ang bawat section. Nakita ko agad ang mga kaklase ko, pati si Des at Pia. Kumaway lang ako sa kanila.

Hindi na sumama ang parents namin sa pagpunta sa mismong venue. I left the bouquet with them. Nawala na si Hadeon sa paningin ko. Siguro ay pumunta na sa section nila o di kaya ay sumama na kila-Orion.

Hinanap ko naman ang pila ng mga parte ng cotillion. Nasa pinaka-harap sila. I can see that they're almost complete. 

"Silas, nandoon yung pila niyo." tumuro ako sa harapan at matapos ay kinuha ang kamay niya para hatakin siya papunta roon. 

"Hey..." Silas firmly squeezed my hand. Hindi siya nagpahatak sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad na ginawa. Kunot ang noo na tumingin ako sa kanya.

"Bakit?"

He licked his lips. Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha mula sa loob na bulsa ng kanyang coat. It was a rectangular box. Binuksan niya iyon at atomatiko ang pag guhit ng ngiti sa mga labi ko nang makita ang magandang corsage. It was a beautiful arrangement of pink roses and a white type of flower. May nakatikwas rin na mga crystals na nagpaganda lalo.

Kinuha ni Silas ang kamay ko at marahan na kinabit ang corsage sa aking wrist. I couldn't stop myself from smiling. Ang lakas din ng kalabog ng puso ko. 

"Tambay ka ba sa Dangwa? Ang dami mong pabulaklak." nakatawang sabi ko rito.

Naglaho ang tawa at ngiti ko nang inangat ni Silas ang aking kamay. Bahagyang nanginginig ang kamay niya. Nakatitig siya nung una sa akin pero nang di magtagal ay pumikit din siya. 

I inhaled sharply when his lips pressed softly at the back of my palm. I waited for him to release it immediately but he didn't. He even opened his eyes and looked at me as he kissed it still. My heart went damn wild. It's my turn to shake like crazy.

Silas brought down my hand and brushed his thumb over the spot that he kissed. Hindi ako makahinga. Isang halik niya lang sa kamay ko ay para na akong nahilo. Bakit ba ganito kalala ang epekto niya sa akin?

Silas licked his lips again. He released my hand. His face slightly flushed. "I-I'll see you later."

Tumalikod siya sa akin at agad na umalis. Matapos niya akong panginigin sa ginawa niya ay mamumula siya at mahihiya? Damn, Silas!

Napangiti ako mag-isa. Kinagat ko ang labi ko at iniling ang ulo. Magmumukha akong tanga nito! Huminga ako nang malalim at naglakad na para puntahan ang sariling pila ng section namin.

"L!" sigaw ni Des. Malaki ang ngiti niya. Makahulugan.

"Hey!" pinasadahan ko silang dalawa ng tingin. Des and Pia were wearing pink ball gowns. Magkaiba nga lang ng design at tingkad ng kulay. Nakalimutan ko na parte sila ng cotillion! "You guys look great!"

"Nakita namin yon." Pia said in a low voice.

Bigla akong nanlamig. I forgot about the spectators when Silas did his stunt! At may crush si Pia kay Silas. Shit...

"Pia..." I started.

Ngunit hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ay bigla siyang nagpakawala ng impit na tili. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at inalog-alog ako.

"Hinalikan ni Silas yung kamay mo! Oh my God! Ang swerte!" masayang sambit ni Pia.

My eyes were a little wide from her unexpected reaction. I certainly didn't see this one coming. Ang inaasahan ko ay magalit siya sa akin o di kaya ay magtampo.

"You're not mad?"

"Huh? Hindi." binitawan ako ni Pia. Mahinhin na tumawa siya at umiling. "Crush ko lang yon."

"Kayo na ba?" singit ni Des. Malaki pa rin ang ngiti.

Kumunot ang noo ko at napatawa. "Hindi."

"Showbiz." ismid ni Des. "Nanliligaw?"

Paano nga ba maligawan? Nanliligaw ba siya? Sanay ba siya manligaw? Eh kapag nga may ginagawa siya palagi siyang namumula.

Ngumiti na lang ako at umiling. "We really don't talk about us." 

"But you like him?" Pia curiously asked.

I bit my lip. Now, I know I'm blushing. I nodded. "Yeah."

Halatang nagpipigil ng kilig ang dalawang kaibigan ko sa naging sagot ko. They were wearing big smiles. I'm glad that they're genuinely happy for me.

Natigil lang ang pag-uusap namin nang pinaayos na ang pila. By height, of course. Ang makakatapat ay ang magiging ka-partner sa entrance. Dahil sa pila sa flag ceremony ay alam ko na agad kung sino ang partner ko.

"Laurene Raphaelle Serrano." he started. I threw him a look and smirked. He looked at me from head to toe. He whistled. "Damn, babe. You look amazing."

"Vance." I simply said, acknowledging his presence.

"That's it? Wala man lang, ang gwapo mo, Vance, pa-kiss?" panunukso nito.

"Maybe next time... Kapag totoo na." tamad kong sabi.

"Ohh. Your mouth still stings, huh. Ang akala ko puro prayers at good manners and right conduct na lang ang lumalabas d'yan, eh." he chuckled.

"Nako, ganito talaga ako kapag may kausap na gago."

"I missed your smart mouth, L. I missed playing with you." he slightly puckered his lips. 

Gwapo talaga itong si Vance. Kaya kahit na playboy ay maraming nahuhumaling. Kahit na alam nila na mas malaki ang posibilidad na hindi sila seseryosohin ay sinusubukan pa rin nila. Taking love stories and romantic books for inspiration, hoping that they'd be the one to tame the casanova.

I chuckled, shaking my head. "Let's just get this walk over with."

Nang matapos ang entrance ay na-dismaya ako nang makita na malayo ang pwesto ng cotillion sa table namin. I just comforted myself with the thought that it'll be only until their performance. Pagkatapos nilang magsayaw ay babalik na sila sa kanilang section. That's fine.

It started with the entrance of colors, sumunod ay invocation... I forced myself to pay attention to the program. Ayaw kong panoorin si Silas sa table nila at may katabing babae... iyong si Rachel. I hated the sight. Baka kapag pinanuod ko siya ay baka hindi ko lang mapigilan ang selos ko. I don't wanna ruin my mood.

Habang turnover ceremonies ay nag-usap kami ng mga kaklase kong kasama sa table. They talked about the list of boys that they wanted to dance with tonight. Lalo na sa mga senior. May listahan talaga sila. Ang sabi ng isa, si Bailey, na kapag hindi siyainayang mag sayaw ay siya mismo ang aaya. They won't be seeing each other next year anyway, that's her reason.

Tinanong nila ako kung sino ang gusto kong makasayaw. I couldn't think of anyone. Aside from Silas, my brother, and his friends. 

When it's time for the cotillion de honor, I'm torn between watching to support Silas and finding some diversion because I know how it'd be hard for me to not be jealous while he's dancing with Rachel. I still ended up watching him, of course.

My heart beat was slow as they went to their formation. Huminga ako nang malalim nang makita si Silas at Rachel na magkahawak ang kamay. It's okay... I'm fine. This is just a dance.

Nagsimula ang tugtog. May bilang ang bawat galaw nila, pati ang pagharap sa isa't isa ay may bilang. Sumikip ang dibdib ko nang humakbang sila palapit sa isa't isa. 

I never looked away. I kept my eyes on him. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin kay Rachel. Si Rachel naman ay may maamong ngiti habang nakatingin kay Silas pabalik. Parang may kumukurot sa puso ko.

"Narinig ko sa ibang fourth year... interesado raw yang si Rachel kay Silas." sabi ng isa. Hindi ko alam kung sino dahil ang mga mata ko ay nanatili kay Silas.

"And knowing Rachel... Alam na." nakatawang sabi ng isa.

"Hindi naman siguro. Hindi katulad ng ibang lalake si Silas 'no! Masyado siyang mabait." kontra ng isa.

"Exactly. Masyadong mabait, madaling i-take advantage." the other one said.

Mariin na napapikit ako sa pinag-uusapan nila. Huminga ako nang malalim. I chose to zone them out. I don't need to hear their unsolicited thoughts and opinions. I'm fine with my own, thanks.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 110K 43
Cliché? Yun yung good girl meets her prince charming, they both fall in love, the antagonist comes along, here comes the up rise, problem solved then...
6.5M 219K 67
Lena Claire Aragonza's story.
1.2M 62.5K 43
[NEW CLASSIC SERIES #4] Meet the drummer of New Classic, Fransic Leo Jaranilla.
8.3M 196K 33
[SY SERIES #1] He may be cold but it wasn't a hindrance for him to manage melting my heart. Because he did, always. But the only thing is, it is so...