Status: Single But Married [U...

Від OfficiallyYours143

1.8M 23.4K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... Більше

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Fourty
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter FiftyFive-55.1
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter FiftyNine
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter FourtyEight

21.7K 399 13
Від OfficiallyYours143

Chapter FourtyEight

Tatlong araw na mula nung umuwi ako dito sa probinsya namin. Sa totoo lang hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa mga pangyayari. Ang hirap lang kasi talagang tanggapin ng sitwasyon ko, pero kahiit ganun kailangan ko talagang pumili.

*Sigh..*

"Anak?"

Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan yung pagdating ni tatay. "Oh tay kayo pala." Tumayo ako sa upuan ko at hinila ko yung wheelchair ni tatay malapit doon.

"Ang bilis ng panahon no anak?" Bilang sabi ni tatay mula sa kawalan. "Parang kailan lang binabantayan kita sa duyan mo at ipinagtitimpla kita ng gatas mo. Ngayon tignan mo.."

Biglang huminto si tatay, parang may kung anong kirot akong narandaman sa puso ko. Naiiyak naman ako sa sinabi sakin ni tatay. Paano ko sasabihin sakanya na hindi na tuloy yung kasal namin ni Nathan? Paano ko sasabihin sakanya na may asawa na ako?? Paano ko sasabihin yung desisyon ko??

"Tay.." Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya.

"Hindi kita pipilitin na sabihin sakin yung problema mo. Hihintayin ko na magmula yun sayo anak."

"Sorry tay.." Naka yakap parin ako kay tatay, sobrang nagpapasalamat ako dahil meron akong tatay na kagaya nya. Napaka mauunawain nya at napaka bait pa, kaya nga mahal na mahal ko si tatay.

"Lorraine may naghahanap sayo!"

Sigaw ni nanay mula sa may bakuran ng bahay. Umayos ako ng upo at inayos ko rin yung sarili ko. Sino ba yung istorbo na yun?? Nag dadrama pa ko kay tatay eh.

"Anjan na-- po-- Nay.." Hindi ko maituloy-tuloy yung sasabihin ko dahil nagulat ako sa dumating. Anong ginagawa nya dito? Ang sabi ko walang susunod sakin ah.

"Magandang hapon po tay."

Pinagmasdan ko lang sya habang papalapit sya sa direksyon namin ni tatay. Hindi ba ko nananaginip?? Sya ba talaga to?? Noong huli ko syang nakita mejo makapal yung balbas nya at mejo makapal na rin yung buhok nya pero ngayon.. Ngayon, gwapong gwapo sya. Ibang iba yung itsura nya ngayon.

Pagkalapit nya kay tatay nagmano sya kaagad. Halata sa mukha ni tatay ang pagtataka pero hinayaan naman nya itong magmano sakanya.

"Kumusta ka na honey?"

Saka lang ako naka balik sa katinuan ko nung marinig ko yung sinabi nya sakin. Anong tinawag nya sakin?? HONEY???

Tumingin sakin si tatay at puno ng pagtataka ang mga mata nya.

"Anong tinawag nya sayo anak?" Tanong sakin ni tatay. "Sinong tinawag mong honey? Sino ka ba? at anong ginagawa mo dito?"

"Magpapakilala ho ako tay."

TAY?? Tinawag nyang tatay yung tatay ko??

"Kyle Montefalcon po, asawa po ni Lorraine. Nandito po ako para sunduin ang asawa ko"

Pareho kaming napa NGA NGA ni tatay sa sinabi nya. Ah.. Oo nga pala 'ASAWA' ko nga pala sya. ASAWA??? Muntikan na kong mahulog dito sa kinauupuan ko, buti na lang nahawakan nya yung kamay ko.

Gulat na gulat kaming dalawa ni tatay sa sinabi nya. Grabe, hindi nga sya kilala ni tatay diba?? diba?? Pero infareness ha malakas ang loob nyang pumunta dito.

"Anong sabi mo?"

"Asawa po ako ni Lorraine. Last five--"

"Sandali lang iho." Tinignan ko yung mukha ni tatay kasi naman huminto sya sa pagsasalita nya. Galit ba sya?? "Doon tayo sa loob mag-usap." pagpapatuloy nya.

Lagot!!

Tumayo ako at itinulak ko yung wheelchair ni tatay papasok sa loob ng bahay.

***

"Ibig sabihin ikinasal na kayo ng anak ko?"

"Opo. Sorry po kung hindi ho namin nasabi sainyo kaagad."

"Kung ganun.. Bakit biglaan yung kasal nyo??" Huminto si tatay at tumingin sya sakin. Ako naman umiwas ako ng tingin at tumingin ako kay Kyle na saktong umiinom ng tubig. "Sabihin mo nga, nabuntis mo ba ang anak ko?"

*Cough*

*Cough*

Nasamid sya sa sinabi sakanya ni tatay. Agad naman akong tumayo at pinunasan sya sa towel na hawak ko. "Okay ka lang?" Tumango sya at pinunasan nya yung bibig nya. Jusko kahit naman ako nagulat sa sinabi ni tatay.

"Hindi ho. Hindi ko ho sya nabuntis."

"Ibig sabihin nabuntis sya ng iba at pinanagutan mo lang?"

"Tay naman!" Ano bang sinasabi ni tatay?? Ngayon ko lang sya nakitang ganyan.

"Biro lang anak. Mukha kasing kinakabahan tong bisita natin eh. Pero seryosong tanong iho, bakit kayo ikinasal ng anak ko ng hindi namin alam?"

"Ang totoo ho nyan.." Umupo na ko sa tabi ni tatay at nakinig sa sasabihin nya, napako yung mga mata ko sakanya. Ang gwapo nya pala talaga, akala ko nung nakita ko sya sa magazine dati edit lang yung picture na yun, hindi pala. Gwapo pala talaga sya. "Kaya ho kami nagpakasal." Anong sabi nya?? sa sobrang pagtitig ko sakanya hindi ko na napansin yung mga sinasabi nya. Mula kasi sa mga kilay nya papuntang mata ang ganda. Yung ilong nya ang tangos tapos yung mga labi nya.. parang..

"Lorraine narinig mo yun?"

Napatingin ako kay tatay. "Ano ho?"

"Totoo ba lahat ng sinabi nya?"

"Sinabi nya??" Tanong ko kay tatay. Ano bang sinabi nya?? Sa sobrang pagtitig ko sakanya wala akong narinig kahit isa.

"Hindi ka nakikinig. Ganyan mo ba talaga na miss ang asawa mo? kulang na lang tunawin mo sya sa mga titig mo. Hindi ko itinuro sayo yan."

*Kamot ulo*

"Sorry ho tay. Ano ho bang sinabi nya?" Bulong ko kay tatay.

"Four months ago ikinasal kayo, sa sobrang sigido ng kasal hindi nyo na nasabi samin kaya pagkatapos ng isang buwan nagdesisyon kayo na pumunta dito para hingin ang basbas namin ng mama mo at magpakasal uli. Kaya lang naaksidente ka at nagka amnesia kaya hindi na kayo naka punta dito." Paliwanag ni tatay.

"Aaah.." Ganun pala yung nangyari. Ibig sabihin ngayong taon lang pala kami ikinasal kaya hindi ko maalala.

"May ebidensya ka ba na ikinasal nga talaga kayo ng anak ko?"

"Oho." Kinuha nya sa gilid ng upuan yung paper bag na dala nya kanina at may kinuha sya doon. "Eto ho. Marriage certificate po namin, mga papeles sa kasal at mga pictures po namin nung araw ng kasal namin"

Naki usyoso ako agad pagka abot nya kay tatay dun sa brown envelope at album. Oo nga pirma ko nga yung nakalagay doon ah, tama nga sya ikinasal nga kaming dalawa. Pagkatapos tignan ni tatay yung mga papeles yung album naman ang binuksan nya.

Nanlaki yung mata ko nang makita ko yung mga pictures. "Hindi naman ako yang nasa picture ah. Ibang babae yan." Ang ganda kaya nung babae sa picture "Pirma ko nga yung sa marriage certificate pero yung sa picture.. Hindi ako yan noh."

Napangiti sya dun sa sinabi ko. Bakit ba?? hindi naman talaga ako yun ah.. Tumingin ako sakanya.. Ang gwapo nya kapag naka ngiti sya..

"Hindi ka makapaniwala na nag ta-transform ka at gumaganda kapag naayusan ka?"

Insulto ba yung sinabi nya?? Oo malamng insulto yun Lorraine ibig sabihin lang nun pangit ka kapag wala kang make-up. "Bakit kailangan mong sabihin yan? Ah basta hindi ako yan. Hindi ako yung nawawala mong asawa." Tumalikod ako sakanya at napansin kong nakatingin sakin si tatay.

"Kung ano man yung napag awayan nyo pag-usapan nyo muna. Maiwan ko muna kayong dalawa dito." Tutulungan ko na sana si tatay pero sabi nya kaya nya na. "Hindi pa tayo tapos mag-usap Kyle. Ayusin nyo muna yang sainyo bago tayo mag-usap." At tuluyan ng umalis si tatay.

Ang awkward ng feeling ganito. Wala ni isa samin ang nagsasalita. Sige na nga mauuna na kong magsasalita.

"Bakit/Bakit.." Sabay pa kaming nagsalita. Ano ba yan. "Mauna ka na." Sabi ko.

"Mauuna na talaga ako. Bakit hindi ka na umuwi? Ang buong akala ko mag-iisip isip ka lang bakit tatlong araw na ni wala ka man lang kahit isang text sakin o kaya kahit kay Katrina man lang." Nagulat ako sa sinabi nya para kasing galit sya. "Pumunta ako dito dahil baka naunahan na ko ni Nathan na pumunta sayo.." Mahinang sabi nya.

YUNG TOTOO?? Nanenermon ba to oh nagpapaka-sweet?? Ang cute kasi nung sabihin nyang 'Pumunta ako dito dahil baka naunahan na ko ni Nathan na pumunta sayo..'

"Eh ano naman kung pumunta si Nathan dito?" Tinaasan nya ko ng boses kaya dapat lang na taasan ko rin  sya ng boses.

"Ayokong mangyari yun. Ngayong nakita na kita ayokong mawala ka uli sakin.. Kaya ako nandito para i-uwi na kita sa bahay. Sumama ka na sakin pauwi Lorraine."

Ang sweet.. Teka bakit ba ko kinikilig?? Teenager ka ba Lorraine?? Masyado ka ng matanda para sa ganyan. Pero seryosong usapan, hindi ko narandaman kay Nathan yung ganitong kilig.

"Hindi yun ganun kadali." Sabi ko. "Ano bang gusto mong gawin ko? Paniwalaan ko lahat ng mga sinabi mo?"

"Hindi nga ganun kadali yun Lorraine. Pero sana--"

"Tama na! Nakapag desisyon na ko." Napako yung tingin nya sakin. "Kaninang umaga ko lang to naisip... Kailangan pala sa pagdedesisyon i-consider mo yung nararandaman mo, basahin mo muna yung nilalaman ng puso mo bago ang nilalaman ng isip mo, tignan mo yung mga bagay bagay at pagkatapos saka ka magdesisyon. Kasi kapag nangyari yun pwedeng magbago ang lahat."

"At anong naging desisyon mo....?"

Huminga ako ng malalim. Sige lang Lorraine. Ilang gabi ka ng balisa kailangan mo nang sabihin ang desisyon mo sakanya. "Ikaw yung pinipili ko." Pagkasabi ko nun bigla syang lumapit sakin at niyakap nya ko ng mahigpit syempre niyakap ko na rin sya.

"Salamat Lorraine. Sobrang saya ko na ako yung pinili mo. Salamat. I  love you."

"Ha??" Anong sabi nya??

"I said I love you."

Parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Alam nyo yung feeling ng sabihan ka ng 'I love you'? Iba yung feeling hindi ko ma explain eh. Tumingin sya sakin at naka ngiti na naman po sya jusko matutunaw ata ako dito bago pa kami magkabalikan.

Lumapit yung mukha nya sakin..

Malapit..

as in Malapit..

as in super lapit..

Ipinikit ko na lang yung mga mata ko at narandaman ko na yung panghinga nya, ang bango ng bibig nya ha, infareness sakanya.

"So sasama ka na ba sakin pauwi?"

Bigla kong naimulat yung mga mata ko "Ha??"

"Isasama na kita pauwi. Sinusundo nga kita diba?"

Ganun?? Akala ko pa naman hahalik-- ERASE!! Ano ba yang iniisip mo Lorraine!! Ang dumi talaga ng isip mo.

"Uy! anong iniisip mo? Tulala ka na naman."

"Hin..di ko pa alam eh."

"Bakit??"

"Kailangan ka pang kausapin ni tatay." Tinanggal ko yung pagkakakapit nya sa bewang ko "Magpapaliwanag ka pa sa baranggay." Tapos iniwan ko na sya dun sa may sala. Nakakinis, bakit ganun yung feeling?? Gusto ko bang magpa halik sakanya?? HINDE NOH!! Pumunta ako dun sa kwarto at nagsalamin ako pakirandam ko kasi sobrang pula na ng pisngi ko which is napatunayan kong totoo naman pagharap ko sa salamin. "Haay nakakahiya ka talaga Lorraine!!" Pinagpapalo ko yung pisngi ko pero mahina lang syempre ehe.

"Ate anong ginagawa mo, bakit mo sinasampal ang sarili mo?" Biglang pumasok yung bunso kong kapatid. "Sino yung gwapong lalaki sa sala?"

"Talaga Chichi gwapo sya?"

Tumango lang sya. "Ahm.. Sya kasi yung.." Teka paano ko ba i-eexplain sakanya?? alam nya kasi si Nathan yung nobyo ko tapos ngayon sasabihin ko na wala na kami ni Nathan at may asawa na ko?? Ang gulo hindi yun maiintindihan ng bata.  "Kumain ka na ba?"

"Kanina pa po ate. Totoo po bang asawa nyo yun ate?"

"Pano mo nalaman?" Gulat kong sabi sakanya.

"Kausap ho kasi ni nanay yung mga kapit bahay at narinig kong sabi ni nanay na asawa nyo daw po yung may ari ng magandang kotse sa labas."

"Ha??" Sumilip ako sa bintana at nakita ko nga si nanay na naka sandal sa tapat nung kotse kausap sina aling berta at aling isay.

"Paano na po si Kuya Nathan?"

"Huwag mo na lang itanong Chich, sa ngayon hindi mo pa maiintindihan ang mga ganyang usapan. Sige na magpahinga ka na saglit tapos maligo na."

"Sige po."

Paglabas nung kapatiid ko sa kwarto sumilip uli ako kina Kyle. Ano kayang pinag-uusapan nila?? Gusto kong makinig pero baka kasi mahuli ako eh. Huwag na lang.

"Mahal." Biglang tawag ni tatay kay mama. Agad namang pumasok si mama.

"Ano yun mahal?"

"Ayusin mo yung isang kwarto, dito na muna matutulog si Kyle. Bukas na lang sila luluwas ni Lorraine."

"Oh sige."

Ano?? dito sya matutulog?? Kung sabagy wala namang masama dun dahil 'Asawa' ko sya diba?? Pero hindi ko parin kasi maiwasang hindi mailang eh.

"Lorraine."

"Ano ho yun tay?"

"Maghanda ka na ng hapunan at pagkatapos ayusin mo na yung mga gamit mo. Bukas na ng mdaling araw ang alis nyo ng asawa mo."

'Asawa mo' nakaka panibago pero kailangan ko ng sanayin yung sarili ko. "Opo." Naghanda na ko ng hapunan at pagkatapos ay kumain na kami. Pagkatapos naming kumain inayos ko na yung mga gamit ko, habang nagtutupi ako ng mga damit biglang pumasok sa kwarto si Kyle. "Ganyan ba talaga ang suot ng mga mayayaman? Naka formal pag matutulog?" Umupo sya sa may tabi ko.

"Hindi ko naman alam na mag s-stay ako dito kaya hindi ako nakapag dala ng damit ko. Meron lang talaga akong dalang polo sa kotse ko for emergency."

"Ah ganun ba." Sabi ko at ipinasok ko na sa bag yung mga naitupi ko ng mga damit. "Sige na matulog ka na. Maaga pa tayo bukas." Pagtingin ko sakanya nakatitig lang sya sakin.

"Hindi talaga ako makapaniwala." Hinawakan nya yung mukha ko. "Nandito ka nga talaga sa harap ko. Sabihin mong hindi to panagingip."

Ang cheezy ah. Hinawakan ko rin yung mukha nya, ayoko namang sirain yung ka sweetan nya. "Hindi ka nananaginip. Matulog ka na."

"Pumayat ka talaga. Pagdating sa bahay mamimili ako ng marami, pupunuin ko yung fridge at lahat ng gusto mong kainin kainin mo ha."

"Gagawin ko talaga yun. Malakas kaya akong kumain."

"Alam ko."

"Hmmp!"

"Hindi ka pa ba tapos? Matulog na tayo maaga pa tayo bukas."

"Patapos na to. Matulog ka na, good night."

"Good night."

Tapos hinalikan nya ko sa noo. Pakirandam ko napaka swerte ko dahil may asawa akong gaya ni Kyle. Hindi ko alam kung ano yung pinag-usapan nila ni tatay, pero kung ano man yun sigurado akong pasado sya saknya, kasi hindi naman ako hahayaang sumama sakanya ni tatay kung hindi nya pinagkatiwalaan si Kyle.

Ang saya ko dahil ang dalawang lalake na importante sa buhay ko ay nagkasundo. Masaya ako sa naging desisyon ko, pero nalulungkot din para kay Nathan.

Nathan..I'm so sorry, sana makahanap ka ng babaeng tunay na magmamahal sayo..

VOTE...

 

 

 

COMMENT...

 

 

 

and FOLLOW..

Продовжити читання

Вам також сподобається

12.6K 578 35
Warning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to...
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
108K 2.8K 48
Is there's any chance that I fall in love again with another man? I met him while I was broke and doing the things called "revenge" to my ex. I'm one...
16.8M 293K 71
Dmitri Montreal ~ Eliza Lopez Highest Ranking: #2 in General Fiction Feb. 09, 2017 - #17 in General Fiction. Feb. 10, 2017 - #16 in General Fiction F...