The Star

By AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... More

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 62

9.4K 186 47
By AngelMelay

A/N:

Hindi sana ako mag-uupdate kasi may sakit si Tope ko, pero para kay @tipitipitin ay nagupdate ako. I was so touched with her message. Thank you girl! Sana sa message board ko mo isinulat.. Hihi! Demanding ba? Anyways, please continue VOTING & giving your COMMENTS. 15 COMMENTS and 20 VOTES = UPDATE. Thanks!

________________________________________

STARRING 62

CONFESSION

Halos 30 minutes lang ata kaming nagbyahe pero hindi ko namalayang nakatulog ako. Siguro dahil sa sobrang buhos ng emotions kanina at kaba. Nagising na lang ako ng huminto na kami at may humaplos sa pisngi ko.

"Steph, gising na. Naandito na tayo." Kinusot-kusot ko pa ang aking mata at natagpuan na si Franz ay nakangiti habang nakatitig sa akin.

Tumingin ako sa labas ng kotse. "Nasaan na tayo?" Tanong ko sa kanya. Ang nakikita ko kasi ay parang isang restaurant na may malawak na garden.

Hinaplos ni Franz ang braso ko. "Secret muna." Nagsalubong tuloy ang kilay ko dahil nakuha pa niyang kumindat.

May parang inaabot siya sa bag niyang nasa may paanan ko. Tulalang nakatitig lang ako sa kanya. Kasi naman sobrang lapit niya sa akin ngayong nakayuko siya.

"Para saan iyan?" Tanong ko sa kanya nang mula sa bulsa ng bag niya ay may inilabas siyang scarf.

Nakahinga ako ng maluwag nang umayos na siya ng upo sa driver's seat. Pinanuod ko lang siya habang tinitiklop-tiklop ang panyo. Napalunok ako ng lumapit siya sa akin at tanggalin ang seatbelt ko. Ang bango naman kasi ng buhok niya. Grabe!

Nagsimula na namang tumambol ang puso ko ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at iharap sa kanya. "Do you trust me, Steph?" Tanong niya.

"Yes!" Walang alinlangan na sagot ko. How can I not trust him? Hindi ba't kasama ang magtiwala ka sa tao kapag mahal mo ito? Syempre naman malaki ang tiwala ko kay Franz.

Ngumiti siya ng malapad na halos mawala na ang singkit niyang mga mata. Iyan ang pinakapaborito ko kay Franz, ang kanyang chinito at expressive eyes.

"Then wear this." Sabi niya. Hindi na ako nakasagot ng italikod niya ako sa kanya at lagyan ng piring ang aking mga mata.

"Dito ka lang at tutulungan kitang lumabas." Bilin pa niya sa akin.

Napatawa ako. "Are you serious? Syempre dito lang ako. Wala nga akong makita eh." Sabi ko sa kanya.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kotse at maya-maya'y ang pag-click ng pintuan sa tabi ko. Bumukas na ata iyon. "Don't let go of my hand, Steph." Malambing na sabi pa niya.

"S-sige." Nabubulol na sagot ko habang inaalalayan niya ako pababa ng kotse. Hawak niya ang magkabilang kamay ko. Kinakabahan kasi ako kung ano ba itong pakulo ni Franz. Baka mamaya ay madapa pa ako nito eh.

Pakiramdam ko, pumunta si Franz sa likod ko at inalalayan akong maglakad sa magkabilang siko. Ang liliit ng hakbang ko kasi baka madapa ako. "Franz, malayo pa ba?" Naiinip na tanong ko.

"Konti na lang." Sagot niya sa may likod ko. Tama nga ako. Nasa likod ko nga siya nakapuwesto.

Kinapa ko ang pinaghintuan namin at naramdaman kong nasa harap na ako ng isang lamesa. "Dahan-dahan sa pagupo." Sabi sa akin ni Franz. Mabuti na lang at inalalayan niya ako sa may likod at hinawakan sa bewang ko, kung hindi ay napasalampak ako. Bigla kasing parang naging jelly ang tuhod ko sa hawak niya sa akin.

Gumapang ang kilabot sa buong sistema ko nang makarinig ako ng tunog ng violin. Narinig ko din ang paghila ni Franz ng upuan sa harap ko. Malamang ay nasa loob na siguro kami ng resto.

"P-pwede na bang tanggalin ito?" Hindi ko na maitago ang panginginig ng boses ko dahil sa excitement.

"Sige." Simpleng sagot niya.

Nangangatal pa ang daliri ko nang tanggalin ko ang buhol ng panyo sa mga mata ko. Kinurap-kurap ko pa muna ang mga mata ko dahil parang nasisilaw ako sa liwanag.

Ganun na lang ang pamimilog ng mata ko nang makitang nasa harap kami ng lamesa at may pagkain. Expected ko na ito. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang candlelight na nasa harap ko. Tumingin ako sa paligid at puno ng balloons na kulay red. May nagba-violin na Mama sa tabi namin.

"Howmaygad!" Tanging nasabi ko at napahawak pa ako sa bibig ko sa sobrang mangha. I can't believe that Franz has this sweet hormones. Dinner by candlelight sa gitna ng garden. Restaurant siya pero parang nasa gitna ng garden. Shock talaga ako.

"You like it?" Nakangiting tanong niya sa akin. Kitang-kita ko ang dimples niya sa pisngi na nakakadagdag talaga ng kanyang kagwapuhan.

"Are you kidding me? Of course, I like it!" Sabi ko na punong-puno ng saya. Ang dating cold hearted na si Franz Roff, gagawin ang ganito sa akin? Noon, alam kong kaya niya rin ito. Nasaksihan ko din kasi kung gaano siya kalambing kay Fatima noon. Pero hindi ko inisip na dadating ang araw na ipaparanas niya sa akin ang ganito.

The place was perfect. Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito sa California. Ang tugtog sa violin na Somebody ng Depeche Mode ay perpekto din. Ang pagkaing nakahain na may red wine pa sa gilid, ay talagang nakakataba ng puso.

I really can't describe how happy I am right now! Grabe ang kilig na nararamdaman ko. Ang mga paru-paro sa tiyan ko ay parang may flying contest na naguunahan sa paglipad sa sikmura ko. Kung panaginip lang ito, sana hindi na ako magising.

"Let's eat?" Nakangiting anyaya niya sa akin.

Tulala ako at hindi makapaniwala habang kumakain. Ang sarap din ng luto ng chef sa resto na ito. Tamang-tama sa panlasa ko.

Tahimik lang kaming kumakain habang maya't-maya ay nahuhuli kong nakatanga sa akin si Franz. Nakakailang tuloy na sumubo ng malaki. "Franz, nakaka-concious ka!" Reklamo ko.

Tumikhim siya at tumawa. "Ganoon ba? Sorry! I can't help but stare at you. I feel so contented seeing how happy you are right now." Nakangiting sabi niya, ang mga mata naka-lock na sa mata ko.

Iniwasan ko nang tumingin sa kanya dahil hindi ko kaya ang kanyang titig. Hindi ako kasi makahinga ng ayos sa kilig!. Pero mas nailang ako sa ginawa niya. Humati siya ng steak sa plato niya at isinubo sa akin.

"Franz, kaya kong kumain mag-isa." Sabi ko sa gitna ng pagnguya.

Medyo napaatras ako nang hindi ko inaasahang pupunasan niya ang gilid ng bibig ko na may sauce ata ng steak. "May dumi." Sabi niya sa akin na ikinapula ng mga pisngi ko.

Natapos kaming kumain ng salinan kami ng waiter ng red wine. Iyong kaba ko tuloy hindi mawala. Ano ba kasi itong pakulo ni Franz? Nakakanerbyos siya ah. Infairness! Feeling ko tuloy, ang swerte ko sa mga nagiging karelasyon ko.

Si Von, palagi kaming may tour tuwing may monthsary dati. Ito namang si Franz, may mga ganitong drama? Hindi ko inaasahan talaga ito. Kasi noong first month naman namin bilang mag-asawa ay wala namang espesyal na nangyari. Pero ngayon, wow! Just wow!!

Itinaas ni Franz ang kupita. "Cheers to the two of us. For our happiness!" Sabi niya kaya nakipagcheers na ako at ininom ang wine.

Sumenyas siya sa nagba-violin na iwan na kami. Kinabahan ako! Joskopolord! Masosolo kami? Baka hindi kayanin ng puso ko kung anuman ang mangyayari.

Pumalakpak siya at may waiter na lumapit. May tulaktulak itong lamesang de gulong na may mga regalo sa ibabaw.

Nagniningning ang mata ko ng makita ko iyon. "Ano yan?" Ninenerbyos na tanong ko.

Inantay muna ni Franz na iwan kami ng waiter bago siya nagsalita. "Steph, I know madami akong pagkukulang sa iyo kaya hayaan mong makabawi ako." Seryosong sabi niya.

Iyong mata ko ngayon ay biglang nagtutubig. Naiiyak ako sa sobrang touched. Iniabot niya sa akin ang regalong medyo may kalakihan ang kahon. "Open it!" Dagdag pa niya.

Binuksan ko ang regalo. Hindi ko maunawaan kung bakit ito ang gift niya. "Jacket?" Tanong ko pa.

Tumango siya. "Jacket.. because you always keep me warm simula noong highschool tayo. Hindi mo ako iniwan kahit palagi kitang sinusungitan." Paliwanag niya sa jacket na white na parang bulak ang balahibo. Kahit na alam kong paano ko ito gagamitin sa mainit na Pilipinas ay natuwa pa din ako.

"This is my christmas gift for you." Iniabot niya sa akin ang isang medyo mahabang kahon.

"Payong?" Naguguluhan ako ng makita ko ang Benetton na payong.

"Umbrella, because you were like a shelter na kinukupkop ako tuwing umuulan sa luha ang mga mata ko noong may problema kami ni Fatima. Noong mga panahong sa kanya pa umiikot ang mundo ko." Sabi niya.

Kahit na medyo may tumusok sa puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Fatima ay hindi ko na pinansin. Kasi itong paraan naman ng pagkakasabi niya ay alam mong tapos na sila.

Binuksan ko ang sumunod na regalong iniabot niya. "Panyo?" Tanong ko pa. Pero parang may idea na ako. "Panyo kasi palagi akong a shoulder to cry on, ganoon ba?" Tanong ko sa kanya.

Nakangiting umiling siya. "Nope. Ang gift na iyan ay wedding gift ko sa iyo. Hanky to wipe all your tears noong panahong pinilit ka nilang magpakasal tayo. Alam kong laban din iyon noon sa kalooban mo dahil iba rin ang mahal mo noon, pero gamitin mo iyan just in case maalala mo pa siya hanggang ngayon." Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Biglang lumungkot.

Para tuloy papatak na rin ang luha ko. "Franz, close book na iyong sa amin ni Von kaya huwag mo nang buksan ulit, ok? Nabaling na muli sa iba ang puso ko." Sabi ko sa kanya.

Dumukwang si Franz sa lamesa para maabot ako. Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata. Hindi siya nag-react pero alam kong naliwanagan na siya kahit paano. Nang matuyo na ay iniabot na niya sa akin ang isa pang regalo.

"Rosary para sa first monthsary natin. Alam kong kailangan mo nang dasal noon para malampasan ang lahat ng pagsubok. Biglang-bigla naman kasi ang adjustment natin ng mga panahon iyon." Paliwanag niya habang binubuksan ko. Tumambad sa akin ang rosary na rose ang ukit ng bawat beads.

"Thank you!" Hindi ko na napigilang magpasalamat sa kanya.

Lumapit siya sa upuan ko at pinatayo ako at niyakap ng mahigpit. Sana lang talaga, may kakayanan akong patigilin ang oras. Ayoko munang matapos ang masayang sandaling ito.

Inilayo niya ako ng konti at tinitigan sa mata. Iyong kaluluwa ko, gusto na atang sumama. Mabuti na lang at yakap niya ako ng mahigpit sa bewang.

"Lahat ng regalong iyan ay pambawi ko sa mga occasions na binalewala kita at hindi man lang binigyan ng regalo." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Napapikit ako ng mariin. Napaka-perpekto naman ng sandaling ito! Kontento na ako sa kung anong meroon kami ni Franz ngayon.

Pero nagulat ako biglang pumitik si Franz na parang nagmamagic sa may tenga ko. Nanglaki ang mata ko nang makita ang laman ng kamay niya. Isa itong maliit na kahon na may ribbon.

"And this is my gift for you this special day in our lives." Namilog ang aking bibig at nagluha ang aking mga mata nang buksan niya iyon at isang infinity ring na may diamond sa gitna ang laman.

"I know you've been asking me this a for a long time... I've been a jerk for not having enough courage to tell you this... " Madamdaming sabi niya habang isinusuot sa daliri ko ang singsing na regalo niya. Tumulo na tuloy ng tuluyan ang luha ko. Ito na ata ang matagal ko ng pinakaantay. Halos umangat na ang tube dress ko sa lakas ng tambol ng puso ko.

"Huh?" Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kabadong-kabado kasi ako.

Hinawakan ni Franz ang magkabilang pisngi ko habang magkauganay pa rin ang aming mga mata.

 .

.

"I love you, Steph. Mahal na mahal kita. Saranghe!" Sabi niya at dahan-dahang ginawaran ng matamis na halik ang aking mga labi. Isang malalim at puno ng pagmamahal na halik.

"Ayy!" Napatili ako at napahiwalay sa kanya. Paano ba naman biglang nagputukan ang fireworks sa kalawakan.

Umiyak na ako ng tuluyan. Natatawang pinunasan niya ang mga luha ko. "Kung alam ko lang na iiyak ka ng ganyan, hindi na sana ako nagpatulong kay Ninong na i-set ito." Sabi niya.

"Si Ninong Lance? Paano?"

"Kahapon pa si Ninong dito. Tinawagan ko siya para i-set nila nina Max at Jo ang lahat ng ito para sa atin. Hindi naman kasi kita maiwan-iwan kahapon. Ayokong mawala ka sa paningin ko."

Hindi ko na napigilang yakapin siya. "Thank you, Franz! You made me very happy! Salamat talaga!" Binigyan ko na rin siya ng halik sa labi.

Nang kapusin kami ng hangin ay seryoso niya akong tinitigan. "Hindi mo ito sinagot dati. Pero Steph, gusto mo na ba ulit ako?" Tanong niya. Bakas sa mata ang kaba at pagaalinlangan.

Pahihirapan ko pa ba siya? "Hindi kita gusto." Seryosong sabi ko. Awang-awa ako nang mapakagat labi siya at pumikit ng mariin. Alam kong nasaktan siya.

.

.

.

".....dahil mahal din kita, Franz. I don't like you, because I love you!" Masayang sabi ko. Gulat na gulat siya at sa sobrang tuwa ay binuhat ako at inikot-ikot. Sa wakas, masaya na kami ni Franz.

THE END?

_______________________________________

A/N:

Ending na ba? VOTE & COMMENT muna. I need 15 COMMENTS & 20 VOTES para ituloy ko pa ito. Madami pa akong naiisip na mangyayari dito. Plan ko nga siyang paabutin ng 80 chapters. Pero VOTE at COMMENT muna. I want to know kung interesado ba kayo. Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

262K 5.6K 30
this story is about someone who can sacrifice everything for her love one
15.2K 1.8K 52
At first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Ranki...
28.8K 1.5K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
3.3K 271 51
A story of teenage girl that never expected she will be the girlfriend of the hottest and favorite basketball captain. How can she stop herself from...