Breaking the FRIENDZONE (JulQ...

By pinkstellar

8.9K 382 94

How wonderful it is to love and be loved? Love is a best thing. Love is a gamble, a game of chance. A game th... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 7

390 26 6
By pinkstellar

CHAPTER 7


[Kent's POV]



Sobrang daming nangyayari. Ano bang gulo tong kinahantungan naming tatlo nila Aliyah at Athena? Parang kanina lang nung pumasok kami sa loob ng school, maayos pa ang lahat, pero sa isang iglap bigla nalang gumulo ang lahat.




Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong gawin, bukod sa damayan ang babaeng matagal ko ng tinitingnan sa malayo na kanina pa umiiyak dito sa tabi ko. Kulang nalang maubusan na sya ng tubig sa katawan dahil walang tigil sa pagpatak ang mga luha nya. Kanina ko pa siya pinapatahan, pero wala talaga. Ako na rin nagpupunas ng luha nya pero walang pagbabago dahil iiyak din naman siya ulit. Haaay.




Andito parin kami ni Athena sa may Park. Ayaw nya pang umuwi sa kanila. Niyaya ko na syang umuwi para makapagpahinga na siya pero tumanggi lang siya. Nagbabakasakali pa sya na baka makita nya ulit dito si Dave yung kamukha ng kapatid nyang si Carlo. Sobrang halaga talaga ng batang iyon para sa kanya para iyakan nya ng ganito. Pero tama si Aliyah, baka sobrang namimiss lang ni Athena yung kapatid nya kaya sya nagkakaganito.




I decided to believe Aliyah that this attitude of Athena towards that kid, Dave, is just brought up by her longing for her brother. Pero hindi ko naman masabi yun kay Athena dahil alam kong aawayin nya lang ako. Seeing how she got angry with Aliyah a while ago when they are battling with that thing, hindi ko ata kaya na pati sakin magalit sya ng ganun. So I better shut my mouth and comfort her instead.




Kahit na kasama ko si Athena ngayon at sobra akong nag-aalala sa kanya dahil walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa mga susunod pang oras na lilipas, hindi ko rin maiwasan na alalahanin si Aliyah. Muntik na siyang masagasaan kanina, alam kong marami syang natamong sugat pero mag-isa lang siyang umuwi. Medyo madilim narin kaya siguro nasa bahay na siya. Sana.




"Uhhm? K-kent?" Masyado ata akong napalalim sa iniisip ko, hindi ko namalayan na tumigil na pala si Athena sa pag-iyak.




"Okay ka na ba Athena? Gusto mo ng umuwi? Ihahatid na kita sa inyo." Pagyaya ko sa kanya.




"I'm not yet okay pero wala na akong luhang maiiyak kaya kahit anong pag-iyak ang gawin ko, papagurin ko lang ang sarili ko, hindi naman kasi nababawasan yung sakit." She smiled after saying that. A faint smile. Halatang she's really hurting inside.




"Halika na, sigurado akong pagod ka na. Masyadong maraming nangyari, mabuting makapagpahinga ka na sa inyo."




"Kent salamat!" She said then hugged me. This feeling. Ganito pala yung feeling na yakapin ka ng isang taong gusto mo. I'm wishing for this hug for so many years, pero sa ganitong oras ko pa matatanggap sa kanya. Kung kelan sobra syang nasasaktan sa mga nangyayari. I hugged her back to let her feel that everything's fine.




"You don't have to thank me Athena. I'm glad to help, especially you. Wag ka ng umiyak, kahit masakit, ngiti ka lang." Kumalas na ako sa yakap bago pa ako makapag-confess sa kanya ng tuluyan. It's not yet the time para sa nararamdaman ko para sa kanya.




"I just want to thank you because you didn't leave me. Hindi dapat ako ang dinadamayan mo ngayon pero eto ka, mas pinili mong manatili sa tabi ko kaysa sundan si Aliyah. I know she's important to you, but still you're here. I'm sorry for causing you both all this mess."



"Aliyah would understand. You need a friend that's why I'm here with you."



"Thanks for being a friend. You're right! I badly needed one right now. Thanks for being one."



"Just remember this Athena, you can always lean on me. I can be your friend as long as you want." I can't believe I'm having this conversation with Athena. It feels good but I know there's something that is not right.



"Haay! Ang drama na masyado. Tara na nga, uwi na tayo. Ihatid mo ako ah, baka makidnap rin ako. Haha." She joked pero alam kong may pinanghuhugutan sya.



"Okay. Sana hindi ako mapagkamalang kidnapper mo." I just ride to her joke to make the mood lighter.


***

[Aliyah's POV]



Hindi ako makapaniwala na nakarating ako ng bahay ng mag-isa lang kahit na sobrang pagod na ako. Sobrang sakit narin ng ulo ko, na ngayon ramdam ko na yung pagkirot ng sugat dito. Nahirapan ako sa paglalakad dahil may sugat pala ako sa kaliwang tuhod ko. Kaya eto inabot na ako ng alas otso ng gabi bago nakarating ng bahay. Haay!




I push the doorbell button dahil naka-lock ang gate. I've waited for like five minutes bago nagbukas ang gate at ang sumalubong sa akin ay ang gulat na gulat na mukha ni Yaya Merci. Hindi na ako magtataka kung bakit siya nagulat matapos nya makita ang itsura ko. Baka mapagkamalan pa akong taong grasa ni yaya kaya nagsalita na ako.




"Yaya, papapasukin mo ba ako o hindi? Kung hindi mo po ako makilala, si Aliyah po ito."



"Hala Aliyah iha! Anong nangyari sa iyo? Bakit ang dungis mo at ang dami mong sugat. Sinong may gawa nito sa iyo iha?"



"Yaya pwedeng sa loob na po natin yan pag-usapan?" Pinapasok naman ako agad ni Yaya.



Sinimulan kong ikwento kahit konti kay Yaya yung nangyari habang naglalakad kami papasok ng bahay. Nang makapasok na kami, I was shocked to see that both my parents are already home. They are already eating their dinner with my older sister. Napalingon si Ate Celine sakin and just like Yaya Merci's reaction she's shocked.



"Oh my God Aliyah! What happened to you?" It was Ate Celine. Halatang nagkaroon na ng pag-aalala sa mukha niya but my Dad never bother to look at me for a second, while my Mom just shook her head after seeing me. What a good way to welcome me huh?



Celine is about to stand up from her sit to go to where I am standing when Dad speak.



"Celine, don't dare to stand. You finish your food first."



"But Dad! Aliyah's in trouble. Can't you see ang dami nyang sugat. She must be brought to the hospital."



"I said you finish eating your food. What part you didn't understand in that? Another thing, Aliyah's fine. That's what she is always doing. Ang makipag-away at umuwi na ganyan ang itsura. So what's new? She didn't need any doctor."



"Your Dad is right Honey, hindi tamang pinaghihintay ang pagkain." That's Mom. I don't want to be here for more minutes just listening how they fight and the main subject is me. Kung makapag-usap sila parang wala ako dito na pinag-uusapan nila. And the saddest part there? Yung ipagpilitan ng mga magulang mo na mas mahalaga pa yung pagkain kaysa sa iyo.




I started to walk upstairs para makapagpahinga na ako dahil ayoko na ng isa pang drama. I'm tired, really tired. Can't I have any right to rest? Huh?

But before I step to the stairs, tumayo na si Ate Celine at pumunta sa akin. Hindi nya pinakinggan ang sinabi ng parents ko. That's new. She never disobey my parents and I can feel something bad will follow. I know this feeling very well.



"Celine!" Dad shouted.



"Dad! I'm done eating. I'm full."



"Since when did you learn not to follow what we said?" Hindi pinansin ni Ate ang sinabi ni Dad. I can see the anger and frustration on his face.



"Aliyah!" It's Celine. Kinakausap nya na pala ako.



"Ate!"



"What happened? You can tell me. Sino gumawa nito sa iyo?"



"I'm fine Ate. Don't worry. I can manage." Even I'm not fine, I still said the opposite. Ayoko ng may madamay pa sa nangyari sa akin. Ayokong mag-alala pa si Ate. My parents? They don't care. I know.



"No Aliyah. Ang dami mong sugat. Come on. Dadalhin kita sa ospital baka may nangyari sa iyong hindi maganda."



"No Ate. I'm really fine. I'm tired. I just want to sleep now. Please."



"But Aliyah!"



"Celine!! You heard her. Wag mo ng pilitin ang ayaw. She said she can manage. Hayaan mo na siya. Tsk." Pagsingit ni Dad sa usapan.



"Pero Dad."



"Celine!" Iba na yung tono ng sigaw ni Dad. That's a warning already. Celine better follow Dad's order or else. Tsk.



"Halika na Aliyah. I'll bring you to the hospital." Makulit talaga tong si Ate Celine. Hindi ba sya natatakot kay Dad? I better make a move bago pa may mangyaring gulo.



"Ate Celine! Wag na. Matutulog na ako." Umalis ako sa pagkakahawak ni Ate at sinimulan ko ng umakyat ng hagdan, pero dahil masakit nga yung kaliwang tuhod ko, para akong pagong sa usad ng pag-akyat ko. At dahil sobrang kulit ni Ate Celine, she still want me to go with her to the hospital.



She reaches for my hand to stop me from going upstairs. Sobrang gusto ko ng magpahinga. Sobrang sakit na ng ulo ko. So what I did is, binawi ko yung kamay ko kay Ate Celine but I didn't expect na napalakas yung paghatak ko sa kamay ko kaya parang naitulak ko si Ate Celine. She fell on the floor. My parents immediately run towards her and help her to stand up.



Nakatayo lang ako doon at pinagmamasdan sila ng biglang lumapat na lang sa mga pisngi ko ang palad ni Mom. Sh*t! It hurts like hell.



"Aliyah! Ano bang ginagawa mo? Kung naghahanap ka ng sakit ng katawan wag mo ng idamay ang Ate mo. She just want to help you, then there you are pushes her away. What kind of sister are you?"



"I'm sorry! hindi ko naman sinasadya na mapalakas yung hatak ko sa kamay ko. Ate I'm sorry."



"Mom, it's not Aliyah's fault. Hindi nya sinasadya kaya tama na."



"No Celine! Sumosobra na si Aliyah."



"But Mom."



"Aliyah!" It's Dad.



"Yes?"



"What do you want? You didn't do anything good in this family. Lagi nalang sakit ng ulo ang binibigay mo sa mga tao dito. Hanggang kelan mo ba sasaktan ang mga tao dito? You always make people hurt and miserable." Umiinit ang ulo ko. I'm tired of this. I want this to end already. Please.



"What Dad? Iyan naman lagi ang tingin nyo sa akin diba? Ang kaisa-isahang anak ng Sparks na walang ginawa kung hindi ang makipag-away, ang manggulo, ang manakit, ang kulang nalang koronahan nyo ng Queen of all mistakes! Diba? You don't care at all so what's the point of changing kahit hindi ko naman dapat baguhin ang sarili ko dahil wala naman akong ginagawang masama pero para sa inyo lahat masama."



Hindi ko na kaya lahat ng nangyayari. Hindi pa ako nakakarecover sa lahat ng sama ng loob na natamo ko kanina tapos eto na naman. Ngayon ko lang sinabi ito sa kanila. All this time nanahimik lang ako. Pero sobra na. Kailangan ko rin ipaalam sa kanila na nasasaktan din naman ako.



My mom slapped me again for the second time. This time, it's a very solid one. It hurts.



"Go mom! Try another one, hindi pa ata pantay eh." She positioned herself to slap me again because of what I said pero pinigilan na sya ni Ate Celine.



"Mom stop it! Hindi mo naman kailangan sampalin si Aliyah. Can't you see? She has so many bruises then there you are you slapped her. Please. Tama na po."



"I just can't take it Celine. Hindi tamang sinasagot nya kami ng Daddy mo. You see pati ikaw naiimpluwensyahan nya na, sumasagot ka narin samin ng Daddy mo."



"It's not her fault Mom. Please!"



"Are you happy Aliyah?" Dad asked me. I can't understand his question. Should I feel happy? What in all the things that just happened to me I should be happy for?



"I can't understand Dad."



"Of course you won't understand. Are you happy to see all the people around you fighting like this? Ikaw nalang lagi ang dahilan ng mga gulo sa pamilyang ito. When will you stop?"



"Dad, first I am not doing anything bad in this family. It is just you and your unending accusations against me. Second, it's not me who causes chaos in this family, it is just you who makes things a big deal."



"How dare you? Is that your way of thanking your parents who raised you and give you a good life? When will you ever learn to respect us? And of course everything here is a big deal."



"I don't want to talk anymore; this conversation will just end up to one thing. We all know that." I was about to walk out from the scene when my mom grab my hand.



"What is it Mom? What do you want? Are you going to slap me again?" And as if on cue, sinampal nga nya ako.



"Bakit ganyan ka makitungo sa amin ng Daddy mo? Kahit respeto man lang sana ibigay mo sa amin. Sa lahat ng nangyari, ganyan pa ba ang isusukli mo sa amin? Wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo kahit nakakasakit ka na."




Wow! I'm speechless with that. Ganyan ba talaga ang ginagawa ko? or is it the other way around? Hindi ba't sila ang walang pakialam sa akin kahit nasasaktan na ako. Yung mga panahon na kailangan ko ng magulang, nagpaka-magulang ba sila sa akin? Wala naman silang nakikitang ibang maganda sa ginagawa ko dahil lahat naman ng gawin ko masama ang dating sa kanila. Respeto? I think I deserve to be respected too. I have respected them since I was born, pero yung simula ng mangyari yung pangyayari na yun, wala na silang ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho. Hindi na nga nila nasubaybayan ang paglaki ko. Lagi lang din namang si Ate ang napapansin nila. I felt that I didn't exist in this family since that day; the day that I regretted so much; that I cried a lot; that day that I felt I lost my family.




Sh*t! Another heartbreaking memories again. Another drama for the making. When will this end? When can I rest from all of this? or hindi ko lang talaga deserve ang peaceful life dahil sa nangyari? Haaay!



I composed myself to be able to reply to what Mom just said. I have to sound still respectful no matter what.



"Mom! I care. It's true. I'm hurting too. I hope you see that."



"You don't care Aliyah. Is that the care you have? Ang saktan nalang kami ng paulit ulit?"



"Mom enough! I said I care. Hindi nyo lang nakikita dahil alam ko namang ako parin ang sinisisi nyo."



"You don't care! If you care hindi mo hahayaang mawala si Franco. Your attitude is like that. You don't care about other's feelings kaya nagawa mong hayaang masagasaan ang anak ko." That's it. The one I've been waiting since the start of all this sh*t. Ang isisi na naman sa akin ang pagkawala ni Franco.




"Stop it Mom! Inako ko na nga yung kasalanan kahit aksidente lang ang lahat. Pinagsisihan ko na ang lahat pero hindi nyo parin magawang kalimutan. Bakit hindi nyo ako mapatawad? Hindi lang naman kayo ang nawalan. Mahalaga at mahal ko si Franco. Kaya wag nyo ng paulit ulit isisi sa akin ang pagkawala nya. Buong buhay ko simula ng araw na iyon wala akong ibang hinangad kung hindi ang sana ako nalang ang nawala, baka sakaling masaya kayo ngayon."




"Sana nga ikaw nalang ang nawala!" That froze me. I'm right. That's what they want. Alam ko namang hindi nila pinahalagahan ang pagsilang ko sa mundong ito dahil isa akong babae. What they want as their second child is a boy. So they adopted Franco. Yes! Franco is just adopted but they value more Franco's existence than mine. Hindi ko na kaya 'to.



"That's what you want Mom? Ang mawala na ako? Don't worry Mom, your wish is my command." After I said that, kahit masakit ang tuhod ko, I ran fast towards the gate to leave this place; the place that I should feel what they say a HOME, but in reality, it is the place where all people hated me. I want to go away from this place. Matagal ko na dapat ginawa ito, pero hindi ko kaya. But now, I can't think anymore. All I know is I'm running. Running until I get very tired.


***


[Harry's POV]



Nakakainis talaga si Mama, kung kelan naman nabubuo na yung lakas ng loob ko na gumawa ng first move para sa babaeng napupusuan ko tapos tsaka pa nang-istorbo para gawin akong instant driver nya.



It's already 8:30PM in my watch. I'm here in the car waiting in front of the hospital for Mom. Mom is working here; she's a doctor. Hindi ko alam kung bakit kailangan nya pa magpasundo eh may sasakyan naman sya.



*Calling Mom*



"Hello Ma?" Asan ka na ba? Andito na ako sa parking lot sa harap."



"Ay naku Harry, nakalimutan kong nagpasundo nga pala ako sa iyo. Hehe! Sige I'll be out in five minutes. Wait lang."



"Ewan ko sa'yo Ma. Tumatanda ka na talaga, nagiging makakalimutin ka na. Tsk."



"Tumanda man ako, maganda parin naman. Wag masyadong mainit ulo Harry. Nakikita ko na ang kunot dyan sa noo mo. Pumapangit ka."



"Wow! As if I'm ugly Ma. Tsk. Asan ka na ba? Ang tagal naman."



"Very impatient Harry. Buksan mo na yung pinto, marami akong bitbit."

Pinaglololoko naman ako nito ni Mama eh, kanina pa pala siya nasa labas, inaasar lang ako. Tsk.



"So how's my driver for tonight?" Ang hyper talaga nito ni Mama. Ang bagets bagets kung kumilos.



"I'm not your driver Madam, the last time I checked I'm your son."



"Haha! You really checked it Harry?"



"Ahh! Ma stop it. Nagugutom na ako, kain muna tayo."



"Sa bahay na tayo kumain. Nagpaluto na ako kay Manang."



"Ewan ko sa'yo Ma. Sabihin mo gusto mo lang makita ang baby boy mo. Tsk. Miss na miss lang?"



"Of course I do. Buti nabanggit mo, asaan nga pala si Kent?"



"Ewan ko sa bunso mo Ma, ayun nangchichicks ata, pinagpapalit ka na." It's now my turn to tease my mom. Bingo!



"What did you just said? Ang baby ko pinagpapalit na ako? Nangchichicks? So you mean, ang baby ko binata na? huhu."



"Eww Ma! Stop the acting; you're not good at it. And yes, binata na ang baby mo kaya stop treating him like a baby."



"Che! Ewan ko sa'yo Harry. Hindi ako ipagapapalit ng baby ko. He'll be my baby forever."



"Ang corny mo Ma."



"Maganda naman. By the way, who's the girl?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni Mama. Is she pertaining to my girl or to Kent's girl?



"I mean, sino yung chicks ng baby ko?" Ah yung kay Kent naman pala. Haay! Nakahinga ako ng maluwag dun ah.



"I don't know Ma. Hindi ko naman pinapakialaman si Kent. He knows what to do."



"But I need to know the girl. Hindi ba si Aliyah?" Napalingon ako kay Mama. Nagtataas baba pa yung kilay nya na parang gustong gusto nyang si Aliyah nga yung girl ng kapatid ko.



"Hindi ko nga alam Ma, kulit mo. Tanungin mo nalang sya o kaya ii-stalk mo. Magaling ka naman mag-stalk sa buhay ni Kent. Haha!"



"Ehhh! I hope it's Aliyah! Bagay na bagay kaya sila. Ewan ko ba dyan sa kapatid mo kung bakit lagging inaasar si Aliyah eh. Pero promise sana sila nalang. hihi!"



Parang kinikilig na teenager to si Mama. Pero tama naman si Mama, Aliyah is trusted, she's really a good girl for my brother. Kahit na super bully sya pagdating kay Kent. Afterall, Kent deserves it anyway. Haha.



My mom and I were so indulge in talking about Aliyah and Kent. We are laughing on how the two treats each other. Sumisingkit yung mata ko sa kakatawa ng biglang sumigaw si Mama kaya napalakas ang apak ko sa preno.




"Ma why are you shouting?"



"Oh my God Harry, buti nalang naihinto mo agad yung sasakyan. May babaeng nasa gitna ng kalsada. Muntik na nating masagasaan." Sh*t. Buti nalang pala talaga naipreno ko kaagad. Bumaba agad kami ni Mama ng sasakyan para siguraduhin na okay lang yung babae.



"Oh my God iha okay ka lang ba?" Nakayuko sya. Medyo madungis sya. Hindi nagsalita yung babae. Pero unti unting umaangat yung ulo nya.



"Aliyah?" I was surprised to see who the girl is. Sa akin kasi sya nakaharap kaya ako yung nakakita ng mukha nya. Si Mama kasi sa likod nakapwesto. Bigla naman akong tinabig ni Mama ng marinig nya ang pagbanggit ko sa pangalan ni Aliyah.



"Oh my God Aliyah! Ikaw nga! Anong nangyari sa iyo iha? Bakit ang dumi mo, at ang dami mong sugat?" Oo nga, tama si Mama. Ang dami ngang sugat ni Aliyah. May nagtangka ba sa buhay nya? Bigla nya nalang niyakap si Mama at umiyak ng umiyak.



"Help me Harry. Isakay na natin sa sasakyan si Aliyah." At yun nga ang ginawa namin. Sa backseat na sila umupo ni Mama.



"Iha, are you okay? Stop crying, please." Ramdam ko sa boses ni Mama ang pag-aalala. Sobrang close nya din kasi kay Aliyah.



"Ma, wag mo na muna tanungin si Aliyah. Hayaan mo na muna siya. Baka pagod na yan. Aliyah matulog ka muna, gigisingin ka nalang namin kapag nasa inyo na tayo."



"WAG!! Please!" Parehas kaming nagulat ni Mama sa pagsigaw ni Aliyah. Parang sobra syang nasasaktan at natatakot. Nakaramdam ako ng awa at pag-aalala sa kanya. Ano kayang problema?



"Iha bakit? Kailangan nila malaman ang nangyari sa iyo. Baka nag-aalala na sila eh."



"Tita please! Ayokong bumalik sa bahay. Please Tita, I beg you ayaw kong umuwi sa bahay." Aliyah pleaded then she started to cry again.



"Ma, sa atin nalang muna natin dalhin si Aliyah." Pumayag naman si Mama. Alam nya din kasing may problema kaya hindi na sya nagpumilit.


***


Nakarating na kami sa bahay. Nakatulog na sa sasakyan si Aliyah sa kakaiyak kaya eto ako, buhat buhat ko siya papunta sa guest room.



"Manang Dory andyan na ba si Kent?"



"Naku Ma'am wala pa po. Pero tumawag po siya kanina na malalate daw po siya ng uwi. May inaasikaso lang daw po siya." Akala naman namin ni Mama andito na si Kent. He must be the one to talk to Aliyah. Alam kong sa kanya lang magsasabi ng problema si Aliyah pero wala pa pala siya.



"Ay naku namang bata iyon. Ano bang dapat nyang asikasuhin ng ganito kalate? Gabing gabi na ah. Humanda sakin yang lalaking yan."



"Ma tama na! Ireserve mo na yan mamaya. Nadala ko na pala si Aliyah sa guest room. She must be very tired. Did you see it Ma?"



"What is it Harry? Yung takot sa mukha ni Aliyah?" Magaling talaga si Mama makasense ng feelings ng tao.



"Yeah! Hindi ko alam pero sobrang takot na takot sya."



"Ay naku Harry, mamaya na natin pag-usapan yan. Mabuti pa ihanda mo ng maligamgam na tubig si Aliyah, dalhin mo sa guest room. Aasikasuhin ko muna siya, kailangan kong matingnan yung mga sugat nya. Baka kung ano ang nangyari sa batang iyon."



"Alright Ma." Sinunod ko nalang ang sinabi ni Mama. Thank God my mom is a doctor. Maaasahan sya sa ganitong sitwasyon. Aliyah really needs her right now. Kung anuman ang problema ni Aliyah, I hope she can passed all of those. I know she's a strong girl.

***

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...