Beautiful Days (Completed)

By YorTzekai

245K 7K 479

BOYXBOY - This is the story of Kloyy Bandolon, an independent cebuano gay, may lihim na minamahal ngunit wala... More

Beautiful days (boyxboy)
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 13
Kabanata 14- collab with SO INTO YOU of Ytianity!
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
WAKAS!

kabanata 2

11K 320 20
By YorTzekai

AN/ Hello po sa mga bumabasa nito kung meron man :p medyo bibilisan ko po ang phasing nito,dahil gusto kong makahabol ang story na ito sa timeframe ng "KAWAII LOVE." kumbaga parang pasilip pa lang ito,dahil ang totoong kwento ay pag bumalik na si Kloyy sa maynila,mga hanggang chapter 3 o chapter 4 na sa Cebu ang settings nito. Maraming salamat po and enjoy reading!

_____

Simula nung araw ng Question and answer ay naging malapit na kami ni Clive sa isa't isa. Nang dahil kay Clive,nagkaroon ng kulay ang huling taon ko sa high school. Kung dati reserved ang tingin nila sa akin,ngayon hindi na. Nakilala akong bestfriend nya,nasanay na din sila na Kloyy ang tawag sakin imbis na Nicolo pa din.

"Nasan si Clive,Kloyy?" ang tanong sa akin ng classmate naming si Pol ng makarating ako sa school.

"Huh? Wala pa ba? Hindi din nagpaparamdam eh. Try nyong itext." ang sagot ko naman at pumasok na sa classroom. Sumunod naman si Pol.

"Hindi nga nagrereply eh,kaya naisip namin na baka ikaw alam mo." ani Pol.

"Hindi ko alam,hindi din naman kasi sya nagtetext." muli kong sagot. Magsasalita na sana si Pol pero biglang dumating ang teacher namin sa Araling Panlipunan. Pero hindi ako doon na bothered,mas nabothered ako na wala pa si Clive.

Ano kayang nangyari sa isang iyon? Ni hindi man lang nagtext. Medyo hindi kasi ako komportable pag wala sya.

Kaya ng sumapit ang breaktime ay tinext ko agad sya.

Ako:

Clive? Anong nangyari? Bakit ka absent?

Ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone at lumabas na ako ng room. Kakain na lang ako ng mag isa. Nahihiya kasi akong makisama dun sa mga classmate naming ka-close ni Clive.

Hanggang matapos ang klase ay hindi pumasok si Clive,napapaisip tuloy ako kung bakit hindi pumasok ang isang iyon.

Kaya ang nangyari,solo flight ako,ayos lang naman dahil sanay na ako.

"Kloyy,pag nagkita kayo ni Clive,pakisabi na may laro kami ng DoTA mamaya ah? Alam na nya yon." ang sabi ni Pol ng makita ko sya sa labas ng gate.

"Sige,sasabihin ko." sabi ko at tipid na ngumiti. Nakakita na ako ng jeep at pinara ito. Dadaan muna ako sa Colon para mamili ng mga kailangan ko pa. Yan ang maganda dito sa Cebu,malapit lang kami sa mga pamilihan.

Madami din akong napamili sa Colonade. Ganito talaga ang buhay mag isa,pero sabi ko nga,sanay na ako. Nakapila na ako sa counter ng may mamataan ako.

Si Clive may kasamang babaeng tisay at dito sila sa pinipilahan ko papunta. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip.

May girlfriend na pala sya? Kaya siguro sya absent ngayon.

Kaya ang ginawa ko ay humarap na lang ulit sa counter,ako na pala ang susunod. Sana lang hindi ako mapansin ng dalawang ito.

Nadidinig ko silang nag uusap at naghahagikgikan,may pinag uusapan sila na tungkol ata sa mga nangyari sa kanila noon.

"853 pesos po Maam." ang sabi ng cashier. Agad kong inilabas ang wallet ko,kumuha ng one thousand at nagbayad.

"Kloyy?" dinig kong tawag ni Clive pero nagbingi bingihan ako at kinuha ko na ang mga pinamili ko at nagmamadaling naglakad palabas ng Colonade.

Sumakay na ako ng jeep na 02B na dadaan sa mc arthur blvd. Habang nasa jeep ako ay nakatanggap ako ng text mula kay Clive.

Clive :

Kloyy,nakita kta sa Colonade,nasa iisang counter tayo,tinawag kta pero hndi mo ata ako narinig kaya sinundan kta.

Sumunod sya? Pano ang girlfriend nya? Adik talaga ang isang iyon.

"Lugar lang." ang pag para ko,bumaba na ako at tumawid na.

"Bayot,dumating ang Mama at Papa mo." ang pagsalubong sa akin ng kapitbahay ko.

"Ano daw sabi?" ang sabi ko habang binubuksan ang pinto ng inuupahan ko.

"Ito pinabibigay,20 thousand yan,walang bawas. Aalis daw sila,hindi na sila daw nagtext dahil ngayon mismo alis nila." sabi nito sabay abot ng pera na naka sobre.

"Salamat,oh eto pang bisyo mo." nakangiti kong sabi at kinuha ang sobre,inabutan ko naman sya ng 200.

"Bisyo ka dyan!" nakangising sabi nito.

"Biro lang,o sige Toto,pasok na ako. Salamat ulit." tumango ito at saka ako pumasok sa loob.

Kontento na ako dito sa bahay na inuupuhan ko. Medyo malaki pero mainam na,just in case na may mga bibisita sa akin if ever.

♪ I feel for you

I mean I truely love you

In my heart and in my soul

you are my love you are my all

I feel for you

I mean I always love you

Because to me you are

dream come true0♪

Napatigil ako sa pagkanta ng

may kumatok sa pinto.

Sino naman kaya ito? Pumunta na ako sa pinto at binuksan ito.

"Clive?!"

"Nasan na yung kumakanta? Nakaka inlove yung boses eh." nakangiti nyang sabi habang nakapamulsa.

"Baliw! Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?" ang taka kong tanong.

"Nagtext ako diba? Sabi ko sinundan kita." aniya at pumasok sa loob. Sinara ko ang pinto at sumunod sa kanya. "Mag isa ka lang talaga dito? Hindi ba malungkot?"

Umupo ako sa sofa saka sumagot. "Sanay na naman ako. Ikaw,anong ginagawa mo dito at bakit ka absent? Ang daming naghahanap sayo."

"Tungkol nga dyan kung bakit ako sumunod sayo." aniya at tumabi sa akin. "Ituro mo sa akin lahat ng mga pinag aralan ngayon,ikaw lang ang maaasahan ko."

"Ganon ba? Sige,gagawa muna ako ng meryenda at tuturuan na kita." ang sabi ko at tumayo ulit. Tinungo ko ang kusina at sumunod sya.

Kaya ayon,buong araw syang nasa bahay at tinuturuan ko,matalino si Clive kaya madali nyang natutunan lahat. Alas diyes na nga ng gabi ng magpaalam sya para umuwi. At aaminin kong,sobrang komportable na ako sa kanya at masarap ang pakiramdam ko kapag kasama ko sya.

Isang araw,nasa auditorium ang klase namin at nanunood ng documentary sa science class namin ay nakatanggap ako ng text mula sa kaibigan kong si Winji.

Hindi ko maiwasang mag alala ng mabasa ko ang text,I know Winji,bakla din sya at isa sya sa mga bestfriends ko noon sa maynila.

"Hey! Are you listening?" ang pagkalabit sa akin ni Clive pero hindi ko sya pinansin. Nag aalala ako kay Winji,nabalitaan ko ang krimen na nangyari sa pamilya nya noon,ngunit napanatag din ako dahil may nag aruga daw sa kanya. Pero ngayon,anong nangyari sa kaibigan ko? Bakit ganun ang text nya. "Kloyy? Are you okay? Para kang balisa." ang bulong ni Clive.

"Ha? W-wala. Okay lang ako." ang sagot ko. Nagsalubong ang mga kilay ni Clive,halatang hindi naniniwala.

"Youre lying." aniya.

Hindi ko na lang sya sinagot,muli kong binalikan ang message ni Winji at nireplyan ito. Gusto kong matulungan ang kaibigan ko.

Nang dissmissal na ay nagmamadali na akong umuwi. Mamaya ang dating ni Winji at kailangan ko syang masundo.

"Kloyy! Saglit! Ano bang problema?" ang sabi ni Clive na sinundan pala ako.

"Kailangan kong sunduin sa airport ang kaibigan ko galing ng maynila. He needs my help." ang sagot ko sa kanya.

"Lalaki? Sasamahan na kita,baka kung mapaano ka sa byahe." aniya at inayos ang pagkakasukbit ng bag nya.

"Hindi na. Saglit lang naman iyon."

"I insist. Minsan lang ako gumanti sa mga tulong mo,tatanggihan mo pa ba ako?" aniya at ngumiti. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

"Sige,baka marami nga syang bitbit." nakangiti kong pagpayag at naglakad na kami palabas ng gate.

Paglabas namin ng gate ay natigilan kami. Nandun yung babaeng tisay na kasama dati ni Clive sa Colonade.

"Beh!" anito at lumapit kay Clive. Napabuntong hininga ako,hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Yanna! Anong ginagawa mo dito?" nakangiting ganti ni Clive saka tumingin sa akin. Ngumiti lang ako.

"Syempre,sinusundo ko ang future husband ko." ang masayang sabi nung Yanna. Napatingin na naman sa akin si Clive na parang nag aalangan na hindi ko mawari.

Mabuti na lang at may dumaang taxi kaya agad kong pinara.

"Sandali Kloyy!" ang pagtawag ni Clive ng buksan ko na ang pinto ng frontseat ng taxi.

"Okay lang ako Clive,kaya ko na to. Sige na." at tuluyan na akong sumakay. "Nong,sa airport po." ang sabi ko sa taxi driver.

Nang umandar na ito ay nilingon ko sina Clive,kinakausap sya nung Yanna pero dito sya sa taxi nakatingin. Bumuntonghininga ulit ako.

Bakit ba ako nagkakaganito? Halos magdadalawang buwan ko pa lang naman na kilala si Clive. Normal ba itong nangyayari sa akin? O baka naman masyado lang akong na attached sa kanya,dahil sya lang lagi ang kausap at kasama ko. Whatever it is,hindi ko na dapat pang pagtuunan ito ng pansin dahil may kasintahan na sya. Ganun naman dapat yon habang hindi ko pa nakikilala at napapangalanan itong nararamdaman ko.

Nang makarating sa airport ay hindi na ako nahirapang hanapin si Winji dahil nag aabang na sya sa departure area. Hindi ko mapigilang mapangiti,napaka ganda ni Winji,makinis,maputi,hindi na kailangang lagyan ng make up. Mukha na talaga syang babae.

Nang nasa bahay na kami ay kinwento ni Winji sa akin ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Sobrang naawa ako sa sinapit nya,and at the same time,nakaramdam ako ng takot. Kung katulad sa kanya ang mangyari sa akin pag nagmahal ako,ngayon pa lang ay pipigilan ko na ang sarili ko. Nakakatakot pala magmahal,hindi ko kaya ang mga nangyari kay Winji,kung sa akin nangyari ang mga iyon ay nasa kalagitnaan pa lang siguro ay sumuko na ako.

Kaya nung gabi ay nahirapan akong makatulog. Iniisip ko ang mga nangyari kay Winji at iniisip ko si Clive. Kailan ba ako nagsimulang makaramdam ng kakaiba kay Clive? At ano ba talaga itong nararamdaman ko? Pagmamahal na ba ito? Imposible,simpleng paghanga lang siguro ito.

Continue Reading

You'll Also Like

586K 23.4K 57
Kilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niy...
3.8K 215 23
Reese Montemayor a simple yet cute hardworking gay na mahilig mapag-isa, simula nang mamatay ang kanyang mga magulang ay mag-isa niyang hinarap ang p...
195K 1.7K 18
Nagsimula sina Ross at Herald sa simpling kasunduan hanggang sa tinutoo na nila ang kanilang relasyon. Sa kanilang nagiging disisyon, anu anu kayang...
1M 32.3K 85
Aminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugu...