When You Kiss Me •GiRL2GiRL•

By OUTandPROUD

179K 4.2K 357

2nd story ko na po ito. girl to girl story pa din po. Tungkol po ito sa babaeng unang beses siyang nag seryos... More

ONE.
TWO.
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT.
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR.
TWENTY FIVE.
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE.
THIRTY
THiRTY TWO
THiRTY THREE
THiRTY FOUR
THiRTY FiVE.
THiRTY SiX
THiRTY SEVEN.
THiRTY EiGHT.

THiRTY ONE.

3K 100 27
By OUTandPROUD

Hello readers its been a while! musta naman kayo??? want ko sanang malaman kung taga saan ang mga readers ko. message niyo naman ako with your name age pref and location. ☺ hintayin ko mga message niyo ah. salamat.

SPENCER's POV.
*******************

naisip kong tama nga ang sinabi ni sam na ako dapat ang mag tanong sa ate niya.

baka kase isipin niyang ginagawa kong daan ang kapatid niya para mapalapit sakanya.

bukas na bukas pupuntahan ko siya at mag papaalam sakanya
never ko pang ginawa ang ganito dahil ako ang madalas nilang ayain.

inaya ako ni sam na mag laro ng basketball sabi ko sakanya maglalaro kami pag tapos kong icheck ang mga ihahatid na prutas at gulay sa mga suki namin.

inaya ko din siyang sa may farm kami mag lunch at pumayag naman ito.

***************

pagkatapos namin kumain ay nag pahinga ako saglit dahil baka hindi ako matunawan kung mag lalaro agad ako.

hindi nako sumamang mag deliver dahil malapit lang naman kung saan nila ihahatid.

habang nag papahinga kami nag kkwentuhan kami ni sam tinatanong ko siya about sa family niya.

nagtanong din ito about sakin.

"ate bakit po gusto niyo ate ko??" tanong niya sakin

napaisip ako. dahil ang totoo hindi ko rin alam kung bakit ko nagustuhan ang ate niya

"hindi ko din alam sam e" sagot ko

"pwede po ba yon? walang dahilan?" tanong niya ulit

"siguro? kase hindi ko talaga alam kung bakit"

"bakit si kuya binoy ang dami niyang gusto sa ate ko." si sam

"tulad ng???" tanong ko

"nagustuhan daw po niya si ate kase masipag siya. maganda, bait, sexy mga ganyan po"

"totoo naman ang sinabi ni binoy"

"ganon din po nagustuhan niyo sakanya??"

"hindi. hindi naman mabait sakin ate mo e. kulang na nga lang e patayin niya ko. hindi rin naman siya maganda. wala siyang sinabi sa beauty ko siguro masipag pwede pa hahahaha" natatawa kong sabi

"yon nga po ang pinag tataka ko" seryosong sabi ni sam

"huh???" pagtataka ko din

"nagtataka po ako sainyo kung bakit niyo siya nagustuhan kase ang taray at sungit ng ate ko sayo tapos lagi kapa niyang inaaway kaya nga po minsan hindi ko maintindihan bakit ang init init po ng dugo niya sayo"

"alam mo sam nagtataka din ako e hindi lang ikaw. ewan ko ba diyan sa ate mo siguro kung hindi lang siya makukulong e pinatay na niya ko"

"kahit nga po si mama nagtataka e, mag tapat ka nga sakin ate spencer yung po bang totoo wala po ba talaga kayong ginawa sa ate ko??? kase hindi naman po siguro siya magkakaganyan ng walang dahilan" mahabang sabi ni sam

"isa lang feeling ko diyan e siguro kase dahil natalbugan siya sa beauty ko kaya nag iinit ang dugo niya sakin"

"grabe naman po" sabi ni sam na hindi mo mawari kung matatawa o hindi kaya naman hindi ko mapigilan matawa sa reaction niya

"okay sige ganito nalang para parehas tayong malinawagan pagka napapayag ko si ate mo na mamasyal itatanong ko sakanya kung bakit nga ba at promise sayo ko unang unang sasabihin sayo ang dahilan niya"

"talaga po?" si sam

"yup!"

"promise???" si sam na ninigurado

"promise" sabi ko sabay taas ng kamay ko

"pinky promise po tayo" si sam at nilapit niya kamay niya sakin at nakikipag pinky promise

"pinky promise" sabi ko naman at nag dikit ang daliri namin at ngumiti ito ng pagkalapad lapad sakin

"alam mo ate ang saya ko po dahil nakilala ko kayo" si sam

"talaga?? bakit naman?"

"kase po lagi din kayong nandyan para sakin"

"syempre tropa tayo e" sabi ko sabay gulo ng buhok niya

"alam niyo po dati si ate shay lagi kong kalaro"

"ooh talaga? anong nangyari? hindi naba kayo nag lalaro??" curious kong tanong

naisip ko din na kaya siguro laging gustong naka dikit sakin ni sam dahil lagi ko siyang pinag bibigyan sa mga gusto niya naisip ko rin na baka naghahanap ng atensyon sa ate niya dahil bata pa ito.

"hindi na po siya nakikipag laro sakin tulad ng dati"

"baka dahil tinutulungan niya si mama niyo" pagtatanggol ko kay shay

"simula po ng magkasakit si mama hindi na siya nakikipag laro sakin"

"oooh yon naman pala e, dapat intindihin mo si ate mo para sainyo din naman ginagawa niya"

"minsan po nakakapag tampo e" si sam na mukhang nagtatampo nga

"yaan mo babawi din yang ate mo sayo sinisigurado ko yan malay mo tyumetyempo lang siya diba??"

"ganyan din po sabi ni mama sakin"

"alam mo sam isa ka sa mga napaka swerteng bata kase may mama kang mabait at ate na mapag alaga yung ibang bata na katulad mo wala siyang tulad ng iyo kita mo nga si ate shay mo okay lang sakanya kahit di siya makapag asawa o di kaya e kahit wala ng para sakanya basta para sayo at makapag tapos ka"

"kaya nga po di ko pinapabayaan pag aaral ko e kase gusto ko kapag nakapag tapos ako ng college tapos nagka trabaho nako ng maganda lahat ng gusto ni mama at ni ate ibibigay ko sakanila"

"yan ganyan tama yang gusto mo. bilib ako sayo sam at alam kong matutupad mo yan dahil mabait at masipag kang bata" kangiti kong sabi sakanya

"ikaw ba ate ano po pangarap niyo??" tanong ni sam sakin

ano nga ba pangarap ko? ano nga ba talagang gusto ko sa buhay ko? ano bang gusto ko maliban kay shay??? napatanong din ako sa sarili ko

"alam mo sam kung tutuusin wala nakong hihingin pa kase masasabi kong lahat nasakin na lahat ng gusto ko nakukuha ko maliban nga lang sa ate mo pero seryoso to wala nakong hihingin pa kung meron man e siguro yung taong makakasama ko habang buhay"

totoo ang sinabi ko kay sam ano pa nga bang hihingin ko? alam ko sa sarili ko na ako ang may problema kaya ako nag rerebelde ng ganito.

"sabi ni lolo pasaway daw po kayo pero parang hindi naman po" si sam

"hahahaha totoo ang sabi ni lolo" natatawa kong sabi

"mukhang hindi naman po e ang bait niyo nga po e"

"pasaway ako sam totoo yon ako ang sakit ng ulo ng daddy ko kaya nga pinatapon niya ko dito"

"eto po yung paruso niyo? ang mag trabaho kay lolo???"

"yup! pero salamat sa daddy ko kundi dahil sakanya e hindi ko kayo makikilala hindi kita makikilala"

"e hanggang ngayon po pasaway pa kayo??"

"ewan?? siguro?? hahaha" natatawa kong sabi

"siguro po marami kayong gusto sa manila no???"

"anong gusto??" tanong ko dahil hindi ko masyadong gets

"gustong babae po"

"aaaaaay! wrong ka dyan samuel" mayabang kong sabi with matching pailing iling pa with gesture hahaha

"bakit po ako wrong??"

"kase sila yung nag kakagusto sakin ako yung hinahabol nila" pag mamayabang ko

"totoo po???" parang na amaze pa si sam

"oo! kahit tanong mo kay lolo o kaya kay ate ck mo pag napasyal siya dito" sabi ko

"kahit po si ate ck marami din nag kakagusto sakanya doon??"

"ay nako walang sinabi yang si ate  ck mo sakin tsk tsk"

"ganon po ba?" parang naiisip si sam

"oo bakit??" ako na nagtataka

"ayaw ko na po pala kayo para sa ate ko" seryosong sabi ni sam na kinagulat ko

"huh????????? bakit naman???" gulat kong tanong

"e kase po baka lolokohin mo lang ate ko e. ayokong masaktan siya ayokong umiyak siya ayokong may mananakit sa damdamin niya" si sam

"hala! syempre di ko gagawin yon sa ate mo. atsaka hindi naman ako yung nag kakagusto sakanila ako yung gusto nila"

"sabi niyo po kase marami kayong babae doon e"

"wala na. wala na simula ng napunta ako dito at si ate mo na yun yung gusto ko wala ng iba si mo lang"

hindi sumagot si sam at tumahimik ito.

"uuuuuy" sabi ko sabay kalbit kay sam

"ayoko pong may mananakit sa ate ko" si sam

"hindi ko sasaktan ate mo sam pangako yan"

"pano po ako makakasigurado???"

"pag sinaktan ko ate mo sakin ka magalit"

"talaga pong magagalit ako sainyo tapos di ko na kayo friend"

"hahaha sige. pero hindi ko talaga sasaktan yang ate mo" sabi ko

"sana nga po" si sam

bakit ba kase pinag yabang ko pang maraming nagkakagusto sakin yan tuloy akala ni sam e lolokohin ko lang ate niya.

siguro nga marami akong babae doon pero hindi na ngayon. iba na. nag bago nako.

"hindi paba tayo mag lalaro ate?" tanong ni sam

"tara" sabi ko sabay tayo

"tara po" si sam at tumayo nadin.

naglakad lang kami papuntang court nag kkwentuhan padin habang nag lalakad.

pag dating namin doon at naabutan namin na andon si nathan at iba pa nilang kalaro kaya naman tumakbo agad si sam papunta sakanila.

"GAME!" masayang sigaw nila

"game!" sabi ko at nag laro na nga kami..

*********************
padilim na ng tumigil kami sa pag lalaro. nakaramdam ako ng pagod dahil panay takbuhan lang ang ginawa namin, pagod pero masarap sa pakiramdam dahil pinag pawisan ako ng usto.

"wala bang palaro dito ng basketball??" tanong ko sakanila ng maupo kami

"meron po." sagot nila

"talaga? kelan?" tanong ko ulit

"sa twing fiesta po, kaya lang walang pambata" sagot ni sam

"bakit naman?"

"puro mga binata lang nag lalaro po e" si sam

"ganon ba? sige sa susunod mag papalaro ako basketball para sa mga batang tulad niyo." kangiti kong sabi

"talaga po???" sabay nilang sabi at makikita mo ang saya at excitement sa mukha nila

"YUP!" masayang sabi ko

"yeheeeeeeey!!!!" hiyawan nila sabay palakpakan pa

"ooh sige na mag si uwi na tayo dahil padilim na." aya ko sakanila

"sige po" sagot naman nila

"pahatid kita sam???" tanong ko ke sam

"hindi na ate sabay sabay napo kami" sagot ni sam

"osige sige mag ingat kayo ahh" sabi ko

"sige po ate salamat" si sam

"sige kita tayo bukas aaah?" sabi ko

"opo. byeeeee..." si sam

"bye" sabi ko at naglakad na sila papalayo

pag kadating ko sa bahay ay tinanong ko agad si lolo kung kelan ang fiesta dito nabanggit ko din ang plano ko para sa mga bata.

natuwa ito at sinabing maganda daw yung plano ko at susuportahan niya ko sa gusto ko.

sabi ko sakanya maliligo muna ako bago kami mag dinner dahil sobrang basa ng damit ko dahil sa pawis.

tumango naman ito kaya naligo na  agad ako.

pagtapos kong maligo ay bumama agad ako at sinabi ni lolo sakin na tumawag ang papa ko at tawagan ko daw siya pagtapos nakong maligo.

"maya ko na siya tawagin lo kain na po muna tayo nakaramdan nako ng pagka gutom" sabi ko kay lolo

"sige apo" sagot naman ni lolo kaya nag punta nakami ng dining area.

pagtapos namin kumain ay tumawag nako kay daddy.

napapaisip ako kung bakit bigla nalang itong napatawag.

ilang ring lang ay sinagot agad ni papa.

"dad?" tawag ko

"anak bukas na alis mo" bungad agad ni papa

"bukas??? kala ko bang nextweek pa???" pagtataka ko

"hindi daw pala sila pwede nextweek kaya bukas nalang daw"

"dad naman e!" inis kong sabi

"wala naman akong magagawa don anak, bumyahe ka agad dito ah"

"haaaay." buntong hininga kong sabi

"sige anak mag ingat ka sa byahe mo. matulog kana dahil maaga kapa bukas. goodnight nak i miss you" sabi ni papa

"sige po. night" sabi ko at binaba ko na

nakaramdam ako bigla ng pagkainis.

halata yata ni lolo na bigla akong nawala sa mood.

"napano ka apo?" tanong ni lolo

"bukas nadaw uwi ko lo" sabi ko at pasaldak akong na upo sa sofa sa tabi ni lolo

"akala ko bang sa susunod pang linggo?" si lolo

"yon nga din ang akala ko lo"

"baka nag ka emergency kaya biglang nag bago ng schedule"

"siguro nga po"

"anong oras byahe mo? para sabihan ko mag hahatid sayo" si lolo

"mga 5am siguro lo para deretcho nako ng office" sagot ko

"tama para hindi kayo matraffic."

"oo nga po"

"o siya sige na mag pahinga kana maaga kapa bukas bbyahe at akoy papanik narin niyan"

"sige po lo akyat nako" sabi ko at tumayo nako sa pagkaka upo at hinalikan ko sa noo si lolo

"goodnight apo" si lolo habang nakangiti

"goodnight lo" sagot ko naman at umakyat nako ng kwarto ko

lalong bumigat ang katawan ko. kainis! sira nanaman ang plano ko.

mamimiss ko panigurado si shay neto. nakakainis pa dahil malabong makausap ko siya.

paniguradong matatagaln ako don. haaaay!! badtrip! mababaliw yata ako wala pa man!!!

****************
SHAY's POV
****************

pumayag nako sa gusto ni mama na mag pacheck up ako.

para din hindi na siya mag alala pa. at para narin maka hingi ako o malaman ko ang tamang gamot para mawala agad ang nararamdaman kong pagkahilo o sakit ng ulo ko.

sinama ni mama si sam mag bukas ng tindahan para daw may tumulong sakanya sa pag aayos ng mga paninda.

at tulad nga ng usapan namin ni sheena nag kita kami ng alas nuebe ng umaga at sa may pwesto na kami nag kita.

"tara na.." aya ko kay sheena

"tara" sabi naman niya

"matagal nabang sumasakit yang ulo mo?" tanong sakin ni sheena habang nag lalakad kami.

"medyo matagal nadin." sagot ko

"anong ginagawa mo sa twing sumasakit?" tanong niya ulit

"umiinom ng gamot at pinapahinga ko mga mata ko"

"nako! baka nga lumalabo ang mata mo kaya panay sumasakit yang ulo mo ganyan na ganyan kase ang kay kuya"

"tumatanda naba ako?" pagbibiro ko

"tumatanda kanang dalaga gaga!" natatawang sabi ni sheena

"sira! nasa kalendaryo pa ko no!"

"nako malapit kanang mapanis! kaya kahit mag nobyo lang e gawin mo na!" natatawang sabi ni sheena

"baliw ka talaga!" sabi ko sabay hampas sakanya at tumawa ito ng malakas

"wala kaba talagang balak ah shay?" seryoso na ang tono ng boses ni sheena

"siguro." sagot ko

"siguro????????" parang nagulat sa sinabi ko

"oo siguro" sagot ko ulit

"haaaay nako! hindi mo man lang bibigyan ng apo ang mama mo??? nako shay sa ganda mong yan!"

"bahala ng si samuel ang mag bigay ng apo ke mama" sagot ko

"seryoso ka?! ang bata bata palang ni samuel!"

"e sa wala nga kase akong balak. at makakapag hintay naman kase yan at gusto ko kase sana e mapatapos ko si samuel"

"elementary palang si samuel, josko ilang years pa hihintayin mo"

"haay nako basta uunahin ko yung pangako ko ke papa at ke mama na sila muna uunahin ko"

"haaay nako din shay bahala ka pag tumanda ka walang aantabay sayo"

"di ako pababayaan ni samuel kung sakali man" sagot ko

"bahala ka. kahit sana mag kaanak kaman lang"

"papabuntis ako ganon??"

"oo hahahahaha" natatawang sagot niya

"sira ulo ka talagang sheena ka!" natatawa kong sabi

nakarating na kami sa may clinic medyo marami ng nakapila kaya naman natagalan kami.

kung napaaga lang sana kami panigurado kanina pa kami tapos.

************

ilan oras din ang tinagal namin doon.

kaya naman pagbalik namin sa palengke e sobrang gutom namin.

nagpasalamat ako kay sheena sa pag tulong nya sakin at inasar ulit ako nito bago siya umalis.

"musta check up mo anak??" pangangamusta ni mama sa lakad ko

"okay lang ma sabi ko naman sayo e wala lang to e" sagot ko

"syempre anak mas mainam ng alam natin ang totoo baka ano pang mangyari sayo e" si mama na nag aalala

"di ka dapat mag alala ma ako pa!" pagmamayabang ko

"gusto na atang mag asawa kana ng kaibigan mo anak?" tanong ni mama sakin

"oo ma ang baliw mag anak nadaw ako para mag ka apo ka" sagot ko

"tama nga naman ang kaibigan mo anak, pero pano ka mag kakaanak kung makipag nobyo lang e ayaw mo."

"haaay nako ma wala nga po sa isip ko yan. si samuel nga po pala?" tanong ko ke mama dahil hindi ko napansin si sam

"nagpunta doon...- ay ayan na pala siya" sabi ni mama sabay turo ke sam na kasama si nathan

"saan ka galing??" tanong ko sakanya ng makalapit siya samin

"galing kami kina lolo" sagot ni sam

"anong ginawa niyo doon??? ang aga aga iniistobo niyo si lolo manuel" sabi ko

"may sasabihin lang sana kay ate spencer kaya lang di namin siya naabutan" si sam

speaking of spencer naisip ko bigla yung sinasabi ni sam kagabe about kay spencer.

wala naman sigurong masama kung tanungin ko kung tungkol saan yon.

"nga pala sam ano yung sinasabi mo tungkol kay spencer kahapon??" pasimple kong tanong

"alin po?" si sam

"kita mo interesado kadin pala" si mama habang pailing iling na natatawa

tsk! to talaga si mama oh!

"aaah ano po yon ate gusto ka sanang ayain ni ate spencer." si sam

"ayain?! ayain saan???"

"na ilibot niyo daw po siya dito.."

"duh?!!!!" sagot ko

"bakit po?" para naman nagulat si sam

"talagang sakin pa sa nag papalibot?! ginawa pa niya kong tourguide?!! baliw talaga yung babaeng yon!!!!" inis kong sabi

"hindi naman sa ganon yon ate sha-" pagtatangol ni sam kaya naman hindi ko na siya pinatapos mag salita

"heh!! tumigil ka sa pag tatangol sa bruhang yon!!! at sabihin mo sakanya tumigil siya dahil never kong sasamahan dahil hindi ako tourguide!!!" galit kong sabi

"okay po ate. wala naman na din si ate spencer" sagot ni sam

hindi nako nag salita pa..

"anak kuha ka ng mga prutas ah." sabi ni mama sakin

"opo ma punta na nga po ako ngayon doon" sagot ko

"sige pero kumain muna tayo" si mama

"wag kang aalis dyan samuel tulungan mo si mama para makapag pahinga siya"

"opo" si sam sabay tango

"kain na tayo" aya ni mama kaya kumain na kaming apat

pagkatapos namin kumain ay nag pahinga ako saglit.

mag bibisekleta lang kase ako papuntang hacienda.

**************
habang papuntang hacienda iniisip kong sana si don manuel ang maabutan ko at wag ang bruhang si spencer dahil ayokong masira ang araw ko.

marinig ko lang kase boses non e sira na araw ko agad agad!!! kaya sana wag siya ang makausap ko.

pero naisip ko din na si don manuel ang maaabutan ko doon dahil sabi nga ni sam ay hindi nila naabutan si bruha nag deliver na siguro.

pagdating ko ang bumungad sakin ay si manang

"magandang hapon po" bati ko

"oh shay anong kailangan mo?" si manang

"kukuha sana ako mga paninda, nandiyan po ba si don manuel??"

"nako sumama siyang mag hatid ng mga prutas sa bayan"

"nag deliver po siya??"

"oo umalis na kase apo niya" sagot ni manang

sumagi sa isip ko yung sinabi ni sam.

anong ibig sabihin ng umalis??

"umalis..." pabulong kong sabi habang nag iisip

"oo umalis na" sabi ni manang na narinig pala yung sinabi ko

"ho????" pagkukunwari ko

"ang apo niyang si spencer umalis na"

"san naman po nag punta?" bigla kong tanong na pati ako nag taka sa simabi ko

kiber ko naman kung san pupunta ang mangkukulam nayon! duh!

"umuwi na doon sakanila sa manila"

"ah ganon po ba" sagot ko at sa isip ko maganda ngang umalis na sya para wala ng sisira pa sa araw o mood ko.

sinabi ko nalang ke manang ang mga order ko at sinabi niyang ihahatid nalang sa pwesto namin.

tumango lang ako at saka nako nag paalam dahil babalikan ko pa si mama para makauwi na siya.

habang pabalik ng palengke naalala ko bigla si spencer.

naisip ko na kaya siguro niya ko inaayang lumabas ay dahil babalik na siya ng manila.

hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot at pagkaguilty.

haaaay! ano ba tong nararamdaman ko! ang weird! bakit naman ako maguguilty??? dahil hindi ko siya pinag bigyan?? dahil hindi man lang ako naging mabait sakanya??? at bakit naman ako magiging mabait sakanya e siya nga ang sama niya sakin!!!!

aaagrrrh!!! bakit ba nakikipag talo ako sa sarili ko! tsk!!! kagagawan ni spencer to!!! bakit ko ba kase siya naiisip!!! iiiiiiih!!!!

hanggang sa maka dating nako ng pwesto namin.

pakiramdam ko parang ang bigat ng katawan ko.

para akong malungkot na ewan.

pero bakit naman ako malulungkot????

imposible naman na naaapektuhan ako dahil sa pag alis ni spencer?

hindi siguro baka pagod lang ako kaya pakiramdam ko malungkot ako.

walang kinalaman ang bruhang yon sa nararamdaman ko! hmp!!!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 25.5K 37
Katropa Series Book 2 [Completed] Language: Filipino May babaeng nagpapakita, nanunukso at pumapatay sa isang Junction. Nangyayari lamang ito kada...
4.6K 626 32
"Stare at the dark too long, and you'll eventually see what isn't there..." If someone offered you an opportunity to investigate the deadliest (and c...
28.1M 711K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
6.4M 275K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...