Forbidden Love

Od DyslexicParanoia

3.1M 38.1K 3K

Katropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino Mas masarap daw talaga ang bawal. [Editor's Note] Wri... Více

Forbidden Love [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 10

119K 1.5K 57
Od DyslexicParanoia

Karl's P.O.V.

Sa wakas pumayag na s'yang mag-usap kami nang maayos. Pero kailangan ko munang mag-concentrate sa pakikipag-usap sa napaka-imporanteng kliyenteng ipinunta ko rito para maisara ko na ang aming deal once and for all.  Kalahating taon ko na rin kasing tinatrabaho ito. Gusto ko sanang bumilis na ang oras.  Pero ewan ba kung bakit naman kung kailan gusto mo itong bumilis, lalong tila bumabagal ito.

Nagmadali akong bumalik sa hotel matapos kong matagumpay na naisara ang deal.  Sa sobrang excitement ko, sobra rin ang pagkadismaya ko nang hindi ko nadatnan do'n si Sam.  Chineck ko ang kanyang mga gamit, nadoon pa naman.  Lumabas lang siguro sandali para mamasyal.

Tatlong oras na ang nakalipas, wala pa ring Samanthang dumarating.  Nag-umpisa na akong mag-alala.  Lumabas na ako ng suite at hinanap ito sa mga common places ng hotel na pwede n'yang tambayan.  Nagtanong na rin ako sa mga receptionists, staffs at maging sa manager ng hotel.  Pero ni isa sa kanila'y walang nakapansin kay Sam.

Lintek na buhay! Wala na akong ginawa kundi ang hanapin s'ya nitong mga nakakaraang taon. Nakakabagot na ah!

Sa sobrang inis ko, bumalik na lang ako sa suite.  Sambakol na ang mukha ko dahil inis na inis na talaga ako sa kanya; pagod napagod na ako sa paghalughog sa bawat sulok ng mundo para lang hanapin s'ya.

***

“Saan ka nanggaling?!”  Nakasimangot ako. Apat na oras na kasi akong naghihintay.  “Madilim na ah.”

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Bubuka na ang bibig n'ya para magdahilan, pero inunahan ko na ito para maibuhos ko ang sobrang pagkabuwisit ko sa kanya. 

“Hindi kita binabayaran para maglakwatsa!”

Nag-iba ng expression ng mukha n'ya.  Kung kaninang pag-pasok nito'y daig pa ang nalugi, ngayo'y kumunot na rin ang noo nito at pinamay-awangan ako.

“Ako? Naglakawatsa? Mabuti nga sana kung ganun!” Bulyaw n'ya sa akin.

“Puta! Kung hindi ka naglakwatsa eh saan ka nanggaling? Nanlalake ka na naman ano?! Ibang klase ka rin naman, dumayo ka pa rito sa Macau and to my expense!”  Mas nilakasan ko pa ang boses ko.

“Alam kong puta ako! Pero kailangan mo ba talagang ipangalandakan 'yan parati sa mukha ko?” Napapahikbi ito.

Huh?  Hindi naman 'yun ang ibig sabihin. Dahil nung sinabi ko yung, “Puta,” that was just to express my disgust.

“Sorry po senyorito” Umiiyak na ito nang tuluyan. “Naligaw po kasi ang putang ito kaya hindi ito nakabalik agad. Kung gusto n'yo, bawasan n'yo na lang ang bayad n'yo sa putang ito para hindi na kayo manghinayang sa ibinayad niyo!”

Dumiretso ito sa closet kung saan naroroon ang kanyang mga gamit.  Kinuha nito ro'n ang messenger bag na kinalalagyang ng 2.5 milyong pisong cash na ibinayad ko sa kanya at itinapon ang buong bag sa harapan ko.

“Heto na 'yung ibinayad mo!  Sa 'yo na lahat. Libre na lang yung nakaraang serbisyo ko. Uuwi na ako sa Pilipinas!” Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha n'ya.

Bumalik ulit ito sa closet at nag-umpisang mag-impake.

Shit!  This can’t be happening!

“Sam…sandali.” Ipinulupot ko ang mga braso ko sa baywang nya mula sa kanyang likuran at ibinaon ang mukha ko sa kanyang kaliwang leeg. Humahagulhol ito.  “I’m sorry Sam, nag-alala lang kasi ako. Ilang oras na kasi kita hinintay.”

Tahimik ito pero humihikbi pa rin.

“Ano ba ang nangayari?” Iniharap ko s'ya sa akin at iniangat ang baba n'ya para makita ko ang mukha n'yang basang-basa ng kanyang mga luha; pinunasan ko ito sa pamamagitan ng likod ng aking kanang kamay, “Bakit ka naligaw?  Saan ka ba nagpunta?”

“Gusto ko sanang pumunta sa mall para magpalipas ng oras, sumakay ako sa taxi, ang kaso nung magbabayad na ako, saka ko lang nadiskubre na naiwan ko pala rito sa suite ang wallet at cellphone ko. Dahil do'n napilitan akong ibayad na lang do'n sa taxi driver yung hikaw ko.  Ang kaso...nasiraan naman ang lecheng taxi n'ya nung pabalik na kami kaya...”

“Kaya?”

“I walked 7 miles from there to here, ang masaklap pa, naligaw ako. Kung saan-saan ako napunta.  Wala namang magpasakay sa akin kasi wala naman akong dalang iba pang valuables na pwede kong ibayad. Puro blisters na nga itong paa ko oh.”

Ipinakita n'ya ang blisters niya sa magkabilang paa and ouch! Ang dami.  Ang sakit siguro no'n.  My poor Sam.

Niyakap ko s'ya nang mahigpit na mahigpit.

“Forgive me Sam.  I’ll do anything, mapatawad mo lang ako.”  Bulong ko sa kanya.

“Hmp.” Nakanguso n'ya akong itinulak.  “Pakainin mo muna ako, Karl, gutom na gutom na ako eh.”

“Ganun ba? Sige. Pero, gusto mo bang kumain sa labas o umorder na lang dito?”

“Utang na loob Karl, ayoko na munang lumabas, pagod na pagod na ako sa kalalakad.  Kung pwede umorder ka na lang dito.  Maliligo lang muna ako.”

“P'wede naman kasi kitang buhatin dito sa likod ko kung gusto mong kumain sa labas.”  Nakangisi ako.

“Weh?  Ano tayo? Mga Koreano sa Koreanovela?  Wag na Karl, dito na lang.”

“Anong gusto mo?”

“Kahit ano Karl, kahit hindi masarap, basta’t nakakabusog.”

Natawa ako. Naalala ko kasi noong mga bata pa kami. Noong magkapitbahay pa lang kami. Noong bago pa magpakasal ang aming mga magulang.  Madalas s'yang pabayaan ng Mama n'yang nag-iisa sa bahay na wala man lang iniiwang pagkain para sa kanya.  Kaya nakasanayan ko na ang alukin s'ya ng pagkain.  At kapag tinatanong ko s'ya, ganun lagi ang sagot niya… 

Kahit ano.  Kahit hindi masarap.  Basta’t nakakabusog.

"Kailangan mo ba ang serbisyo ko ngayon gabi?"

Katatapos lang naming kumain.  Alam ko ang ibig n'yang sabihin.  Pero hindi na lang ako nagsalita.

"Sobra kasi ang pagod ko ngayon Karl, p'wede bang magpahinga muna ako kahit sandali?" 

Hindi ko alam kung ano ang meron sa sinabi niya pero tila kinurot nito ang puso ko.  Ibig sabihin pala, kahit pagod na pagod s'ya, ibibigay pa rin n'ya kung hihingiin ko dahil pakiramdam n'ya, obligasyon n'ya ang ibigay sa akin ang kanyang sarili kahit hindi na n'ya kaya.

Nilapitan ko ito at sinapo ang kanyang mukha.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Sam, take all the rest you need.  I am not going to ask for it."  Kinuha ko 'yung bag na itinapon n'ya kanina na nakapatong lang sa side table ng kama. Iniabot ko ito at, "Heto.  Sa 'yo na ito. May utang pa nga akong kalahati hindi ba?"

Tiningnan muna n'ya ang bag, bago ibinaling ang tingin sa akin.

"H'wag na Karl.  Ayoko naman talagang magpabayad sa 'yo.  Pero sorry, hindi ko na maibabalik 'yung ibinayad mo sa akin dati. Ibinayad ko na kasing lahat 'yun sa mga pinakakautangan ko."

Hindi n'ya kinuha ang bag.  Iniwan n'ya akong nakatulala.  Nagtungo lang ito sa kama at agad humiga. 

God!  Paano ba ako mag-uumpisa?  How can I make our situation straight?

Tinabihan ko s'ya.  Tumagilid s'ya patalikod sa akin.  Ipinulupot ko naman ang braso ko sa kanyang baywang, saka ko isinubsob ang mukha ko sa kanyang batok.

"I love you, Sam."  Bulong ko. Nakakahiya man, umiyak na ako. Hindi ko kasi alam kung pa'no ko sisimulang ipaliwanag sa kanya ang puno't dulo ng aming hindi pagkakaunawaan.

Hindi s'ya umimik bagama't nauulinigan kong umiiyak din ito. Nadidinig ko ang mahinang singhot n'ya, maging ang paghikbi n'ya.

"H'wag mong sabihin yan, Karl." Mahinang sambit n'ya, "patapon ang buhay ko. Marumi na akong babae.  Isa akong basura.  Hindi mo dapat minamahal ang isang basura.”

[ITUTULOY]

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.1M 84.7K 38
"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga...
4.5K 448 40
BriDenOfficialll is the name of a social media account that reads and writes commentaries about manga, manhwa, manhua and novels. The owners of the p...
1M 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...